Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

8

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 4 – MODULE 3
Pagsisikap ng mga Bansa na
Makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig at Kaunlaran
ALAMIN

Nabatid mo sa nakaraang aralin na maraming naidulot na pagbabago ang dalawang


digmaang pandaigdig. Nagdulot ito ng pagkasawi ng maraming buhay, pagkawasak ng mga ari-
arian at pagkaantala ng mga gawaing pangkabuhayan. Sa kabila ng mga nabanggit na hindi
mabuting naidulot, mayroon din itong mabuting naidulot. Isinilang ang malalayang bansa at
nagsimulang pinangarap ng tao ang pagkakaroon at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.
Sa bahaging ito ng aralin tutuklasin natin ang mga hakbang na isinagawa ng mga bansa
upang wakasan ang alitan at protektahan ang kapayapaan sa mundo. Magsasagawa ng mga
kasanayan para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa kapayapaang pandaigdig
na nailatag pagkatapos ng dalawang digmaang pandaigdig. Marahil ay handa ka na para sa
pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain.
Inaasahang sa pagtatapos ng modyul na ito, matalino mong masasagot ang tanong na:
Paano mo ipakikita ang pakikiisa upang maitaguyod ang kapayapaan sa iyong bansa?

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:


a. nauunawaan ang mga kasunduang pangkapayapaan na binalangkas pagkatapos ng
dalawang digmaan;
b. nasusuri ang nilalaman, layunin at nagawa ng mga kasunduan; at
c. napapahalagahan ang pagmamahal sa kapayapaan at pakikiisa sa pagtataguyod ng mga
samahang pangkapayapaan.

Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin, anong pangyayari sa ikalawang digmaang


pandaigdig ang labis na tumatak sa iyong isipan? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

TUKLASIN AT SURIIN

MGA KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN

Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na
pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan. Bumalangkas sila ng kasunduang pangkapayapaan
sa Paris noong 1919-1920. Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng mga pinuno na
tinawag na Big Four: Pangulong Woodrow Wilson ng US; Punong Ministro David Lloyd George ng
Great Britain; Vittorio Emmanuel Orlando ng Italy; at ang Punong Ministro Clemenceau ng France.
Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ay ibinatay sa Labing-apat na Puntos
(Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.

Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson


Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 ang labing-apat na puntos na
naglaman ng mga layunin ng United States sa pakikidigma.
Naglalaman din ito ng kanyang mga ideya tungkol sa isang “kapayapaang walang talunan”
para sa kapakinabangan ng lahat ng bansa. (Blando, et. al, 2016, p. 457)

1
Anim sa mga puntos na napagkasunduan ang sumusunod:
1. katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;
2. kalayaan sa karagatan;
3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa
suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng
mga mamamayan;
4. pagbabawas ng mga armas;
5. pagbabawas ng taripa; at
6. pagbuo ng Liga ng mga Bansa.
Pangulong Woodrow Wilson,
pangulo ng Estados Unidos
Ang Liga ng mga Bansa https://en.wikipedia.org/wiki/Wood
Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga row_Wilson#/media/File:Thomas_
bansa ay matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson. Sa wakas Woodrow_Wilson,_Harris_&_Ewi
nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang ng_bw_photo_portrait,_1919.jpg
alyado na itatag at sumapi sa Liga ng mga bansa. Ang konstitusyon
nito ay napaloob sa Kasunduan sa Versailles na may sumusunod na
mga layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga
kasapi;
4. mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.

Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod: Mga kasapi ng Liga ng mga
Bansa
1. Napigil nito ang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland
https://commons.wikimedia.org
at Sweden noong 1920, Bulgaria at Greece noong 1925, at /wiki/File:League_of_Nations_
Colombia at Peru noong 1934. Commission.jpg
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t-ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo
pagkatapos ng digmaan. (Blando, et. al, 2016, p. 458-459)

Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)

Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,


naisip na ni Pangulong Roosevelt ng United States na muling
magtatag ng isang samahang pandaigdig na papalit sa Liga ng mga
Bansa.
Apat na buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl
Harbor, sina Pangulong Roosevelt at
Punong Ministro Winston Churchill Watawat ng United Nations
ng England ay bumalangkas nang https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_
of_the_United_Nations
deklarasyon, ang Atlantic Charter,
na siyang saligan ng 26 na bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng
mga Bansabg nagkakaisa (United Nations). Sa isang kumperensiya
sa Moscow noong Oktubre 1943, ang United States, Great Britain,
at Soviet Union ay nagkasundo na pairalin at panatilihin ang
kapayapaan sandaling matalo ang Axis. Sinundan ito ng
Punong tanggapan ng United Deklarasyon ng Apat na Bansa, kasama ang China, para maitatag
Nations
https://www.worldpeace.org/un/
2
ang isang pangkalahatang samahang pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan
sa mundo. (Blando, et. al, 2016, p. 484)
Limampung bansa ang nagpulong sa California, United States, upang balangkasin ang Karta ng
mga Bansang Nagkakaisa. Noong ika-24 ng Oktubre 1945 ay itinatag ang Mga Bansang
Nagkakaisa o United Nations (UN). Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa London
noong 1946 at nahalal na unang Sekretaryo-Heneral, si Trygve Lie ng Sweden.
Ang Mga Bansang nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang Pangkalahatang
Asamblea (General Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng samahan. Binubuo ito ng mga
kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, at dito isinasagawa ang pangkalahatang
pagpupulong. Ang Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap.
Binubuo ito ng 11 na kagawad na ang lima ay permanenting miyembro samantalang ang anim ay
inihalal sa taning ng panunungkulan na dalawang taon.
Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N na
nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ang siyang
sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa.
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo ng 54 na kasaping
bansa. Ito ang sangay na namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan, pang-
edukasyon, siyentipiko at pangkalusugan ng daigdig. (Blando, et. al, 2016, p. 484-485)

