Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

(ISANG SANAYSAY)
“Sa iyong mga paglalakbay ay sikapin mong matuto, Maging bukas at igalang ang
pagkakaiba-iba ng tao.’’

Ako si Rebecca,labing anim na taong gulang,anak ng mag-asawang OFW na kapwa


nagtatrabaho sa Barcelona,Espanya.Walong taon na rito sina nanay at tatay subalit ito palang
ang unang paglalataong naisama nila ako.Nagkataonkasing nagbago ang SCHOOL
CALENDAR ng unibersidad na papasukan ko. Sa halip na sa kasanayang hunyo ay sa buwan
ng Agosto pa magbubukas ang klase kaya sinamantala namin ang mahaba-habang bakasyon
mula Abril hanggang huling lingo ng Hulyo upang sa halip na sila ang umuwi sa pilipinas ay ako
ang pinapunta nila sa Barcelona, isa sa pinakakilalang lungsod ng espanya.
Sa isang malaking hotel sa Barcelona nagtatrabaho ang aking magulang. Bagi pa ako
dumating ay inayos na nila ang orasng kanilang pagpasok upang lagi akong may kasamang isa
sa kanila. Magkaiba ang kanilang SHIFT sa trabaho subalit nagawan nila ng paraang tuwing
Sabado at Linggi ay maging libre sila pareho para makasa ako. Dahil dito, napasyalan naming
ang magagandang lugar sa lungsod ng Madrid,Seville,Toledo,at Valencia. Sa apat na buwan ng
pamamalagi ko sa espanya at pamamsyal namin sa iba’t ibang lungsod ditto ay marami akong
natutuhan at naranasan sa kanilang mga kaugalian,kultura,at tradisyon.

KLIMA AT PANAHON
Sa mga unang buwan ng aking pagbisita (Abril hanggang Hunyo) ay naranasan ko ang
katamtamang panahon.Subalit sa buwan ng Hulyo gayundi daw sa buwan ng Agosto (na
hindi ko na inabot) na itinuturing na tag-init sa kanila ay sadyang napakainit na
panahong maihahambing sa ating nararanasan sa pilipinas sa mga buwan ng Marso at Abril. Sa
mga panahong ito’y napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya lalo na sa lungsod ng
Barcelona upang mapasyalan ang magagandang dalampasigan nasa baybayin nn dagat
Mediterranean.

KULTURA AT TRADISYON
Isa sa ipinagmamalaki ng mga Espanyol ay ang kanilang mayamang kultura at tradisyon
nag-uugat pa sa malayong nakaraan. Napakarami nilang museo at teatro kung saan
masasalamin ang kanilang kasaysayan. May mga araw at Oras silang nakalaan para sa libreng
pagpasok sa mga museo. Halimbawa, napasok naming nang libre ang Reina Sofia sa
Madrid, isang museong tanyag sa buong mundo.Libreng nakapasok ditto ang publiko sa mga
araw ng Lunes,Miyerkoles, Huwebes,at Biyernes mula ikapitong hanggang ikasiyam ng gabi.
Libre rin ang pagpasok dito mula 2:30 ng hapon kapag araw ng sabado at kapag linggo,libre ito
mula umaga hanggang 2:30 ng hapon. Sa pamamasyal namin sa ibat-ibang museo nakita
ko ang obra maestra ng mga tanyag na alagad ng sining tulad nina Salvador Dali,Pablo
Picasso,Joan Miro,Antoni Tapies,at iba pa.Ang isa pang tanyag na museong napasok din
naming nang libre ay ang NATIONAL ART MUSEUM OF CATALONIA kung
saan ang gusali pa lang ay kahanga hanga na. Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang
pagsasagawa ng BULLFIGHT kung saan ang mga lalaki ay nakikipagtagisan ng lakas sa isang
toro gayundin ang pag sayaw ng FLAMENCO, na labis kung
nagustuhang panoorin dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw na tila
nakaangat sa hangin at hindi lumalapat sa sahig.

