Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

DOMEYN NA GROSS MOTOR / PANLAHAT NA

KAKAYAHAN
Gross Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
Nakaaakyat sa upuan o Sapat ang ulat ng magulang.
1 ibang mataas na
gamit/kasangkapan
katulad ng kama nang
hindi tinutulungan

Nakalalakad ng paurong PAMAMARAAN:


2 o paatras. Sabihan ang bata na lumakad ng patalikod
o paurong. Ipakita kung paano ito
gagawin.

Sapat ang ulat ng magulang.

Italâ kung ang bata ay nakakalakad nang


paurong/paatras nang hindi natutumba at
walang hinahawakan.

3 Nakatatakbo nang hindi MATERYALES: bola


natutumba o nadadapa.
PAMAMARAAN:
Hikayating tumakbo ang bata sa
pamamagitan ng pagpagulong ng bola sa
sahig.

Italâ kung ang bata ay makakatakbo ng


mabilis at maayos na hindi
natitisod/nadadapa o natutumba.

4 Nakabababa ng Agarang italâ kung makikitang nagagawa


hagdanan, dalawang paa niya ang aytem #6.
bawat baitang, na
nakahawak ang isang Sapat ang ulat ng magulang.
kamay sa hawakan ng
hagdanan.

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
5 Nakaaakyat ng MATERYALES: laruan
hagdanan na nakahawak
sa hawakan ng hagdan, PAMAMARAAN:
2 paa sa bawat baitang. Maglagay ng laruan sa pagitan ng ika-4 o
ika-5 baitang ng hagdan. Paakyatin ang
bata upang kunin ang laruan.

Italâ kung ang bata ay magagawang


1 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)
umakyat ng hagdanan sa pamamagitan ng
pagyapak ng dalawang paa sa unang
baitang gayundin sa mga susunod na
baitang na nakahawak sa hawakan o
baybay ng hagdanan o kaya’y sa dingding
para suporta.

Agarang italâ kung ang bata ay nagagawa


ang aytem #6

Sapat ang ulat ng magulang.

6 Nakaaakyat ng MATERYALES: laruan


hagdanan na halinhinan
ang paa PAMAMARAAN:
at hindi Maglagay ng laruan sa gitna ng ika-4 o
humahawak sa hawakan ika-5 baitang ng hagdan. Paakyatin ang
ng hagdan. bata upang kunin ang laruan.

Italâ kung magagawa ng batang umakyat


ng hagdanan na halinhinan ang paa at
hindi humahawak sa hawakan ng hagdano
dingding para suporta.

Sapat ang ulat ng magulang.

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

2 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


7 Nakabababa ng hagdan MATERYALES: laruan
na halinhinan ang paa at
hindi kumakapit sa PAMAMARAAN:
hawakan hagdan. Maglagay ang laruan sa pinaka baba ng
hangdan. Pababain at ipakuha ito sa bata.

Italâ kung halinhinan ang paang bababa


at hindi humahawak sa hawakanng
hagdan. Huwag bibigyan ng puntos kung
iaapak ang parehong paa sa bawat
baytang ng hagdan o kumapit sa dingding
o hawakan ng hagdan.

Sapat ang ulat ng magulang.

8 Naigagalaw ang PAMAMARAAN:


katawan ayon sa Sabihin sa bata na itaas ang dalawang
sasabihing kilos. kamay.

9 Nakalulundag. Kailangang makita ito ng interviewer

10 Naihahagis ang bola MATERYALES: bola


mula sa ibabaw ng ulo
sa direksyon na PAMAMARAAN:
ninanais. Bigyan ang bata ng bola at tumayo ng may
layong tatlong (3) talampakan mula sa
kanya. Sabihin sa bata na ihagis ang bola
mula sa ibabaw ng kanyang ulo sa patungo
sa iyo.

Italâ kung maihahagis ng bata ang bola


mula ibabaw ng kanyang ulo at aabot sa
iyo na ang direksyon ay tungo sa pagitan
ng iyong tuhod at ulo. Masdan kung hindi
ito patagilid o galing sa ibaba.

Gross Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

3 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


11 Nakalulundag o PAMAMARAAN:
nakakandirit ng tatlong Sabihin sa batang itaas ang isang paa at
(3) beses gamit ang lumundag o kumandirit ng 3 beses na
nakasanayang paa gamit ang nakasanayang paa (preferred
(preferred foot) foot).

