Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

BALITA

Makulay na pasko, handog ng DNHS Alumni


ni: Kian Sangrenes
Naging makulay ang pasko ng 20 pamilya sa isinagawang Gift Giving Program ng alumni ng
Diplahan National High School Batch 2011 sa Lindang Elementary School noong Disyembre 23,
2023.
Nagdaos ng maikling programa ang isinagawang gift giving. Dinaluhan ito ng Punong Guro
ng LES na si Gng. Ana Marie A. Kalang-ad, at mga representante ng DNHS Batch 2011 na sina
Joanne Mae Fernandez, Mizpah Jay Basinillo, Sherry Grace Lachica at pinanguluhan ito ng
kanilang batch coordinator na si Marthony Yecla na isa ring guro ng Lindang ES.
Malaki ang pasasalamat ng dalawampung pamilya sa kanilang natanggap na pamasko,
kasama na nito ang mga laruang natanggap ng mga bata. Bakas sa kanilang mga mukha ang
galak habang tinatanggap ang kanilang pamasko lalong lalo na ang mga bata na nakatanggap ng
mga laruan.
“Hay salamat gid kay ma ara na kami panghanda sa pasko, kada tuig unta ni”, wika ni Gng.
Balome
Taon-taong ginagawa ng grupo ang Gift Giving bilang pasasalamat at pagbabahagi ng
kanilang mga natanggap na biyaya sa buong taon.

6 manunulat ng LES, kwalipikado sa DSPC


ni: Kian Sangrenes
Anim na mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Lindang ang nagwagi sa Congressional
Schools Press Conference na ginanap sa Diplahan National High School noong Pebrero 14 hanggang 15
sa kasalukuyang taon.
Lahat ng mga nanalo ay manunulat ng Ang Bagong Lindang, pampaaralang pamahayagan na
binubuo nina Kian Sangrenes pang-apat na pwesto at Charlene Jane Brillantes, ikalimang pwesto sa
pagsulat ng Balita; Ferry May Mayordo, pang-apat na pwesto at Katherine Asis, pang pitong pwesto sa
Pagsulat ng Lathalain ; Kaira Gegayoma, ikalawang pwesto sa pagkuha ng larawan; Charl Juzyne Dio,
pang pitong pwesto sa Feature Writing.
Ang anim na nanalong manunulat ay kabilang sa mga kakatawan sa Congressional District 1 sa
Division Schools Press Conference na gaganapin sa Kabasalan National High School sa Febrero 26-27
kasama ang kanilang mga tagapagsanay na sina Gng. Rovelyn S. Yape at G. Marthony B. Yecla.
.

LES, benepisyaryo ng TUPAD program


ni: Charlene Jane Brillantes
Dahil sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD)
Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) isa ang Lindang Elementary School sa
naging benepisyaryo nito. Noong ika-24 hanggang ika-25 ng Enero, 15 miyembro ng TUPAD
Program ang nakiisa sa paglilinis sa nasabing paaralan, kasama din nila ang mga opisyales ng
Barangay Lindang na pinangunahan ng Punong Barangay na si Hon. Rodney Dela Cruz.
Dalawang araw ang inilaan ng mga miyembro ng TUPAD sa LES.
“Inaasahang matapos ang paglilinis sa loob lamang ng dalawang araw dahil sa susunod na
araw ang aming lilinisin ay ang buong palibot ng baryo ng Lindang”, ayon kay Dela Cruz.

