3 - Panahon NG Kastila PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 67

Kabanata III:

Panahon ng Kastila
MA. BEATRIZ H. LAZARTE
Mga Katangiang Pampanitikan ng Panahon:
• nagpapatungkol sa
Paksain relihiyon.

Akda
• huwad, tulad o halaw sa anyo
• paksa o tradisyung Kastila

Kaanyuan at • Tula - tulang liriko, awit at kurido at ang


pasyon
Pamamaraan • Dula - duplo
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:
Ang Abecedario

Nang dumating ang mga Kastila, binago


Ang Romanisasyon nila ang ating sistema ng pagsulat. Sinunog nila
ng Alibata o Baybayin. ang lahat halos ng ating katutubong panitikang
Ang ibig sabihin ay nasusulat sa Alibata, kasabay ng kanilang
ang pagpapalit ng pagsunog sa sinasambang mga anito ng ating
mga letra o titik ng mga ninuno. Tinuruan nilang sumulat ang mga
Pilipino sa pamamagitan ng palatitikang Romano
alpabetong Romano
upang mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina
sa titik ng dating Christiana. Ang mga titik Romano gaya ng alam na
Alibata ng Pilipinas. natin, ay iba sa mga simbolong ginagamit sa
pagsulat sa wikang Hapon o sa wikang Intsik.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:
Ang Romanisasyon
ng Alibata o Baybayin.
Ang ibig sabihin ay
ang pagpapalit ng
mga letra o titik ng
alpabetong Romano
sa titik ng dating
Alibata ng Pilipinas.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:
Ang Romanisasyon Pansinin na sa dating 17 katutubong tunog sa
ng Alibata o Baybayin. matandang Alibata ay naparagdag ang mga
Ang ibig sabihin ay sumusunod upang maging 31 titik lahat.
ang pagpapalit ng
mga letra o titik ng Mga Patiniog: E at O
alpabetong Romano
sa titik ng dating Mga Katinig: C, F, LL, Q, V, R, Z, CH, J, Ñ, RR, X
Alibata ng Pilipinas.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:
Abono - Abono - Fertilizer
Wikang Kastila ang Alkansiya - Alcancia - Piggy Bank
naging wika ng Bangko - Banco - Bank
panitikan sa mga Baso - Vaso - Cup
unang panahon ng Banyo - Ba(enye)o - Bathroom
Bareta - Barreta - Bar
pananakop ng mga
Bentilador - Ventilador - Fan
Kastila kaya Bintana - Ventana - Window Pane
maraming salitang Kadena - Cadena - Chain
Kastila ang naging Kalye - Calle - Street
bahagi ng Wikang Kanto - Canto - Corner
Pilipino. Kutsilyo - Cuchillo - Knife
Kuwarto - Cuarto - Room
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:
Kuwarta - Cuarta - Money Pasilyo - Pasillo - aisle
Kristal - Cristal - Crystal Piko - Pico - Pick
Kwenta - Cuenta - Bill Palasiyo - Palacio - Palace
Kandado - Candado - Padlock Sarhento - Sargento - Sergeant
Kutsara - Cuchara - Spoon Seradura - Ceradura - Lock
Libro - Libro - Book Sinturon - Cinturon - Belt
Luho - Lujo - Luxury Tinidor - Tenedor - Fork
Miryenda - Merienda - Snack Tuwalya - Toalla - Towell
Parol - Farol - Lantern
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:

Dumating at itinuro ang


Pumasok ang mga alamat,
Doctrina Christiana na
awit at korido na galing sa
siyang pinagmulan ng
Europa kaya likas na
mga gawaing
nakarating dito ang mga
tradisyung Europeo. panrelihiyon dito sa
Pilipinas.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:

Naisalin ang Nailimbag at nalathala


ang iba't ibang aklat na
matandang
pangwika sa Tagalog,
panitikang Tagalog sa Ilokano, Bisaya at iba
iba't ibang wikain. pang wikain.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Pilipino:

