Professional Documents
Culture Documents
Batara GRP 2 Script
Batara GRP 2 Script
Batara GRP 2 Script
By: John Paulo Amansec, Andrew Janric Pascual, and Carlos Aaron Tan
St. Matthew Group 2
SCRIPT:
Dante: Uy pare, bagsak nanaman ako sa quiz naten ah. Nakakapagod na nga mag-aral,
nakakapagod pa maglakbay dito.
Dante: Ako wala talaga. Kasalanan ‘to ng bruhang teacher natin. May galit ata sa akin yun.
Dante: Pare ang bagal nyo naman. Baka abutin tayo ng dilim wala pa tayo sa bahay. Ayaw
na ayaw pa naman ni lola na abutin ako ng gabi sa labas.
Dante: Ay hehe… Mga tropa saglit lang pala naiiihi ako. Hanap muna tayo ng pwedeng
maihian dito sa gilid ng mga puno.
Luis: Ano? Ikaw tong panay reklamo ikaw pa tong iihi ngayon. Sige na bilisan mo.
*psssssssst*
(Lilingon na sana sa likod si Dante ngunit naalala niya ang laging paalala ng kaniyang lola.)
Lola: Dante, kapag inabutan ka sa bundok ng mag-isa at may narinig kang sumisitsit sayo.
Kahit na anong mangyari ay huwag mo itong lilingunin. Bilisan mo lang dumeretso at
magpanggap na tila bang walang naririnig.
(Dali-daling tumakbo si Dante sa takot pero narinig niyang nagtawanan ang kaniyang mga
kaibigan.)
Luis: Ano ba yan Dante hahaha. Kung alam mo lang itsura mo, para kang nakakita ng
engkanto hahaha.
Dante: Hoy kayo hindi magandang biro yan ah. Kitang-kita nyo na naabutan tayo ng gabi
nananakot pa kayo.
Dante: Ano ba to. Tignan niyo kagagawan ninyo nagkandaleche-leche na uwi natin.
*Psssssst*
*Psssssst*
(Napalingon si Luna sa likod at biglang namula ang mata nito at nag-iba ang kilos habang
naglalakad sa likod.)
(Labis ang iyak at takot ni Dante sa mga nasaksihan ngunit mas pinili niya pa ring tumakbo
na.)
*pssssst*
(Sa pagkakataong ito ay kaboses ng kaniyang Lola ang sumitsit at lumingon si Dante.)
Lola: *Ngumiti, at napalitan ito ng nakakatakot na ngiti habang nag-iiba ang anyo bilang
engkanto*
-wakas-