Hiling na school gymnasium, aprubado na


ni: Charlene Jane Brillantes
Matutupad na ang hiling na School Gymnasium para sa Lindang Elementary School.
Inaprubahan na ni Congressman Wilter Yap Palma ang pagpapatayo ng nasabing proyekto at sa
madaling panahon ay maari na itong simulan.
Bunga ito ng isinagawang pagpupulong ng mga guro, magulang, opisyales ng barangay at
mga stakeholder ng LES noong ika-12 ng Enero sa kasalukuyang taon, ipinaabot ng mga
magulang ang kanilang pagkabahala sa kanilang mga anak dahil sa mainit na panahon ngayon na
dulot ng pagbabago ng klima.
Sa presensiya ng Punongbarangay ng Lindang na si Hon. Rodney Dela Cruz, hiniling ng
mga magulang na sana magkaroon ng sariling himnasyo ang LES sa dahilang nahihirapan ang
mga guro, mga mag-aaral, at mga magulang tuwing nagkakaroon ng mga programa ang paaralan.
Sila ay nagsisiksikan lamang sa isang silid upang maidaos lamang ang programa.
Hindi lamang gymnasium ang gusto niyang magkaroon ang paaralan kundi ang
pagkakaroon din ng covered walk upang hindi mababasa ng ulan ang mga bata sa paglalakad
patungong labasan at habang naghihintay sa kanilang mga sundo tuwing hapon.

SDS Batan nagbigay inspirasyon sa mga manunulat


ni: Kian Sangrenes
“Galing sa puso when you write”
Ito ang mariing sinabi ni Virgilio P. Batan Jr. EdD, CESO V, Schools Division Superintendent sa
harap ng mga estudyanteng manunulat at tagapayo ng paaralang pahayagan na lumahok sa
Congressional Schools Press Conference (CSPC) sa Diplahan National High School (DNHS) ngayong
Pebrero 14-15 na may temang “Charting Truth Journalism as a Catalyst of Positive Change in Media
Landscape 2024”.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin at sinundan naman ito ng Pambansang
Awit mula sa Celestial Harmonic Ambassador.
Naglaban ang mga kalahok sa patimpalak na Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat
ng Balitang Pampalakasan, Pagsulat ng Editoryal, Pagguhit ng Kartong Editoryal, Agham at Teknolohiya,
Pagwawasto ng Kopya, at Pag-uulo ng Balita, Pagkuha ng Larawan kasali rin ang Pangkatang patimpalak
na Radio Broadcasting, Collaborative Publishing, Online and Desktop Publishing.
Bandang huli at itatanghal ang mga kampeon at kwalipikado na tutungo sa Kabasalan National
High School (KNHS) upang makipagsapalaran sa Division Schools Press Conference (DSPC) ngayong
darating na Pebrero 26-27, 2024.

SELG, pinangunahan ang tree planting

Pinangunahan ng Supreme Elementary Learners Government (SELG) kasama ang


teaching at non teaching staff ang programang 236K Trees: Pamaskong Handog para sa mga
Bata na isinagawa noong ika-6 ng Disyembre sa Lindang Elementary School.
Siyam na binhi ng iba’t ibang uri ng puno ang itinanim. Nilagyan ang bawat puno ng
tree guard bilang proteksyon nito.
Nakaangkla ang kasunduan sa memorandum ng Bise Presidente ng Pilipinas,
Departamento ng Kapaligiran at Likas na yaman o DENR, Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, sa
pakikipag ugnayan sa Local Government Unit (LGU), mga guro at estudyante.
Sa paglunsad ng 236k Trees ay nais nitong makatulong sa pagpaparami ng punongkahoy
nang sa gayon ay may maibabahagi sa mga susunod na henerasyon
EDITORYAL

SIKAP para sa lahat


ni: Juzyne Dio
Nakakabahala na sa panahon ngayon kahit sa murang edad ang hawak nila ay cellphone. Hindi
sanay humawak ng libro pero hasang hasa sa Tiktok, Youtube at Facebook. Ang pagbasa at pagkwenta ay
hindi na natutukan. Tunay nakakabagbag damdamin ang ganitong senaryo. Laking pasalamat ng mga
guro nang inilunsad ang Sapat at Inobatibong Kaalaman sa Pagpapaunlad sa Pagbasa at
Pagkwenta (SIKAP) program.
Sa dalawang taong pagpapatupad ng SIKAP, nadagdagan ang kaalaman ng mga bata sa
pagbasa at pagbilang. Naglalaan ng isang oras ang bawat guro sa pagturo sa lahat ng mag-
aaral na nakasentro lamang sa pagbasa at pagkwenta. Bawat araw ginagawa ito ng mga guro
upang mahasa ang kanilang abilidad sa pagbilang at pagbasa. Ngunit, mayroon nga bang
magandang naidulot ang SIKAP sa pag-aaral ng mga bata?
Isang magandang hakbang ang inisyatibong ito ng Sangay ng Zamboanga Sibugay,
nagkaroon ng pag unlad ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon sa mga guro, maganda ang
epekto nito sa mga bata, higit na naging maayos at nahasa ang kanilang kaalaman sa pagbilang
at pagbasa. Napabuti ang epekto nito sa pag-aaral ng mga bata at nagagamit nila ito sa kanilang
pagpapaunlad sa sarili.