Pumasok ang tema o


paksang relihiyon sa
lahat ng anyo ng
panitikang Pilipino
noong panahong iyon.
May pa tula man o tuluyan ang panitikan sa panahong ito,
ito'y pumapaksa sa tatlong bagay:

Kaganda-
Pangwika Panrelihiyon
hang-asal
Mga Akdang Pangwika
Pambarila
• “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni
o Francisco Blancas de San Jose (1610)
Panggramatika

Diksyunaryo • “Arte y Diccionario de Tagala” ni


o Padre San Juan de Placencia (1581)
Bokabularyo
Mga Akdang Pangkagandahang-Asal

“Arte y Reglas de
la Lengua Tagala”
ni Francisco
Blancas de San
Jose (1610)
Mga Akdang Pangkagandahang-Asal
“Arte y Ang sumunod na sumulat ay si Padre de
Plasencia, isang Franciscano. Siya ang binigyan
Diccionari ng karangalang unang nakasulat ng "Arte y
o de Diccionario de Tagala" (1581). Subalit nanatili
lamang itong manuskrito.
Tagala” ni
Padre San
Juan de
Placencia
Mga Akdang Pangkagandahang-Asal
“Tandang Basiong
Macunat”

“Urbana at Felisa”
ni Padre Modesto de Castro
Mga Akdang Pangkagandahang-Asal
Gervasio "Bacio" Macunat – Isang matandang magsasaka na
nakatagpo ng tagapagsalaysay ng kuwento. Si Macunat ay kulang sa
Tandang ambisyon at tinatanggap lamanag ang kanyang lugar sa lipunan
bilang indio. Hindi maganda ang paningin niya sa edukasyon at mas

Basisong gugustuhing manatili sa kanyang bukid kasama ng kanyang kalabaw.


Pahayag niya na ang edukasyon ay taliwas sa ekspektasyon na ito, at

Macunat
isang pagrerebelde laban sa Diyos at sa Hari. Pinakasalan niya si Silia,
kung kanino siyang nagkaroon ng maraming anak. Ang kanyang ama
ay masunurin rin katulad niya at isang istriktong tao. Ikinuwento ni
Bacio ang isang kuwentong nasaksi ng kanyang ama ukol sa isang
binatang indio na nagngangalang Proper sa tagapagsalaysay.
Mga Akdang Pangkagandahang-Asal
Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay
“Urbana “Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si
Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang
at Felisa” magkapatid. Ang nakatatanda, si Urbana, ay nag-aaral sa
ni Padre isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, at ang mas bata, si
Modesto Feliza, ay nagnanais na matuto mula sa kaniyang kapatid
hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang
de Castro pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib
sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang
mga ito.
Mga Akdang Pangrelihiyon

• kauna-unahang aklat na

Doctrina nalimbag sa Pilipinas (1593)


• Wikang Kastila at Tagalog
Christiana • Fr. Dominggo Nieva OP at Fr.
Juan de Placencia
• Unang dasal
Mga Akdang Pangrelihiyon
• Pater Noster (Ama Namin)
• El Ave Maria (Aba Ginoong Maria)

Doctrina
• El Credo (Ang Pananampalataya)
• La Salve Regina (Aba Po Santang Mariang
Hari)

Christiana • Los Artikulos de la Fe (Mga Artikulo ng


Pananampalataya)
• Los Sacramentos de la Santa Madre Iglesia
(Pitong Sacramento Ng Simbahang
Katoliko)
I. Ang TULA sa Panahon ng Kastila

