Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Kalamidad sa Pilipinas

Ang kalamidad ay isang pangyayaring nagdudulot ng malawakang pinsala sa mga ari-arian at


kabuhayan. Nagdadala rin ito ng pagkatakot at paghihirap sa mga tao at sa buong lugar na
tinatamaan nito. Ang kalamidad ay maaaring idulot ng tao o ng kalikasan.

Kalamidad na dulot ng mga tao

 Ito ay mga kalamidad na dulot ng kapabayaan o pagwawalang-bahala ng mga tao sa


mapanganib na mga bagay.
 Halimbawa: malawakang pagkalason o pagkamatay dahil sa mga kagamitang nukleyar.

Kalamidad na dulot ng kalikasan

 Ito ay mga kalamidad na bunga ng pagbabago ng takbo ng kalikasan dulot ng pagkasira


ng atmospera, pagbabago ng klima, at iba pang malaking pagbabago sa daigdig.

1. Pagbagyo - Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, nagtataglay ng marahas at


malakas na hangin, at may dalang mabigat na ulan. Ang pagbagyo sa Pilipinas ay nakaaapekto
sa bansa nang dalawampung beses kada taon.
2. Pagbaha - Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at
walang tigil na pag-ulan. Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng
tubig.

3. Paglindol - Ang paglindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa dulot
ng mga natural na gawain sa ilalim nito.
4. Pagputok ng bulkan - Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang nagbabagang
tunaw na materyales mula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dulot
na rin sa puwersa na nasa ilalim nito.

5. Tsunami - Ang tsunami ay malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat


tulad ng paglindol at pagsabog ng bulkan.
6. Daluyong-bagyo - Ang daluyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang
pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

7. El Niño - Ang El Niño ay tumutukoy sa abnormal na pag-init ng temperature sa ibabaw ng


dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.

8. La Niña - Ang La Niña ay kabaliktarang kondisyon ng El Niño. Ito ay tumutukoy sa paglamig


ng panahon na nakapagdudulot naman ng pagkakaroon ng maraming bagyo.

You might also like