Italâ kung ang bata ay makakalundag na


gamit ang nakasanayang paa (preferred
foot) nang walang hinahawakan.

12 Nakalulundag at PAMAMARAAN:
nakakaikot. Sabihin sa batang lumundag sabay ikot
palikod likod.

Italâ kung magagawa ito ng bata nang


hindi natutumba.

13 Nakasasayaw nang may Sapat ang ulat ng magulang.


sinusunod na pattern o
nakakasabay sa mga
gawaing pang grupo.

KABUOANG ISKOR

DOMEYN NA FINE MOTOR /


PANGKAMAY
Fine Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
1 Kayang kunin / MATERYALES: maliit na laruan o bagay
pulutin ang pagkain
o laruan gamit ang PAMAMARAAN:
limang daliri na nasa Paupuin ang bata sa kandungan ng
isang patag na lugar. magulang kung saan ang siko ng bata ay
kapantay sa lamesa at ang mga kamay ay
nakapatong dito. Maghulog ng maliit na
laruan. Tawagin ang pansin sa pag tapik o
pagtuktok sa ibabaw ng lamesa o di kaya’y
ituro ang laruan.

Italâ kung pupulutin ng bata ang laruan


gamit ang kanyang limang daliri, o tila
pakalaykay. Agarang italâ kung nagagawa
na niya ang susunod na aytem.

4 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


2 Kayang pulutin o MATERYALES: maliit na laruan o pagkain
kunin ang laruan o
pagkain gamit ang PAMAMARAAN:
hinlalaki at Ilagay ang laruan o pagkain sa harap ng bata
hintuturong daliri. na kaya niyang abutin. Tawagin ang pansin
ng bata sa pagtapik o pagtuktok ng malapit
sa pagkain o laruan.

Italâ kung gagamitin ng bata ang dulo ng


hinlalaki at hintuturong daliri sa pagpulot
ng laruan o pagkain.

3 Naipakikita o MATERYALES: maliit na laruan


naipapamalas ang
nakasanayang kamay PAMAMARAAN:
(right- o left- Ilagay ang laruan sa tiyak na harapan ng
handedness). bata. Siguraduhing nasa gitna ang laruan.
Sabihan ang bata na abutin o kunin ang
laruan. Ipagawa ng 2 hanggang 3 beses.

Italâ kung gagamitin ang isang kamay


(kaliwa o kanan) ng dalawang beses sa loob
ng tatlong pagsubok.

Sapat ang ulat ng magulang.

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
4 Nailalagay sa loob at MATERYALES: maliliit na bagay at
inilalabas ng isang malalagyan ng mga ito
lalagyan ang maliliit
na bagay. Dapat maipagawa o maipalabas ng
interviewer

5 Nahahawakan ang MATERYALES: krayola


krayola gamit ang 5
daliri ng kamay na PAMAMARAAN:
parang nakatikom na Ipakita ang krayola sa bata at hayaang kunin
kamao (palmar nya ito.
grasp)
Italâ kung hahawakan ng bata ang krayola
gamit ang kanyang limang daliri o buong
kamay na parang nakatikom na kamao.
Atomatikong bigyan ng puntos kung
hahawakan ng bata ang krayola ng mga
dulo ng kanyang 5 daliri.

Dapat maipagawa o maipalabas ng


tagasuri / tagapanayam (interviewer)

5 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


6 Nabubuksan ang MATERYALES: Boteng may takip na de
takip ng boteng de roskas o kending may balat
roskas (screw)o
nababalatan ang Dapat maipagawa o maipalabas ng
kending nakabalot. tagasuri / tagapanayam (interviewer)

7 Kusang sumusulat o MATERYALES: papel, lapis/ krayola


guri-guring
sumusulat PAMAMARAAN:
(scribbles). Ilagay ang isang pirasong papel at lapis o
krayola sa ibabaw ng lamesa at sabihin sa
bata na magdrawing ng gusto nya. Dapat ay
hindi sasabihin kung anong idodrowing at
hindi rin ipapakita ng tagasuri kung paano
ang gagawin.

Italâ kung gagamitin ng bata ang dulo ng


mga daliri sa paghawak ng lapis o krayola
at nagsulat/nakakaguhit sa papel (hindi
accidental)

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
8 Nakasusulat ng MATERYALES: papel; lapis / krayola
pahalang at patayong
linya. PAMAMARAAN:
Ilagay ang lapis o krayola at papel sa ibabaw
ng lamesa at sabihin sa bata na gayahin ang
isusulat mong pahalang at patayong linya.