Dalit Pasyon

Awit at
Kurido
DALIT
Patulang dasal na papuri sa
mga santo at santa. Ginaganap
ito tuwing buwan ng Mayo.Pag-
aalay ng bulaklak ng mga bata
sa Mahal na Birheng Maria.
Dalit ni Maria
Namumuno:
Matamis na Birheng pinaghandugan
Kami nangangako naman pong mag-
aalay
Ng isang guinaldo bawat isang araw
At ang magdudulot yaring murang
kamay.
Dalit ni Maria
Mga Bata:
Tuhog na bulaklak sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo'y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa'y sa Iyo nananalig,
Na tatanggapin mo handog na pag-ibig,
Pasyon
Pagsasalaysay ng buhay,
pasakit at pagdurusa ni
Hesukristo sa paraang patula at
inaawit sa panahong Karesma.
Tinuturing na Bibliya ng mga
Pilipino.
Pasyon ni P. Mariano Pilapil
Adan, ang iyong asawa mahalin mo
tuwina at katawan mo rin siya sundin mo
anumang ola tungkol sa gawang
maganda at ikaw naman babae
sisintahin mong parati si Adan na iyong
kasi
susundin mo araw-gabi tungkol sa
gawang mabuti.
Pasyon ni P. Mariano Pilapil
Ngunit at ang palaaway
magpatalo gabi't araw punong
kinapopootan tuloy ikinapaparam
grasyag kamahal-mahalan
ikaw na anak na suwail walang munti
mong pagtingin sa ama't inang nag-
aangkin kung uutusan kang marahil
dumadabog, umaangil.
Awit at Korido

Ang awit May 12 pantig sa loob


ng isang taludtod. Ang musika ay
masigla o andante. Samantala ang
korido naman ay may 8 pantig sa
bawat taludtod at ang himig ay
mapanglaw o malungkot.
Awit at Korido
Ang salitang korido ay galing sa
salitang Mehikanong “occurido” na sa
kanila'y nangangahulugang
“kasalukuyang pangyayari”. Kung gayo'y
ang korido ay batay sa mga tunay na
pangyayari sa ibang bansa.
Samantala ang awit ay bunga lamang ng
haraya o imahinasyon ng may-akda.
Awit at Korido
Karaniwang pumapaksa sa:
- romansa, kabayanihan at Kristiyanismo.
- kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga
prinsipe at prinsesa na ang layunin ay
mapalaganap ang Kristiyanismo.
- paglalabanan at pagtatagumpay ng
Kristiyano laban sa mga alamat at
epiko ng nakaraang panahon sa Italya,
Espanya, Pransiya, Inglatera atbp.
Mga Bantog na Manunulat ng Awit at
Kurido
Francisco “Balagtas” Baltazar

Jose de la Cruz (Huseng Sisiw)

Ananias Zorilla
Francisco “Balagtas” Baltazar

Tinaguriang “Ama ng Panulaang


Tagalog” at Kiko
- Panginay, Bigaa, Bulacan noong
Abril 2, 1788
- Caton at Doctrina Christiana
- Colegio de San Jose at Colegio de
San Juan de Letran.
Francisco “Balagtas” Baltazar

Mga guro ni Balagtas:


- Jose de la Cruz (tula)
- Mariano Pilapil (pasyon)
Francisco “Balagtas” Baltazar

- Ma. Asuncion Rivera “Selya”


- Pandacan
- “Florante at Laura”
- Mariano Kapule “Nanong Kapule”

- Juana Tiambeng Y' Rodriguez


- Bataan
- 15 anak (Ceferino)
Jose de la Cruz
Huseng Sisiw
(1740-1829)

- Tondo, Maynila noong ika-20 ng


Disyembre, 1740.
- natuto ng wikang Kastila
- maindayog, malambing, maguni-guni
- Ibong Adarna (korido)
Bernardo Carpio (awit)
Ang Dula sa Panahon ng
• Moro-moro o Komedya
• Mga Dulang Ginaganap Sa Buwan Mayo
Kastila
• Mga Dulang Ginaganap Tuwing Mahal na Linggo
• Dulang Ginaganap Tuwing Pasko ng Pagkabuhay
• Dulang Ginaganap sa Araw ng Kaluluwa
• Dulang Ginaganap Tuwing Pasko
• Mga Dula-Tulang Ginaganap Tuwing May Paglalamay sa Patay
Moro-moro o Komedya

