Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pangalan:______________________________ Week 1-2

Lebel:__________________________________
Seksiyon:_______________________________
Petsa:___________________________________

GAWAING PAGKATUTO
Araling Panlipunan 3

ARALIN 1.1.1 Pinagmulan ng Lalawigan at ng mga Lungsod


nito Ayon sa Batas

Ang Region IV-A o CALABARZON ay binubuo ng labingtatlong (13) lungsod . Ito ay ang Trece
Martires, Cavite, Dasmariñas at Tagaytay sa Cavite, Calamba, San Pablo, at Sta. Rosa sa Laguna,
Lipa, Batangas at Lipa sa Batangas, Antipolo sa Rizal at Lucena at Tayabas sa Quezon. Ang bawat
lungsod ay binuo sa pamamagitan ng mga batas kaakibat ang mga pamantayan upang lumago ito para
sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Lungsod ng Trece Martires sa Lalawigan ng Cavite


Ang Lungsod ng Trece Martires ay naging lungsod sa bisa ng Republic Act no. 981 noong May 24,
1954. Ito ay matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Tanza, sa timog sa pamamagitan ng mga bayan ng
Amadeo at Indang, sa silanganng bayan ng General Trias at sa kanluran ng bayan ng Tanza at Naic.
Ito ay may layong 45 kilometro mula saMetro Manila, 25 kilometro mula sa lungsod ng Cavite, 23
kilometro mula sa lungsod ng Tagaytay at 26.3 kilometro mula sa Puerto Azul. Ito ay isang ika-apat na
klaseng lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ito ang nagsisilbing kabisera ng lungsod. Ayon sa sensus
noong 2010, mayroon itong 104,559 na populasyon. Ito ay ipinangalan sa labintatlong Martir ng Kabite
na pinatay ng mga Kastila noong Setyembre 12, 1896. Ang ugnayan at transaksyong panlalawigan ay
ginagawa sa lungsod. Ito ay nahahati sa labingtatlong (13) barangay.

Pinagmulan ng iba pang mga lungsod


Ang Lungsod ng Imus ay ang opisyal na itinalagang lungsod ng lalawigan ng Cavite, sa Pilipinas.
Opisyal na ginawang lungsod kasunod ng isang reperendum noong Hunyo 30, 2012. 53 Ayon sa kita
ng lokal na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating bayan ay nauri bilang isang first class city ng
Cavite na may populasyong 301,624 ayon sa senso noong 2010. Matatagpuan sa tinatayang 19 km
(12 mi) mula sa Kalakhang Maynila. Ito ang naging pook ng dalawang pangunahing pagkapanalo ng
mga Katipunero noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang Labanan sa Imus na naganap
noong ika-3 ng Setyembre 1896, at ang Labanan ng Alapan, noong ika-28 ng Mayo 1898. Sa araw na
iyon unang ginamit ang watawat ng Pilipinas, na naging dahilan upang itanghal ang Imus bilang
"Kabisera ng Watawat ng Pilipinas". Ang dalawang pangyayari ay ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod.
Matatagpuan din sa lungsod ng Imus ang Diyosesis na may hawak sa lahat ng mga simbahan sa
lalawigan ng Cavite.

Lungsod ng Cavite sa lalawigan ng Cavite


Ang Lungsod ng Cavite ay naisabatas batay sa Commonwealth Act No. 547. Isa itong itinuturing na
Ika-apat na klaseng lungsod. Matatagpuan ito sa layong 35 kilometro timog-kanluran ng Maynila. Ang
bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugiskawit na tangway sa bandang hilaga ng
lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor
sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng
Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng
Trece Martires noong 1954. Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may
bilang ng 101,120. Ang Base Militar ng Sangley Pointay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang
bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay
ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Lungsod ng Tagaytay sa Lalawigan ng Cavite


