Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BALITA

Makulay na pasko, handog ng DNHS Alumni


ni: Kian Sangrenes
Naging makulay ang pasko ng 20 pamilya sa isinagawang Gift Giving Program ng alumni ng
Diplahan National High School Batch 2011 sa Lindang Elementary School noong Disyembre 23,
2023.
Nagdaos ng maikling programa ang isinagawang gift giving. Dinaluhan ito ng Punong Guro
ng LES na si Gng. Ana Marie A. Kalang-ad, at mga representante ng DNHS Batch 2011 na sina
Joanne Mae Fernandez, Mizpah Jay Basinillo, Sherry Grace Lachica at pinanguluhan ito ng
kanilang batch coordinator na si Marthony Yecla na isa ring guro ng Lindang ES.
Malaki ang pasasalamat ng dalawampung pamilya sa kanilang natanggap na pamasko,
kasama na nito ang mga laruang natanggap ng mga bata. Bakas sa kanilang mga mukha ang
galak habang tinatanggap ang kanilang pamasko lalong lalo na ang mga bata na nakatanggap ng
mga laruan.
“Hay salamat gid kay ma ara na kami panghanda sa pasko, kada tuig unta ni”, wika ni Gng.
Balome
Taon-taong ginagawa ng grupo ang Gift Giving bilang pasasalamat at pagbabahagi ng
kanilang mga natanggap na biyaya sa buong taon.

LES, benepisyaryo ng TUPAD program


ni: Charlene Jane Brillantes
Dahil sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)
Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) isa ang Lindang Elementary School sa
naging benepisyaryo nito. Noong ika-24 hanggang ika-25 ng Enero, 15 miyembro ng TUPAD
Program ang nakiisa sa paglilinis sa nasabing paaralan, kasama din nila ang mga opisyales ng
Barangay Lindang na pinangunahan ng Punong Barangay na si Hon. Rodney Dela Cruz.
Dalawang araw ang inilaan ng mga miyembro ng TUPAD sa LES.
“Inaasahang matapos ang paglilinis sa loob lamang ng dalawang araw dahil sa susunod na
araw ang aming lilinisin ay ang buong palibot ng baryo ng Lindang”, ayon kay Dela Cruz.

SELG, pinangunahan ang tree planting

Pinangunahan ng Supreme Elementary Learners Government (SELG) kasama ang


teaching at non teaching staff ang programang 236K Trees: Pamaskong Handog para sa mga
Bata na isinagawa noong ika-6 ng Disyembre sa Lindang Elementary School.
Siyam na binhi ng iba’t ibang uri ng puno ang itinanim. Nilagyan ang bawat puno ng
tree guard bilang proteksyon nito.
Nakaangkla ang kasunduan sa memorandum ng Bise Presidente ng Pilipinas,
Departamento ng Kapaligiran at Likas na yaman o DENR, Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, sa
pakikipag ugnayan sa Local Government Unit (LGU), mga guro at estudyante.
Sa paglunsad ng 236k Trees ay nais nitong makatulong sa pagpaparami ng punongkahoy
nang sa gayon ay may maibabahagi sa mga susunod na henerasyon
EDITORYAL

SIKAP para sa lahat


ni: Juzyne Dio
Nakakabahala na sa panahon ngayon kahit sa murang edad ang hawak nila ay cellphone. Hindi
sanay humawak ng libro pero hasang hasa sa Tiktok, Youtube at Facebook. Ang pagbasa at pagkwenta ay
hindi na natutukan. Tunay nakakabagbag damdamin ang ganitong senaryo. Laking pasalamat ng mga
guro nang inilunsad ang Sapat at Inobatibong Kaalaman sa Pagpapaunlad sa Pagbasa at
Pagkwenta (SIKAP) program.
Sa dalawang taong pagpapatupad ng SIKAP, nadagdagan ang kaalaman ng mga bata sa
pagbasa at pagbilang. Naglalaan ng isang oras ang bawat guro sa pagturo sa lahat ng mag-
aaral na nakasentro lamang sa pagbasa at pagkwenta. Bawat araw ginagawa ito ng mga guro
upang mahasa ang kanilang abilidad sa pagbilang at pagbasa. Ngunit, mayroon nga bang
magandang naidulot ang SIKAP sa pag-aaral ng mga bata?
Isang magandang hakbang ang inisyatibong ito ng Sangay ng Zamboanga Sibugay,
nagkaroon ng pag unlad ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon sa mga guro, maganda ang
epekto nito sa mga bata, higit na naging maayos at nahasa ang kanilang kaalaman sa pagbilang
at pagbasa. Napabuti ang epekto nito sa pag-aaral ng mga bata at nagagamit nila ito sa kanilang
pagpapaunlad sa sarili.

