Professional Documents
Culture Documents
EsP 6 Pandibisyong Pagtatasa Sa Ikatlong Markahan Sa EsP6
EsP 6 Pandibisyong Pagtatasa Sa Ikatlong Markahan Sa EsP6
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
Panuto: Suriin ang bawat pahayag o sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.
4. Ang pahayag na "Binigyan ng parangal si Bb. Catriona Gray sa pagkapanalo niya sa Miss
Universe 2018" ay nagpapakita ng ____________________.
A. pagmamalaki na mayaman sa talento ang mga Pilipino, kaya't sila ay nananalo sa
paligsahan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. pagbibigay halaga at pagkilala sa tagumpay ng Pilipino sa pandaigdigang paligsahan
C. pagpapahiwatig ng layunin ng bansa na iparating sa buong mundo ang tagumpay ng
isang Pilipino
D. paglalarawan na tinutupad at ginagawa ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin sa
mamamayan
E.
5. Si Lea Salonga ay itinanghal bilang kauna-unahang Pilipina na nakatanggap ng Laurence
Olivier Award, Tony Award, Drama Desk, Outer Critics Circle, at Theatre World Award
para sa kaniyang pagganap bilang Kim sa Miss Saigon noong 1989. Paano naging
inspirasyon sa maraming Pilipino ang tagumpay niyang ito?
A. Ipinakita niya na ang tagumpay ay nakakamit lamang ng mga kilalang personalidad.
B. Ang tagumpay niya ay nagdulot ng inspirasyon at nagbigay ng magandang imahe sa
mga Pilipino.
C. Sa pamamagitan ng kaniyang tagumpay, ipinakita niya ang halaga ng pagsusumikap
at dedikasyon sa buhay.
D. Ang kaniyang pagtatagumpay ay nagbukas ng pinto para sa mas marami pang
Pilipino na mangarap at magtagumpay sa larangan ng sining.
11. Ikaw ay mag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Alin sa sumusunod pagpipilian ang
hindi nagpapakita ng pagtulad sa mga mabubuting katangian ng mga nagtagumpay na mga
Pilipino?
A. Mag-aaral akong mabuti upang maging matagumpay tulad ng yumaong Senador
Miriam Defensor-Santiago.
B. Mag-eensayo ako palagi tulad ng ginawa ni Hidilyn Diaz upang maging malakas sa
larangan ng sports.
C. Maglalaan ako ng oras sa paglilibang upang maging katulad ng matagumpay na
negosyanteng si Henry Sy.
D. Paghuhusayan ko ang paglikha ng sining tulad ng ipinamalas ng pintor na si
Fernando Amorsolo
13. Ang ating bansa ay isang kapuluan. Isa sa ating pinagkukunang yaman ay ang ating mga
katubigan. Alin sa sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng paggamit nang may
pagpapahalaga sa ating mga katubigan?
A. paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. paggamit ng cyanide sa pangingisda
C. paggamit ng pamamaraang Muro-ami
D. paggamit ng lambat na may malalaking puwang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
14. Mayaman ang Pilipinas sa yamang gubat gaya ng mga punongkahoy na siyang
pinanggagalingan ng mga troso. Ano ang pinakanararapat gawin upang hindi maubos ang
mga punongkahoy at tuluyang makalbo ang ating mga kagubatan?
A. Linisan ang ating mga kagubatan.
B. Diligan ang mga puno rito araw-araw.
C. Ipagpatuloy ang programang reforestation.
D. Ihinto ang mga industriyang gumagamit ng mga troso.
17. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong pinakanararapat na gagawin upang makatulong sa
pagtiyak na ang susunod na henerasyon ay may pinagkukunang-yaman para sa kanilang
kabuhayan?