Naging lungsod ang Tagaytay sa kautusan ng Commonwealth Act No. 338 noong Hunyo 21, 1938.
Ang Lungsod Tagaytay ay isa sa tatlong lungsod ng lalawigan ng Cavite, na may layong 55 kilometro
mula sa Kalakhang Maynila kung daraan sa Emilio Aguinaldo Highway. Ang Lungsod ng Tagaytay ay
Ikalawang Klase na lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa sensus ng 2010, mayroon itong kabuuang
populasyon na 62,030. Makikita sa Tagaytay ng Bulkang Taal at ilang sikat na pasyalan.
Maipagmamalaki ng Tagaytay ang pambihira nitong mga resort, kainan, tindahan, at pasyalang
pawang kahanga-hanga lalo't nakaharap sa Lawa Taal. Mahalumigmig ang hangin doon mulang
Oktubre hanggang Abril, samantalang maulan pagsapit ng Hunyo hanggang Setyembre.

Lungsod ng San Pablo sa Lalawigan ng Laguna


Ayon sa Commonwealth Act No. 520, kinilala ang San Pablo bilang isa sa mga lungsod sa Laguna.
Noong 1756, nilipat ito sa Batangas ngunit isinauli ito sa Laguna noong1883. Ayon sa sensus noong
2010, may populasyon ito ng 248,890 katao ayon aasan nito ng Lungsod ng Santa Rosabilang ang
pang-apat na pinakamalaking lungsod o bayan sa Laguna, na nagpababa sa ranggo nito bilang ikalima
matapos ang Calamba, San Pedro, Biñan at Santa Rosa. Ang Lungsod ng San Pablo ay isang unang
klaseng lungsod sa Laguna. Ito ay tinatawag rin na "Lungsod ng Pitong Lawa", dahil sa pitong mga
lawang makikita rito, ang Sampalok, Palakpakin, Yambo, Bunot, Pandin, Muhikap at Calibato. Ito ay isa
sa mga pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Ang Lungsod ng San Pablo ay naging bahagi ng Bay.

Lungsod ng Santa Rosa sa Lalawigan ng Laguna


Ang Santa Rosa ay naging lungsod sa bisa ng Republic Act No. 9264, na pinagtibay ng mga
mamamayan ng Santa Rosa noong Hulyo 10, 2004. Ito ay matatagpuan 38 kilometro sa timog na
Maynila, sa pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay naging pamayanang
suburban resindensiyal ng Kalakhang Maynila. Ayon sa senso noong 2000, ang Lungsod ng Santa
Rosa ay may populasyong 185,633 ngunit noong 2005, nalampasan nito ang Lungsod ng San Pablo
kung pagbabatayan ang populasyon, at naging pang-apat na pinakamalaking lungsod/bayan sunod sa
Calamba, San Pedro, at ng Biñan. Ang Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng
Laguna. Nagsisilbi rin itong daan mga manlalakbay na magtutungo sa Tagaytay sa pamamagitan ng
South Luzon Expressway.

Lungsod ng Lipa sa Lalawigan ng Batangas


Ang Lungsod ng Lipa ay binuo ayon sa Republic Act No. 162 noong Hunyo 20, 1947. Matatagpuan
ang Lipa sa hangganan ng Santo Tomas sa hilagang-silangan, Lungsod San Pablo ng lalawigan ng
Laguna at San Antonio ng lalawigan ng Quezon sa silangan,munisipalidad ng Padre Garcia at Rosario
sa timog-silangan, munisipalidad ng Ibaanat San Jose sa timog-kanluran, munisipalidad ng Cuenca at
Mataas na Kahoy at Lawa Taal sa kanluran, munisipalidad ng Balete at Malvar sa hilagang-kanlurang
bahagi. Ang Lipa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa senso noong
2010, ito ay may populasyon na 283, 468 katao sa 41,962 na kabahayan.
Lungsod ng Tanauan sa Lalawigan ng Batangas
Isinabatas ang pagiging lungsod ng Tanauan ayon sa Republic Act No. 9005 noong February 2,
2001. Matatagpuan ito sa hilagangsilangang bahagi ng Batangas. Nasa kanluran ng Tanauan
angTalisay, ang kapuwa Malvar at Balete sa timog, ang Sto. Tomas sa silangan, at ang Calamba,
Laguna sa hilaga.
Ang Lungsod ng Tanauan ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 152,393 katao sa 21,912 kabahayan. Malapit
ang Lungsod Tanauan sa dalawang mahalagang bukal ng likas-yaman: ang Lawa Taal na nagsusuplay
ng mga isda, at ang Bundok Makiling na nagdudulot naman ng mga prutas, kahoy, hayop, at iba pang
mahahalagang yamang-lupa.

