Sports News Section

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SVNHS Table Tennis: Pitong manlalaro, nasungkit ang gintong medalya

Iniuwi ng mga manlalaro ng SVNHS Table Tennis o ping-pong ang matamis na panalo sa
ginanap na Cluster Meet 2024 noong Enero 12.

"I can say as the coach for table tennis, we brought home the beacon, It was a success"
pahayag ng coach na si ang. Anna May salgado.

Humakot ng parangal sa larangang table tennis ang San Vicente National High school (SVNHS)
laban sa mga manlalaro mula sa Tungao National High school at La solidad National High
school.

Nakasungkit ng gintong medalya sina Mart Linus Rosaluna zhian Carl Tuazon, Jerome
Penáloga, Joy Iciderio, Paurine Hemando, Shyra Marticion at Charish Canoy, samantalang,
ilang manlalaro ang nakasungkit ng medalyang pilak na si Louiejay Berbal.

"Either you win to qualify for the Division Meet or you lose and go home. Among the other
two school who represented their respective District, Southwest was able to garther the most
number of winners," dagdag ng coach.

Sipag, determinasyon, at matinding ensayo ang naging puhunan nila upang maiuwi ang
kampeonato at makapaglaro sa darating na Division Meet.
PBA: San Miguel Beermen, nanghari sa semis, 1-0

MANILA,Philippines - Sinikwat ng San Miguel ang Brgy. Ginebra upang solidong makuha ang
panalo sa game 1 ng 2024 PBA Commissioner's Cup best-of-five semifinals noong Enero-24 sa
Araneta Coliseum.

Mainit ang naging bakbakan ng dalawang tropa, 92-90, dahil naisahan ng Beermen ang Gin
Kings.

Sumandal ang San Miguel sa impresibong laro ni CJ Perez nang maglatag ng halimaw na 26
puntos na may limang rebounds at tatlong assists.

Nagtalag rin ng 23 puntos ang kanilang import na si Bennie Boatwright.

Nagpaulan ng tres si Perez para maitabla ang iskor sa pangatlong kwarter, 54-all.

Lamado ang Beermen, 90-85 sa natitirang 2:13 na minuto sa huling kwarter. Ngunit, humugot
nang matibay na 3 puntos si Standhardinger para hatakin ang Gin Kings, 88-90.

Nagparamdam din si Bishop upang itabla ang larp 90-all sa natitirang isang minuto na lamang.

Bumwelta ang San Miguel sa segundong natitira at ipinoste ang Bgry. Ginebra dahilan ng
pananaig ng kanilang tropa, 92-90.

Magkakaharap muli ang dalawang koponan para sa gaganapin na game 2 ngayong Enero-26 sa
hapon.
Creamline, winalis ang Choco Mucho sa finals

MANILA, Philippines - Muling sinikwat ng Creamline Cool Smashers ang sister team na Choco
Mucho Flying Titans sa kanilang sagupaan na umabot ng limang sets, 22-25, 25-20, 29-27, 24-
26,15-12, upang maiuwi ang pampito nilang korona sa PVL All-Filipino Conference sa Araneta
Coliseum noong Desyembre 16.

Pinamunuan ng itinanghal na finals MVP na si Tots Carlos ang ratsada ng Creamline at


nagsumite ng 26 puntos.

"I'm very, very proud. I think everyone really had their moment this conference and that's one
thing our coaches really prepared us for this moment," ani Captain ng Creamline na si Alyssa
Valdez.

Solido ang laro ng Flying Titans sa unang set dahil madali silang nakausad at lumamang ng
pitong puntos, 20-13.

Humirit ng isang malakas na palo si Jema Galanza upang hatakin ang koponan ngunit nabigo
dahil siniguro ng Flying Titans ba ma-block ito. Kaya naman, nagpatuloy ang momentum ng
Choco Mucho, 25-22.

Isang mahabang rally ang naganap sa sumunod na set dahil ayaw ng dalawang koponan na
mabitawan ang bola kahit anong mangyari. Nakahanap ng paraan si Madayag na matapos ang
rally at nagbitaw ng isang crosscourt hit.

Rumesbak ang Creamline at nagpasiklab impresibong ng 5-0 run laban sa Choco Mucho kaya
matagumpay nilang naagaw ang pangalawang set, 25-20.

Hindi nakatakas ang Flying Titans sa mapuwersang atake ni Tots, 21-17. Sinagot naman agad ni
Sisi Rondina si Tots ng isang makapangyarihang atake, 21-18.
Ayaw paawat ng dalawang koponan kaya naman umabot sa 27-all ang iskor. Ipinoste ng Cool
Smashers ang Choco Mucho at inangkin muli ang set, 29-27.

Hindi nag-paapi ang Choco Mucho sa pang-apat na set dahil pag nanalo ang Creamline sa set
na ito ay ligwak na sila.

Hindi pumayag ang Flying Titans na matapos agad ang laban, kaya bumira sila sa set na ito, 26-
24, at pinaabot ang laro sa limang sets.

Pangalawang beses na matagumpay na na-block ng Flying Titans ang "phenom" na si Alyssa


Valdez, kaya sila ang nanguna, 5-3.

Nagsigawan ang 24k na nanonood sa Araneta Coliseum nang impresibong ma-block muli ni
Tolentino ang atake ni Valdez sa pangatlong pagkakataon.

Sinubukang habulin ng Choco Mucho ang dalawang puntos na lamang ng Cool Smashers, 14-
12, ngunit nawalan agad sila ng pag-asa.

Humugot ng halimaw na crosscourt hit si Valdez upang tapusin ang laban at wala nang
mangyari pang game 3, 15-12.

Malaki ang naging ambag ni Sisi Rondina sa Choco Mucho dahil kumayod ito ng 33 na puntos.