A. pakikilahok sa mga environmental organizations o clubs sa eskwelahan
B. pagtitipid sa paggamit ng enerhiya at tubig sa pang-araw-araw na buhay
C. pagsusulong ng kampanya para sa edukasyon tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
D. pagpapalaganap ng kaalaman sa mga proyektong pangkalikasan tulad ng
reforestation at clean-up drives
18. Ito ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod pang
henerasyon. Ano ang tinutukoy rito?
A. Likas-yaman ng tao
B. Pinagkukunang-yaman
C. Likas-kayang pag-unlad
D. Kabuhayang pangkapaligiran
19. Nakagawian ng pamilya Santos ang magsunog ng basura tulad ng plastik at goma sa likod ng
kanilang bahay. Dapat bang pamarisan ang kanilang ginagawa? Bakit?
A. Oo, dahil ang pagsusunog ng basura ay isang mabisang paraan ng pagtatapon at hindi
ito nakakasama sa kalikasan.
B. Oo, dahil ang plastik at goma ay hindi biodegradable, at ang pagsusunog ay
maaaring maging maayos na paraan ng pag-dispose sa kanila.
C. Oo, dahil ang pagsusunog ng basura ay hindi labag sa mga regulasyon ng
pamahalaan ukol sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
D. Hindi, dahil ang pagsusunog ng basura, lalo na ang plastik at goma, ay nagreresulta
sa paglabas ng mga nakakalasong kemikal na maaaring makaapekto sa kalusugan ng
tao at kalikasan.
20. Ito ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nalalanghap ng mga tao at
isinasaad din nito na hindi lamang ang pamahalaan ang may katungkulan nito kundi ang lahat
ng mamamayan. Anong batas pambansa ito?
A. RA 7586 o National Integrated Protected Areas System Act
B. RA 8749 o Philippine Clean Air Act
C. RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. RA 9275 o Philippine Clean Water Act
21. Narinig mo sa telebisyon ang balitang may red tide sa inyong lugar at sa mga karatig bayan
ninyo. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Tutulong ako sa paglilinis ng mga katubigan.
B. Bibili ako ng isda at lilinisin na lang itong mabuti.
C. Pananatilihin ko na lang na malinis ang aming bakuran.
D. Ililihim o hindi ipagbibigay-alam ang sitwasyon ng aming lugar.
22. Nagbaba ng ordinansa ang inyong barangay na paghiwa-hiwalayin ang mga basura sa
nabubulok, di-nabubulok, at sa pwede pang gamitin. Pinagsabihan kayo ng inyong mga
magulang na sundin ito. Ano ang gagawin mo?
A. Susunod sa ordinansa dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
B. Magkukunwari na hindi ko narinig ang sinabi ng mga magulang.
C. Pakikinggan ang magulang ngunit hindi ito isasagawa sa tahanan.
D. Sundin ang ordinansa ng barangay sa loob lamang ng isang buwan.
25. Ang RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay nagsasaad ng tamang
paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste. Bakit kailangang
ipatupad ito ng ating pamahalaan?
A. upang mabigyan ng trabaho ang mga tagapagpatupad ng batas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. upang makinabang sa advanced na teknolohiya sa pamamahala ng basura
C. upang maipakita ang pagmamahal sa kalikasan at pangangalaga sa kalusugan ng
mamamayan
D. upang makasunod sa mga internasyonal na pamantayan sa pagpapahalaga sa
kalikasan
27. Sa inyong klase ay may pinagawang proyekto. Ang inyong guro ay naglahad ng pamantayan
sa paggawa ng nasabing gawain. Alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin bilang isang
mag-aaral?
A. Bilisan ang paggawa upang mauna sa pagpasa sa ibang grupo.
B. Ipasa ang proyekto sa guro kahit hindi maayos ang natapos na gawain.
C. Lumagpas sa oras ng paggawa upang maging maganda ang gawain.
D. Sumunod sa pamantayan upang lumabas na may kalidad ang gawain.
28. Ikaw ay nagtratrabaho nang husto, may interes sa ginagawa, at ibinibigay ang iyong puso sa
paggawa. Ano ang maaaring maging resulta nito?