Italâ kung makasusulat ang bata ng linyang


pahalang at patayo na may sukat na
dalawang pulgada at hindi halos naiiba sa
iyong sinulat. Maaring medyo wavy (hindi
tuwid na tuwid) ang kanyang nagawa
ngunit hindi dapat putol putol ang linya.

9 Nakaguguhit ng MATERYALES: papel; lapis / krayola


bilog.
PAMAMARAAN:
Ilagay ang papel at lapis o krayola sa ibabaw
ng mesa at sabihin sa kanyang gayahin ang
iginuhit mong bilog o bola.

Italâ kung ang bata ay makakaguhit ng


bilog o putol na bilog. Walang puntos kung
ang ginuhit ay paikid ikid (spiral).

10 Nakaguguhit ng tao MATERYALES: papel; lapis / krayola


(ulo, mata, katawan,
braso, kamay / daliri) PAMAMARAAN:
Bigyan ng lapis at papel ang bata at sabihing
6 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)
gumuhit ng tao.

Italâ kung ang bata ay makaka guhit ng tao


na may 3 o higit na parte ng katawan. Ang
bilang ng 1 pares ay 1 bahagi tulad ng
(mata, tainga, braso, kamay, binti at paa).
Pares dapat ang pagkakaguhit ng mga ito
upang magkaroon ng puntos.

Fine Motor Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
11 Nakaguguhit ng MATERYALES: papel; lapis/ krayola
bahay gamit ang
iba’t ibang hugis PAMAMARAAN:
(geometric figure) Bigyan ng lapis at papel ang bata at sabihing
gumuhit ng bahay.

Italâ kung maguguhit ng bata ang bubong,


katawan ng bahay, pinto, at bintana.

KABUOANG ISKOR

DOMEYN NA SELF-HELP / PANSARILI


Self-Help Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
Sub-domeyn na pagkain
1 Nakakakain ng biskwit MATERYALES: Tinapay o biskwit
o tinapay (o iba pang
finger food) nang mag- Dapat makita ito ng tagasuri /
isa gamit ang mga tagapanayam (interviewer)
daliri.

2 Mag-isang kumakain ng Awtomatikong italâ kung naipapakita ang


kanin at ulam gamit ang aytem # 4.
mga daliri / kamay na
may kalat o natatapon. Sapat ang ulat ng magulang.

3 Kumakaing mag-isa Awtomatikong italâ kung naipapakita ang


gamit ang kutsara na aytem # 5.
may kalat o natatapon.
Sapat ang ulat ng magulang.

4 Nakakakain gamit ang Sapat ang ulat ng magulang.


mga daliri / kamay na
7 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)
walang kalat o
natatapon.

5 Nakakakain nang mag- Sapat ang ulat ng magulang.


isa gamit ang kutsara na
walang kalat o
natatapon.

6 Nakakakain nang mag- Sapat ang ulat ng magulang.


isa. Hindi na
sinusubuan.

7 Tumutulong sa MATERYALES: tasang inuman, tubig


paghawak ng tasa Dapat walang bibig o tuka ang tasang
habang umiinom. inuman

Dapat maipakita o maipalabas ng


tagasuri / tagapanayam (interviewer)

Self-Help Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
8 Nakaiinom sa tasa MATERYALES: tasang inuman, tubig
ngunit may tapon. Dapat walang bibig o tuka ang tasang
inuman

Dapat maipakita o maipalabas ng


tagasuri / tagapanayam (interviewer)

9 Nakaiinom sa tasa nang MATERYALES: tasang inuman, tubig


hindi nangangailangan
pa ng tulong. Dapat maipakita o maipalabas ng
tagasuri / tagapanayam (interviewer)

10 Kumukuha ng inumin Sapat ang ulat ng magulang.


nang mag-isa
at walang umaalalay

11 Nakapagbubuhos ng Sapat ang ulat ng magulang.


tubig mula sa pitsel na
walang tapon.

12 Inihahanda ang sariling Tanungin ang tagapag-alaga kung


pagkain nakapaghahanda ng kanyang baon /
(snacks) snack na walang tumutulong maliban na
lang sa pagkuha ng mga mahirap kuning
gagamitin para dito (hal. tasa, kutsara)

8 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


13 Nakapaghahanda ng Sapat ang ulat ng magulang.
pagkain para sa mga
nakababatang kapatid o
pamilya kung walang
matandang kasama.