Lungsod ng Tayabas sa Lalawigan ng Quezon


Ang Lungsod ng Tayabas ay matatagpuan sa lalawigan ng Quezon. Ito ay dating kapitolyo ng
lalawigan ng Tayabas na ngayon ay nahati sa dalawang probinsya, ang Quezon at Aurora. Noong
Marso 18, 2007, ang Batas ng Republika bilang 9398, Batas na nagtatakda sa Bayan ng Tayabas sa
lalawigan ng Quezon bilang isang bahaging lungsod na tatawaging lungsod ng Tayabas, ay naipasa.
Noong Hulyo 14, 2007, nagkaroon ng plebisito sa bayan ng Tayabas para suportahan ang nasabing
batas at naaprubahan ito sa pagboto ng karamihan bilang sang-ayon sa nasabing batas. Ayon sa
sensus noong 2010, may 91,428 katao ang naninirahan dito. Subalit matapos ang isang taon, ang
Tayabas ay natanggalan ng pagiging lungsod kasama sa labing-anim pang mga bayan na naging
lungsod matapos ilabas ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na labag sa Saligang Batas ang mga
batas na nagtakda sa pagkakagawa nito. Noong ika-15 ng Pebrero 2011 binago ng Kataastaasang
Hukuman ng Pilipinas ang kanilang desisyon at sinabing maari nang maging isang lungsod ang
Tayabas dahil nagawa nito ang mga hinihingi ng batas upang matawag na lungsod.

Lungsod ng Dasmariñas sa Lalawigan ng Cavite


Naging lungsod ang Dasmariñas sa pamamagitan ng Republic Act 9723 na pinagkaloob ng pangulo
noong Oktubre 15, 2009 at pinagtibay sa naganap na plebisito noong nakaraang Nobyembre 26, 2009.
Ang Bayan ng Dasmariñas ay may sukat na 90.1 kilometrong parisukat. Matatagpuan ito sa layong 30
kilometro timog ng Maynila. Ito ay dating parte ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng Cavite ngunit,
nang maging isa itong ganap na lungsod, ay naging ikaapat na Distrito ng Cavite. . Ayon sa sensus
noong 2010, may 575,817 katao ang naninirahan dito, kaya ito ang bayan sa Cavite na may
pinakamaraming tao. Ang Lungsod ng Dasmariñas (kadalasang pinaikling Dasma) ay isang first class
municipality na naging isang ganap na lungsod na sa lalawigan ng Cavite.
Lungsod ng Calamba sa Lalawigan ng Laguna
Sa pamamagitan ng Republic Act No 9024 noong Abril 7, 2001 at sa pagpapatibay ng mga residente
sa isang plebisito noong Abril 21, ang Calamba ay naisulong mula sa isang munisipalidad sa ikalawang
bahagi ng Laguna na naging Lungsod pagkatapos ng San Pablo. Ito ay nasa layong 54 kilometro sa
timog ng Maynila, at isang oras ang layo kung sasakay ng bus. Ayon sa sensus noong 2000, ang
populasyon ng lungsod ay 281,146. Noong Abril 7, 2001, ang Lungsod ng Calamba ay nakilala bilang
isang pangunahing sentro ng pagsulong. Sa bisa ng Executive Order No. 246 noong Oktubre 28, 2003,
ang Lungsod ng Calamba ay hinirang bilang panrehiyong sentro ng Region IV-A (CALABARZON) dahil
sa pagkakaroon nito ng hindi kukulangin sa limang pambansang bayani: Dr. Jose Rizal, General
Paciano Rizal, Teodora Alonzo, ang General Vicente Lim, at Lt. Geronimo Aclan.