A. magugulat ka sa hindi magandang kinalabasan ng iyong gawain
B. magsisisi ka kung bakit isinagawa at ipinamalas mo pa ang mga iyon
C. magkakaroon ka ng gawang may kalidad at maipagmamalaki sa iba
D. maglalaan ka ng sobrang oras sa paggawa dahil sa dami ng trabaho
29. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng kahusayan sa pag-iisip na may
kaugnayan sa etiko sa paggawa na dapat tularan, maliban sa isa. Ano ito?
A. “Ipapasa ko na ito kahit hindi tapos. Hindi na ito mahahalata ni titser.”
B. “Sasagutan ko lahat nang gawain sa aking modyul ng may katapatan.”
C. “Mas maganda sa pakiramdam kung mataas ang grade mo dahil sa sarili mong
pagsisikap.”
D. “Sa haba ng panahon na ibinigay sa atin upang matapos ang proyekto, ibigay na natin
ang best natin.”
30. Nagbigay ng gawain ang guro mo Martes ng umaga at kailangan nang ipasa sa Lunes nang
umaga sa susunod na linggo. Kailan mo ito gagawin?
A. Gagawin ko sa Linggo ng gabi.
B. Gagawin ko sa araw kung kailan ko lang maalala.
C. Gagawin ko at sisikaping tapusin sa araw kung kailan sinabi ng guro.
D. Ipagagawa ko kay ate o kuya dalawang araw bago ang pasahan.
31. Sa iyong palagay, alin sa sumusunod na pananaw ang nakaayon sa pamantayan sa paggawa?
A. Puwede nang ipasa ang proyekto sa guro kahit mayroon pang kulang dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
B. Dapat pagbutihin ang paggawa sa proyektong ipapasa upang maipagyabang ito.
C. Mabuting magtanong sa mga nakaaalam upang matapos na de-kalidad ang proyekto.
D. Ayos lamang na lumagpas sa takdang araw ang paggawa ng proyekto basta maging
maganda ito.
32. Ang pagiging malikhain ay ang kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba
o paunlarin ang mga bagay na naimbento na. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang
taong malikhain maliban sa isa. Alin ito?
A. masigasig sa paggawa ng proyekto kahit may kahirapan ito
B. ginagaya niya ang mga magagandang bagay na nakikita sa iba
C. madaling makibagay at maiangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon
D. nakagagawa ng paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay na nasa paligid
33. Habang papauwi si Densyo galing paaralan ay pinag-iisipan niya ang proyekto nila sa EsP na
pansabit sa dingding. Sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang mga nagkalat na plastik na
bote sa daan. Mula sa kaniyang klase sa Agham, napag-alaman niya na ang mga plastik na ito
ay hindi nabubulok at maaari pang bumara sa mga daluyan ng tubig at maging sanhi ng
pagbaha. Paano kaya makatutulong si Densyo sa suliraning ito hinggil sa basura?
A. Ipunin ang mga ito at sunugin sa isang bakanteng lote.
B. Hayaan ang mga itong isinop ng pamahalaang barangay.
C. Ipunin ang mga plastik na bote at dalin ito sa lugar na hindi nakikita.
D. Ipunin ang mga ito at bumuo ng disensyo mula rito para sa proyekto sa EsP.
34. Bibisita ang inyong mga kamag-anak sa susunod na linggo at makikituloy sa inyo nang ilang
araw. Alam mo na sapat lamang ang inyong unan para sa inyong pamilya. Paano mo
maipakikita ang iyong pagiging malikhain sa pagbibigay-solusyon sa suliraning ito?
A. gawing unan ang pinagpatong-patong na karton
B. humingi ng pambili ng unan sa iyong mga magulang
C. gupit-gupitin ang mga pakete ng pagkain upang gawing unan
D. ipahiram ang inyong mga unan at hindi na lamang kayo gagamit nito
35. Alin sa sumusunod na gawain ang makatutulong na malinang ang pagkamalikhain ng isang
tao?
