Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

SOSYALIDAD AT LITERATURA

PANGALAN: Kim Shyrl D. Almarez

PANGKAT: HE-3B

ANG MAGMAMANI
Teofilo Sauco

Panuto: Basahin ang nobela. Suriin at alamin ang mahahalagang impormasyon.


1. Gamit ang “graphic organizer” bigyan ng wastong kasagutan ang mga sumusunod.
a. Ano ang mahalagang pangyayari sa bawat kabanata?
Mga Kabanata Mahahalagang pangyayari
Kabanata I May isang misteryosang babae ang may dala-dalang
sanggol. Pinili ng babae na ipaampon ang sanggol sa
magmamani na nagngangalang Ingkong Pinong. Sa
kabila ng pagtataka, tinanggap naman nang buong puso
ng magmamani ang sanggol at inalagaan itong parang
isang tunay na anak. Iniisip ng magmamani na katulad
ng ibang babae, ang baabeng nag iwan ng sanggol ay
isang dalaga na nabuntis at nais lamang makatakas sa
kahihiyan. Humingi ng tulong si Ingkong Pinong sa
kanyang suki, hiling niya na pasusuhin ang inampon na
sanggol at papalitan niya ito ng isang bakol na mani.
Ang pangalan naman na ibinigay na pangalan ni
Ingkong Pinong sa sanggol ay NINAY.
Kabanata II Sa Tiaong, Baliwag, Bulackan, matatagpuan ang kubo
ni Ingkong Pinong na isang magmamani. Tuwing
miyerkules at sabado siya nag aani ng mani sa
dalawang tabling tumana na kanyang pag-aari. Kapag
sabado na walang pasok ay pinaglalako ni Tandang
Ingkong si Ninay. Si Ninay ay kilalang mabilis
makaubos ng mani dahil sa taglay niyang kagandahan.
Kabanata III Nakilala ni Ninay ang isang binatang nagngangalang
Luis habang siya ay nagpapahinga sa ilalim ng punong
manga. Namangha si Luis sa taglay na kagandahan ni
Ninay.
Kabanata IV Nang bumalik ang ala-ala ni Tentay, nakita niya ang
larawan ni Ninay na itinago ni Luis sa loob ng aparador.
Kasama sa larawan ang pangalan ng lugar kung saan si
Ninay naktira at ang petsa ng kanilang unang pagkikita.
NAtuklasan ni Tentay na si Luis ay miyembro ng
Bachelors Club at Mutya ng Silangan. Binansagan siya
ng kanyang mga kaibigan na Tenorio dahil sa kanyang
pagiging pala=ligaw at pala-ibig. Si Luis ay inilarawan
na parang “tandang na walang salang tumitilaok sa
hating-gabi at madaling-araw. Samantla si tentay ay
isang mananayaw sa Sta. Anna Cabaret.
Kabanata V Isang sabado, bumalik si Luis sa Baliwag upang Makita
si Ninay at bumili ng mani. Ngunit hindi naglako ng
mani si Ninay ng araw na iyon`dahil siya ay naglaba.
Matagal na naghihintay si Luis sa daraanan upang
muling Makita si Ninay, nguniy siya ay nabigo. Upang
mapasaya si Luis, isinama siya ng matanda sa kanilang
kubo upang pagbilhan ng mani. Sa kanilang pagkikita,
nagtapat si Luis ng paghanga at pag-ibig kay Ninay.
Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng kanyang
tunay na nararamdaman at pagka-interes sa dalaga.
Kabanata VI Nagpasya si Tentay na lisanin ang tahanan ni Luis para
sa ikaliligaya nito at ng kanyang anak. Handa siyang
magpakasakit at magdusa alang-alang sa labis na
pagmamahal na nararamdaman niya sa binata. Ang
pagpapasyang ito ni Tentay ay nagpapakita ng kanyang
kahandaan na mag-alay ng sarili at magtiis para sa
kaligayahan ng iba.
Kabanata VII Nagpasya si Tentay na dalawin ang Tumana nina
Ingkong Pinong upang magpasalamat at ipahayag ang
kanyang kahilingan na payagan ang pag-iibigan nina
Luis at Ninay. Sa pagdalaw ni Tentay ay nagpasalamat
siya kay Ingkong Pinong sa pagpapalaki s akanyang
anak. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, dumalaw si
Luis kay Ninay at nagpahayag ang dalawa ng kanilang
pag-ibig sa isa’t-isa. Ipinahayag ni Luis na nais nilang
magpakasal ni Ninay, ngunit may Kondisyon si
Ingkong Pinong at iyon ay ang pagpasok muna ni
Ninay sa kolehiyo ng madre bago ang kasal.
Kabanata VIII Matapos magpa-ampon si Tentay sa paaralan ng mga
babe sa La Compania, nagsilbi siya bilang madre sa
ilalim ng pangalang Madre Victoria Fuentes. Dito rin
nag-aaral si Tentay. Sa pagkakataong ito, nagkaroon
siya ng pagkakataon na makasama at alagaan ang
kanyang tunay na anak na pumapasok din sa paaralang
iyon. Dahil sa kanilang magkasamang karanasan,
naging sobrang malapit ang loob ng dalawa. Ginawa
lahat ni Madre Victoria para alagaan at protektahan si
Ninay. Sa parehong paraan, ginawa rin ni Ninay ang
lahat upang lagan si Madre Victoria nang siya ay
magkasakit.
Kabanata IX Sa gitna ng lumalalang karamdaman ni Madre Victoria,
kinailangan niyang magkumpisal sa isang pari. Ang
pari na ito ay si Padre Ventura, na naka-assign bilang
kura paroko sa Baliwag. Sa proseso ng pagkumpisal,
ipinagtapat ni Madre Victoria ang kaniyang buong
nakaraan at lahat ng kanyang mga kasalanan. Matapos
ang pangungumpisal ay natuklasan lahat ni Padre
Ventura na ang madre na nangungumpisal ay ang dati
niyang kasintahan na si Tentay. Nabatid niya na naging
madre si Tentay dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Hiniling
ni Madre Victoria na payagang ikasal si Luis at Ninay
bago siya mamatay. Pagkatapos ng kasal ay plano
nilang aminin ang buong katotohanan. Si Padre
Ventura ang magkakasal kay Luis at Ninay. Siya ang
magiging Tulay na magpapahayag ng kanilang pag-
ibig at katotohanan sa harap ng Diyos at ng Simbahan.
Kabanata X Matapos ang masayang pagdiriwang ng kasal nina Luis
at Ninay ay nagkaroon sila ng pagkakataong basahin
ang liham na ibinigay sa kanila ni Madre Victoria. Sa
liham na iyon, nalaman ni Ninay ang buong
katotohanan na si Madre Victoria ay kanyang ama at si
Padre Ventura naman ay kanyang ama rin. Agad na
bumalik sina Luis, Ninay at Padre Ventura sa Maynila
upang maabutan pa ng buhay si Tentay. Nagkaroon sila
ng pagkakataon na magkapatawaran at maayos ang
kanilang mga alitan. Mula noon, namuhay silang
masaya at masagana kasama si Ingkong Pinong. Hindi
nila kinalimutan ang Baliwag, hindi na nila
pinagtrabaho si Ingkong Pinong. Sa halip, sila na ang
nagtrabhao para sa kanya.

