Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang umaga sa lahat at maligayang pakikibahagi sa ating patimpalak, ang

Dagliang Talumpati. Para sa kaalaman ng lahat, ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri
ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang pangngatwiran sa paksang tinatalakay.
Ang ating Dagliang Talumpati o Impromptu para sa pagdiriwang ay isang uri ng
pampublikong pagpapahayag na magbibigay ng pagkakataon para sa ating mag-aaral na
maipahayag ang kanilang opinion o kuro hinggil sa isang paksa sa napaiksing oras na ilalaan
para sa paghahanda. Subalit bago natin sila marinig, hayaan ninyo akong basahin ang mga
alituntunin ng patimpal
ALITUNTUNIN ng Dagliang Talumpati:
1. Ang bawat kalahok sa Dagliang Talumpati ay kinakailangang magbigay ng sariling opinyon o
ideya hinggil sa paksa sa wikang Filipino.
2. Pagdedesisyunan ang pagkakasunod-sunod sa bilang ng mga kalahok sa pamamagitan ng
palabunutan gayundin sa paksa. Bawat kalahok ay bubunot ng kanyang paksa kapag natawag
na ang kanyang bilang.
3. Pagkatapos bumunot ang kalahok ng paksa, babasahin ng tagapagsalita nang dalawang beses
ang paksa.
4. Ang kalahok ay bibigyan ng isa’t kalahating (1 ½) minuto upang mag-isip at para sa
paghahanda at tatlong minuto para sa talumpati.
5. Magsisimula ang bilang ng minuto para sa aktwal na talumpati sa pagbigkas ng unang salita,
kapag lumagpas sa nakalaang minuto, bibigyan ng karampatang kaltas sa puntos ang kalahok,
dalawang(2) puntos sa bawat tatlumpong segundo.
6. Mula sa mga puntos na ibibigay ng mga hurado, pipiliin and tatlong may pinakamataas at
hihiranging mga nagwagi.
Para sa paglilinaw, ang desisyon ng Lupon ng mga Hurado matapos maibigay sa Tagapangasiwa
ay pinal na hindi na maari pang baguhin.
ALITUNTUNIN sa pagtatalaga ng mga puntos:
Kahandaan ………… 20%
Kaalaman sa Paksa --------- 40%
Kahusayan sa Pagsasalita ------ 40%
100% Ang kabuuang bilang ng puntos ay isang daan
Malugod kong ipinapakilala sa inyo ang mga bumubuo ng Lupon ng mga Hurado na tutulong sa
atin upang mapili nang maigi ang mga kilalaning pinakamahusay sa patimpalak na ito.

Ngayon tatawagin ko na ang unang kalahok. Unang kalahok, maaari ka ng bumunot ng iyong
paksa.
Maramimg salamat unang kalahok. Maari ka nang umupo.
Diyan nagtatapos ang patimpalak para sa talumpati. Mga tagapanood at mga kalahok, ang
anunsyo ng mga nanalo ay mamayang hapon matapos ang lahat ng patimpalak. Salamat.
Mga Paksa para sa Dagliang Talumpati

1. Kabataan: Noon at Ngayon

2. Kahirapan: Hadlang o Inspirasyon sa Pag-aaral

3. Kabataan: Pag-asa o Umaasa

4. Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran

5. Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino

6. Edukasyon: Susi sa Tagumpay

7. Wikang Panturo Ingles o Filipino

You might also like