A. madalas na pagliban sa klase
B. pagbabasa ng iba’t ibang aklat
C. pagkain ng masusustansiyang pagkain
D. palaging pagpupuyat dahil sa paglalaro
36. Bigyang-katwiran ang pahayag sa ibaba. Tama ba o mali ang ginawa ni Eduardo? Bakit?
Si Eduardo ay nagnais na iangat ang kaniyang kalagayan kaya siya ay nag-isip, nagpuyat,
at nagpagod upang mag-imbento ng isang bagay na magagamit niya sa paglilingkod sa iba.
37. Ginamit ni Ludy ang kaniyang mga pangarap upang mapayaman ang kanyang ideya sa
pamamagitan ng pag-aaral, pananaliksik, at pagsusumikap. Dahil dito, ano ang maaaring
maging bunga nito?
A. Maiaangat niya ang kaniyang kalagayan sa buhay dulot ng pagyapak sa karapatan ng
iba.
B. Marami ang malulungkot at di-makikinabang sa yaman ng ideya ng isang taong
malikhain.
C. Mapapaunlad niya ang kaniyang kaisipan sa pamamagitan ng paggaya niya sa ideya
ng ibang tao.
D. Mapagaganda niya ang anumang proyektong lilikhain mula sa kanyang imahinasyon
at pagkamalikhain.
38. Ang mga Pilipino ay may kakayahang makipamuhay saan mang bansa kahit ang kultura at
pamamaraan nila ay lubhang iba kaysa sa atin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Sobrang malakas ang loob ng mga Pilipinong ipakita o ipamalas kung sino talaga
tayo.
B. Madaling makibagay ang mga Pilipino at iangkop ang sarili sa iba’t ibang
pagkakataon.
C. Nakatatayo ang mga Pilipino sa sariling desisyon kahit saan mang panig sila ng
mundo mapunta.
D. Ang mga Pilipino ay may malakas na motibasyon upang magtagumpay sa mga
hamon ng buhay.
39. Nagmumula ang lason ng red tide sa maliliit na organismo na naninirahan sa katubigan na
siya namang nakakain ng mga shellfish. Kapag nakain ng tao ang apektadong shellfish,
maaaring maipasa ang lason at magdulot ng mga sakit sa tao. Ano ang dapat gawin upang
maiwasan ang pangyayaring ito?
A. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan.
B. Huwag nang kumain ng mga shellfish kailanman.
C. Isulong ang pagtatayo ng mga pabrika malapit sa dagat.
D. Linising mabuti ang mga barko bago maglayag sa karagatan.
40. Ang Batas Republika Bilang 8749 o kilala rin bilang Philippine Clean Air Act ay
naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayan. Alin
sa mga sumusunod ang hindi isinasaad ng batas na ito?
A. Iwasan ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin.
B. Bigyang-pansin ang paghihinto ng mga gawaing nagpapadumi sa hangin kaysa sa
paglilinis nito.
C. Pananatilihin ng mga opisyal ng pamahalaan ang kalinisan ng hangin at hindi ng mga
mamamayan.
D. Ipatupad ang mga programa sa pangmatagalang pamamaraan upang maiwaksi ang
sanhi ng maduming hangin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE
41. Narinig ni Maria na naghahanap ang kaniyang ama ng isang hayop na nabibilang sa uring
nanganganib nang maubos upang ipanregalo sa kaarawan ng kumpare niya. Kung ikaw si
Maria, ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring walang alam para hindi makonsensiya.
B. Isumbong ang ama sa pinakamalapit na himpilan ng pulis.
C. Sabihing labag ito sa batas at bumili na lamang ng ibang regalo.
D. Pabayaan ang ama sapagkat alam na niya ang kaniyang ginagawa.
42. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tagubilin ng
Batas Republika Blg. 9003?