ISPORTS

Lindang basketball team , nasungkit ang kampyonato


ni: Kian Sangrenes
Nagsagawa ang Barangay Balangao sa bayan ng Diplahan ng kanilang taunang basketball
tournament noong ika-6 ng Enero taong 2024 na kung saan nilahukan ito ng mga Kabataan na
nagmula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Diplahan. Kasali sa walong grupo ng mga manlalaro
ang nakipagsiklaban ang grupo ng mga Kabataan ng Barangay Lindang.

Mahigit isang linggo silang dumayo sa barangay Balangao upang maipamalas ang
kanilang galing sa larong basketball. Noong ika-15 ng Enero taong 2024, ginanap ang paglalaban-
laban ng natitirang grupo na kung saan nagkaharap ang mga kalahok mula sa barangay Minsulao
at barangay Lindang. Nasungkit ng barangay Lindang ang kampyonato sa puntos ng 65-48,
sinundan ito barangay Minsulao na kung saan sila ang nakakuha ng pangalawang gantimpala, at
ang pangatlo naman ay ang barangay Poblacion na nakakuha ng pangatlong gantimpala. Bukod
sa kampyonato na nakuha ng Barangay Lindang, nasungkit rin nila ang MVP o Most Valuable
Player.

Isang malaking karangalan ang pagkapanalo sa isang laro, higit ang pagkahilig sa
paglalaro ng isports ay makakatulong din ito sa sarili. Maraming benepisyong dulot ang isports
unang una malapalakas ang pangangatawan, malalayo sa sakit at higit sa lahat isa rin itong
paraan upang maiwasan ang mga masasamang bisyo gaya ng droga at alak.

Ang kanilang pagkapanalo ay patunay na ang sipag, determinasyon at pagkakaisa ay susi


at magdudulot ng malaking tagumpay.

AGHAM AT TEKNOLOHIYA:

Pagsulong sa kabila ng tag-init


Ni:

“Mag-aral ng Mabuti upang buhay ay bumuti”. Ito ang tanyag na kasabihan ni kuya Kim
Atienza noon bago magtapos ang TV Patrol at ito rin ang kasabihan na pinapaulit-ulit na
pinapaalala ng mga magulang sa kanilang mga anak.Ngunit sa paglaganap ng virus na COVID19
maraming naantala sa pag-aaral at ang isa pa ay pagbabago ng school calendar sa bawat antas
ng paaralan. Mag-iisang taon narin ang lumipas ng muling binuksan ng Kagawaran ng Edukasyon
ang face-to-face classes na kung saan ito ay nagsimula noong Agosto. Ngunit paano nga ba
hinaharap ng mga kabataan ang hamon sa kabila ng mainit na panahon na nararanasan ay
patuloy parin ang kanilang at pag-aaral at paano ba nila ito na silusyonan?
Dahil sa hirap na dinaranas ng mga kabataan sa pag-aaral ngayon, marami sa kanila ay
nahihirapan nang pumunta sa paaralan. Isa sa mga aspeto kung bakit hindi nakakapag-aral ng
mabuti ang mga bata ay ang init ng panahon dahil sa walang tamang bentelasyon ang silid aralan.
Ngunit sa kabila ng init ng panahon ang mga mag-aaral ay nagsumikap parin upang
makapagtapos sila sa kanilang pag-aaral.
Bagama’t nahihirapan ang mga bata sa kanilang pag-aaral dahil sa epekto ng mainit na
panahon, iisa lang ang nababakas sa mga buhay ng mga kabataan araw-araw, pagsulong at
pagtataguyod ng sarili sa kabila ng pagsubok na sinasagupa. Sa pagtahak ng landas, natutunan
ng mga mag-aaral na matagumpayan ang anumang hamon sa kanilang paligid. Natutunan nilan
harapin ang mga panibagong kondisyon sa kanilang komunidad at ng panahon.

You might also like