Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

7-Einstein

Filipino

Pangarap by: Gielan Alleanna N. Pasquin

Sa dalampasigan ng Timog-silangang Asya, pinanganak ang isang pagong; inabandona ang munting
pagong na ito, wala siyang pangalan o pamilya, iniwan siya ng kaniyang gahasang mga magulang. Unti-
unting nagsimulang bumiyak ang kaniyang shell at nakalabas na rin ito. Minuklat nito ang kaniyang mga
mata at namangha sa kaniyang nakita. Binati siya ng maganda, makinang at asul na asul na dagat.
Balewala na raw sakanya ang pagiging ulila basta’t nandiyan lang ang karagatan, ang iisa niyang kasangga
sa buhay.

Simula noon, pinangarap na nitong lumangoy-langoy sa mismong karagatang iyon. Ngunit, sa panahong
ito laganap ang paniniwalang di nararapat ang mga pagong sa karagatan. Dahil ang mga pagong daw ay
pinanganak sa baybayin lamang, bakit naman sila maninirahan sa karagatan kung gayon?

Tulad ng ibang kababatang pagong, sinubukan din niyang makipagsalamuha sa kaniyang mga ka-edad
subalit tinuring siyang kakaiba at sira ulo dahil sa kaniyang munting pangarap, araw-araw na rin siyang
tinutukso dahil dito. “Bakit ba nila ako tinutukso? Kapag sinabi ng tao na gusto nito maging isang doktor,
hinuhusga ba nila? Hindi naman eh.” Tanong niya sa kaniyang sarili. Hinayaan nalang nito ang mga
opinyon ng ibang tao, pero magsisinungaling naman siya kung sinabi niyang hindi siya naapektuhan nito.

Ganoon naman talaga ang buhay, ano? Paminsan malulungkot ka, paminsan ikaw na iyong
pinakamasayang tao sa buong mundo. Sinusubukan naman ni pagong na lapitan ang karagatan ngunit
nilamon naman siya ng rumaragasang alon ng takot.

Isang araw, habang nagpapahinga ang pagong sa tabi ng dagat, bigla-bigla na lang siya nagkaroon ng
magandang ideya, sasakay nalang ito sa isang bangka tulad ng mga taong kaniyang nakikita. At ito nga
ang kaniyang ginawa, una ay naghanap siya ng matibay na kahoy upang gawing katawan ng kaniyang
bangka at malaking dahon naman bilang ang sail. Sunod niya namang dinugtong-dugtong ang mga ito at
sa wakas, nabuo na rin ang kaniyang bangka.

Kailangan niya na lang sumakay sa bangka upang makamit na ang kaniyang mga pangarap ngunit,
hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya, “Paano kung masisira ang bangka? Paano kung mawala ako?”,
Ayaw na ayaw niyang mawala ang tiwala niya sa karagatan, ang iisa niyang kaibigan. Sinubukan niyang
sumakay sa bangka ng kaunti lamang pero bago pa niyang mamalayan, hinatak na ng hangin ang bangka
habang nakasakay siya rito! Papalayo at papalayo siyang idinala ng hangin, wala na rin siyang magagawa,
kundi ikalugod nalang ang kagandahan ng karagatan.

Nagsisisi ba ang pagong dahil ginawa niya ang bangka? Hindi. Magsisisi ba siya kung nalaman niyang
wala siyang ginawang panagwan? Oo. Huli niya nang napagtanto na wala pala siyang ginawang
panagwan, paano na ba siya makakauwi nito? Kinakabahang tinanong nito sa sarili.

Lumala ang sitwasyon nang magsimulang magkasira-sira ang bangka. Kala ng pagong na “Ah, ganito na
pala ako mamatay”, unti-unting lumulubog ang bangka, wala na talaga siyang maggagawa. Tinanggap
nalang nito ang kaniyang kapalaran.

Nagising ang pagong at nagulat dahil wala pa siya sa langit. Nasa ilalim na siya ng karagatan, “Huh?
Paano ako nakahinga?”, inisip ng pagong na baka mayroon pala siyang sikretong kapangyarihan.
7-Einstein
Filipino

Lumangoy siya pabalik at ipinagkalat sa buong Isla na kaya nitong huminga sa ilalim ng tubig. Marami ang
naniwala sa pagong, marami rin ang hindi naniwala rito. Sinubukan ng ibang mga pagong na hindi
huminga sa ilalim ng tubig at matagpuan nila na dalawang oras lang limitasyon ng kanilang pagsisid. Sa
kasawiang palad ay hindi lang iisa ang pagong na may sikretong kapangyarihan.

Submitted by: Submitted to:

GIELAN ALLEANNA N. PASQUIN MA’AM GRACELYN C. ALTAYA

You might also like