Wagi ang Creamline sa lahat ng kanilang laro sa conference 15-0. Sa kasaysayan ng PVL, ang
Creamline Cool Smashers ang may pinakamaraming kampeonato at ito ang pampito na nilang
korona.
FIBA Asia Cup 2025: Gilas Pilipinas Inakay ang Hong Kong, China

Gilas Pilipinas hindi pinalagpas ang tagumpay laban sa Hong Kong, China. 94-64, puntos sa FIBA Asia
Cup 2025 Qualifiers na ginanap sa Tsuen Wan Stadium noong ika-22 ng Pebrero, huwebes.

TIM Cone nagdebut bilang permanenteng head coach ng Gilas Pilipinas noong Huwebes nang
makaharap ng Nationals ang Hong Kong sa isang road game sa pagsisimula ng Fiba Asia Cup 2025
qualifiers sa Tsuen Wan Stadium.

“We are still searching for ourselves. We haven’t found ourselves by any means. We don’t expect to
at this point. We know that we are not going to be as good now as we are in the next two or three
windows. But we do feel we found a foundation,” ani Coach Cone.

Pinapaboran ang Gilas Pilipinas kaysa sa Hong Kong, na kailangang dumaan sa pre-qualifier noong
nakaraang taon. Sinabi ni Cone na hindi niya inaasahan na gagampanan ng koponan ang buong
potensyal nito sa puntong ito.

Gayunpaman, ang American Coach ay optimistiko tungkol sa hinaharap na kasunod ng desisyon na


panatilihing sama-sama ang 12-man team para sa apat na taong cycle.

At sa pangunguna nina Justin Brownlee at Kai Sotto, ipinakita ng mga kampeon sa Asian Games kung
bakit sila magiging challenger para sa continental crown sa susunod na taon sa Saudi Arabia kung
makakarating sila doon, na may nakabibighani na third period na nagpatalsik sa hangin sa host team.

Sinimulan ang laro sa medyo one-sided, kung saan ang Gilas ay nauubusan ng 11 puntos na abante sa
unang quarter bago ang Hong Kong China na si Leung Shiu Wah na nagpako ng buzzer-beater tres
upang matiyak na ang Gilas Pilipinas ay mangunguna pagkatapos ng 10 minuto.

At ang Gilas ay talagang out-scored 18-22 sa ikalawang quarter habang ang mga host ay mas pinaliit
ang kakulangan na may apat na puntos lamang pababa sa kalahating oras.

Ngunit ang napakalaking tugon ng mga bisita sa ikatlong quarter ang naghatid sa Gilas Pilipinas sa
kanilang kumportableng panal.
Pagwawagi laban sa Kalaban

Pinataob ng SVNHS Athletics ang Triple Jump nang Kalaban upang mapakasamay ang
tagumpay. 9.40, sa Division Sports Competition 2024 na ginanap sa Tiniwisan Poly Sports
noong ika-27 ng Enero.

Si Zhaimel Fate Ponce Iscoro, ay ang may pinakamataas na puntos sa kanilang kupunan
matapos makakuha nang 9.40 na puntos sa Triple Jump. Dominasyon at ibulsa ang unang
pananaig ng manlalaro upang mapakasamay ang Torneyo ngayong taon.

“MANATILI MAGPAKUMBABA MAGSIKAP NG KATAHIMIKAN, HAYAAN ANG TAGUMPAY NA


MAGINGAY” Ani ng manlalaro Zhaimel Fate

Hindi nagpatinag ang challenger at pinatili ang matinding offensive performance sa kabuuan
nang laro upang makamit ang tagumpay. Sinubukang gumanti nang kalaban ngunit hindi parin
nag patinag si Zhaimel upang makalusot ang Kalaban.

Nanlupaypay ang depensa ng kalaban sa gitna nang unang set na sinamantala ng challenger sa
pagratsada ng 9.40 pasabog upang itarok at angkinin ang natural set. Gayunpaman ay pilit
ilaban nang kalaban ang kanilang kupuna ngunit hindi parin nagpatinag ang challenger kaya't
napasakamay ni Zhaimel ang gintong medalya.

Bunsod ni Zhaimel na mapamatili at malinis ang katrada sa pagharap ng SVNHS Athletics sa


nalalapit Regional Competition.
Gilas Pilipinas: Ang Pagsungkit ng Tagumpay

Pinataob ng Gilas Pilipinas ang China matapos makamit ang unang panalo matapos ang halos
higit na isang dekada. 96-75, noong linggo ika-2 ng Setyembre sa FIBA World Cup na ginanap
sa Araneta Coliseum.

Ang Utah Jazz na si Jordan Clarkson inakay ang People's Republic of China matapos bumira ng
34 puntos kung saan naghatid ng masterclass. 96-75, upang tapusin ang kanilang siyam na
taong sunod na pagkatalo sa Worlds Cup.

Binasag ng Gilas Pilipinas ang halos isang dekada na tagtuyot sa Basketball World Cup,
matapos makuha ang kanilang unang panalo mula nang talunin ang Senegal noong 2014
edition.

Nakatabla ang magkabilang panig na 16-16 pagkatapos ng unang quarter kung saan nakuha ng
Chinese ang makitid na 40-39 abante sa half-time break.

Ngunit di nag tagal ay yumanig ang Araneta Coliseum matapos makakuha ang panig nag 27-2
run sa ikatlong quarter kasama na ang pagkakasunod na three-pointer ni Clarkson.

Nanguna ang Gilas Pilipinas ng 22 laban sa People's Republic of China sa pagtatapos ng yugto
at madaling naisara ang panalo na ikinatuwa ng mga tagahangang Pilipino.

You might also like