Lungsod ng Batangas sa lalawigan ng Batangas


Ang Lungsod ng Batangas ay binuo ayon sa Republic Act 5495 noong Hunyo 21, 1969. Ito ay may
kabuuhang sukat na 283.30 kilometrong parisukat. Ang lungsod ay isang baybay na hugis paikot sa
timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Batangas at napaliligiran sa hilagangkanluran ng bayan ng
San Pascual, hilaga ng bayan ng San Jose, silangan ng bayan ng Ibaan, Taysan at Lobo at timog ng
baybayin ng Batangas. Ang lungsod ay isang First Class Municipality sa lalawigan ng Batangas. Ayon
sa senso ng 2010, mayroon itong kabuuang populasyon na 305, 607. Kilala bilang Industrial Port City
of CALABARZON ang Lungsod ng Batangas dahil sa malaki nitong piyer; at ngayon ay sentro ng
kalakalan sa buong lalawigan ng Batangas at CALABARZON.

Lungsod ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal


Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508, naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong
Abril 4, 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo
ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang
nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang
Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera
ng lalawigan. Ipinroklama bilang isang lungsod na mataas ang urbanisasyon ni Pangulong Benigno
Aquino III ang Antipolo noong Marso 14, 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang
plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon Ang Lungsod ng Antipolo aymatatagpuan sa
lalawigan ng Rizal, 25 kilometro sa silangan ng Maynila. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa
labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa sa populasyong nitong 633,971 noong
2007.

Lungsod ng Lucena sa Lalawigan ng Quezon


Ang lungsod ng Lucena ay sentrong lungsod sa lalawigan ng Quezon. Ito ay binuo batay sa Republic
Act No. 3271 noong Hunyo 17, 1961 at opisyal na isinagawa noong Agosto 19, 1962. Ito ay may
kabuuang sukat na 80.21 kilometrong parisukat. Batay sa 2010 senso, ang lungsod ay may
populasyong 246,392. Ang lungsod ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog, ang Dumacaa sa
silangan at Iyam sa kanluran. Ito ay mayroon ding daungan sa Tayabas Bay kung saan ang mga
bangka at barko ay nagtutungo mula sa lungsod patungo sa iba‟t ibang lugar sa rehiyon atVisayas. Ito
ay binubuo ng 33 barangay.

Gawain A
Basahin ang sanaysay tungkol sa pagbuo ng mga lungsod sa bawat
lalawigan ng Rehiyon IV-A CALABARZON. Punan ang talahanayan. Isulat sa papel ang
inyong sagot.

Pangalan ng Batas May Akda Mga Bumubuong


Lalawigan/ Lungsod Munisipyo
Gawain B
Iguhit ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o lungsod. Punan ang
graphic organizer upang ipakita ang hakbang.

1 2 3 4
Gawain C
Ayon sa Local Government Code 1991, may mga nagpapanukala sa pagkakaroon ng
bagong lalawigan o lungsod upang mas makakatugon ang pamunuan sa pangangailangan ng
mga taong naninirahan dito. Sa paanong paraan nakakatulong ang pamunuan upang mapabuti
ang pamumuhay sa lalawigan? Isulat ang inyong saloobin tungkol dito.
Piliin ang talatang inyong buuin upang ipakita ang iyong saloobin.

Sa palagay ko, nakakabuti ang pagkakaroon ng bagong lalawigan ______________


___________________________________________________________________________
__.

Sa palagay ko hindi nakakabuti ang pagkakaroon ng bagong lalawigan _________


___________________________________________________________________________
__.

Pangalan:______________________________ Week 3-4


Lebel:__________________________________
Seksiyon:_______________________________
Petsa:___________________________________

GAWAING PAGKATUTO
Araling Panlipunan 3
Aralin 1.1.2: Mga Pagbabago sa aking lalawigan at mga
karatig na lalawigan sa Rehiyon

