Professional Documents
Culture Documents
Trogo - Linangin (Panitikan) (Aralin 6)
Trogo - Linangin (Panitikan) (Aralin 6)
LINANGIN (PANITIKAN)
I. LAYUNIN:
A. Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na dulang
pantelebisyon F7PD-IIIf-g-15
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Panitikan: Pagsusuri sa Dulang Pantelebisyon
Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita sa tindi ng pagpapakahulugan
2. Nasusuri ang isang dulang pantelebisyon gamit ang mga elemento nito
3. Nakabubuo ng sariling paraan sa paglinang ng kasanayan sa panonood upang
patuloy na magkaroon ng kamalayan sa lipunang ginagalawan
B. Sanggunian
Mapped MELCS Filipino 7
Filipino - Ikapitong Baitang
Panitikang Rehiyunal 7
C. Kagamitan
Mga Larawan, Powerpoint presentation, Sipi ng bidyo mula sa Youtube
D. Pagpapahalaga
Mapahalagahan at matukoy ang importansya ng dulang pantelebisyon bilang isang
paraan ng pagpapahayag ng at paglalarawan ng mga damdamin at mga pananaw ng
mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng isang lugar.
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi.
_______1. Ang tauhan sa dula ang naghahatid at nagbibigay ng mga diyalogo batay sa
nabuong iskrip.
______4. Ang pelikulang "Heneral Luna" at "GOYO: Ang Batang Bayani" ay mga pelikulang
nakaugnay sa historikal na konteksto.
______5. Sa pagsusuri ng isang dulang pantelebisyon, hindi mahalagang makita ang mga
larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran pati ang mga karanasang malapit sa
katotohanan.
2. Balik-aral
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin at sagutin ang mga tanong na
ibibigay ng guro.
Mga Tanong:
Panuto: Hanapin ang mga salitang nasa ibaba mula sa Word Hunt. Lagyan ng linya o
palatandaan ang mga salitang mahahanap.
2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Matapos mapanood ang trailer ng Heneral Luna, sagutin ang mga tanong na
ibibigay ng guro.
DULANG PANTELEBISYON
Alam mo ba na…
2. DAYALOGO - ang mga binibitiwang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita
at maipadama ang mga emosyon.
4. ISKRIP- ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Dito makikita ang banghay sa isang dula.
5. MANONOOD- ang nagbibigay halaga sa dula.
6. TANGHALAN- tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula.
Maaaring sa kalsada, isang silid, o tahanan
8. DISENYO - ang lahat na biswal na sangkap ng mapapanood kasama na ang set o tagpuan,
kostyum, make-up, props, at pati na ang “visual effects.”
Ano naman ang sosyo- historikal? Ito ay mula sa mga salitang sosyolohikal at
historikal.
Sosyolohikal– mahihinuha sa pananaw o teoryang ito ang kalagayang panlipunan nang panahong
isinulat ang akda. Makikita rito ang kalagayang panlipunan ng mga tauhan at kung paano ito
nakaaapekto sa kanilang gawi sa daloy ng akda.
Historikal– ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo
Ayon kay Reyes (2002) ay mahalagang makita rin sa pagsusuri ang kontekstong
Sosyolohikal/Historikal. Nangangahulugan itong sinasalamin rin ng mga dulang pantelebisyon ang
mga isyu o suliraning panlipunan. Na ang mga ito ay hindi lamang palabas na nakakalibang kundi
bunga rin ng kasaysayan at mga katotohanan sa buhay ng tao at lipunan.
5. Pagsasanay
A. Pamagat: ________________________________________________________________
B. Buod: __________________________________________________________________
C. Kalakasan: Itala ang magagandang katangian at bahagi ng napanood batay sa mga
elemento ng dulang pantelebisyon. __________________________________________
___________________________________________________________________________
D. Kahinaan: Ibigay ang iyong mungkahi sa mga napansin mong dapat pang pagbutihin sa
napanood. ________________________________________________________
___________________________________________________________________________
E. Kontekstong Sosyo-Historikal: Isa-isahin ang mga pangyayaring inilahad sa palabas na
may kaugnayan sa mga nagaganap sa kasalukuyan at maituturing na bunga o sibol ng ating
kasaysayan.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
F. Kaisipang Natutuhan: _______________________________________________________
___________________________________________________________________________
C. Paglalahat
1. Pagninilay/Sintesis
Panuto: Mayroong tatlong kulay ng papel at bawat kulay ay mayroong simbolo. Pipili
ang mga mag-aaral ng kulay batay sa kanilang naunawaan sa talakayang naganap sa
araw na ito. Pagkatapos, ididikit sa pisara ang mga ito at kailangang magkakasama
ang mga papel na pareho ng kulay.
2. Pangwakas na Pagtatasa
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi.
______1. Ang pelikulang "Heneral Luna" at "GOYO: Ang Batang Bayani" ay mga
pelikulang nakaugnay sa historikal na konteksto.
______4. Ang tauhan sa dula ang naghahatid at nagbibigay ng mga diyalogo batay sa
nabuong iskrip.
D. Kasunduan
Panuto: Isulat ang pamagat at buod ng paborito mong pelikula. Pagkatapos, gumawa ng
bagong wakas para sa pelikulang ito.
Pamagat:
Buod:
Bagong wakas: