Professional Documents
Culture Documents
Q2 Ap Week1 Day2
Q2 Ap Week1 Day2
Q2 Ap Week1 Day2
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa
heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa
likas kayang pag-unlad
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at
gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang
Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.
C. Pinakamahalagang Kasanayan Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang ekonomiko ng mga likas
sa Pagkatuto (MELC) na yaman ng bansa
D. Pagpapaganang Kasanayan
II. NILALAMAN Aralin 1 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na
Yaman
III. KAGAMITANG PANTURO Mga Larawan: iba’t-ibang uri ng kapaligiran, hanapbuhay
A. Mga Sanggunian Kagamitan ng Mag-aaral, Gabay ng Guro, Internet
a. Mga Pahina sa Gabay
TG pp. 57-59
ng guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- LM pp: 127-131
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang Audio/Visual Presentations
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
e. Integrasyon ESP- Kahalagahan sa pangangalaga sa kalikasan
f. Dulog Constructivism
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Panimulang Gawain
(Panimula) Panalangin
Patalista
Balitaan- napapanahong balita sa bansa
Pagganyak
Lagyan ng tsek (✔) ang mga likas na yamang sagana sa ating bansa at ekis (X)
kung hindi.
____1. malilinis na dalampasigan
____2. mineral at ginto
____3. mga prutas at gulay
____4. matatandang babae
____5. makasaysayang lugar
B. Development Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Karaniwang umaasa ang Pilipino sa
( Pag-papaunlad ) mga likas na yaman upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ito ang nagdudulot ng
pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa.
1. Ano-ano ang mga kapakinabangang naibibigay ng mga likas na yaman ng
bansa tungo sa pag-angat ng ekonomiya?
Ang mga pakinabang pang ekonomiko ay nahahati sa tatlo ang mga ito ay ang
mga sumusunod:
1. pakinabang sa kalakal at produkto
2. pakinabang sa turismo
3. pakinabang sa enerhiya
C. Engagement Isulat sa graphic organizer ang tatlong pangunahing pakinabang pang-
( Pakikipagpalihan ) ekonomiko na naibibigay sa atin ng mga yamang likas.
Prepared by:
LUCHIE S. CABALIDA
Teacher I Checked by:
ALDRIN O. ROSOPA
Principal II