Dula na puno ng
pakikipagsapalaran, pagdanak ng
dugo at digmaan. Paglalabanan ng
mga Kastila sa mga Moore na
minsang sumakop sa Espanya at
nanirahan sa Hilaga ng Iverian
Peninsula.
Moro-moro o Komedya

- Hindi masyadong popular ang


dula sa Espanya.
- Mahometanong Malay
- Guerras Piracticas de Filipinas
- P. Geronimo Perez (1637)
Moro-moro o Komedya

- Isang pang komedya isinulat sa


taong 1750
- pagiging Kristiyano ni Ali Mudin
(Sultan ng Sulu)
Mga Dulang Ginaganap Sa
Buwan Mayo
Flores De Mayo
Pag-aalay ito ng mga
bulaklak at dasal sa Mahal
na Birheng Maria na
itinatanghal bilang dula ng
mga paring misyunero.
Flores De Mayo
Solo:
O, Mariang sakdal dilag
dalagang lubhang mapalad
tanging pinili sa lahat
ng Diyos Haring mataas.
Flores De Mayo
Koro:
Ito ang bulaklak na aming
alay,
sa aming pagsintang tunay,
palitan mo o Birheng Mahal,
ng tuwa sa kalangitan.
Tibag
Pumapaksa sa paghahanap
sa krus na pinagpakuan at
kinamatayan ni Hesukristo.
Si Fruto Cruz ang sumulat
ng Tibag.
Tibag
- Fruto Cruz
a. Pagtagumpay ng mga
Kristiyano sa mga Muslim (Haring
Constantino)
b. Pagtuklas ni Emperatris Elena
kasama ang kanyang anak na si
Constantino sa krus ni Hesus at
pagsauli nito sa kalbaryo.
Santa Cruzan

Halos makalimutan na ang


Tibag at napalitan ng santa
cruzan ang paghatid ng
kurus sa simbahan. Ito'y
isang marangyang parada
ng mga sagala at mga
konsorte na lumilibot sa
kalye.
Mga Dulang Ginaganap Tuwing
Mahal na Linggo
Senakulo
Ito'y isang dulang
pagsasalaysay ng buhay at
kamatayan ni Hesus at
masasabing parang
“pasyon” itinatanghal sa
entablado.
Penetencia

Ito'y tinatawag na walang


labis-walang kulang na
panggagaya kay Hesus.
Moriones
Ginaganap sa Marinduque,
makulay, dinarayo ng
turista tuwing Mahal na
Araw. Nag-aanyong
sundalo Romano. May
kinalaman kay Longinos.
Dulang Ginaganap Tuwing Pasko
ng Pagkabuhay
Salubong

Tuwing Pasko ng
Pagkabuhay ginaganap ang
seremonya sa pagsalubong
ng dalawang prusisyon.
Prusisyon ng Resurrection at
Prusisyon ng Mahal na
Birheng Maria.
Dulang Ginaganap sa Araw
ng Kaluluwa
Pangangaluluwa
Ibinibilang din itong
panrelihiyon na ibinibitay
sa isang kaugaliang paulit-
ulit na isinagawa dahil sa
paniniwala na ikinintal sa
kaisipan noong panahon
ng pananakop.
Dulang Ginaganap Tuwing
Pasko
Panunuluyan
Dulang makarelihiyon at
ginaganap tuwing Pasko.
Ipinapakita rito ang mag-
asawang Birheng Maria at si
San Jose sa paghahanap ng
kanilang matutuluyan.
Ninos Inocentes

Kaugnay din sa pagsilang ni


Hesus. Sadyang kakila-kilabot
ang diwa ng dulang ito
sapagkat ito ay nagpapakita sa
pagpatay sa mga bagong silang
na sanggol sa utos ng Haring
Herodes.
Mga Dula-Tulang
Ginaganap Tuwing
May Paglalamay sa
Patay

