Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Araling Panlipunan 4

Akademikong Taon 2020-2021


Babasahin Bilang # 1: Pagbabasa ng Mapa at Globo

Pangunahing Direksyon
Mayroong apat na pangunahing direksyon. Hilaga (North) Timog (South),
Kanluran (West), Silangan (East).
Hilaga

Kanluran Silangan

Timog

HEOGRAPIYA
Ang Heograpiya o Geography ay nag-ugat sa
sinaunang salitang Griyego na “gi” at
“grafein”. Ang “gi” na ang ibig sabihin ay
mundo o daigdig at “grafein” na ang
kahulugan ay isulat o iguhit.
Ang Heograpiya ang tawag sa pag-aaral
ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ito
sa distribusyon ng likas na yaman at mga tao
sa ibabaw ng lupa.
Pahina 1
Araling Panlipunan 4
Akademikong Taon 2020-2021
Babasahin Bilang # 1: Pagbabasa ng Mapa at Globo

MAPA GLOBO

Mapa at Globo ang dalawang mahahalagang bagay na kinakailangan sa pag-aaral


ng Heograpiya. Ang bawat guhit o imaginary line nito ay nagsisilbing gabay sa
pagtukoy sa pisikal na katangian ng isang lugar.

mga latitud mga longhitud

Pahina 2
Araling Panlipunan 4
Akademikong Taon 2020-2021
Babasahin Bilang # 1: Pagbabasa ng Mapa at Globo

LATITUD (LATITUDE)

Ang tawag sa mga guhit na pahiga o pahalang sa mapa o globo.

LONGHITUD (LONGITUDE)

Ang tawag sa mga guhit na patayo sa mapa o globo.

EKWADOR (EQUATOR)

Ang tawag sa guhit na naghahati sa mundo sa timog at hilagang bahagi nito. Dito nagsisimula
ang lahat ng guhit na may patungong magkabilang pulo. Ito ay matatagpuan sa 0° latitud.

PRIME MERIDIAN

Ito ay matatagpuan sa 0° longhitud. Ito ang pinakagitnang guhit sa globo na dumaraan sa


Greenwich sa London, England.

INTERNATIONAL DATE LINE (IDL)


Ito ay guhit na nasa 180° ng Prime Meridian na nagiging
batayan ng araw at ng oras.

TROPIC OF CANCER
Ito ay tumutuoy sa 23.5° Hilagang latitud mula sa
ekwador.

TROPIC OF CAPRICORN

Ito ay tumutuoy sa 23.5° Timog latitud mula sa


ekwador.

Ang bawat guhit o imaginary line ay nagsisilbing gabay sa


pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng isang lugar. Ito din ang
nagsisilbing gabay upang malaman natin ang oras at petsa
ng isang bansa.

Pahina 3
Araling Panlipunan 4
Akademikong Taon 2020-2021
Babasahin Bilang # 1: Pagbabasa ng Mapa at Globo

MAPA NG
PILIPINAS

Pahina 4
Araling Panlipunan 4
Akademikong Taon 2020-2021
Babasahin Bilang # 1: Pagbabasa ng Mapa at Globo

Halina’t Magsanay!
Tukuyin ang tamang lokasyon ng mga lugar at lagyan ng tanda sa mapa ang lugar ng
bilang 4 at 5.

Lugar Latitud Longhitud


1. G

2. R

3. Z

4. W 90° Timog 15° Silangan

5. D 0° 60° Kanluran

Pahina 5

You might also like