PT#1-Q4 - Radyo Patrol Balita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
CITY OF BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL-SALINAS
Mercury St., Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City, Cavite

PERFORMANCE TASK #1 SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ika-apat na Markahan

RADYO PATROL BALITA!

Panuto: Gumawa o humanap ng napapanahong balita sa kasalukuyan sa mga dyaryo, tv, radyo,
at internet. Pagpapangkat-pangkatin ang klase sa 5 para gumawa o magtanghal ng isang radio
broadcasting. Ito’y gagawan nila ng script at ito’y iuulat sa klase ng buong pangkat. Ang mga
pinuno ay magtataga ng bawat gampanin ng kasapi ng pangkat bilang (1) Scriptwriter, (3)
Radio News Anchors, (5) Radio Field Reporters at (1)Technical. Ang magiging palugit ng
kanilang balitaan ay hindi lalagpas sa 6 na minuto. Makakabuo rin ang bawat pangkat ng kani-
kanilang AM Radio Station at AM Radio Frequency. Layunin ng gawaing ito na tumuklas ng mga
mag-aaral may angking husay sa pagbabalita sa Filipino at maging mulat sa mga isyu at hamon
na nangyayari sa lipunan. Ang Radyo Patrol Balita ay huhusgahan ayon sa rubrik na nakalahad
sa ibaba.

Pamantayang sa Pagkatuto:
 Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamong panlipunan,
partikular ang isyung pangkapaligiran, mga isyung pag-ekonomiya tulad
ng ,globalisasyon, paggawa at migrasyon, isyung pangkasarian, at isyung pampolitika
tulad ng pagkamamamayan, karapatang pantao at pananagutang pansibiko na
kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon, gamit ang mga kasanayan sa
pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pagsasaliksik, mapanuring
pag-iisip, mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya
tungo sa mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig.

Mga kagamitan:
 Laptop / Cellphone / Tablet
 Mikropono
 Speaker
 Long Bond Paper (Size: 8.5 x 13”, Margin: Narrow, Font: Tahoma, Size: 11, Paragraph:
Justify)

Mga Uri ng Balita:


 Balitang Pambansa o National News (2)
 Balitang Pandaigdig o International News (1)
 Balitang Pampalakasan o Sports News (1)
 Balitang Panlibangan o Showbiz Update (1)
 Ulat-Panahon o Weather Update (1)

Ang isang balita ay sumagot sa anim na pahiwatig:

School: City of Bacoor National High School - Salinas


Address: Camella Homes, Salinas II-D, City of Bacoor, Cavite
Telephone No: (046) 434-8744
Email: 305686@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
CITY OF BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL-SALINAS
Mercury St., Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City, Cavite

1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.


2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.
3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.
4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.
5. Kailan – binabanggit ang petsa at oras.
6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Mga Mungkahi sa Mahusay na Pagsulat ng balita:

 Isang ideya bawat pangungusap.


 Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. 23-25 na salita lamang.
 Tiyaking maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan.
 Gumamit ng pandiwang nasa aktibong tinig (active voice).
 Gumamit ng simpleng salita.
 Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan Puntos Nakuhang puntos

Wastong pagsulat o pagbuo


20%
ng Script
Pagdedeliber ng ulat (Kalidad
ng boses, tamang pagbigkas,
angkop na ekspresyon, 30%
paglalahad ng datos /
impormasyon)
Nilalaman ng Balita 20%

Dating / Hikayat sa
15%
Tagapagpakinig

Daloy ng buong programa 15%

Kabuuan: 100%

Komento at Suhestiyon:

School: City of Bacoor National High School - Salinas


Address: Camella Homes, Salinas II-D, City of Bacoor, Cavite
Telephone No: (046) 434-8744
Email: 305686@deped.gov.ph

You might also like