Ropa, Glysa Jane - Sintesis 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Glysa Jane Ropa Bachelor of Arts in History

4-2
Philippine Ethnic Histories Prof. Alvin
Pingul

SINTESIS 2

Maipapakita ang kasaysayan ng iba't ibang katutubong grupo sa rehiyon ng Hilagang


Luzon sa Pilipinas sa pamamagitan ng tatlong librong inprinesenta ng mga tagapagbalita sa
linggong ito. Sa sintesis na ito, maipapakita ang mga konseptong nagdurugtong sa tatlong
libro tulad ng heograpikal na pokus, prosesong ginamit upang makuha ang mga resulta, at
karanasan ng mga katutubong grupo sa kamay ng mga kolonisador. Sa kabilang banda,
mayroon din namang pagkakaiba ang mga ito tulad ng sakop na panahon at iba’t-ibang
pagtingin sa mga katutubong grupo ng Hilagang Luzon. Ang sintesis na ito ang magiging
gabay upang mas maunawaan ang kasaysayan, kultura, pagtatagpo ng kolonyal na
kapangyarihan at katutubo sa Hilagang Luzon, kahit na iba-iba ang pagtingin at
pamamaraang ginamit ng mga may akda.

Ang librong isinulat ni Felix M. Keesing na The Ethnohistory of Northern Luzon ay


isang mahalagang akda na nagsasaliksik sa kultura at historikal na pag-unlad ng iba't ibang
katutubong grupo sa rehiyon ng Hilagang Luzon ng Pilipinas. Gumamit si Keesing ng
etnograpikong pananaliksik at antropolohikal na pagsusuri upang mas malalim na
maunawaan ang kanilang lipunan, sistema ng paniniwala, mga ritwal, lengguwahe, at
interaksyon sa loob at labas ng komunidad, partikular na sa pagitan ng mga kolonisador.
Nakatuon ang kaniyang pag-aaral sa magkakaibang mga katutubong grupo tulad ng Ifugao,
Igorot, Kalinga, Bontoc, at iba pang maliliit na pamayanang etniko.Binigyang-diin niya ang
kahalagahan ng agrikultura, ritwal, at tradisyunal na pamamahala sa loob ng mga grupong ito.
Ipinakita rin sa akda kung paano sumagot ang mga katutubong grupo sa kolonyalismo ng
mga Espanyol, sa paraan ng paglaban at pagtanggap, at kung paano ang mga pagsagot na ito
ang naging daan upang mabago ang mga kasanayang pangkultura ng mga katutubong
komunidad. Kaugnay nito, makikita rin sa akda ni William Henry Scott na The Discovery of
the Igorots: Spanish Contacts with the Pagans of Northern Luzon ang interaksyon sa pagitan
ng mga mananakop na Espanyol at mga Igorot, katutubong grupo na naninirahan sa
kabundukang bahagi ng Hilagang Luzon. Katulad ni Keesing, sinaliksik din ni Scott ang mga
kultura at tradisyon ng mga Igorot bago at pagkatapos ng pagtatagpo sa mga kolonisador.
Binigyang pokus din ni Scott ang mga motibasyon ng Espanyol sa pagsakop sa pamamagitan
ng pag-aaral sa mga historikal na rekord ng mga Espanyol. Makikita naman sa akda ni Pedro
V. Salgado na The Ilongots, 1591-1994 ang mga pagbabago sa kasaysayan, kultura,
tradisyon, at mga panlipunang transpormasyon ng mga Ilongot, isang katutubong pangkat na
naninirahan sa Hilagang Luzon mula sa pananakop ng mga Espanyol noong 1591 hanggang
sa ika-20 siglo. Ipinakita ni Salgado kung paano nakaapekto sa lipunang Ilongot ang mga
panlabas na impluwensya, gaya ng kolonyalismo, kalakalan, at modernisasyon.

Mula sa tatlong librong nabanggit, mabubuo natin ang kasaysayan ng mga katutubong grupo na
nagmula sa Hilagang Luzon. Gumamit ang mga may-akda ng iba’t-ibang metodolohiya sa pag-
aaral ngunit may pagkakatulad pa rin ang mga resulta ng mga pananaliksik. Binigyang-diin ng
mga libro ang pagbabagong naganap sa loob ng pamayanan ng mga katutubo na mauugat sa
kolonyalismo ng mga Espanyol. Sa kabuuan, ang tatlong librong ito ay malaki ang ambag sa
kasaysayang etniko ng Pilipinas, partikular na sa Hilagang Luzon.

You might also like