Mga Pagbabago sa mga Lalawigan ng Aking Rehiyon

ANG LALAWIGAN NG CAVITE


Ang Cavite (Kastila: Kabite) ay isang lalawigan sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa katimugang
baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. May layo itong 30 kilometro sa
timog ng Maynila. Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang
panlalawigan. Dito matatagpuan ang kapitolyo. Pinalililubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna
sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina. Ang Cavite ay isa
sa mga lalawigan na mabilis ang pag-angat ng ekonomiya dahil sa malapita ito sa Metro Manila.
Maraming kompanya tulad ng Intel, ang nagtaguyod ng planta sa maraming industrial parks. Ang
dating pagsasaka ay nadagdagan na ng mga industriya. Mga kompanya na gumagawa ng iba‟t ibang
produkto gaya ng CEPZA (Cavite Export Processing Zone). Gayon pa man ang kaitaasang bahagi ng
Cavite o upland towns ay nanatiling may taniman ng kape, paminta at iba-ibang bungangkahoy. Ang
mga nakararating sa mga 61 pamilihan sa Maynila at karatig na lalawigan. Kaya naman patuloy ang
kasiyahan ng lokal at dayuhang turistasa pamimili ng mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano,
niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigan na patungo sa Tagaytay at
baybay-dagat ng Batangas. Ang lalawigan ng Cavite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 batay
sa 2010 sensus.

MGA PAGBABAGO SA CAVITE


1. Pagbabago sa Pangalan Nagmula ang pangalang "Cavite" sa kastilang salitang tagalong na
kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa Look ng
Maynila. Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa
mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng
Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng
mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.

2. Pagbabago sa imprastruktura.

Noon Ngayon

3. Pagbabago sa populasyon.
Populasyon ng Lalawigan ng Cavite (sample only)

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano-ano ang pagbabago na napansin mo sa mga sumusunod:
a. pagbabago sa pangalan?
b. pagbabago sa impraestruktura?
c. pagbabago sa populasyon?

2. Ano kaya ang dahilan ng mga pagbabago sa mga lalawigan sa rehiyon?

3. May maganda bang maidudulot ang mga pagbabago sa mga lalawigan? Bakit?

Aralin 1.1 Pinagmulan ng mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon

Ang CALABARZON ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng sumusunod na mga lalawigan:


Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ang mga lalawigang ito ng Rehiyon IV-A ay nasa
pangunahing isla ng Luzon. Ito ang akronim ng mga nabanggit na mga lalawigan. Sa bisa ng Executive
Order No. 246, na nilagdaan noong Oktubre 28, 2003, ang Lungsod ng Calamba ay itinalagang
sentrong pangrehiyon ng CALABARZON. Ang CALABARZON, MIMAROPA, kasama ang lalawigan ng
Aurora ay dating kabilang sa Timog Katagalugan hanggang sa paghiwalayin ito sa bisa ng Executive
Order No.103, na may petsang Mayo17, 2002. Ang rehiyon na ito ay nasa Timog-Kanlurang Luzon,
timog at kanlurang bahagi ng Metro Manila, at pumapangalawa sa pinakamalaking rehiyon.

Kasaysayan ng Batangas
Ang Batangas ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon
sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga
lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa
timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina. Ang pinakaunang
naitalang pangalan ng lalawigan ay Kumintang. Ang sentro nito ay, ang kasalukuyang bayan ng
Balayan, at ang pinakamaunlad na bayan ng lalawigan. Nang lumaon, dahil sa pagkawasak ng bayan
bunga ng pagsabog ng Bulkang Taal, inilipat ang sentro ng lalawigan sa Taal. Dating tinatawag na
Bonbon, ang pangalan ng lalawigan ay pinalitan sunod sa pangalan ng bayang iyon. Ang Tagalog
Batangas na ginagamit sa lalawigan bago dumating ang mga Kastila ay malapit sa sinaunang wikang
Tagalog. Dahil dito tinawag ang lalawigan bilang Sentro ng wikang Tagalog ng Summer Institute of
Linguistics. Mayroon ding ilang nakapagsasalita ng Espanyol, dahil isang mahalagang sentro rin ang
Batangas noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Isa ang Batangas sa may
pinakamataas na antas ng literasi sa Pilipinas. Sa 96.5%, ang antas ng literasi ng mga lalaki na 97.1%
ay mas mataas sa antas ng literasi ng mga babae na 95.9%. Isa ang Batangas sa pinakasikat na
destinasyong panturismo na malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming magagandang baybayin ang
lalawigan at kilala na magagandang pook sisiran o "diving spots" tulad ng Anilao sa Mabini, ng Pulo ng
Sombrero sa Tingloy, ng Pulo ng Ligpo sa Bauan na kilala bilang Anilao.
Kasama rin sa mga lugar na dinarayo ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu,
Calatagan at Laiya sa San Juan Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang
pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Sa Batangas makikita ang ikalawang pinakamalaking
daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.

