Professional Documents
Culture Documents
LP in ESP - JamaicaOrtiz New
LP in ESP - JamaicaOrtiz New
LP in ESP - JamaicaOrtiz New
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng:
1. segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok sa tamang
lagayan;
2. pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay; at
3. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)
II. PAKSA:
A. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran
B. Sanggunian: MELC Based (EsP4PPP- IIIg-i-22)
C. Mga Kagamitan: PowerPoint presentation slides, mga larawan, papel, lapis at TV
D. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa Kapaligiran
III. PAMAMARAAN:
A. Pangunahing Gawain
1. Drill (Basura ko Isigaw mo-Hephep Hooray!)
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ang unang pangkat ay binubuo ng mga
lalaki at ang mga babae naman ang sa pangalawang pangkat. Sisigaw ang unang
pangkat ng “hephep!” kapag nabubulok na basura ang nasa larawan at “hooray!” kung
di-nabubulok para sa pangalawang pangkat.
2. (nabubulok-hephep) 5. (nabubulok-hephep)
3. (nabubulok-hephep)
2. Drill na Tanong
Ano ang iba-ibang uri ng basura?
Ano ang halimbawa ng mga nabubulok na basura?
Ano naman ang sa di-nabubulok?
3. Pagganyak
Pakinggan ang isang kanta at araling mabuti kung ano ang gustong ipahayag nito.
(https://www.youtube.com/watch?v=Akp0JxHK2Ok&list=PPSV)
4. Pagganyak na Tanong
C. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng isang larawan. Gamit ang dalawang basurahan ng nabubulok at di-
nabubulok, ilagay sa tamang lalagyan ang mga sumusunod na mga basura.
2. Pagpapahalaga
2. Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating maglinis sa ating kapaligiran?
(Tama! Kailangan nating maglinis upang hindi hindi tayo magkasakit at mas
magandang pagmasdan an gang malinis at maayos na kapaligiran.)
Paano natin maipapakita ang pagmamahal natin sa kalikasan?
3. Pagtatalakay
Tandaan
Mga paraan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kapaligiran:
1. Itapon ang basura sa tamang lalagyan.
2. Paghiwalayin ang mga nabubulok at di-nabubulok.
3. gumawa ng compost pit upang ibaon ang nabubulok na basura.
4. gamitin muli o irecycle ang mga gamit na pwede pa.
5. iwasan ang pagsusunog ng anumang bagay.
4. Pagsasanay 1
Sabihin kung ano ang nasa larawan at tukuyin kung TAMA ba ito o HINDI.
3. Pagreresiklo. TAMA
Pagsasanay 2
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay may gagawin na
Gawain.
Unang Pangkat (Paghihiwalay ng mga basura!)
Gumawa ng tatlong lalagyan para sa paghihiwalay ng mga basura: isa para sa
nabubulok, isa para sa di nabubulok, at isa para sa recyclable.
Materyales: Larawan ng mga basura, karton, at mga sticker para sa labeling
5. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa mga basura? Itapon sa tamang lalagyan at huwag
sunugin.
Ano-ano ang mga paraan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran? Itapon ang basura sa tamang lalagyan. Paghiwalayin ang mga
nabuublok at dinabubulok. Gumawa ng compost pit upang ibaon ang nabubulok
na basura. Gamitin muli o irecycle ang mga gamit na pwede pa. Iwasan ang
pagsusunog ng anumang bagay.
Ano ang dapat gawin sa patapong bagay na maaari pang gamitin? Iresiklo at
gamiting muli.
D. Pangwakas na Gawain
Gawain (“Basura ko, Itapon mo!”)
Si Nena ay nalilito kung saan niya itatapon ang mga basura. May tatlong
basurahan sa kanyang harapan. Tulungan natin siya sa pamamagitan ng pagsasabi
kung saan niya ito dapat itapon.
IV. PAGTATAYA:
Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang sagot.
2. Nakita mong nagtapon ng basura kung saan-saan ang iyong kaibigan. Ano
ang iyong gagawin?
a. pagsasabihan mo siya tungkol sa wastong pagtatapon ng basura sa
maayos na paraan
b. gagayahin siya
c. hindi na makikipagkaibigan sa kanya
3. Nakita mong nagwawalis sa inyong bakuran ang inyong nanay. Ano ang
iyong gagawin?
a. hindi mo siya papansinin
b. kukuha ka ng walis at tutulungan siya
c. magkakalat ka dahil alam mong may maglilinis naman
V. TAKDANG ARALIN:
Gumawa ng isang palamuti sa tahanan o laruan gamit ang mga patapong bagay.
Inihanda ni: