Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan 5

Masarap at
Masustansyang Pagkain
para sa Pamilya!

Ikalawang Markahan – Modyul 8: W8


PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Naisasagawa ang paghahanda at pagluluto ng pagkain

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi


muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang
mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at
konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin
Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

2
ARALIN : PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN

INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

 Natutukoy ang iba;t ibang paraan ng paghahanda at pagluluto ng pagkain.


 Naihahanda nag mga sangkap sa pagluluto.
 Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.


________1. Magluluto ka ng tinola,alin ang angkop mong gamitin kung maghihiwa ka
ng sayote?
A. kutsilyo at sangkalan C. peeler sangkalan
B. kutsilyo at salaan D. salaan at peeler
________2. Paano ginagawa ang paggigisa?
A. Niluluto ang pagkain sa maraming mantika
B. Niluluto ang pagkain sa tubig
C. Niluluto ang pagkain sa ibabaw ng nagbabagang uling
D. Niluluto ang pagkain sa kaunting mantika kasama ang bawang,
sibuyas, at kamatis
________ 3. Ano ang kasangkapang gagamitin mo kung ikaw ay magluluto ng puto o
leche flan?
A. kaldero C. pasingawan
B. kawali D. oven
_________ 4. Anong luto ang maaaring gawin sa natirang ginisang toge upang maiba
ang lasa?
A. inihaw C. pritong lumpia
B. nilaga D. sarsiado
_________ 5. Kung nais mong maggisa, ano ang dapat gawaing kamay ang gagawin
mo sa bawang?
A. pagbabalat C. pagdidikdik
B. pagtatalop D. paggagadga

3
BALIK-TANAW
Panuto: Magtala ng mga salik sa pagbabalak o pagpaplano ng pagkain ng
pamilya.

Mga Salik sa
Pagbabalak ng
Pagkain

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Sa paghahanda ng mga sangkap ng lulutuin ,may mga kasanayang mahalagang


matutunan upang makatulong sa maayos na paghahanda ng pagkain at pagpapanatili
ng sustansya nito. May mga gawaing kamay sa paghahanda ng mga sangkap sa
pagluluto na kailangang matutunan dahil ito ay magagamit sa pang araw-araw na
pamumuhay. Ang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kamay na ito ay magagamit
ng mga mag-aaral upang makatulong sa magulang sa paghahanda ng pagkain ng
pamilya.
May iba’t ibang paraan ng pagluluto na dapat matutunan ng mga mag-aaral upang
makatulong sa magulang sa pagluluto ng pagkain ng mag-anak.Sa pagluluto ng
pagkain, kailangang sumunod sa mga pangkalinisan at pangkalusugang gawi upang
maging matagumpay at makaiwas sa sakuna. Siguraduhin na angkop ang mga
sangkap at kagamitang gagamitin sa pagluluto. Ang pagluluto ng pagkain ay
isinasapuso at sinasamahan ng pagmamahal upang mas lalong maging masarap ang
pagkain ng pamilya.

4
MGA GAWAIN 1

Gawain 1: Ating tuklasin!


Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng paghahanda ng pagkain.
Panuto: Sa tulong ng larawan ating tuklasin ang iba’t ibang gawaing kamay sa
paghahanda ng pagkain.. Hanapin sa ibaba ang paraan kung paano isinasagawa ang
mga nakalarawan.Isulat ang letra kung paano ito isinasagawa.

__1.Pagtatalop- ___2.Pagtatadtad ___3.Pagbabalat ___4.Paghihiwa


_______

___5.Pagdidikdik __6. Paghihimay ___7.Pagsasala

A. Pag-aalis ng balat ng gulay o prutas sa pamamagitan ng kutsilyo o peeler


B. Pag-aalis ng balat ng gulay o prutas gamit lamang ang kamay.
C. Pagliliit sa pagkain gamit ang kutsilyo at sangkalan. Maaaring pahaba,
pabilog o pahilis.
D. Paghihiwalay ang laman sa buto upang maging maliit ang laman ng pagkain,
E. Pagpapaliit ng pagkain tulad ng sibuyas,kintsay, at karot na kailangang
pinuhin.
F. Pagdudurog ng mga pagkain tulad ng bawang gamit ang almires.
G. Paghiiwalay ng likido sa katas o sabaw sa pira-pirasong laman ng pagkain sa
pamamagitan ng kolander o salaan

5
Gawain 2: Anong luto ito?
Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ng pagkain.
Panuto: Anong paraan ng pagluluto ang angkop sa mga sumusunod? Hanapin sa
kaserola ang tamang sagot.

1.kanin- 6. buong karne ng manok -


2. puto - 7. sinigang –
3. daing na bangus - 8. chopsuey -
4. pandesal - 9. leche flan -
5. barbecue - 10. tinola -

pag-iihaw paglilitson pagpiprito


paglalaga pagpapasingaw
pagsasangkutsa paghuhurno paggigisa

Gawain 3: Tayo nang magluto !