ANG MGA TAHANAN AT GUSALI


Ang isa sa pinakamagandang bagay na nakita ko sa Espanya ay ang kanilang
mga gusali.Marami narin ang makabagong tahanan at gusaling naitayo pa noong gitnang
panahon at nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng kanilang lugar. Ilan sa mga ito ang
Palacio Real sa Madrid,ang Toledo’s Ancient Rooftops sa Toledo, isa sa pinakamatandang
lungsod sa espanya kung saan matatagpuan ang mga lumang bahay at makasaysayang mga
gusali,at ang hindi pa natatapos na Basilica de la Sagrada Familia,isang UNESCO World
Heritage Site na sinasabing sinimulang gawin sa pamumuno ng tanyag na arkitekong si Antoni
Gaudi noon pang 1883.Ang mga lumang gusaling dinisenyo rin ni Gaudi sa Barcelona tulad ng
Casa Vicens,Casa Batllo,Guell Pavilions, at iba pa ay isa-isa rin naming pinasyalan.Ang bawat
gusali ay may taglay na. Kasaysayang maiuugnay sa kasaysayan ng lungsod at maging ng
bansa.

WIKA
Ang kanilang wikang pambansa ay Spanish o Castilian na tinatawag naman nating
Espanyol. Mayroon din silang ilang Diyalektong ginagamit ng ilang pangkat tulad ng
Galician,Catalan,at Basque. Ang ingles ay nauunawaan ng ilan subalit ang
Pagsasalita nito ay hindi gaanong laganap. Sabi ng aking magulang, mas kakaunting Espanyol
daw ang nakapagsasalita ng English kompara sa mga ibang bansa sa Europa.Gayunpaman,sa
hotel kung saan sila nagtatrabaho ay mahuhusay sa English ang kanilang mga katrabahong
Espanyol dahil ang karamihan sa kanilang bisita ay mga turistang mula sa iba’t ibang panig ng
mundo. Kung titira ka ng matagalan sa bansang ito ay kailangan mong matuto ng wikang
espanyol dahil ang halos ng mababasa tulad ng mga salitang bano,calle,ventana,coche,at iba
pa. Nasakop nga pala nila tayo sa loon ng mahigit tatlongdaang taon kaya naman marami
silang naging impluwensiya sa ating kultura kasama na ang sa ating wika.

RELIHIYON O PANANAMPALATAYA
Ang isa sa mga bagay na kapansin pansin sa Espanya ay ang pagkakaroon ng
naglalakihabg simbahang katoliko sa halos lahat ng dako kaya’t ang dayuhang manggagawa
tulad ng aking magulang na naghahanap ng masisimbahan ay tiyak na hindi mahihirapan.
Nakararami parin sa mga Espanyol ang katoliko na nasa humugit-kumulang 80% hanggang
90% ng populasyon subalit marami na ring ibang relihiyon o pananampalataya ang laganap dito
tulad ng Islam at ng ibang pananampatayang Kristiyano gaya ng mga Protestante, Jehovah’s
Witnesses, Mormons at iba pa. Gayunpaman, sa aming pagsisimba ay napansin kung di tulad
sa ating bansa, hindi napupuno ang mga simbahan ayon sa aking magulang, kahit na Malaki
ang bilang ng mga katoliko ay marami sa kanila ang hindi regular na nagsisimba at
nagsasagawa lamang ng mga ritwal ng simbahan tulad ng pagbibinyag, pagpapakasal, at
pagbabasbas sa namatay.