EDITORIAL CARTOON
EDITORIAL STAFF
KOLUM
Baklas Klasrum: Kailangan nga ba?

Tanggal ... Tiklop... Tago … Iyong ang bagong pinagkakaabalahan ngayon ng mga guro sa
pampublikong paaralan. Kaliwa’t kanang pagbaklas ang ginawa sa mga silid aralan dahil sa
ipinatupad ng DepEd sa lahat ng pampublikong paaralan. Ito ng aba ang sagot upang iangat ang
kalidad ng edukasyon? Kailangan nga ba?
Ayon sa DepEd Order No. 21 series of 2023 o Brigada Eskwela Implementing Guidelines
kung saan nakapaloob ang Oplan Baklas na sinang-ayunan ni Bise Presidente Sara Duterte,
sinimulan ang baklas noong ika-19 ng Agosto taong 2023. Nais ng kalihim na simplehan lamang
ang loob at labas ng mga silid aralan. Maging ang paligid nito ay gusto niya na tanging makikita sa
paaralan ay kung ano lamang ang nararapat na makatulong sa kaalaman ng Kabataan.
Malaki ang epekto ng baklas sa pag-aaral ng mga bata sapagkat makapagpokus sila sa
pag-aaral kung walang mga nakadikit sa mga pader at iba pang mga gamit sa loob ng silid aralan.
Subalit maraming guro ang nanghihinayang sa palamuting nakakadagdag ganda sa silid aralan.
Malaki ang maibawas nito sa trabaho ng mga guro at gastos at panahon.
Sa kabilang banda, ito ay isa sa problema ng mga guro sa tuwing mayroong ebalwasyon,
hindi naiiwasang gumastos galing sa kanilang sariling bulsa para lamang sa pagpapaganda ng
silid aralan. Ang tunay na kailangan ay hindi ang pagbabaklas ng anumang kung hindi ang pag-
aangat ng karunungan ng bata sa silid aralan. Tanggal… tiklop… at tago, ito ay hindi na kailangan.

KOLUM:

Bagong Curriculum, Bagong Simula, Handa ka na ba?

Simula na ang pagbabago! Ang ating kurikulum sa Kagawaran ng Edukasyon ay isa sa


yumakap sa pagbabagong inilatag ng pamahalaan. Isang napakalaking hakbang ay tinatahak
ngayon ng ating edukasyo. Ngunit, ito nan ga ba ang sagot sa napakaraming tanong?
Napapanahon nan ga ba ng isang pagbabago?
Ang MATATAG Curriculum ay isang DepEd order na sinang-ayunan ng Bise Presidente
Secretary Sara Duterte at iba pang miyembro ng DepEd. Ito ay nagkakaroon ng mga pagbabago
sa mga asignatura ng bawat baiting limitahan.
Bagama’t Magandang hakbang ito ng mataas na opisyal ng DepEd. Hindi lahat ng guro ay
sang-ayon dito dahil sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon, dagdag gawain para sa mga guro.
Magiging abala sila sa mga bagong pagsasanay. Panibagong paghahanda para sa mga
competency.
Ito ay ang hakbang ng DepEd para solusyonan ang learning gaps ng mga Kabataang
Pilipino. Sa pamamagitan ng MATATAG curriculum, Malaki ang pag-asa natin na maiangat ang
antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsusulat, pagbabasa, at sa matematika.
Napakalaking pagbabago na hahamon sa ating lahat, susukat sa ating pagsusumikap, pasensya
at pagiging bukas-isip sa mga bagay na ating magiging gabay tungo sa maaliwalas na bukas.
Ikaw, handa ka na ba?
LATHALAIN

