Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

6.

1 KASAYSAYAN NG PELIKULA

Bago pa man naipalabas ang pelikulang Dalagang Bukid, unang nilunsad ang
tinatawag na film strip o mga larawang gumagalaw. Ito ay unang nilusand noong Enero
1897 na kung saan unang pinalabas ang pinakaunang film strip sa Pilipinas, ang
Espectaculo Cientifico de Pertierra o kilala bilang Espectaculo de Piertierra.

Ito ay isang programa na nagpapalabas ng mga film strip gamit ang mga
kronopotograpo na pinapamahalaan ng isang Kastilang mangangalakal na si Señor
Francisco Pertierra sa kanyang salon sa Escolta. Makikita rito ang mga iba’t ibang mga
paksa na pinapalabas ng mga film strip----mula sa mga sayaw ng Hapon hanggang sa
sa mga kuhang larawan ng mga lugar sa Pransya. Makaraan ang ilang mga buwan ay
dumating sa Pilipinas ang tunay na sinematograpo na dinala ng dalawang Suwisong
mangangalakal na sina Leibman at Peritz sa Maynila at noong Agosto 1897 sa panahon
ng himagsikan ay ipinakilala ang sinematograpong Lumiere na nagmula sa Lyon,
Pransya. Sa pagpapakilala ng sinematograpo ay nagkaroon ng pagkamangha ang mga
manonood nito sa kadahilanang sa kung ano ang realidad ang maaring ipakita ng
sinematograpo sa kanila. Ang sinematograpong Lumiere ay unang inilagay sa Escolta
sa tabi ng San Jacinto at ang unang pagpapalabas nito ay nangyari noong Agosto 28,
1897 na may limitadong manonood. Sa loob ng unang tatlong linggo, naglabas si
Antonio Ramos, isang Kastilang sundalo mula sa Alhama de Aragon ng sampung iba’t
ibang pelikulang ipapalabas ngunit sa ikaapat na linggo ay puwersahan niyang
babalasahin ang tatlumpung pelikula na may iba-ibang kombinasyon upang makabuo
ng bagong programa. (Misa, 2020)

Ang Pelikulang Pilipino ay isang makasaysayang bahagi ng kultura ng Pilipinas.


Narito ang ilang mahahalagang punto tungkol sa kasaysayan nito:

Unang Pelikula: Noong 1912, ipinalabas ang unang “silent picture” sa Pilipinas. Ito ay
isang mahalagang yugto sa pag-unlad ng pelikulang Pilipino.

Unang Pelikulang Pilipino: Taong 1919, noong ipinalabas ang unang pelikulang
Pilipino. Ito ay isang makasaysayang tagumpay para sa industriya ng pelikula sa bansa.
Unang “Talkie”: Noong 1933, nailabas ang unang “talkie” na gawa ng mga Pilipino. Ito
ay isang pelikulang may tunog at naging mahalaga sa pag-unlad ng teknolohiya sa
industriya ng pelikula.

Kasalukuyang Kalagayan: Ang Pelikulang Pilipino ay patuloy na nagbibigay trabaho


sa mga 260,000 Pilipino. Taun-taon, ito ay kumikita ng halos 1.5 bilyong piso.
(https://www.slideshare.net/vangiea/kasaysayan-ng-pelikulang-pilipino)

Noong 1900 Ang isang Ingles na nag ngangalang Walgrah ang nag palabas ng
ilang mga Pelikula sa Pilipinas nag bukas siya ng sineha na nagngangalang Cine
Walgrah sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros. Ang ikalawang sinehan ay itinayo ng
isang Kastilang negosyante na nagngangalang Samuel Rebarber, Tinawag naman
itong Gran Cinematografo Parisen, na nasa No.80 calle Crespo sa Quiapo Noong 1903,
Ang isa ng Pilipinong nagngangalang Jose Jimenez ay nag tayo ng isang sinehang
Gran Cinematograpo Rizal sa Calle Azcaraga (na ngayon ay Abenida C.M. Recto) sa
tapat ng Estasyon ng tren sa Tutuban Noong magkaparehas na taon ang pelikula ay
popular na sa pilipinas gumawa sila ng pelikula na tungkol sa Kolonisasyon. na
sinasaluhan ng tunog ng Piano at mga mangaawit sa Manila gran Opera House.