ANG KANILANG PAGKAIN AT IBA PANG KAUGALIAN


Kung may isang bagay na labis naiiba o natatangi sa mga Espanyol, ito ay ang kanilang
mga kaugaliang kaugnay ng pagkain. Ang kanilang almusal na tinatawag nilang El Desayuno ay
karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. magaan lang ito dahil sa bandang ikasampu o
ikalabing-isa ng umaga ay muli silang kakain. Karaniwang tapas ang kinakain nila sa oras na
ito. Ang tapas ay mga pagkaing nakalagay sa maliliit na lalagyan tulad ng platito na maaring
damputin lang (fingerfood) tulad ng pritong maliliit na pusit, tinapay na may nakapatong na
kamantis at keso, nakatuhog na tund at olive, at ibapa. Sa kanila pala nating nakuha ang
nakaugaliang nating pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalian.
Ang kanilang tanghalian na tinatawag nilang la comida ang pinakamalaki nilang kainan
sa maghapon. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanila tanghalian at hindi sila
nawawalan ng tinapay sa kanilang hapag. Tinapay ang kanilang pinakakanin at ito ang
ginagamit nila upang masimot ang sarsa sa kanilang pinggan. Ang ilang putahing paborito nila
ay kilala rin natin tulad paella, gambas, cochinillo asado (na kahawig ng ating lechon de leche).
At iba pa. naglalaan silang ng dalawa hanggang tatlong oras para sa pananghalian dahil bukod
sa marami silang nakahanda na pagkain para rito ay nakaugalian din nilang magakaroon ng
siesta o sandaling pagtulog o pagpapahinga pagkatapos kumain. Ang buong bansa ay nagsi-
siesta kaya’t karaniwang nagsasara ang mga tindahan, paaralan, at pagawaan mula ika isa
hanggang ika apat ng hapon para sa mahabang pananghalian at siesta. Gayunpaman,
napansin kong sa Barcelona at Madrid na pinakamalalaki nilang lungsud at may pinkamaraming
dayuhan ay bukas ang malalaki nilang supermarket at mga tindahan maging sa mga oras na ito.
Pagsapit ng ikalima o ikalima’t kalahati ng hapon ay muli silang kumakain na tinatawag
nilang La Merienda (sa kanila pala galing ang katawagan nating meryenda). Magaan lang ang
pagkaing ito na karaniwang tinapay na may palaman. Ika siyam naman ng gabe ang
karaniwang oras na kanilang hapunan na tinatawag nilang La Cena. Mas kaunti ang pagkaing
nakahain na minsay pritong itlog o isda at ensaladang gulay lang. hindi rin nawawala ang
paborito nilang minatamis na karaniwang gawa sa itlog at gatas na tinatawag naman natin leche
flan.
Kung ikukumpara ang oras ng ating hapunan sa kanila ay masasabing huli na ang
ikasiyam ng gabi subalit hindi parin nagtatapos ang maghapon ng nga Espanyol.
Pangkaraniwan nasa kanila ang lumalabas pa pagkatapos ng hapunan at maglakad-lakad
(tinatawag nilang paseo) at dumaan sa mga restaurant o bar. Umuuwi lang sila upang matulog
kapag maghahatinggabi o lagpas hatinggabi na. sa mga araw nawalang ay inaabot sila ng
ikatlio o ika ap;at ng umaga sa labas ng tahanan at bago umuwi ay karaniwang kumakain uli sila
ng churros o tila pahabang donuts prinito at binudburan ng asukal. Isinawsaw nila ito sa mainit
at malapot na tsokolati. Naiisip kong ang hilig nating mga Pilipino sa pagkain ay namana natin
sa mga Espanyol na sumakop sa atin subalit kahit anung gawin kong paggaya sa kaugalian
kaugnay ng pagkain at pagtulog ay hindi ko talaga kaya. Maging ang magulang kong walong
taon na rito ay hindi rin magawa ang nakagawiang ito ng mga Espanyol lalo na ang oras ng
pagtulog dahil narin sa regular na oras ng trabaho nila sa hotel.

ISPORTS
Kung sa pilipinas ay may Basketball court sa halos lahat ng sulok ng barangay,sa
Espanya ay soccer o football naman ang tanyag na tanyag na laro at nilalaro o
nilalahukan ng halos lahat ng kabataan saanmang bahagi ng bansa.Hindi makoko-
mpleto ang kanilang linggo kung hindi sila makakapanood ng paborito nilang koponan ng
Soccer.Ang Real Madrid isang kopo-
nan ng soccer na nakabase sa Madrid,Espanya ang itinuturing na pinakapopular na soccer club
sa buong mundo na may mahigit 228 milyong tagasuporta.

KASUOTAN
Napansin kong higit na pormal ang pananamit ng Espanyol kompara sa atin.Tanging
mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng pantalong maong at t-shirt lalo na sa lungsod ng
Madrid.Ang mga nakakatandang babae ay karaniwang nakasuot ng blusa at palda o
bestida.Ang kalalakihan ay karaniwan namang nakasuot ng may kuwelyong pang-
itaas,pantalong slacks (hindi maong),at sapatos na balat.Sa aming pag iikot ay halos wala
akong nakitang naka-rubber o tennis shoes maliban sa mga turistang namamasyal sa mga
baybayin ng Barcelona.sa loob ng simbahan ay pormalang pananamit.Katunayan,mayroon
silang dress code at ipinagbabawal ang mga damit o kasuotang hindi angkop sa simbahang
itinuturing na banal na lugar.Sa pamamasyal nila pagkatapos ng hapunan ay maayos at pormal
di ang kanilang pananamit.
Napakarami kong natutunan sa apat na buwang pagtira saEspanya.Marami silang mga
kaugaliang nahahawig sa atin dahil na rin sa impuwensya ng matagal nilang pananakop subalit
nananatili silang iba at natatangi sa maraming bagay.Ipinagpapasalamat ko kina nanay at tatay
ang pagkakataong ibinigay nila sa akin upang matuto ng maraming bagay at lalong maging
bukas at gumagalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi sa mundo.

-Rebecca De Dios

You might also like