Depinisyon ng Pag-ibig
ni: Ferry May Mayordo
“Bumili ka na ng bulaklak sa akin! Mura lang!”
“Matamis na tsokolate ang bilhin ninyo! Pagsaluhan ninyo ng pagbibigyan mo!”
Couple shirt! Pangregalo mo sa crush mo!”
Tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Hindi ko pinapansin ang mga nag-aalok sa akin. Ordinaryong araw
lang naman ngayon. Pakialam ko kung February 14 ngayon? Basta ako, papasok ako sa eskwelahan.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit maraming nagtitinda ng hugis puso na tsokolate at mga
couple shirt. Hanggang sa dumating ako sa paaralan at doon ko naalala na hindi pala ordinaryong araw
lang ngayon. Naalala ko na Araw ng mga Puso ngayon kung saan nagpapakita ng pagmamahal ang mga
tao, kumakain sa labas, nagbibigay ng tsokolate, nagbibigay ng mga regalo at nagbibigay ng mga sulat.
Hindi ko talaga kayang paniwalaan na nakalimutan ko ang araw na ito. Dahil sa nakalimutan ko ang araw
na ito, hindi ko natupad ang aking pangako sa aking kaibigan na bibilhan at reregalohan ko siya. Nang
dahil sa nakalimutan ko rin ang araw na ito ay hindi ko nagawa ang pinapagawa sa amin ng aming guro na
gumawa ng “Valentines Card”. Humingi ako ng tawad at bumawi na lamang ako. Binigyan ako ang aking
guro ng isang pagkakataon para gawin ko ang aking takdang aralin. Nakabawi naman ako sa aking
kaibigan.
Ngunit hindi lamang tuwing Valentines ang pagsulat ng liham, pagbibigay ng bulaklak ang tsokolate.
Dapat natin ipakita sa kanila araw-araw, oras-oras ang totoong pagpapakita ng pagmamahal. Dapat tayo
magmahalan sapagkat ang pagmamahal ng isang tao ay isang regalo na hindi kailanman makukuha at
hindi kailanman malilimutan.

Sana, balang araw


ni: Katherine Asis
Pagdating ng panahon, di pa siguro bukas, di pa rin ngayon,malay mo balang araw
dumating din iyon” linya mula sa awit ni Aiza Seguerra .
Awiting tumatak sa aking puso sa tuwing naririnig ko ang awiting ito. Bigla bigla ko na lang
naramdaman ang pagragasa ng mga luha sa aking mga mata. Hindi ko minsan mapigil ang aking
sarili na umiyak lalong lalo na sa mga pagkakataong na mi miss ko ang kaanyang yakap.
Sa aming paghihirap ay napilitan ang aking ina na magtrabaho sa ibang bansa kaya iniwan
kami sa aming lola. Maaga kaming naulila sa aking ama. Nagpapasalamat ako sa Pangioon dahil
siya ang nagging nanay ko. Ang mabigyan kami ng magandang tahanan, ang mapakain kami ng
masasarap na pagkain, ang mabilhan kami ng maaalindog na damit, ang mapag-aral kami sa
magandang eskwelahan at maibigay ang lahat ng makakabuti sa amin ang tanging nais niya.
Kahit pa minsa’y hindi naming nasusunod ang gusto niya at kami’y kaniyang pinagsasabihan ay
hindi niya kami sinukuan.
Ang aking ina ay nagpakatatag. Kahit mahirap ang buhay ng mag-isa ay balewala nalang ito
sakanya. Naiisip ko pa nga lang ang pagod at hirap kasama na ang sakit na kanyang
nararamdaman ay nalulungkot ako para sa kanya. Ipinapangako ko na magtatapos ako ng pag-
aaral dahil ayaw kong masayang ang pagod at hirap na dinanas niya.
Sana balang araw ay magkasama na tayo. Sana tuwing pasko, tuwing bagong taon, bertdey ko o
bertdey mo magkasama tayo. Sana darating ang araw na iyon.
LATHALAIN