Sub-domeyn na pagdadamit
14 Sumusunod/ Sapat ang ulat ng magulang.
nakipagtutulungan
kapag binibihisan
(itinataas ang kamay at
at paa).

15 Nahuhubad ang Sapat ang ulat ng magulang.


shorts/pantalong de
garter mag-isa.

Self-Help Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
16 Nahuhubad ang sando Sapat ang ulat ng magulang.
nang mag-isa.

17 Nakapagsusuot ng Sapat ang ulat ng magulang.


damit / nakapagbibihis
magisa maliban sa
pagbubutones o
pagtatali.

18 Mag-isang MATERYALES: kamiseta o polo na may


nakapagbibihis, butones at sapatos na may sintas
nakapagbubutones at
nakaagtatali nang PAMAMARAAN:
walang tumutulong Ipagawa sa bata ang pagbubutones ng
damit at pagtatali ng sapatos na may sintas

Sub-domeyn na toileting
19 Naipaaalam lamang sa Sapat ang ulat ng magulang.
nakatatanda matapos
niyang umihi o dumumi
sa kanyang salawal.

20 Nagsasabi sa Sapat ang ulat ng magulang.


nakatatanda na gusto
niyang umihi o dumumi
upang siya ay madala sa
nakatakdang lugar
(hal. palikuran)

9 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


21 Kaya na niyang Sapat ang ulat ng magulang.
pumunta sa palikuran /
CR kapag
siya ay maiihi o
madudumi. Maaring
minsan ay napapaihi o
napapadumi pa rin siya
sa salawal.

Self-Help Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
22 Kaya na niyang Sapat ang ulat ng magulang.
pumunta sa
palikuran/CR kapag
siya ay maiihi o
madudumi.

23 Nakapagpupunas o Sapat ang ulat ng magulang.


nakapaglilinis ng sarili
matapos dumumi.

Sub-domeyn na pagligo
24 Nakipagtutulungan Sapat ang ulat ng magulang.
kapag pinapaliguan
(hal. sinasabon ang
sariling braso)

25 Naghuhugas at tinutuyo Tanungin ang tagapag-alaga kung kaya


ang mga kamay na na ng bata maghugas at magpunas ng
hindi tinutulungan. kamay. Maaring tinutulungan pa siyang
magbukas o magsara ng gripo

26 Nakapaghihilamos nang Tanungin ang tagapag-alaga kung kaya


mag-isa. na ng batang maghilamos at magpunas ng
mukha na hindi tinutulungan. Maaring
tinutulungan pa siya sa pagbukas o
pagpatay ng gripong hindi maabot.

27 Nakaliligo nang magisa Sapat ang ulat ng magulang.


at nang walang tulong
galing sa iba.

KABUOANG ISKOR

10 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


DOMEYN NA RECEPTIVE LANGUAGE / PANG-UNAWA
Receptive Language Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
1 Naituturo ang PAMAMARAAN:
kapamilya / Ipaturo sa bata kung nasaan ang magulang
tagapagalaga kapag o tagapag-alaga.
ipinatutro.
Italâ kung kaya ng bata na maituro ng
tama.

2 Naituturo ang 5 bahagi PAMAMARAAN:


ng kanyang Ipaturo sa bata ang bahagi ng kanyang
katawan katawan tulad ng ilong, mata, bibig,
kamay at paa.

Italâ kung maituturo niya ang lahat ng


mga ito.

3 Naituturo ang 5 MATERYALES: picture book na may 2


larawan na babanggitin larawan sa kada pahina.
ng tagapanayam.
PAMAMARAAN:
Ipakita sa bata ang mga larawan sa libro
(may 2 larawan ang bawat pahina) at
ipaturo ang mga larawan na itatanong mo
“Nasaan ang ______?”).

Italâ kung maituturo niya (ng kanyang


daliri o hintuturo) ang tamang larawan
na hindi bababa sa bilang na lima (5)

4 Nakasusunod sa isahan MATERYALES: blocks o laruan


o “one-step instruction”
na may payak na pang- PAMAMARAAN:
ukol (simple Sabihin sa bata na ilagay ang blocks o
prepositions) tulad ng laruan sa ilalim ng lamesa; ibabaw ng
nasa (in); sa (on); sa lamesa; sa loob ng bag. Huwag ituro sa
ilalim bata habang nagbibigay ka ng
(under); etc. “instructions”.

