Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Aspekto ng Pandiwa

Aspekto ng Pandiwa
• Nagpapahayag kung kailan
naganap o nangyari ang isang
kilos o galaw.

Tatlong ng aspekto ng pandiwa:


● Perpektibo
● Imperpektibo
● Kontemplatibo
Perpektibo/Naganap
• Ito ang nagsasabi na natapos o naganap na
ang sinimulang kilos.

Halimbawa:
o Si Anna Karenina ay dumating kahapon.
o Tumalon kami sa ilog kanina.
o Nagpaalam kami sa Nanay mo kagabi.
o Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
o Naglinis ng bahay ang mga kasambahay ni
Perla.
o Nagtanong ang guro kung sino ang may lapis.
Imperpektibo/Nagaganap
• Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa
o kasalukuyang nagaganap.

Halimbawa:
o Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon
ni Inay.
o Nagbabasa si Clodette ng libro sa silid-
aklatan.
o Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
o Si Nanay ay nagluluto ng paborito kong
sinigang.
o Naglalaba ng uniporme ang aking kapatid.
o Nagmimisa ang pari ngayong simbang-gabi.
Kontemplatibo/Magaganap
• Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa
nasisimulan, nasasagawa, o nangyayari ang
isang kilos.

Halimbawa:
o Kami ay maliligo sa ilog mamaya.
o Pupunta sila sa Intramuros kasama si Fritz.
o Maglalaro na ang paboritong koponan ni Clara
sa basketball.
o Hahanapin ni Tyra ang tirahan ng kaniyang
dating kamag-aral.
o Si Elvis ay maghihintay sa iyo sa simbahan.
o Magagawa ni Larkin ang kaniyang proyekto bago
ang kaniyang pagsusulit
Natapos Kumakain
Naglakbay Aawitin
Hinihiwa Magguguhit
Sumisigaw
Ibigay ang tinutukoy ng mga sumusunod:
• Ano ang nagpapahayag kung kailan naganap o
nangyari ang isang kilos o galaw?

• Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa.

• Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang


kilos ay nagaganap pa lang.

• Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang


kilos ay hindi pa nagagawa o nasisimulan.

• Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang


kilos ang natapos o naganap na.
Pangkatang
Gawain Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa mga
sumusunod na aspekto.

Salitang Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


ugat Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3
awit
salita
tayo
kain
bihis
laba
ligo
takbo
buksan
dalaw
Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung Perpektibo, Imperpektibo, o Kontemplatibo
ang salitang mga nakasalungguhit.

______ 1. Nagtitipon ang mga magkakaibigan dalawang beses sa

isang araw.

______ 2. Si Olga ay nagbihis ng maayos.

______ 3. Tahimik ang mga mag-aaral habang nagpapaliwanag ang

guro sa unahan.

______ 4. Pupunta kami ng Palawan sa Disyembre.


______ 5. Sasayaw ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang sa
darating na Marso.
Takdang-Aralin
Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na pandiwa at

ang kanilang aspekto. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

1. Iyak (Perpektibo)

2. Nood (Kontemplatibo)

3. Talon (Imperpektibo)

4. Maneho (Perpektibo)

5. Lakad (Kontemplatibo)
THANK YOU!

You might also like