Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ST. JOSEPH SCHOOL OF BALIUAG INC.

J.P. Rizal St., Sta. Barbara, Baliwag, Bulacan


S.Y.2023-2024

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 5

Pangalan: ________________________________________ Iskor: __________________________


Baitang at Pangkat: _________________________________ Petsa: _________________________
Guro: ____________________________________________ Lagda ng Magulang: ______________

TEST I. PANUTO: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

May Magagawa ba sa Isang Tambak na Basura?

May napapansin ka bang pagbabago sa inyong lugar? Ang dating malinis at malinaw na ilog,
marumi na ba ngayon? Ang maayos na mga daan, naging tambakan na ba ng basura?

Sino ang may sala sa mga pagbabagong ito sa ating kapaligitan? Huwag na tayong
magsisihan at magturuan. Magtulungan nalang tayo upang hindi lumala ang sitwasyon. Hindi pa huli
ang lahat.

Paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Ang basurang nabubulok ay


maaaring pampataba ng lupa na pagtataniman ng mga halaman. Pumili ng isang lugar at humukay
ng pagtatapunan ng basurang nabubulok tulad ng balat ng prutas at tuyong dahon.

Muling magagamit ang ibang basurang di-nabubulok tulad ng mga basyo ng lata, plastic, o
bote. Maaaring gawing alkansya o plorera ang mga basyo ng lata. Ang mga sirang bombilya naman
ay nagagawang palamuti. Ito ang pagreresaykel o ang paghahanap ng maaari pang gamit ng ating
mga itinatapon.

Malaki ang matutulong natin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ganitiong paraan.


Bukod dito, kikita pa tayo dahil, “may pera sa basura”.

_____ 1. Ano ang magagawa sa mga basurang di-nabubulok upang maging kapaki-pakinabang?

a. itago sa kahon c. gawing pataba

b. ilagay sa hukay d. gawing pandekorasyon

_____ 2. Bakit kailangang ibukod ang mga basurang nabubulok sa mga basurang di nabubulok?

a. May paggagamitan ang mga basurang ito.

b. Matagal mabulok ang basura sa paraang ito.

c. Maiiwasan ang masamang amoy kapag ginawa ito.

d. Makagagawa ng pataba sa di-nabubulok na basura.

_____ 3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng may sala sa pangungusap?

Sino ang may sala sa hindi magandang pagbabago sa ating kapaligiran?

a. sumali c. sumuporta

b. nagsimula d. may kagagawan


_____ 4. Ano ang ibig sabihin ng “may pera sa basura”?

a. Maaaring makakuha ng pera sa basura.

b. Magkakapera kapag pinaghiwalay ang basura.

c. Maaaring pagkakitaan ng pera ang mga basura.

d. Makapagtitipid kapag alam ang pagtapon sa basura.

_____ 5. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon?

a. sanhi ng pagbabago c. maaaring gawin sa mga basura

b. bunga ng maraming basura d. pakinabang sa nabubulok na basura

_____ 6. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito?

a. Tinalakay ang mga sanhi ng pagtambak ng basura.

b. Maingat na inilarawan ang kalagayan ng kapaligiran.

c. Isinalaysay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

d. Malinaw na isinaad ang suliranin at solusyon sa seleksyon.

_____ 7. Alin kaya sa sumusunod ang HINDI magiging bunga kapag tayo ay nagresaykel?

a. Magkakaroon tayo ng pagkakakitaan.

b. Mababawasan ang suliranin sa basura.

c. Lilinis at gaganda ang ating kapaligiran.

d. Maaaring patuloy na dumami ang basura.

TEST II. PANUTO: Isulat ang pang-uri sa loob ng tamang kahon ayon sa kayarian nito.

isip-bata gutom abot-kamay dakila tuloy-tuloy


sobra puro urong sulong antukin mapanukso
palabiro iba-iba punit-punit luma bukod-tangi
kasimbait kaakit-akit malas
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

TEST III. A. PANUTO: Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang
pang-uri o pang-abay

1. __________ Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.

__________ Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.

2. __________ Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.

__________ Mataimtim na nagpasalamat ang naulilang bata.


3. __________ Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan ng pangulo.

__________ Ang mensahe ng pangulo ay malinaw na ipinahiwatig ng kanyang kinatawan.

4. __________ Ang mga tanong ng doktor ay sinagot ng matamlay na pasyente.

__________ Matamlay na sinagot ng pasyente ang mga tanong ng doktor.

5. __________ Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng kanyang silid.

__________ Nagbabasa nang tahimik si Alicia sa loob ng kanyang silid.

6. __________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.

__________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.

7. __________ Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.

__________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.

8. __________ Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.

__________ Siya ay magalang na nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya.

9. __________ Husto ang pag-aaral ni Roberto para sa mahabang pagsusulit.

__________ Nag-aral nang husto si Roberto para sa mahabang pagsusulit.

10. ____________ Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.

____________ Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga kuwentong pambata.

B. PANUTO: Iguhit sa patlang ang kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-abay
na pamaraan, kung ito ay pang-abay na pamanahon, at kung ito ay pang-abay na
panlunan.

_____ 1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.

_____ 2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.

_____ 3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.

_____ 4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.

_____ 5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

_____ 6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

_____ 7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.

_____ 8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.

_____ 9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.

_____ 10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay

Just do your best and show what you know!

Good Luck! 😊

You might also like