b. Ano ang kalakasan at kahinaan ng mga tauhan sa kwento?


Mga Tauhan Kalakasan Kahinaan
NINAY  May taglay na  Mababa ang emosyon,
kagandahan. kunting bagay lamang ay
 Mabait, mapagmahal, nagpapalungkot na sa
masipag at kanya.
mapagpatawad.
 Maunawain at may
malasakit kay Ingkong
Pinong.
INGKONG PINONG  Mapagmahal at may  Natatakot na maiwan
mabuting puso. mag-isa, kaya nong una
ay ayaw pumayag na
 Maalagain at hindi makasal si Ninay kay
humihiling ng anumang Luis.
kapalit, gaya nalang ng
pag-ampon kay Ninay.
 Maawain
LUIS  Isang binata na  Maraming babae.
matipuno, mayaman,  Nasisilaw pa rin sa
gwapo at makisig. kagandahan ng iba kahit
 Mapagmahal sa mga may iniibig na.
babae
TENTAY  Mapagmahal at may  Naging mapusok at
taglay ding kagandahan. nagpadalos dalos sa mga
 Mapag-paubaya at desisyon sa buhay.
mapagmahal na ina.  Hindi niya nakayang
 Hanang magsakripisyo panindigan ang kanyang
para sa kanyang anak. anak.
 Isang siyang metatag na
babae

PADRE VENTURA  Bumawi sa mga  Walang paninindigan


nagawang kasalanan. matapos mabuntis si
Tentay.

