Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Anissa Louriz D.

Panopio Subject: MAPEH

Grd./Sec.: XI-OSMENA DATE: February 4, 2022

DOKUMENTARYO (REACTION PAPER)


Ang aking pinanood na dokumentaryo na inihayag ni Kara David sa programang I-Witness na may
pamagat na Diskarteng bata. Labis akong naintriga at naliwanagan sa aking napanood na tungkol sa mga
batang nagnanakawa at nagtuturo sa kapwa din nilang bata na magnakaw rin. Kapag nakahawak sila ng
malaking pera ito ay ipapambili nila ng kanilang gusting pagkain. Uulit ulitin nila ito sa mga susunod na
araw kapag sila ay nasanay na at walang ibang pumupigil sa kanila. Ang kanilang mga magulang ay
walang magawang maayos na disiplina sa kanilang mga anak bagkus ito at kanilang pinababayaan. Isa sa
mga nahuli ay menor de edad ay ito naman ay dinla sa DSWD sapagkat ito wala pa sa tamang gulang.
Ako ay nalulungkot sa mga Nakita ko sapagkat ang magulang ang siyang dapat gumagawa nmg diskarte
at may obligasyon na bigyan ng magandang buhay ang kanilang anak lalo na sa kanilang murang edad
bagkus ang kanilang anak pa ang ang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng laman ang tiyan, at
huwag mamatay sa gutom kahit na sa masamang paraan. Dapat binibigyang pansin ang ganitong mga
problema lalo na ang ganitong mga kaso ay patuloy na tumataas. Hindi dapat pibabayaan ang mga
gantong pangyayari at dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga magulang sa wasto at
responsableng pagaalaga sa kanilang mga anak. Ang kahirapan ay isa sa mga pinakamahirap na
problemang dapat bigyan ng solusyon hanggat hindi lahat tau nagtutulungan.

You might also like