Italâ kung ang bata ay nakasunod ng


hindi bababa sa isang panuto

Receptive Language Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

11 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


1 Malinaw na PAMAMARAAN:
nakapagsasabi ang Itanong sa tagapag-alaga kung ang bata ay
bata ng 5 hanggang nakapagsasabi na ng 5 o 6 na malinaw na
20 na mga salita. salita maliban sa mama at papa. Ito ang
pinakamababang bilang ng salitang
masasabi.

2 Gumagamit na ng Sapat ang ulat ng magulang.


mga panghalip (hal.
ako, akin).

3 Nakabubuo na ng 2-3 Sapat ang ulat ng magulang.


kombinasyon ng
pandiwa at
pangngalang salita
(verb-noun) tulad ng
“hingi-gatas”

4 Nasasabi ang tamang MATERYALES: picture book


pangalan ng mga
larawan sa aklat. PAMAMARAAN:
Ituro ang isang larawan sa aklat at tanungin
kung ano ito.

Italâ kung makakapagsabi ng hindi bababa


sa apat na tamang sagot ang bata.

Sapat na ang ulat ng magulang

5 Nakapagsasalita ng Sapat ang ulat ng magulang.


malinaw at tama
gamit ang
pangungusap na may
2 – 3 salita.

6 Nagtatanong ng mga Sapat ang ulat ng magulang.


tanong na
nagsisimula sa
“ANO”.

Receptive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


Language 1st 2nd 3rd
7 Nagtatanong ng mga Sapat ang ulat ng magulang.
tanong na
nagsisimula sa
“SINO’ at “BAKIT”.

12 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


8 Naikukwento ng bata PAMAMARAAN:
ang mga bagong Tanungin ang tagapag-alaga kung ang bata
karanasan niya (may ay nakapag-salaysay ng kanyang mga
“guide”) nang karanasan na may tamang pagkakasunod-
naayon sa sunod at gamit ang mga salitang nasa past
pagkasunud-sunod tense o nakalipas. Maaaring magbigay ng
ng pangyayari. “clue” ang tagapag-alaga upang maisalaysay
Gumagamit ng mga ng maayos at kumpleto ang kwento.
nasa salitang past
tense. Sapat ang ulat ng magulang.

KABUOANG ISKOR

DOMEYN NA COGNITIVE / PANGKAISIPAN


Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
1 Tumitingin sa MATERYALES: kutsara o bola
direksyon ng
nahuhulog na bagay. PAMAMARAAN:
Ihulog ang bola o kutsara upang makuha ang
atensyon ng bata habang siya ay naka-upo.
Tingnan kung susundan ng tingin ang nahulog
na bagay.

Italâ kung titingin o susundan ng tingin ng


bata ang bagay na nahuhulog.

Atomatikong bigyan ng puntos kung


magagawa niya ang aytem #5

2 Tinitingnan ang MATERYALES: bola, /face towel o tela


bahagyang nakatagong
bagay. PAMAMARAAN:
Habang nakaharap sa iyo ang bata, bahagyang
itago ang bola sa maliit na tuwalya at
pagmasdan kung hahanapin at makikita niya
ito.

Italâ kung kinuha ng bata ang nakatagong


bola.

Agad bigyan ng puntos kung magagawa niya


ang aytem #5

3 Ginagaya ang kilos na Agad bigyan puntos ang bata kung


kakikita pa lamang magagawa niya ang aytem #6

Sapat ang ulat ng magulang.

13 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


4 Iniaalok ang hawak na Sapat ang ulat ng magulang.
bagay ngunit hindi
naman binibitawan.

Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
5 Hinahanap ang bagay MATERYALES: bola, / face towel o tela
na lubusang nakatago
PAMAMARAAN:
Habang nakaharap sa iyo ang bata, itago ang
bola sa maliit na tuwalya at masdan kung
hahanapin at makikita niya ito sa ilalim ng
tuwalya.

Italâ kung hinanap ng bata ang nakatagong


bola at kinuha ito.

6 Nakikitang naglalaro MATERYALES: manika o laruang


ng kunyari-kunyarian o sasakyan/ block
pretend play (hal.
nagpapakain o PAMAMARAAN :
nagpapatulog ng Kargahin ang manika at kunwaring
manika) patutulugin o paandarin ang kotsekotsehan ng
paurong – sulong.