2. Bigyan ang katwiran ang naging pagpapasya ng bawat tauhan sa nobela


MGA TAUHAN:
1. MADRE VICTORIA/TENTAY
 Nagpasya na maging madre dahil pagkabigo sa pag-ibig
 Hiniling niya na makasal si Luis at Ninay bago siya mamatay upang maipadama ang
kasiyahan at pagmamahal sa kanyang anak.
 Nagpasya siyang magkumpisal kay Padre Ventura upang maipahayag ang katotohanan at
magkaroon ng kapayapaan sa kanyang puso bago siya magbalik sa Diyos.
2. LUIS
 Nagpasya siyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay Ninay at hindi sumuko sa kabila ng mga
pagsubok at mga lihim na nabunyag.
 Pinili niyang maging metatag at magmahal ng buo kay Ninay sa kabila ng kanyang mga
kahinaan at pagkukulang.
3. NINAY
 Nagpasya siya na maging tapat sa kanyang nararamdaman para kay Luis at hindi matakot
harapin ang mga hamon at pagsubok.
 Nagpasya siyang magpatawad at tanggapin ang katotohanan sa kabila ng mga emosyonal
na pagsubok na dala nito.
4. INGKONG PINONG
 Napagpasyahan niya na tanggapin at alagaan ang sanggol nang walang kapalit.
 Napagpasyahan niya na paapsukin muna sa kolehiyo si Ninay bago ito ikasal kay Luis,
sapagkat alam niyang mas mabuti kung makakapagtapos muna ito ng kolehiyo.
5. PADRE VENTURA
 Nagpasya siyang maging tagapag-ugnay at tulay ng pagpapakasal nina Luis at Ninay upang
magdala ng kaligayahan at pagkakasundo sa kanilang pamilya.
 Nagpasya siyang magsilbing kura paroko sa Baliwag upang magbigay ng gabay at
espiritwal na tulong sa mga tao roon.
 Nagpasya siyang ipahayag ang katotohanan tungkol kay Madre Victoria/Tentay upang
magkaroon sila ng pagkakataon na magpatawad at mag-ayos ng kanilang ugnayan.

3. Ang naging kaganapan ba sa bawat kabanata ay maaaring mangyari pa rin sa panahon ngayon?
Ipaliwanag.

SAGOT: Sa aking palagay, ang ilang mga kaganapan sa bawat kabanata ay nangyayari pa rin sa panahon
ngayon. Nangyayari ito sa iba;t ibang sitwasyon at pagkakataon sa buhay. Ang unang unang kaganapan na
nangyayari sa panahon ngayon at patuloy na lumalaki ang bilang ay ang maagang pagbubuntis ng isang
babae na magdadala sa kanya sa maraming pagsubok sa buhay. Dahil sa hindi ito pinag isipang mabuti at
nagpadalos-dalos sa mga desisyon at nagpadala sa tukso maaaring makagawa ang isang babae ng mga
bagay na labag sa kanyang kalooban gaya ng ginawa ni Tentay sa kanyang anak. Dagdag pa rito ay ang
kawalang paninindigan ng isang lalaki matapos niyang buntisin ang isang babae. Hindi maipagkakaila na
nangyayari ito sa panahon ngayon sapagkat hindi pa sila handa sa ganitong bagay. Ang pangalawang
kaganapan na king napansin na nangyayari pa rin sa panahon ngayon ay ang pagsasakripisyo sa ngalan ng
pag-ibig. Hindi lang pag-ibig sa iisang tao, kundi pag-ibig para sa pamilya at sa mga magulang. At ang
pangatlo at pang-huling kaganapan na nangyayari sa panahon ngayon ay ang pagpapatawad. Tulad nalang
ng ginawang pagpapatawad ni Ninay, matapos niyang malaman lahat ng katotohanan. Tunay ngang
napakahalaga ng pagpapatawad sapagkat ito ang makakapagbigay ng payapang isip at masayang buhay
para sa isang tao.