Nakakubling Paraiso
ni: Ferry May Mayordo
Malinis na tubig... payapang paligid… sariwang hangin ang malalanghap, ilan lamang sa
mga pwede kong mailarawan sa mga tagong talon ng Tinongtongan. Isa sa pinakamagandang
lugar na napuntahan ko. Hindi ko talaga makalimutan ang lugar na ito. Ano ang nagpapa-espesyal
sa lugar na ito? At hindi ito makalimutan ng nakapunta dito?
Ito ay matatagpuan sa Tinongtongan, Diplahan,Zamboanga Sibugay. Hindi ito masyadong
kilala ngunit pag nakapunta ka dito ay hindi mo talaga ito malilimutan. Ang lugar na ito ay
maraming ibon. Marami ang pumupunta dito dahil sa taglay na kagandahan nito. Talon dito, talon
doon. Masayang masaya kami sa pamilya ko habang naliligo at kumakain. Kapag iyong
pagmasdan ang kagandahan ng Tinongtongan Falls, looban mo ay gumagaan… dinadalang
problema ay napapawi. TINONGTONGAN, labingdalawang titik pero iisa ang kahulugan.
Nakakubling paraiso na di malilimutan.
LATHALAIN

Natitirang Ala-ala

Kay saying bumalik sa nakaraan na kung saan maraming Maganda ang nangyari sa tulay
na ito. Lindang Bridge ang tanging nagdudugtong sa magkalapit na barangay, ang barangay Pilar
at ang barangay Lindang. Ang tubig din na dumadaloy dito ay ang tinatawag na Sibugay River na
kung saan ang ilog na ito ay ang nagdudugtong mga karatig bayan ng Zamboanga Sibugay. Isang
matibay na pondasyon ang ginamit upang ito ay magagamit ng mga tao. Tulad lamang ng
motorsiklo o habal-habal na motor, ito ang ginagamit noon bilang transportasyon, at ang tulay ang
daanan ng eksportasyon ng ma gulay at iba pa mula ra karatig bayan. Ano nga ang nangyari sa
pagkaaran ng ilang taon? Maituturing pa ba itong Magandang pasyalan?
Pagkalipas ng ilang taon biglang bumaba ang libel ng tubig sa tulay at ito ay tuluyan ding
natuyo dahil sa pagbabago ng panahon at nag-iba ang daluyan ng tubig ng ilog. Higit pa dito,
ginawa din itong quarry ng mga bato at buhangin kung saan ini export ito sa mga karatig bayan.
Bukod sa wala ng pumupunta dito, kinilawang na ang mga bakal na maging pondasyon sa tulay
na ito, ang mga kahoy na nagsilbing sahig nito ay naputol narin.
Ang tulay ng Lindang ay nagsisilbi na lamang isang magandang ala-ala sa batang 90’s sa
barangay Lindang. Kay sarap balikan ang mga ala-ala na humubog pagkatao at humalina sa mga
tao. Isang Magandang atraksyon na dapat ipagmalaki ang tulay na ito at sang lugar na pwede
ipagmalaki kahit kanino man.
AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Pagsulong sa kabila ng tag-init