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa mga


kasunduang pangkapayapaan. Palawakin ang iyong kaalaman sa pamamagitan
ng mga gawain. Maging mapanuri sa pagsagot sa mga Gawain kaya simulan mo
na!

MGA GAWAIN

GAWAIN 1. MAALALA MO KAYA!


Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad, lugar o pangyayaring hinihingi sa
bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng United Nations.

S __ __ __ __ T __ __ __ __ __

2. Pangulo ng United States na may ideya ng Labing-apat na Puntos kung saan binatay
ang kasunduang pangkapayapaan sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

W __ __ __ __ __ __ W __ __ __ __ __ __

3. Sangay tagapagbatas ng United Nations.

G __ __ __ __ __ __ A __ __ __ __ __ __ __

4. Itinalaga bilang unang Sekretaryo-Heneral ng United Nations.

T __ __ __ __ __ L __ __
3
5. Pandaigdigang samahan na itinatag pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.

L __ __ __ N __ M __ __ B __ __ __ __
6. Kumpletuhin ang pahayag ni Pangulong Wilson, “_____________ walang talunan” para
sa kapakinabangan ng lahat ng bansa.

K __ __ __ Y __ __ __ __ __ __

7. Idinaos dito ang isang kumperensiya noong Oktubre 1943 ng US, Great Britain, at
Soviet Union upang magkasundo na pairalin at panatilihin ang kapayapaan at
kaligtasan sandaling matalo ang Axis.

M __ __ __ __ __

8. Sa kasunduang ito nakapaloob ang Konstitusyon ng Liga ng mga Bansa.

V __ __ S __ __ __ __ __

9. Kumpletuhin: Isa sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ay pinamahalaan nito ang
_____________ ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

R __ H __ __ __ __ __ T __ __ __ __ __

10. Sangay ng UN na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng bansa.

I __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ C __ __ __ __ O __ J __ __ __ __ __ __

GAWAIN 2. RIGHT OR WRONG!


Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pahayag ang fact o katotohanan at i-tsek (√), at
ekis (x) kung view o opinyon. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
PAHAYAG Fact o Opinion

1. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa _______________


kalayaan ang siyang nagtatakda ng pagiging kaanib ng United
Nations.

2. Layon ng Liga ng mga Bansa ang mapalaganap ang _______________


pandaigdigang pagtutulungan.

3. Ang mga kasunduang pangkapayaan ay tumitiyak na wala ng _______________


maliit na sigalot at anumang digmaan na magaganap sa pagitan
ng mga bansa.

4. Hindi naging kasiya-siya sa lahat ng kasangkot na bansa ang _______________


nilalaman ng Kasunduang Versailles.

4
5. Nagkukulang ang United Nations na malutas ang usapin sa mga _______________
agawan ng teritoryong nagaganap sa kasalukuyan.

GAWAIN 3. PANGAKO SAYO!


Panuto: Gumawa ng sariling “Pledge of Commitment” na
nagpapahayag ng iyong pagtataguyod ng kapayapaan.

Ako si ________________________ay nangangako na


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________

Lagda

TAYAHIN

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ginanap dito ang pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapaan noong 1919-1920.
A. Berlin, Germany C. Moscow, Russia
B. Paris, France D. Beijing, China
2. Binalangkas ni Woodrow Wilson ang labing-apat na puntos.
A. Enero 1918 C. Enero 1920
B. Oktubre 1918 D. Oktubre 1920
3. Itinatag ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations.
A. Oktubre 16, 1944 C. Oktubre 16, 1945
B. Oktubre 24, 1944 D. Oktubre 24, 1945
4. Bilang ng kagawad na bumubuo sa Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council).
A. 9 B. 10 C.11 D. 12
5. Bansa mula sa Asya na kasama ng England, US, Great Britain at Russia sa pagtatag ng
isang pangkalahatang samahang pandaigdig noong 1943.
A. China C. South Korea
B. Japan D. Pilipinas
6. Ang deklarasyong binalangkas nina Roosevelt at Churchill na naging saligan ng 26 na
bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng mga Bansang Nagkakaisa o United Nations.
A. Fourteen Points C. Atlantic Charter
B. Big Four Points D. Command Responsibilty
7. Sangay ng United Nations na namamahala sa aspektong pangkabuhayan, panlipunan,
pang-edukasyon, siyentipiko, at pangkalusugan ng daigdig.
A. Pangkalahatang Asemblea
B. Sangguniang Pangkatiwasayan
C. Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan
D. Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan
8. Sangay ng United Nations na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
5
A. Secretariat C. Security Council
B. General Assembly D. Trusteeship Council

