Professional Documents
Culture Documents
Voice of Prophecy 8
Voice of Prophecy 8
Voice of Prophecy 8
1. ANG PANGAKO
(1) Titipunin ni Jesus ang lahat na mga ligtas (ang mga pinili).
Si Jesus mismo ang nangako, "Ako'y muling babalik upang kunin Ko kayo
sa aking sarili" sa bahay ng Aking Ama (tingnan ang Juan 14:1-3). Si
Pedro ay nagsasalita ukol sa mamanahin ng mga tinubos "na iniingatan
para sa inyo" (1 Pedro 1:4). Maaari tayong tumingin sa hinaharap upang
tuklasin ang mga kahangahanga sa lungsod ng Dios, ang Bagong
Jerusalem, at makikilala ang ating Ama sa langit
Noong umaga ng Agosto 16, 1945, isang maliit na bata ang tumakbo sa
buong Bakuran ng Shantung sa Hilagang China na sumisigaw na nakakita
siya ng isang eroplano sa kalangitan. Lahat ng may matipunong katawan
na nakakulong sa looban ay tumakbo sa labas at tumingin sa itaas. Ang
mga lalaki at babaeng ito ay nagtiis sa loob ng maraming mga taon ng
pagkakahiwalay, pagkakait, at agam-agam, ibinilanggo ng mga Hapones
bilang mga mamamayan ng kaaway na mga bansa. Para sa marami isang
bagay lamang ang nagpapanatili sa kanila na buhay sa espiritu: ang pag-
asa na balang araw ang digmaan ay magwawakas.