Italâ kung kaya itong gayahin ng bata.

7 Napagsasama-sama ang MATERYALES: 1 pares ng kutsara,


mga magkakatulad na blocks, at bola
bagay.
PAMAMARAAN:
Ihanay ang 1 kutsara, 1 bola at 1 block sa
mesa. Ibigay sa bata ang mga kaparehas ng
mga bagay na nasa mesa at sabihing
“Pagsama samahin mo nga ang magkakatulad
o magkakapareho”.

Italâ kung mapagsasama-sama ng bata ang


magkakatulad na bagay.

14 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
8 Kayang makapagtugma MATERYALES: 3 pares na krayola (asul,
ng 2 pula, dilaw)
- 3 kulay.
PAMAMARAAN:
Maglagay ng tig iisang kulay ng krayola sa
ibabaw ng lamesa. Ibigay naman ang
natitirang krayola sa bata. Magpakita ng
halimbawa ng krayola na magkaparehas ang
kulay (pula sa pula). Pagkatapos ay ibigay sa
bata ang krayola at ipagawa sa kanya. “Itabi
mo ang bawat krayola sa kaparehas nitong
kulay”

Italâ kung mapagpapares pares ng bata nang


tama ang mga kulay.
9 Kayang makapagtugma MATERYALES: 3 pares ng picture cards
ng magkakaparehas na (tulad ng mansanas, orange, saging)
mga larawan
PAMAMARAAN:
Ilagay sa ibabaw ng mesa ang tig-iisang
kopya ng mga larawan. Ibigay sa bata ang
ibang larawan. Ipakita kung paano ang
pagpapapares-pares (saging sa saging).
Matapos ipakita ay ipagawa naman sa bata.
“Ipagpares pares mo nga ang magkakatulad
na larawan.”

Italâ kung maipagtutugma ng bata ang 3


pares ng larawan.
10 Napagsasama-sama ang MATERYALES: 4 na pares ng iba’t ibang
mga magkakatulad ang hugis na magkakatulad ang laki at kulay
hugis
PAMAMARAAN:
Ipakita sa bata ang mga hugis. Sabihin sa
bata na ipagpares-pares o pagsamahin ang
mga magkakatulad. Matapos
mapagsamasama, ituro ang mga
magkakatulad na hugis at tanungin ang bata,
“Bakit sila ang iyong pinagsama?”

Italâ kung mapagsasama ng bata ang


magkakaparehong hugis at masasabi kung
bakit sila magkakatulad (pareho sila, pareho
sila ng hugis, puro sila bilog).

Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

15 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


11 Napagsasama sama ang MATERYALES: 4 na pares ng iisang hugis:
mga bagay ayon sa 2 magka ibang laki; 2 magkaibang kulay na
dalawa nitong pareho ang laki at kulay.
katangian (hal. laki at
kulay) PAMAMARAAN:
Ipakita sa bata ang mga hugis. Sabihin sa
bata na “Pagsamasamahin ang
magkakatulad.”

Italâ kung mapagsasama sama ng bata ang


mga hugis na magkakapareho ang laki at
kulay.

12 Naiaayos ang mga MATERYALES: 4 na pirasong parisukat


bagay ayon sa laki (square) na magkakasunod ang laki at 4 na
mula sa pinakamaliit pirasong bilog na magkakasunod ang laki.
hanggang sa
pinakamalaki. PAMAMARAAN:
Ilatag at ipakita sa bata ang unang set ng mga
parisukat (hindi magkakasunod). Ipakita sa
bata kung paano aayusin ang mga ito mula sa
pinakamaliit hanggang pinakamalaki.
Sabihin: “Aayusin ko itong mga parisukat
mula pinaka maliit hanggang pinakamalaki”.
Matapos ipakita guluhin ang pagkaka ayos at
sabihin sa kanyang, “Ikaw naman ang mag-
ayos mula sa pinaka maliit hanggang
pinakamalaki”. Muling ipagawa ang proseso
sa mga hugis bilog naman.
Huwag nang ipakita kung paano.

Italâ kung tama ang pagsasaayos ng bata ng


mga sets ng hugis mula pinakamaliit
hanggang pinakamalaki. Hayaang sumubok
ng 2 beses sa bawat hugis.

Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

16 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


13 Napapangalanan ang 4 MATERYALES: 6 na papel na may 6 na
hanggang 6 na kulay iba’t ibang kulay

PAMAMARAAN:
Tanungin ang bata kung anong kulay ang
mga papel, “Anong kulay ito?”

Italâ kung mapapangalanan ng bata nang


tama ang 4 hanggang 6 na kulay.

14 Nakakokopya ng mga MATERYALES: papel at lapis / krayola


hugis
PAMAMARAAN:
Ipakopya sa bata ang hugis bilog, parisukat,
at tatsulok matapos ipakita kung paano ito
iguhit.

15 Napangangalanan ang Italâ kung makapagsasabi ng 3 hayop o 3


tatlong (3) hayop o gulay pangalan ng gulay.
kung tatanungin

16 Makapagsasabi kung Italâ kung masasabi ng bata kung saan


para saan ginagamit ang ginagamit ang 2 o higit na gamit sa bahay
mga gamit sa bahay tulad ng kama a baso.

17 Makabubuo ng payak na MATERYALES: 4 hanggang 6 na pirasong


puzzle puzzle

PAMAMARAAN:
Hayaan buuin ng bata ang puzzle sa loob ng
2 minuto. Ituloy ang susunod na aytem
matapos ang 2 minuto.

18 Naipakikita na Italâ kung masasabi ng bata ang


naiintindihan ang mga kabaligtarang salita.
kabaligtaran sa
pamamagitan ng
pagbubuo ng
pangungusap. Tulad ng
“Ang aso ay malaki, ang
daga ay
___________.”

Cognitive Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd

17 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


19 Naituturo ang kaliwa at PAMAMARAAN:
kanang bahagi ng Umupo sa harap ng bata at sabihing “Ipakita
katawan. mo nga sa akin ang iyong kaliwang kamay.”
Gawin ang katulad na proseso sa mga
sumusunod: kanang kamay, kaliwang paa,
kanang tuhod; kaliwang balikat; kanang
kamay; kanang tuhod; kaliwang binti.

Italâ kung maituturo ng bata nang tama ang


5 kaliwa at kanang bahagi ng katawang
iyong sinabi.

20 Nasasabi / natutukoy MATERYALES: 2 larawang ng gawing na


kung ano ang mali sa hindi tama o naaayon sa inilalarawan
larawan.
PAMAMARAAN:
Ipakita sa bata ang unang larawan at
tanungin, “Ano ang mali sa larawang ito?”

Italâ kung matutukoy o maituturo ng bata


ang mali sa larawan at bakit ito mali.

21 Napagtutugma ang mga MATERYALES: 2 sets ng alphabet cards


malalaking titik ng maliit at malaking titik
gayundin ang mga
maliliit na titik. PAMAMARAAN:
Ipakita ang 4 na pares ng mga cards ng
malalaking titik na hindi ayos. Sabihin sa
batang pagsamasamahin ang magkakapareho.
Gawin din ito sa mga cards ng maliliit na
titik.

Italâ kung mapagtutugma ng bata ang 4 na


pares maliit man o malaking titik.

KABUOANG ISKOR

DOMEYN NA SOCIAL-EMOTIONAL / PANLIPUNAN


Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento
1st 2nd 3rd
1 Natutuwang panoorin Sapat ang ulat ng magulang.
ang mga ginagawa ng
mga tao o hayop sa
paligid.

18 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


2 Sa simula ay medyo Sapat ang ulat ng magulang.
mahiyain o may
alinlangan ngunit sa
katagalan ay lumalapit o
makikipaglaro o
makikipagkaibigan sa
mga hindi kakilala.

3 Naglalaro mag-isa ngunit Sapat ang ulat ng magulang.


gustong malapit sa mga
kakilalang nakakatanda o
sa mga kapatid.

4 Tumatawa ng malakas o Sapat ang ulat ng magulang.


humahagikgik habang
naglalaro.

5 Nakipaglalaro ng Sapat ang ulat ng magulang.


bulagaan.

6 Nakipaglalaro ng Sapat ang ulat ng magulang.


gulungan ng bola sa
tagapag-alaga.

7 Niyayakap o niyayapos Sapat ang ulat ng magulang.


ang laruan.

8 Nagpapakita ng Sapat ang ulat ng magulang.


paggalang sa
nakakatatanda tulad ng
paggamit ng mga salitang
“po” at “opo”
9 Nagpapahiram ng mga Sapat ang ulat ng magulang.
laruan sa ibang bata

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
10 Ginagaya ang gawaing Sapat ang ulat ng magulang.
pang matanda tulad ng
pagluluto, paglalaba,
pagmamaneho atbp.

