ACTIVITY SHEET Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay tama at Mali naman kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel. ____1. Ang paglilinis ng kapaligiran ay nakatutulong na pagandahin ating kalikasan. ____2. Ang malinis na kapaligiran ay mabuti sa ating kalusugan. ____4. Ang mga bata ay walang magagawa sa pag-aalaga ng kalikasan. ____5. Ang pagtatanim ng puno at halaman ay isang hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 6. Ito ay biyaya ng Diyos na pinagkukunan ng iba’t ibang yaman tulad ng pagkain, tubig, at kagamitan sa araw-araw. a. kalikasan b. karagatan c. kakayuhan d. kalupaan 7. Ano ang dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan? a. malasakit ng bawat isa b. pakikilahok sa mga programang pangkapaligiran c. pagtupad sa tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan d. kawalan ng disiplina ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman 8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pangangalaga sa mga likas na yaman? a. Magtapon ng basura kahit saan. b. Gumamit ng dinamita sa pangingisda. c. Putulin ang mga puno ng walang pahintulot. d. Magsumbong sa kinauukulan kung may nakitang sumisira sa mga likas na yaman. 9. Paano mapananatili ang sariwang hangin? a. Sunugin ang mga nakakalat na basura. b. Hayaang magbuga ng usok ang mga sasakyan. c. Paghiwa-hiwalayin ang mga basurang nabubulok at hindi nabubulok at gawin ang 3Rs ( reduce, reuse, recycle ). d. Lahat ay wasto. 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi programa ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga sa ating likas na yaman? a. “Bantay-Gubat” b. “Bantay-Dagat” c. “Bantay-Bata” d. “Bantay-Kalikasan” Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salita na tumutukoy sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad. Isulat sa patlang ang tamang sagot ___1. Ang pagsusunog ng basura ay nagbibigay ng (polusyon, solusyon) sa hangin. ___2. Nagiging pataba ang pagbabaon sa lupa ng (nabubulok, di-nabubulok) na basura. ___3. Ang (malinis, maruming) paligid ay nagdudulot ng pagkalat ng sakit tulad ng COVID-19. ___4. Maganda sa tanawin ang (maraming, kaunting) mga puno. ___5. Ang pagtatapon ng kemikal sa ilog ay may (masamang, mabuting) maidudulot sa mga isda.
PERFORMANCE TASK Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pangangalaga ng iyong kapaligiran. Kulayan ito.