Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

A TRUE STORY ABOUT REINCARNATION

~~~~~~
"The Pollock Twins''
******
Ang mag-asawang John at Florence Pollock ay
normal na namumuhay sa Hexham, England
kasama ang dalawang anak nilang babae na sina
Jacqueline, anim na taong gulang, at Joanna,
labing isang taong gulang, hanggang sa namatay
sa isang car accident ang magkapatid nang mabundol ng isang kotse habang papunta sa
isang simbahan noong May 5,1957. Ang mga
magulang ay lubhang naapektuhan sa pagpanaw
ng dalawang anak kaya ang ama ay nanalig at
umasa na sila ay babalik muli.
------
Nang sumunod na taon, si Florence ay nabuntis at
malakas ang paniniwala ni John na ang kaniyang
mga anak ay babalik na muli at naniniwala na ang
kaniyang asawa ay manganganak ng dalawang
kambal. Sa October 4, 1958, si Florence ay
nanganak ng dalawang kambal at pinangalanang Gillian at Jennifer (Si Gillian ang
mas
nakatatandang kapatid). Ang dalawang babae ay
identical twins pero sila ay may birthmarks na
magkaiba. Si Jennifer ay may marka sa kaniyang
noo na kagaya sa peklat ni Jacqueline (na isa sa
mga yumao) sa noo. Meron din siyang birthmark sa kaniyang baywang na si Jacqueline
ay
mayroon din. Bagamat sila ay identical twins, ang
kaniyang kambal na si Gillian ay walang ganitong
mga marka.
------
Ang pamilya ay lumipat sa Whitley Bay nang
maging tatlong buwan ang kambal. Nang maging
dalawang taon na sila, ang kambal ay
nagsimulang maghanap at magtanong ng mga
laruan na dati nang pag-aari ng yumaong kambal
na Jacqueline at Joanna. Ang mga laruan na ito ay hindi pa kailanman nakita ng mga
kambal. Ang
pamilya ay bumalik rin sa Hexman nang apat na
taon na ang kambal. Ang magkambal ay walang
pa ring kaalaman patungkol sa kanilang
nakatatandang mga kapatid na pumanaw na. Sa
Hexman, ang kambal ay naging pamilyar sa mga lugar na hindi pa nila nakikita. May
itinuturo din
silang eskuwelahan na ito daw ay di umano ang
kanilang eskuwelahan at nakapaglaro na din sila
sa kalapit na playground nito. Ang paaralan na ito
ay ang mismong eskuwelahan na siyang
pinapasukan ng yumaong sina Jacqueline at Joanna.
------
Ang mag-asawa ay binigyan ang kambal ng mga
lumang laruan mula sa bahay. Walang kaalam-
alam ang kambal na ito pala ay dating pag-aari ng
pumanaw nilang mga kapatid. Ang kambal ay
nakilala ang mga laruan at kanila ring
pinangalanan, na nakakagulat ang pangalan na kanilang ibinigay sa laruan ay siya
rin pangalan
na ibinigay ng pumanaw na nakatatandang nilang kapatid. Napansin
din ng mag-asawa na ang kanilang mga anak ay
naglalaro ng isang kakaibang laro na kung saan si
Jennifer ay humihiga sa sahig at pinapatong ang
ulo nito kay Gillian, tapos sasabihan naman ni Gillian si Jennifer na mayroong
dugong lumalabas
sa kaniyang mata dahil natamaan siya ng kotse
dito.
------
Pagkatapos ng isang buwan, ang mga kambal ay
bigla na lang nagsimulang maging hysterical sa
tuwing nakakakita ng mga kotse na dumadaan.
They would scream on seeing a car ''The car is
coming to get us'', they would say. Nang maging
limang taon na sila, ang kanilang mga memorya ukol dito ay bigla na lang nawala ng
tuluyan. At
dahil dito, ang kanilang pamumuhay ay naging
normal na.
------
Isang psychologist na nagngangalang Ian
Stevenson ang nagsimulang pag-aralan ang
kasong ito. Nagulat siya nang kaniyang malaman
na ang identical twins ay magkaiba ang
birthmarks. Sinabi niya rin na ang kambal ay
nakuha ang katangian ng yumaong magkapatid. Si Jennifer ay dumedepende sa kaniyang
kapatid
na si Gillian na gaya rin ng pumanaw na si
Jacqueline sa kaniyang kapatid na si Joana.
Sinubaybayan ni Stevenson ang pamilya mula
1964 hanggang 1985. Naniniwala siya na isa
itong totoong kaso ng reincarnation sa pamamagitan ng paghahanap ng maraming
similarities sa pagitan nina Jennifer at Jacqueline
at Gillian at Joanna.
---
-pirateking

You might also like