Pangaluluwa
Karagatan Duplo
Karilyo Sarswela
Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila

ANEKDOTA PLATIKAS SANAYSAY

MAIKLING
KUWENTO
NOBELA
Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila
ANEKDOTA - ang anekdota PLATIKAS - ang mga paltikas ay
mga sermon na humuhubog sa
noong panahong iyon ay mga kagandahang-asal. Ang katipunan
maiikling salaysay ng buhay na ng mahuhusay na sermon ni Padre
punung-puno ng mga aral na Modesto de Castro ay tin a w a g
niyang “Platikas Doctrinales”. Ito
karaniwang ginagamit ni pari ay binubuo ng 25 mahuhusay na
sa kanilang sermon. sermon ni P. Modesto de Castro
samantalang siya ay kura paroko
ng Kawit, Cavite.
Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila
S A N AY S AY - a n g m g a s a n a y s a y s a MAIKLING KUWENTO - nakilala ang
panahong ito ay sa anyo ng mga mga kuwento sa anyo ng mga
anekdota at liham. Ang liham ay isang lathalaing ang paksa ay buhay ng
uring akdang tuluyan na nagiging daan mga santo at santa na ipinakakalat
ng pag-uunawaan ng dalawang taong ng mga misyunerong Kastila.
magkalayo. Isang magandang halimbawa Ginawa nilang halimbawa ang
ng sanaysay sa anyo ng liham na nasulat buhay ng mga santo at santa na
sa panahong ito ay ang “Pagsusulatan ng nagpapakita ng labis na
Dalawang Binibini na sina Urbana at pagpapakasakit upang huwag
Feliza” ni P. Modesto de Castro. mahulog sa kasalanan at nang
hindi mapunta sa impiyerno.
Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila
NOBELA - ang nobela o Ang unang napatalang mahabang kasaysayang
kathambuhay ay tinawag panrelihiyon ay ang sinulat ni P. Antonio de Borja
ding mahabang na may pamagat na
kasaysayang tuluyan sa “Aral na Tunay Na Totoong Pag-aacay Sa Tauo Nang
panahon ng Kastila ay Mga Maloualhating Santos na si Barlaan at
nagsimulang malinang Josaphat”
pagkatapos sumipot ang na hinahango mula sa wikang Griyego ni San Juan
pasyon sa kasaysayan ng Damasceno.
panitikan noong 1704.
Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila
“Aral na Tunay Na Totoong Pag-aacay Sa Tauo Nang Mga Maloualhating Santos na si
Barlaan at Josaphat”

Orihinal na wika - Griyego ni San Juan Damasceno


Isinalin sa wikang Latin - Jacobo Biblio
Isinalin sa wikang Tagalog - P. Antonio de Borja

Ang aklat ay naipalimbag noong 1708 at 1712 at binubuo ng 40 kabanata.


Ang Tuluyang Anyo sa Panahon ng Kastila
NOBELA - ang nobela o NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO
kathambuhay ay tinawag Ang Noli Me Tangere ay inihandog sa kanyang
ding mahabang bayan samantala ang El Filibusterismo ay sa tatlong
kasaysayang tuluyan sa paring sina Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto
panahon ng Kastila ay Zamora.
nagsimulang malinang
pagkatapos sumipot ang
pasyon sa kasaysayan ng
panitikan noong 1704.
MALIKHAING PAGKUKWENTO
Panuto: Mag-isip ng isang malikhaing presentasyon ng pagsasalaysay ng
akdang inilaan

Pamantayan:
Kaangkupan at Kaayusan ng gawain- 10 puntos
Kawastuan sa Wika- 5 points
Pagkakaisa- 5 puntos
MALIKHAING PAGKUKWENTO
Ibong Adarna
Florante at Laura
Barlaan at josaphat
Noli Me Tangere
El Filibusterismo

You might also like