9. Ang kasunduan na naging hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.


A. Treaty of Paris C. League of Nations
B. United Nations D. Treaty of Versailles
10. Alin sa mga sumusunod ang nagawa ng Liga ng mga Bansa.
A. Paglutas sa krisis sa Suez.
B. Pagtulong sa libo-libong takas sa digmaan.
C. Pinangasiwaan nito ang iba’t-ibang mandato.
D. Pagbibigay ng tulong hanggang sa kasalukuyan.

II. Panuto: Suriin ang pahayag I at Pahayag II at piliin ang letra ng sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pahayag I ay tama, pahayag II ay mali


B. Pahayag I ay mali, pahayag II ay tama
C. Parehong tama ang pahayag I at II
D. Parehong mali ang pahayag I at II

1. Pahayag I
Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang pagsiklab ng digmaang
pandaigdig.
Pahayag II
Nabigo ang United Nations na hadlangan ang pagkakaroon ng terorismo na
nakakabahala sa daigdig.
2. Pahayag I
Upang makaanib sa United Nations kinakailangang magbigay ng taunang buwis.
Pahayag II
Mga naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaan ang tanging makakaanib sa United
Nations.
3. Pahayag I
Isa sa nilalaman ng Fourteen Points ni Woodrow Wilson ang pagdadagdag ng mga armas ng
isang bansa.
Pahayag II
Layunin ng United Nations ay maprotektahan ang kasaping bansa sa pananalakay ng iba.
4. Pahayag I
Ang pagpapadala ng eksperto upang magturo sa mga bansa sa larangan ng agham,
agrikultura, at iba pa ay isinasagawa ng United Nations.
Pahayag II
Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya, inalagaan ng United Nations ang mga libo-libong takas
ng digmaan.
5. Pahayag I
Sangguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay tagapagpaganap. Binubuo ito
ng 11 na kagawad na ang lima ay permanenteng miyembro samantalang ang anim ay
inihalal sa taning ng panunungkulan na dalawang taon.

6
Pahayag II
Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) ay nagtitiyak
na ang mga teritoryo ay ibinibigay sa pinakamahusay na interes ng kanilang mga
mamamayan at ng internasyonal na kapayapaan at seguridad.

III. Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagmamahal sa kapayapaan sa pamamagitan


ng kasunduang pangkapayapaan. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa
pagbuo ng sanaysay.

1. Bakit naitatag ang League of Nations at United Nations?


2. Ano ang mabuting nagawa ng United Nations hanggang sa kasalukuyan?
3. Paano mo maisasagawa ang pakikiisa upang maitaguyod ang kapayapaan sa iyong
bansa?

Kapayapaan, Panatilihin Natin Ito!


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_

Pagmamarka ng Sanaysay

Pamantayan Puntos
Nilalaman/Orihinalidad 3
Istruktura/Gramatika 2
Kabuoan 5

7
SAGOT SA MGA GAWAIN
Justice
10. International Court of
9. Rehabilitasyon
8. Versailles
7. Moscow
6. Kapayapaang
5. Liga ng mga Bansa x 5.
4. Trgyve Lie √ 4. nakatakdang rubriks.
3. General Assembly x 3. Sumangguni sa
2. Woodrow Wilson √ 2. sa mga mag-aaral.
1. Secretariat √ 1. inaasahang sagot mula
Gawain 1 2 Gawain Gawain 3. Iba’t iba ang

SANGGUNIAN:
A. MGA AKLAT:
Rosemarie C. Blando et.al., Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 - Modyul ng mag-
aaral para sa Ikalawang Taon ( Quezon City: Vibal Group Inc.,2016),pahina 457-459, 484-
485.

B. ONLINE AT IBA PA:


https://www.un.org/en/
https://en.wikipedia.org/wiki/Woodrow_Wilson
https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_United_Nations
https://www.un.org/en/un-chronicle/maintaining-inspiration-and-motivation-while-
working-build-sustainable-world-peace
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:League_of_Nations_Commission.jpg
https://www.worldpeace.org/un/

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Jessica G. Austria

Tagasuri: Dr. Marilex A. Tercias Aloha P. Molina


Alberto O. Rabang Jo Ann B. Domaoal
Zosima Irene H. Fernandez Nelson T. Ocasion
Ma. Jocelyn J. Sotong
Tagalapat: Geni M. Sarmiento
Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison Dr. Arlene B. Casipit
Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

8
SAGOT SA TAYAHIN

I. II. III.
1. B 1. C Iba’t-iba ang inaasahang sagot mula sa mga
2. A 2. D mag-aaral. Sumangguni sa nakatakdang
3. D 3. B rubriks.
4. C 4. C
5. A 5. A
6. C
7. D
8. A
9. D
10. C

You might also like