Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Ruby D.

Tagotongan

Kurso/Seksiyon: BTLED-AFA 3

Petsa: February 15, 2024

Takdang Aralin 1

1. Batay sa nabanggit sa mga tula, ano ang dahilan ng paghihirap ng bayan?

Sagot:

Ayon sa tula na aking nabasa sa libro, ang dahilan nang nararanasan na kahirapan
sa ating bansa ay dahil sa pagkakawala nang mga trabaho at kawalan nang Edukasyon
sa ating bayan. Managing mamayan sa ating bansa ang hindi nakapag tapos ng pag-
aaral dahil sa kawalan ng Sapat na pero pang matrikula.Ang dahilan din nang
kahirapan sa ating bayan ay ang Korapsyon. Ang pagkakaroon nila nang kalamangan
sa mga mamayan nang bansa ang isa sa dahilan kung bakit nag hihirap ang bayan.
Kung saan sila ang may kapangyarihan sa pag Kuha nang kaban ng bayan sa ang mga
mamayan nang sarili Nilang bansa ang kumakayud upang makakita nang kwarta.

Ipinakita sa tula na ang kahirapan ang dahilan kaya ang mga magsasaka at iba
pang mangagawa na may responsibilidad na kumayod para sa kanilang mga pamilya
ay nagtitiis, naghihintay at naghihirap upang may makuhanan ng kanilang pang gastos
sa araw araw na pamumuhay. At dahill nga sa salat sila sa buhay ang kanilang mga
hinaing ay hindi napakikinggan. Kung sila lamang ay napakikinggan, iniintindi at
ginagawan ng nararapat na aksyon upang sila ay makaranas o makatanggap ng
magandang oportunidad mas mapapagaan ang kanilang pamumuhay.

Masasabing maraming masamang epekto ang dulot nito sa tao tulad ng. lubos na
paghihirap ng mga mamamayan dahil napupunta sa bulsa ng mga namumuno ang
kaban at pondo ng pamahalaan na dapat para sa mga mamamayan at para sa pag-
unlad ng bayan, kinukulang ang mga manggagawa tulad ng nars, doktor, gamot at
makabagong kagamitan, nagiging mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga
pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at iba't ibang pasilidad
at nagkukulang at umuunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan
ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ibang mga kababayan.

Ang korapsyon ay hindi makaturangan dahil ang pondo ng ating pamahalaan na


nanggagaling sa mga buwis ng mamamayan na kanilang pinaghirapan, pinaglaanan ito
ng kanilang dugo at pawis pagkatapos ibubulsa lamang ng ilan at nauuwi ito sa
kanilang pansariling kapakanan lamang. Kaya nararapat na itong mawakasan dahil isa
ito sa tuluyang nagpapahirap sa taumbayan.
At ang korapsyon ang sanhi ng paghihirap ng maraming bansa at ng mamamayan
nito. Dahil sa korapsyon tayo ay talagang naaapektuhan ng masamang gawaing ito.
Ang korapsyon ang isang dahilan upang bumagsak ang bansa at lalong maghirap ang
maraming mamamayan at ang nakikinabang lang ay ang mga sakim sa kapangyarihan
at ganid sa mga pera at kayamanan ng bansa na kinuha nila ng illegal upang magamit
nila sto sa kanilang kapakanan at upang sila ay umangat at yuman ng yuman. Ang mga
taong korupt ay walang magandang hangarin sa bansang kundi ang manglimas ng
yaman ng bansa at sila rin ang tunay na salot sa lipunan.

2. Ikaw bilang isang kabataan sa new normal na panahon, ano ang gagawin mo para
masugpo ang kahirapan? Magtala ng kahit ilan hakbang.

Sa bagong panahon natin ngayon, maraming nag bago. Sa pamamaraan nang


pamumuhay na kailangan mong Maki halubilo sa ibang tao upang mabuhay ng
payapa. Isa na rito ang paraan nang pag aaral Kung saan may mga araw na hindi Mona
kailangan pumunta nang eskwelan Maka pag-aral lang.

Bilang mag-aaral ay susunod ako sa mga patakaran na mayroon ang ating batas
lalo na mga patakaran na may kinalaman sa pandemya upang hindi na dumami pa ang
kaso ng may Covid-19. Mag-aaral ako habang nasa bahay at sisikapin na makabuluhan
ang aking oras habang nasa lockdown pa ang ating bansa. Bilang isang mag aaral, ang
magagawa ko para sa bayan lalo na sa panahon ngayonong may pandemya ay
manatiling alerto, atentibo, kalmado at makinig lamang ng mga balita sa mga
pinagkakatiwalaang websites. Bilang karagdagan, ang malawak na pang-unawa at
pagtalima sa mga pangkalusugang protokol ay ilan lamang sa mga maliliit na bagay na
maaring gawin ng mga mag-aaral na tulad ko.

Sa ating panahahon ngayon, tayong mga kabataan ang may kakayahan upang
maiwasan ang trahedya na maaring mangyari kinabukasan. Habang tayo ang
nabubuhay at nakatira sa mundong ito may kakayahan tayo na bumuo nang desisyon
na maaring makapag bago nang kasalukayang nangyayari sa ating Mundo.

You might also like