Layunin: Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.
Panuto: Sa gabay ng ina o nakatatanda sa bahay magluto ng isang putahe. Maaaring
gawin ang mungkahing resipe o pumili ng pagkaing iluluto mula sa ginawang plano ng
pagkain o menu sa ikapitong modyul. Kuhanan ng video o larawan ang pagluluto at
isend sa guro.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa
1. Maghugas mabuti ng kamay, magsuot ng apron, hairnet at face mask bago
maghanda T magluto ng mga pagkain.
2. Ihanda rin ang mga gagamiting kasangkapan at mga sangkap sa pagluluto.
Tiyakin na nahugasang mabuti ang mga sangkap.
3. Ayusin ang mga sangkap ayon sa putaheng lulutuin..
4. Unahing balatan o hiwain ang mga di nagbabagong kulay o nangingitim na mga
pagkain.

6
5. Bantayan ang niluluto upang maiwasang ma-overcook o masunog ang pagkain at
pagmulan ng sakuna.

Putserong Baboy

Mga sangkap:
1 kilo ng karne ng baboy ½ tasa tomato sauce
¼ kilo repolyo 2 kutsarang mantika
¼ kilo petsay 1 kutsarang atsuwete
1 malaking kamote ¼ kutsarang paminta
3 saging na saba 4 tasang
1 latang beans asin

Paraan ng Pagluluto:
1.Pakuluan ang baboy sa tubig at asin.
2. Hugasan ang mga gulay, talupan at hiwain.
3. Iprito ang karne ng baboy, saging at kamote.
4. Igisa ang bawang,sibuyas,at baboy.
5. Ilagay ang atsuwete at tomato sauce. Isama ang sabaw at pakuluan.
5. Ilagay ang petsay at repolyo at hayaang maluto.
6. Isama ang iba pang sangkap. Timplahan ng asin ayon sa panlasa.

TANDAAN

 Ang mga paraan ng paghahanda ng pagkain ay pagbabalat, pagtatalop,


paghihiwa, paghihimay, pagtatadtad, pagsasala at pagbabati, at pagdidikdik.
 Ang iiba’t ibang paraan ng pagluluto ay pagpapakulo o paglalaga, pagpiprito,
paggigisa, pag-iihaw, paglilitson, paghuhurno, pagpapasingaw, at
pagsasangkutsa.,

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Panuto; Sagutin ang mga katanungan.


1. Bakit mahalaga na sundin ang mga alituntunin sa paghahanda at pagluluto ng
pagkain?_________________________________________________________
2. Paano makatutulong ang kasanayan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain sa
pamilya?_________________________________________________________
_____________________________________________

7
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot..

______ 1. Kung isasama mo ang katas ng ulo ng hipon sa ginisang gulay, ano ang
unang dapat gawin sa ulo ng hipon?
A. dikdikin C. himayin
B. katasin D. gadgarin
_____ 2. Magluluto si Nanay Dulce ng Lumpiang toge, anong paraan ng pagluluto ang
gagawin nya?
A. paglalaga at paggigisa C. paggigisa at pagpiprito
B. pag-iihaw at paggigisa D. paglalaga at pagsasangkutsa
______ 3. Maggigisa ng gulay si Alex, anu-ano ang mga pangunahing sangkap na
kailangan niya?
A. sibuyas at kamatis C. bawang at kamatis
B. sibuyas,bawang, kamatis D. luya at kamatis
______ 4. Nais ni May na magnegosyo ng puto dahil nabasa niya na madali itong
gawin.
Anong paraan ng pagluluto ang ginagawa sa puto?
A. Paglalaga C. Pagpapakulo
B. Paggigisa D. Pagpapasingaw
______ 5. Paborito ni Coleen ang ulam na menudo,sa anong paraang kaya ito niluluto?
A. Pagsasangkutsa C. Paggigisa
B. Pagpiprito D. Pagtutusta

PAGNINILAY (Pagbuo ng katauhan )

Itala ang iyong naramdan o natutunan sa ginawang pagluluto para


sa pamilya.

8
SANGGUNIAN

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan


Adriana Publishing
Susana V. Guinea et.al
K to 12 Curriculum 2017 Edition
Olivares, Reyes, Aragon

Maunlad na Pamumuhay
Rex Bookstore Inc.
Herminia E. Alviar et al.

MANAGEMENT AND DEVELOPMENT TEAM


Schools Division Superintendent : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor : Aida H. Rondilla
CID Education Supervisor : Carmelina D.M. tan
CID LR Supervisor : Lucky S. Carpio
CID LRMDS Librarian II : Lady Hannah C. Gillo
CID LRMDS PDO II : Albert James P. Macaraeg

Editor : Fe B. Bele
Writer : Maria Leonora C. Figueroa

SUSI NG KASAGUTAN
10. pagsasangkutsa 5. pag-iihaw
9. pagpapasingaw 4. paghuhurno
8. paggigisa 3. pagpiprito
7. paglalaga 2. pagpapasingaw
6. paglilitson 1. paglalaga
Gawain 2:
4. C
7. G 3. B
6. D 2. E
5. F 1. A
Gaawain 1:

panahon sa pagluluto, kasangkapang gagamitin, kaalaman sa pagluluto


Badyet, bilang ng kasapi ng pamilya, sustansyang kailangan ng katawan, relihiyon,
Balik-tanaw:
1. A 2. D 3. C 4. C 5. C
Unang Pagsubok:

You might also like