Noong 1905 si Herbert Wynham ay kumuha ng ilang mga eksena sa Manila fire
Department, siAlbert Yearslyay kumuha ng eksena sa selebrasyon ng Rizal day sa
Luneta noong 1909; noong 1910, Ang Manila Carnival noong 1911, Ang ilang mga kuha
mula sa pag putok ng Bulkang Mayon;Ang kuha mula sa unang labang pang
himpapawid sa look ng Maynila niBud Mars At ang mga kuha sa Malaking sunog sa
Tondo, Pandacan at sa Paco; pati ang kuha mula sa pag alis ng mga Igorot papunta sa
Barcelona at ang pananalasa ng bagyo sa Cebu ngunit ang mga Pangunahing
pelikulang ito ay hindi naging popular sa ating mga Pilipino dahil sa ito para lamang sa
kaalaman ng mga dayuhan,

Ang Komisyon ng Pilipinas ay malaki ang pag papahalaga sa pelikula dahil ito ay
isang magandang gamit sa pag hahatid ng Komunikasyon,impormasyon at Pang aliw,
kaya noong 1909, ang Kagawaran ng Siyensiya at Teknolohya ay gumawa ng isang
Laboratoryo ng Pelikula sa Tulong ng Pathe, at ng isang Photgraper na si Charles
Martin, sa Pransiya at siyay nag sanay ng ilang mga Pilipino sa paggawa ng Pelikula,
ng Matapos mag sanay ang mga tinuturuan, ay nag simula na silang gumawa ng
pelikula,

At noong 1910, ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa


kagamitan na Chronophone ang mga Briton na kumukuha ng pelikula ay pumunta sa
Pilipinas at kumuha ng Magagagandang tanawin sa Pilipinas, tulad sa talon ng
Pagsanjan noong 1911 ng Kinemakolor, At noongv 1912, ang isang kumpanysa sa
Hollywood ay gumawa ng isa ng Pelikula na ang pamagat ay La Vida de Rizal na
tungkol sa buhay ng ating Pambansang Bayani, at dito nag simula ang
Pagkakapanganak sa Pelikulang Pilipino.

Ng 1914; Ng Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag


hahatid sa Edukasyon at Propaganda nag aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa,
ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito.
(https://www.wikiwand.com/tl/Pelikulang_Pilipino#google_vignette)

6.2 DEPINASYON NG PELIKULA

Ang pelikula ay kinikilalang sining ng pagpipinta, eskultura,musika at arkitektura


na siyang nagbibigay ng yaman sa atingpamumuhay. Kasalukuyang malaki ang
nagiging impluwensya ng pelikulasa publiko dahil sa kakayahan nitong magpakita ng
damdamin atsitwasyon na nauunawaan ng mga manonood. Nagsisilbi itong salaminng
buhay ng publiko sapagkat dito naiisalarawan ang kanilang mgapangarap, hangarin at
paniniwala. (Canto, 2009)

Ang pelikula ay isa sa mga anyo ng sining na higit na nakapagdudulot


ngmalaking impluwensiya sa mga mamamayan. Nagbibigay ito ng mga
mensahengnakapagpapabago sa pananaw ng mga manonood. Gayundin, nagiging
daluyan ito ngmga makabagong kaaalaman at aral na maaaring magamit sa
pamumuhay ng bawatindibidwal. Nagsisilbi itong repleksyon ng pamumuhay ng bawat
indibidwal sapagkat dito mahihinuha ang iba’t-ibang mga karanasan kung saan mas
nahuhubog angpersonalidad at katatagan ng mga manonood sa paglalagay ng kanilang
sarili sa mgaeksenang kanilang natutunghayan. (Maderazo, 2015)
Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing (mula sa kastila
película at cine), ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya
bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.


Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang
ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula)

Ang pelikulang Pilipino ay isang uri ng sining na nagpapakita ng ating pagka-


Pilipino at nagbibigay-buhay sa ating identidad. Ito ay binubuo ng mga kwentong
sumasalamin sa realidad ng buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga pelikula ng Indi
films. Ang mga pelikulang ito ay orihinal na isinulat, produced, at pinagbidahan ng mga
Pilipino. Ang pelikulang Pilipino ay isa rin sa mga pinagkukunan ng trabaho ng mga
260,000 na Pilipino at kumikita ito ng 1.5 na Bilyong Piso taun-taon.
(https://a1107.wordpress.com/2016/11/22/pelikula-tatak-ng-kulturang-pilipino/)

6.3 ELEMENTO NG PELIKULA

6.3.1 PAMAGAT

- Bonifacio: Ang Unang Pangulo

You might also like