“Mag-aral ng Mabuti upang buhay ay bumuti”, ito ang tanyag na kasabihan ni kuya Kim
Atienza noon bago magtapos ang TV Patrol at ito rin ang kasabihan na pinapaulit-ulit na
pinapaalala ng mga magulang sa kanilang mga anak. Totoong na dapat mag-aral ng Mabuti dahil
ito lamang ang natatanging sandata na hindi makukuha kahit na sino man hanggang sa pagtanda.
Ngunit sa dahilan ng paglaganap ng virus na COVID19 maraming naantala sa pag-aaral at ang
isa pa ay pagbabago ng school calendar sa bawat antas ng paaralan. Dahil dito, maraming mag-
aaral ang nahirapan sa kanilang pag-aaral lalong lalo na sa pagbabasa at pasusulat. Mag-iisang
taon narin ang lumipas ng muling binuksan ng Departamento ng Edukasyon ang face-to-face
classes na kung saan ito ay nagsimula noong Agosto. Ngunit paano nga ba hinaharap ng mga
kabataan ang hamon sa kabila ng mainit na panahon na nararanasan ay patuloy parin ang
kanilang at pag-aaral at paano ba nila ito na silusyonan?
Dahil sa hirap na dinaranas ng mga kabataan sa pag-aaral ngayon, marami sa kanila ay
nahihirapan nang pumunta sa paaralan, isa na dito ang hirap ng buhay at bukod sa lahat ang
mainit na panahon. Ang isa sa mga aspeto kung bakit hindi nakakapag-aral ng mabuti ang mga
bata ay ang init ng panahon dahil sa walang tamang bentelasyon ang silid aralan, maliit lamang
ang silid aralan dahil sa dami ng mga mga estudyante. Ngunit sa kabila ng init ng panahon ang
mga mag-aaral ay nagsumikap parin upang makapagtapos sila sa kanilang pag-aaral. Bagkus,
hindi hadlang ang pagbabago ng panahon o ang pandemya para sa kanilang Mabuti at
matagumpay na kinabukasan.
Bagamat nahihirapan ang mga bata sa kanilang pag-aaral dahil sa epekto ng mainit na panahon,
iisa lang ang nababakas sa mga buhay ng mga kabataan araw-araw, pagsulong at pagtataguyod
ng sarili sa kabila ng pagsubok na sinasagupa. Sa pagtahak ng landas, natutunan ng mga mag-
aaral na matagumpayan ang anumang hamon sa kanilang paligid. Natutunan nilan harapin ang
mga panibagong kondisyon sa kanilang komunidad at ng panahon.
AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Disiplina, susi sa maayos na kapaligiran


ni: Ferry May Mayordo
Ayon sa survey, ang basura ay nananatiling pinakaunang problema ng ating komunidad.
Walang Kamatayang problema sa basura mula plastic wrappers, papel at iba pa. Mayroon naming
basurahan. Nakakalungkot lang isipin na may mga nagmamaang-maangan o sadyang walang
pakialam.
Maraming nakakalat na basura na maaaring magbara sa mga kanal o estero ng kalsada na
maaaring magdulot ng pagbabaha. Hindi ba’t bumabalik din ito sa ating mga tahanan at maaari
pang maghatid ng impeksyon dahil sa maruming tubig. Walang tao na gusting manirahan sa
maruming lugar. Gayunpaman, mahilig pa rin magtapon ng basura kung saan-saan. May mali ba
sa atin? Ang sagot ay, Oo. Hindi naman natin namamalayan na tayo ay makasarili at
iresponsableng mga indibidwal. Patuloy nating sinisira ang iba sa resulta ng ating masamang
aksiyon, ngunit nakalimutan nating tingnan kung ano ang nagawa natin para sa kapaligiran.
May magagawa pa ba tayo? Oo, ang pinakauna nating gawin ay disiplinahin na ang ating
mga sarili sa pagtatapon ng basura. Maiibsan rin natin ang malimit na pagtatapon sab asura sa
pamamagitan ng pamamaraan na “Reduce, Reuse, Recycle, Repair and Recover”. Huwag punitin
at itapon ang mga papel kung maaari pang gamitin ang likod nito. Maisip sa natin kung ilang puno
ang pinuputol upang makagawa ng masusulatan. Ang mga plastic na bote ay maaaring pagsama-
samahin at ibenta o gupitin at gawing mga pangdekorasyon. Ang mga natirang pagkain, tuyong
dahoon, balat ng prutas at gulay, at iba pang nabubulok ay maaaring ilagay sa compost pit upang
maging pataba. Sa prosesong ito, hindi lang tayo magiging praktikal ngunit makabuluhan at may
saysay. Maililigtas natin ang ating buhay kung tayo ay laging may pakialam para sa maunlad na
kinabukasan. Kung kaya dapat ilagay natin ang kinabukasan sa ating kamay. Magsimula ang
pagbabago sa ating mga sarili.