11 Nasasabi o natutukoy Italâ kung matutukoy ng bata kung


ang nararamdaman ng masaya, malungkot, nag-aalala, etc. ang
iba kanyang tagapag-alaga.

Sapat ang ulat ng magulang.

19 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


12 Nagagawa sa tamang Sapat ang ulat ng magulang.
pagkakataon ang mga
pagbati sa kulturang
Pilipino tulad ng
pagmano, paghalik sa
pisngi, etc.
13 Inaalo ang kalaro / Sapat ang ulat ng magulang.
kapatid na nasaktan o
natatakot o nalulungkot.

14 Nagpupursigi kahit may Italâ kung sinusubukan ng bata na


sagabal sa kanyang malutas ang kanyang problema o
gustong mangyari. sagabal sa kanyang ginagawa na hindi
umiiyak tulad ng pagtatali ng takip ng
kahon kung sira na takip nito.

Sapat ang ulat ng magulang.

15 Tumutulong sa gawaing Sapat ang ulat ng magulang.


bahay tulad ng
pagpupunas ng lamesa,
pagdidilig, etc.

16 Inuusisa ang mga Italâ kung matanong ang bata tungkol sa


nakikita sa kapaligiran mga bagay sa paligid niya, ngunit alam
ngunit alam din niya niya kung siya ay nagiging makulit na.
kung kailan titigil sa
pagtatanong sa mga Sapat na ang sasabihin ng magulang.
nakatatanda.

Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan Present Mga Komento


1st 2nd 3rd
17 Marunong maghintay Halimbawa, sa paghuhugas ng kamay,
pagkuha ng pagkain

Sapat ang ulat ng magulang.

18 Nagpapaalam kapag ang Sapat ang ulat ng magulang.


laruan ay ginagamit pa ng
iba.

19 Binabantayan ang Italâ kung mahigpit niyang hahawakan


pagaari/gamit nang may o pipigilan ang iba na kuhain ang
determinasyon kanyang pag-aari (possession).

Sapat ang ulat ng magulang.

20 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


20 Naglalaro ng maayos sa Sapat ang ulat ng magulang.
mga pang – grupong laro
(hal. hindi nandadaya para
manalo)

21 Nakapagkukwento ng mga Sapat ang ulat ng magulang.


nararamdaman na
naranasan (kalungkutan,
pagaalala, galit)

22 Tinatanggap/sinusunod ang Sapat ang ulat ng magulang.


isang kasunduang ginawa
kasama ang tagapag- alaga.
(Hal. makapaglalaro lamang
sa labas pagkatapos linisin /
ayusin ang kanyang silid o
laruan).

23 Binabantayan ang mga Sapat ang ulat ng magulang.


nakababatang kapatid o
miyembro ng pamilya.

Present Mga Komento


Social-Emotional Materyales/ Pamamaraan
1st 2nd 3rd
24 Nakipagtutulungan sa Sapat ang ulat ng magulang.
mga nakatatanda o
kagrupo upang maiwasan
o mabawasan ang hindi
pagkakaunawaan o pag-
aaway.

KABUOANG ISKOR

21 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


TALÂ NG EKSAMINER
Pangalan ng eksaminer: _________________________________________________________________
Petsa ng pagsasagawa: _________________________________________________
Lugar ng pagsusulit: _________________________________________________

Para sa eksaminer: Sagutan ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon. Maraming salamat.
Isulat ang iyong talâ, deskripsyon, at obserbasyon sa sumusunod na paksa:

Kaligiran ng bata (hal. ugali, kalusugan, atbp.)


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______

Kaligiran ng pamilya (hal. kalusugan ng miyembro ng pamilya / problema ng pamilya / kondisyong


pang-ekonomiko, atbp).
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______

Mga gawain ng magulang para sa bata (Ano ang mga gawain o bagay na ginagawa ng magulang
upang matulungan ang pagdevelop ng bata?)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

22 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
______

Kaligiran sa tahanan (hal. mga gamit / uri ng bahay / aytem sa bahay / interaksyon /

23 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


AGES

24 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)


25 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)
26 | Checklist ng Early Childhood Care and Development (Rekord ng Bata 2)

You might also like