Pinagmulan ng ibang Lalawigan sa Rehiyon


Lalawigan ng Rizal
Noong Hunyo 11, 1901, ang lalawigan ng Rizal ay opisyal na at legal na nilikha sa pamamagitan ng
Act No. 137 ng First Philippine Commission nang ang tumatayo bilang unicameral body ay ang
pambatasan sa isla ng Luzon. Ito ay may 20 kilometro ang layo sa Maynila. Ang Rizal ay hango sa
pangalan ni Jose Rizal. Lungsod Antipolo ang kabesera ng lalawigan kahit na ang kapitolyo ay
matatagpuan sa Lungsod Pasig sa Kalakhang Maynila. Nasa silangan ng Kalakhang Maynila ang
lalawigan ng Rizal. Mabundok ang lupain ng lalawigan, at karamihan sa mga bayan sa katimugang
bahagi ay naghahanggan saLawa ng Laguna. Noong bago dumating ang mga Espanol, ang pakikipag-
ayos sa kahabaan ng lakeshore ng Laguna de Bay at sa timog baybayin ng Ilog Pasig ay pinasiyahan
sa pamamagitan ni Raha Soliman, pamangkin ni Raha Lakandula, ang mga namumuno sa Tondo.
Napabagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang puwersa ng mga raha dahil sa kataasan ng uri ng
kanilang armas, at kahit na ang katapangan , kabayanihan at pakiki[aglabanng mga lokal na
mandirigma ay ipinadala ng unang Espanyol 66 Gobernador General ang kanyang pamangking lalaki ,
ang batang Kapitang si Juan de Salcedo, upang lupigin at mapatahimik ang mga bayan sa katimugang
distrito ng Luzon. Nong 1571, natalo ni Salcedo ang bawat bayan, sa pamamagitan ng magandang
pakikitungo, pakikipagkaibigan at pagtitiwala ng mga katutubo. Ang mga bayan ay isinaayos sa mga
munisipal na mga yunit ng pamahalaan sa Maynila. Pagkatapos, ang mga misyonerong Espanyol,
Pransiskano at Heswita, ay ipinadala upang bumuo ng mga simbahan o kapilya sa mga bagong
isinasayos na mga bayan, upang palaganapin ang tenets ng relihiyong Katoliko, upang maging
kristiyano at magbinyag ang mga tao, at upang maikalat kasama ng mga ito ang kultura ng Espanyol.
Bago maging isang lalawigan ang Rizal, ang lalawigan ng Tondo at La Laguna ang nasasakupan nito
sa panahon ng panahon ng Espanyol. Gayunpaman, ang ilan sa mga bayan nito tulad ng Pasig,
ngayon ang Provincial Capital, Paranaque, Taytay at Cainta, ay bahagi na ng Tagalog at nakikibahagi
sa kalakalan ng mga Tsino at iba pang tagaAsyang bansabago paang mga Espanyol ay dumating sa
Pilipinas noong 1521. Noong 1853, ang mga bayan sa aynagsimulang pangalanang Distrito Politoco-
Militar de los Montes de San Mateo. Pagkalips ng apat na taon, ito ay binago bilang Distrito-Militar de
Morong, upang maiwasan ang ga ng maling akala na ang San Mateo ang kabisera sa halip na ang
Morong. Ang pagbabagong ito ang naging simula ng pagbubuo sa lalawigan ng Rizal. Taong 1860,
nang ang Todo ay naging bahagi ng Maynila at lahat ng lugar dito ay napasailalim nan g gobernador ng
Maynila. Ang Rizal ang tinatawag na "Duyan ng Pambansang Sining". Ang mga Pambansang Alagad
ng Sining na sina Carlos "Botong" Francisco, Vicente Manansala, Maestro Lucio San Pedro ay pawang
Sa ngayon, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Rizal ay ang pagbababuyan,
pagsasaka, at pakikipagkalakalan. Maraming taga- Maynila ang nagpapaalaga ng baboy sa mga
tagaRizal habang ang pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga- gawing hilaga at ang mga nakatira
sa katimugang bahagi ng lalawigan ay pangingisda ang ikinabubuhay.