Noon, ngayon
ni: Ferry May Mayordo
Kung noon ay kailangan na mag-aral at magbasa ng libro upang makasagot sa takdang aralin at sa
pagsusullit, ngayon e-google mo na lang.
Kung noon, kailangan mo pang magpadala ng mensahe gamit ang papel at ballpen, ngayong isang
pindot mo lang ng “send” sa social media ay agad ng matanggap kahit malayo ka.
Maraming nagbago pagdating sa makabagong teknolohiya lalong-lalo na sa pag-aaral ng mga bata.
Bakit nga ba mahalaga ang teknolohiya para sa pag-aaral?
Hindi naman talaga masasabi na napakahalaga ang paggamit ng teknolohiya sa ating pang-araw-
araw lalong-lalo na sa pag-aaral. Kaya naman natin minsan kahit walang gamit na teknolohiya. Ngunit sa
makabagong panahon, ang social media sa cellphone, tablet, at iba pang gadyet ay nakatutulong para sa
ating pag-aaral ngunit kailangan nating maingat dito dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit natin
napabayaan ang ating sarili sa pag-aaral. Mayroong humigit-kumulang 4.74 bilyon ang aktibong
gumagamit ng social media sa buong mundo. Hindi masama ang paggamit ng teknolohiya kung gagamitin
natin ito sa mabuting paraan.
Mahalaga ang teknolohiya sa ating pag-aaral ngunit dapat tayong maging maselan sa paggamit
nito. Kailangan ang gabay at patnubay ng mga magulang sa paggamit nito.

ISPORTS

SLC 3 Meet, idinaos sa MCES


Matagumpay na ginanap ang inaabangang kompetisyon ng taon ang Sibugay Learning
Center (SLC) Meet noong ika-9 hanggang ika-10 ng Pebrero ngayong taon sa distrito ng
Malangas.
Ang mga manlalaro ay nagmula sa apat na distrito ng SLC 3, Diplahan, Malangas, Buug at
Imelda kung saan naglaban-laban ang mga atleta mula sa apat na distrito upang maging
kinatawan ng SLC 3 sa paparating na Provincial Meet na gaganapin sa Bayan ng Ipil. Kabilang sa
mga laro ay athletics, basketball, badminton, Taekwondo, Sepak Takraw, Chess, Para Games,
Gymnastics, at ang demo sports na Dance Sports at iba pa. Dinaluhan ito ng mahigit kumulang
500 na atleta mula sa apat na distrito ng SLC 3.
Sa pag-umpisa ng programa, nagbigay ng pambungad na pagbati si Gng. Arlyn B. Taping
ang Principal IV ng Malangas Central Elementary School. Sinundan ito ng pagpapakilala ng mga
delegado na pinangunahan ng Public Schools District Supervisor (PSDS) ng bawat distrito.
Dumalo rin sa pagtitipon si G. Virgilio P. Batan, Jr. CESO V, ang Schools Division Superintendent
(SDS) ng Zamboanga Sibugay. Nagbigay siya ng mensahe sa mga atleta na kung saan
nakapaloob sa kanyang mensahe ang pagkakaroon ng dedikasyon sa bawat laro na sasalihan.
Layunin ng athletic meet na patibayin ang Sportsmanship, Teamwork at Camaraderie ng
bawat kabilang na manlalaro. Pinaghandaan ng bawat kasaling manlalaro sa pamamagitan ng
pag-eensayo sa kani-kanilang paaralan bago sumabak sa kompetisyon. Ipinakita ng bawat
manlalaro ang kanilang kakayahan at kanya- kanyang estilo at teknik nang sa gayon kanilang
makamit ang tagumpay sa bawat isport.
Naging maayos ang pagtatapos na kung saan kinilala ang mga nanalo at manlalaro
namagiging delegado ng SLC 3 sa paparating na Provincial Meet.