A. pagtataguyod ng kalinisan sa mga katubigan
B. pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar
C. pagbabawal sa pagsusunog ng mga basurang biochemical
D. paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok
43. Ipinatutupad ng Pilipinas ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 sa
buong bansa. Paano ito makatutulong sa anti-drug policy ng pamahalaan?
A. Ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng kahit na anong uri ng gamot sa mga
botika ng walang reseta ng manggagamot na ipakikita.
B. Inaatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong
makontrol at mapigilan ang polusyong kumakalat sa bansa.
C. Pananatilihin ng pamahalaan ang kaayusan ng pagbibigay at pagbebenta ng mga
gamot sa mga mamamayan sa iba’t ibang botika sa kapuluan.
D. Titiyakin ng pamahalaan na mahuhuli ang mga taong nagbebenta at gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot at mapapatawan sila ng kaukulang parusa.
44. Habang ang buong pamilya mo ay namamasyal, napansin mong itinapon ng nakababata
mong kapatid ang pinagkainan niya ng tsitserya sa gilid ng daan. Ano ang gagawin mo?
A. Pupulutin ang kalat niya at itatapon ito sa basurahang malapit dito.
B. Papayuhan siya na hindi tamang itapon kung saan-saan ang basura.
C. Maghahanap ng dyanitor sa paligid na maaaring magwalis ng kalat niya.
D. Yayayain siyang umuwi na dahil baka may makakita sa kanyang ginawa.
47. Sa loob ng inyong silid-aralan ay nasaksihan mo ang isang kaguluhang nagaganap sa pagitan
ng iyong mga kamag-aral. Ano ang nararapat mong gawin dito?
A. Lalapitan ang pangyayari at panonoorin sila sa kanilang ginagawa.
B. Ipagbibigay-alam ko ito sa aming guro upang mapigilan ang paglala nito.
C. Mananahimik na lamang upang hindi na madamay sa kaguluhan sa klase.
D. Pipigilan sila sa ginagawang kaguluhan at papanig sa isang kamag-aral.
48. Sa inyong komunidad ay may iba’t ibang organisasyon o proyektong isinasagawa. Ang isa sa
mga ito ay nagpapanatili ng kapayapaan mula sa tahanan hanggang sa pamayanan. Lalahok
ka ba rito o hindi? Bakit?
A. Lalahok ako dito dahil mapapaunlad ko pa ang sarili kasama ng iba ko pang kaibigan
sa pamayanan.
B. Hindi ako makikiisa sa gawain ng komunidad dahil mauubos lamang dito ang oras at
kakayahan ko.
C. Makikiisa ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil ito ang gustong mangyari ng
aking mga magulang.
D. Sasama ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil napakagandang pagmasdan ang
pamayanang may kaayusan.
49. Mahilig kang tumugtog ng gitara at umawit. Gusto mo pang tumugtog ngunit napansin mong
malalim na ang gabi. Ano ang pinakanararapat mong gawin?
A. Hihinaan ang pagtugtog at pag-awit sa loob ng silid.
B. Lumabas ng bahay upang doon tumugtog ng gitara.
C. Tumigil na sa pagtutugtog ng gitara upang hindi makaabala sa mga natutulog.
D. Tumigil na sa pagtutugtog ngunit ipagpatuloy ang pag-awit sa labas ng bahay.
50. Sumama ka sa mga pinsan mong nagpunta sa isang pulo. Nakita mo ang iba’t ibang uri ng
corals. Tuwang-tuwa ka dahil sa iba’t ibang kulay at hugis ng mga ito. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Kunin at paglalaruan.
B. Kunin at iuuwi sa bahay.
C. Kunin, iuuwi sa bahay, at ibebenta.
D. Pagmasdan at hangaan ang mga ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TARLAC PROVINCE