Lalawigan ng Quezon
Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ang "Quezon" ay hango sa pangalan ng
Pangulong Manuel L. Quezon, ang ikalawang pangulo ng Republika ng Filipinas. Lungsod Lucena ang
kabisera nito. Ang Lungsod Quezon ay hindi matatagpuan sa Quezon at hindi dapat maipagkamali sa
lalawigan ng Quezon. Ang Lungsod Quezon ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila, na nasa gawing
kanluran ng Rehiyon ng CALABARZON, habang ang Quezon ay nasa silangang bahagi ng
CALABARZON. Ang Bundok Banahaw ang pangunahing atraksiyon ng Quezon. Sinasabing ang
kabundukang ito ay napapalibutan ng espiritu at hiwaga. Maraming mga kulto at deboto ang
pumupunta at nananatili sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ang Quezon ay
nasa gawing timog silangan ng Kalakhang Maynila at napaliligiran ng Aurora sa hilaga, Bulakan, Rizal,
at Laguna; Batangas sa kanluran; at Camarines sa silangan. Ang Quezon ay nakahimlay sa tangway
na naghihiwalay sa Bikol Peninsula na pangunahing bahagi ng Luzon. Ang Quezon ay nahahati sa 39
munisipalidad at dalawang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Quezon ang Agdangan, Alabat,
Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag, Candelaria, Catanauan, Dolores, General Luna, General
Nakar, Guinayangan, Gumaca, Infanta, Pangunahing pagkukuhaan ng produktong niyog ang
lalawigang ito na ginagamit sa mga produkto tulad ng langis ng niyog at copra ang lalawigan ng
Quezon. Maraming mga planta ng niyog ang matatagpuan sa malaking bahagi ng lalawigan. Isa ring
pangunahing bahagi ng ekonomiya ng Quezon ang pangingisda.

Lalawigan ng Laguna
Ang Laguna ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa bahaging CALABARZON sa Luzon.
Santa Cruz ang luklukan ng pamahalaan nito at matatagpuan sa timog-silangan ng Kalakhang Maynila,
timog ng lalawigan ng Rizal, kanluran ngQuezon, hilaga ng Batangas at silangan ng Cavite. Halos
pinapaligiran ng Laguna angLaguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa bansa. Nakuha ng lalawigan
ang pangalan nito mula sa Kastilang salita na lago, na nangangahulugang lawa. 68 Kilala ang Laguna
bilang pook ng kapanganakan ni José Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Kilala din sa mga
dayuhang namamasyal ang Talon ng Pagsanjan, Liwasang Bayan ng Pila, Laguna, ang mga inukit na
kahoy na nilikha na mga tao saPaete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng
Bundok Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan.

Gawain A
Isalaysay sa pamamagitan ng maikiling talata ang mga pagbabagong naganap sa inyong
lalawigan o rehiyon. Isulat ang talata ayon sa pagbabago ng inyong kalsada, tirahan,
populasyon, at iba pa. Gawin ito sa sagutang papel.
Gawain B
Isalaysay sa pamamagitan ng malayang pagguhit ang mga pagbabagong naganap sa iyong
lalawigan noon at ngayon. Iguhit ito sa bond paper.

Gawain C
Gumawa ng isang rap song o tula tungkol sa mga pagbabagong naganap sa iyong
lalawigan o rehiyon mula noon at ngayon.

You might also like