Dance Sports, Isports ng makabagong panahon


Sayaw dito, sayaw doon. Kasabay ng mga hiayawanng mga manonood ang indak sa mga
mananayaw sa dance floor. Ang mga nakabibinging sigaw nila ang nagpapainit sa sayawan sa
ganitong uri ng isport: ang dance sport.
Ang dance sport ay inimbento dahil sa pagsama ng pagsasayaw at isports.kinikilala na ito
bilang isport sapagkat ang ganitong uri ng gawain ay sadyang mahirap at nagpapakita ng
kagilingan ng mananayaw sa pag-indak hindi lamang sa pagiging atleta.
Nararapat lamang itong tanghalin bilang isa na ring isports sapagkat mahirap ito na
matotohan a kailangan din nito ng kahirapan sa pagsasanay tulad ng ibang isport.
Si G. Edwin I. Dela Luna, DepEd Region IX Sports Director, nagmungkahi sa mga tagapagsanay
at mga officiating official ng dance sports sa isinagawang SLC 3 Meet na ang dance sports sa
kasalukuyan sa Kagawaran ng Edukasyon ay kinokonsidera bilang isang Sports Demo at ito ay
pinoproseso pa upang maging isang ganap na sports.
Sa kasalukuyan, ang bagong isport na ito ay kinikilala na bilang isang di-karaniwang isports ng
Philippine Sports Commissionat isasama na ring isang kompetisyon sa Olympic. Dito maipapakita
rin ang talent at kakayahan sa paghataw sa mundo ng isports.

ISPORTS

Lindang basketball team, nasungkit ang kampyonato


ni: Kian Sangrenes
Nakipagsiklaban ang grupo ng mga Kabataan ng Barangay Lindang sa taunang basketball
tournament noong ika-6 ng Enero taong 2024 sa Barangay Balangao sa bayan ng Diplahan na
kung saan nilahukan ito ng mga Kabataan na nagmula sa iba’t ibang barangay mula sa bayan ng
Diplahan.

Mahigit isang linggo silang dumayo sa barangay Balangao upang maipamalas ang
kanilang galing sa larong basketball. Noong ika-15 ng Enero taong 2024, ginanap ang paglalaban-
laban ng natitirang grupo na kung saan nagkaharap ang mga kalahok mula sa barangay Minsulao
at barangay Lindang. Nasungkit ng barangay Lindang ang kampyonato sa puntos ng 65-48,
sinundan ito barangay Minsulao na kung saan sila ang nakakuha ng pangalawang gantimpala, at
ang pangatlo naman ay ang barangay Poblacion na nakakuha ng pangatlong gantimpala. Bukod
sa kampyonato na nakuha ng Barangay Lindang, nasungkit rin nila ang MVP o Most Valuable
Player.

Isang malaking karangalan ang pagkapanalo sa isang laro, higit ang pagkahilig sa
paglalaro ng isports ay makakatulong din ito sa sarili. Maraming benepisyong dulot ang isports
unang una malapalakas ang pangangatawan, malalayo sa sakit at higit sa lahat isa rin itong
paraan upang maiwasan ang mga masasamang bisyo gaya ng droga at alak.

Ang kanilang pagkapanalo ay patunay na ang sipag, determinasyon at pagkakaisa ay susi


at magdudulot ng malaking tagumpay.

Ating balikan, ang ating nakagisnan


Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding Laro ng Lahi. Ito ay mahalagang simbolo ng ating pagiging
Pilipino.
“Bato-bato pick! Bato-bato pick! Maiba’y TAYA! Talo ka! Ikaw ang taya! Game na”. Ito ang madalas
nating marinig sa mga batang 90’s noon na masayang naglalaro sa kanilang mga bakuran,
nagtatawanan, naghahabulan at walang pagsidlan ang mga ngiti.
Taguan (Hide and Seek) – Tanda niyo pa ba ang linyang “Pagkabilang kong tatlo nakatago na
kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!?” Kung oo, nakasisiguro akong alam niyo ang larong ito.
Luksong Baka (Jump Over the Cow) – Sumikat ang larong ito noong Dekada 80 at 90. / 1980’s
and 1990’s. Sa larong ito, may isang miyembro na magsisilbing taya. Yuyuko siya sa harapan ng
kaniyang mga kalaro na parang isang “cow” o baka. Dapat makatalon ang lahat ng miyembro sa
taya sa abot ng kanilang makakaya.
Tumbang Preso – Gamit ang pamatong tsinelas kailangang mapatumba ang “can” o lata na nasa
gitna ng iginuhit na base sa kalsada gamit ang chalk. The best itong laruin ng mga magkakapatid
at magbabarkada noon at magpa-hanggang ngayon.

You might also like