4. Ipaliwanag ang ginawang desisyon ng bawat tauhan sa suliraning kanilang pinagdaanan.

SAGOT: Sa pagsisimula pa lang ng nobela, makikita na agad ang mabigat na suliranin at desisyon na
ginawa ng isa sa mga tauhan at ito ay nang ipaampon ni Tentay kay Ingkong Pinong ang kanyang anak
sapagkat sabi nga ni Ingkong Pinong maaaring ayaw nitong malagay siya sa kahihiyan. Sa pagkakaroon ni
Ingkong Pinong ng isang sanggol, hindi niya ito mabigyan ng pangunahing pangangailangan ng isang
sanggol at iyon ay ang gatas ng isang ina kaya’t napagpasiyahan niya na humingi ng tulong sa kanyang
suki na kakamatay palang ng sanggol at nagtataglay pa ito ng gatas. Ang kapalit ng gatas na iyo ay isang
bakol na mani. Lumaki si Ninay sa pangangalaga ni Ingkong Pinong, masaya naman siya sa buhay ngunit
may pagkakataon na naghahanap siya ng kalinga ng isang ina. Napagpasyahan ni Ingkong Pinong na bago
magpakasal ni Ninay kay Luis ay nais niya munang pag aralin sa kolehiyo si Ninay na kung saan ay nandoon
rin si Madre Victoria/Tentay. Doon naramdaman ni Ninay ang tunay na pangangalaga at pagmamahal ng
isang ina. Itinuring niyang pangalawang magulang si Madre Victoria na lingid sa kaalaman niya ay ito ang
kanyang tunay na ina.

5. Alin sa mga suliranin ng bawat tauhan ang kaya mong batahin? Ipaliwanag

SAGOT: Ang suliranin ng bawat tauhan na kaya kong batahin ay ang wagas at tunay na pagmamahal ni
Tentay gayundin ay ang pagpapatawad at pagtanggap na ipinagkaloob ni Ninay matapos niyang malaman
ang lahat ng katotohanan. Bilang isang babae, isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay ay ang
magmahal at ang mahalin, ngunit kaakibat ng pagmamahal na iyon ay ang pagpaparaya at pagsasakripisyo.
Kagaya ni Tentay, kaya ko ring magparaya at magsakripisyo para sa lalaking minamahal ko lalo na at alam
kong iyon ang ikakasiya niya at ikabubuti ng lahat. Sapagkat naniniwala ako na lahat naman ng nangyayari
sa ating buhay ay may dahilan at may balik na mas maganda pa sa inaakala natin. Ang pangaalwang
suliranin na kaya kong batahin ay ang pagpapatawad. Tunay na mahirap ngang magpatawad lalo na at
sobrang bigat ng nagawa ng isang tao sa atin, ngunit hanggat hindi tayo nagpapatawad tayo lang din ang
mahihirapan. Dala-dala natin sa ating pangaraw-araw na buhay ang mga sakit na dinulot ng nakaraan kung
hindi natin mapapatawad ang taong nananakit sa atin. Opo, hindi madali ang pagpapatawad. Hindi naman
dapat ito minamadali, ito ay dapat idaan sa proseso sapagkat ang pagpapatawad ay magdadala sa atin sa
masayang buhay at payapang isip.

6. Alin ang pinaka ayaw mong mangyari sayo kung ang pag-uusapan ay ang pinakamabigat na suliranin?
Ano ang gagawin mo para di na ito maulit?

SAGOT: Ayon sa aking mga nabasa, ang puno at dulo o ang pinakamabigat na suliranin sa nobela ay ang
di inaasahang pagbubuntis ni Tentay at ito ang pinaka-ayaw ko na mangyari sa akin. Ayaw kong mangyari
ito sa akin, sapagkat ito ang magiging dahilan ng pagka-antala ng aking pangarap at pangarap ng pamilya
ko para sa akin. Opo, pagka-antala at hindi pagkasira sapagkat maaari pa rin naming ituloy ang pag-aaral
kahit may supling na ngunit doble yung bigat at pagsubok na mararanasan ng isang babae kapag nangyari
yun. At may pagkakataon naman na nawawala na ang suporta ng magulang pag maagap nabuntis ang isang
babae na magdudulot ng tuluyang pagkasira ng kaniyang pangarap sa buhay. Bilang isang babae na may
mataas na pangarap, hinding hindi ko hahayaan na mangyari sa akin ang nangyari kay Tentay sapagkat
hindi ito maganda para sa kinabukasan ko at magiging kinabukasan ng pamilya ko. Minsan na rin akong
umibig, nasaktan at nagpatawad ngunit hindi naman nangyari sa akin ang ganitong bagay sapagkat pinag-
iisipan ko muna ang mga desisyon ko sa buhay. Para di na maulit sa akin tulad ng nangyari kay Tentay ay
uunahin ko munang mag-aral ng mabuti. Mas binibigyan ko ng halaga ngayon ang aking mga pangarap
para sa sarili ko at sa pamilya ko. Tinuruan ako ng buhay pag-ibig na lahat ng bagay ay may tamang panahon
at hindi natin dapat madaliin ang umibig, sapagkat darating at darating ang tao na para sa atin.

You might also like