Manago Q3 Linggo 1 Pahayagan at Magasin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40(12:50–1:30RHGP)/ SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 5, 2024 (Lunes)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin
Wika at Gramatika - Mga Impormal na Salita
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Unang Linggo
TUKLASIN
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa estilo, mekanismo at mga
kaalamang teknikal ng mga popular na babasahin (pahayagan at magasin),
ganoon din ang pag-unawa sa di-pormal na antas ng wika.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

C. Kasanayang Pampagkatuto
 Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang
isyu
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa,
layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng
talata at pagbuo ng pangungusap
 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia
 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal
na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

II. PAKSANG-ARALAIN

A. Paksa: Pagpapakilala/ Pagbibigay ng paunang kaalaman sa Pahayagan at


Magasin bilang mga Popular na Babasahin (Tuklasin)

B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


1. Kognitibo
 Naibibigay ang mga impormasyon tungkol sa paksa
2. Apektibo
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng panitikang popular
3. Saykomotor
 Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap sa
pamamagitan ng debate

C. Sanggunian: Curriculum Guide, MELC’s, SLEM, Google, Youtube:


https://youtu.be/NSVkNEnJ0FE

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, video clips


mula sa Youtube

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP, SEL

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy o inilalarawan sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Isang uri ng paglilimbag na naglalaman A. Dagli
ng balita, impormasyon at patalastas.
2. Isang grapikong midyum na ang mga salita B. Komiks
at larawan ay ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. C. Magasin
3. Ang mga nilalaman nito ay mga artikulong
tumatalakay sa iba’t ibang paksa gaya ng D. Editoryal
fashion, gadgets, kalusugan at 2.
4. Isang anyong pampanitikan na maituturing na E. Pahayagan
maikling kuwento.
5. Isang anyo ng pagsulat na naglalaman ng opinyon
o pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu.

A.2. Tukoy-alam

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga babasahing popular para sa iyo. (Self-
Awareness)

PAHAYAGAN KOMIKS AKLAT

BROADSHEET _____ Aliwan _____ Mga Aklat ni Bob Ong


_____ Inquirer _____ Tagalog _____ Florante at Laura
_____ Manila _____ Klasiko _____ Noli Me Tangere
_____ Bulletin _____ Pugad _____ Bibliya
_____ Philippine Star _____ Hiwaga _____ Kalipunan ng mga Tula
_____ Walt Disney Komiks _____ Kalipunan ng Maikling
Kuwento
_____ Mga Aklat ni Eros Atalia
PAHAYAGAN
(TABLOID)
_____ Abante
_____ Pilipino Star
_____ Tempo

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan.

Mga Pamatnubay na
Tanong:
1. Ilahad ang mga
makukuhang
impormasyon dito.
2. Kilalanin ang tawag sa
ganitong uri ng babasahin at
ipaliwanag.
3. Ibigay ang iyong opinyon hinggil sa ganitong uri ng babasahin.

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


Pagpapakilala ng ilang impormasyon sa Panitikang Popular.

3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)


Panuto: Batay sa larawan, ipaliwanag ang kahalagahan ng panitikang
popular sa iyo (Self-Awareness)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim )


Panuto: Sa pamamagitan ng isang debate, bibigyang-reaksiyon ang narinig
na opinyon ng kausap tungkol sa napanood. (Relationship Skills)

https://youtu.be/NSVkNEnJ0FE

C. Paglalahat

1. Pagninilay (Self-Awareness)
Panuto: Sa pamamagitan ng isang concept map, isa-isahin ang bisang
Pangkaisipang nabatid mo tungkol sa babasahing popular.
2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang mga nasa larawan at ipaliwanag ang bawat isa.

D. Kasunduan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pahayagan at magasin?
2. Bakit mahalaga ang mga panitikang popular na ito?
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40(12:50–1:30RHGP)/ SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 6, 2024 (Martes)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin
Wika at Gramatika - Mga Impormal na Salita
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Unang Linggo
LINANGIN (PANITIKAN AT WIKA)
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa estilo, mekanismo at


mga kaalamang teknikal ng mga popular na babasahin (pahayagan at
magasin), ganoon din ang pag-unawa sa di-pormal na antas ng wika.

B. Pamantayan sa Pagganap

Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya


sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

C. Kasanayang Pampagkatuto

● Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa


isang isyu
● Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng
salita, pagbuo ng talata at pagbuo ng pangungusap
● Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia
● Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip
● Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa
pananaliksik
● Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa
● Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Ang Panganib ng Artificial Intelligence ni AL G. Pederoche (Linangin)


B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Kognitibo
● Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa,
layon, tono, pananaw at paraan ng pagkakasulat
● Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia

2. Apektibo
 Nabibigyang-reaksiyon ang nabasang opinyon ng may-akda tungkol sa
isang isyu

3. Saykomotor
● Nagagamit sa isang maikling awitin ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

C. Sanggunian: CG, MELC’s, Pilipino Star Ngayon:


https://www.philstar.com/opinyon/2024/01/29/2329235/ang-
panganib-ng-artificial-intelligence/amp, Youtube:
https://youtu.be/t5nZAwWXLFk?si=fHSMaMarQqyfFMOq,
Larawan (Chat GPT:
https://lighthouseguild.org//wp-content/uploads/iStock-
1460653480.jpg, Pinagyamang Pluma 8

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang


biswal

E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

● Pagpapahayag ng wastong paggamit ng AI/makabagong teknolohiya

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay wasto at MALI kung
hindi.

1. Napadadali ng artificial intelligence ang iba’t ibang gawain gaya ng pag-


e-edit ng mga bidyo at iba pa.
2. Ang lahat ng produkto ng AI ay nakabubuti para sa lahat ng
gumagamit nito.
3. Patuloy na dumadarami ang mga biktima ng AI dahil sa nagagamit na
ito sa pang-i-iscam.
4. Isa sa mabuting dulot ng AI ay ang paggaya ng boses ng isang tao
upang magamit sa mga transakyon.
5. Maaaring magamit ang AI sa paggawa ng krimen at paninira ng kapwa.

A.2. Tukoy-alam

Panuto: Ibigay ang iyong sariling ideya ukol sa larawang ipinapakita.


(self-awareness)

https://lighthouseguild.org//wp-content/uploads/iStock-1460653480.jpg

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Ano ang ipinapakita ng larawan? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, popular ba sa mga kabataang tulad mo ang
paggamit ngayon ng Artificial Intelligence o AI? Ipaliwanag.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Panuto: Panoorin ang maikling bidyo at ibigay ang iyong reaksyon ukol dito.
(self-awareness)

https://youtu.be/t5nZAwWXLFk?si=i0_2v8VMTbWOERGS

Mga Pamatnubay na Tanong:


 Batay sa iyong napanood, ano ang epekto ng paggamit ng AI?
Ipaliwanag.
 Para sa iyo, dapat bang ipagpatuloy ang paggamit nito? Ipaliwanag.

2. Pagtalakay sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa pamamagitan ng pangkatang
dugtungang pagbasa. (relationship skills)

“Ang Panganib ng Artificial Intelligence”


ni AL G. Pederoche

Mga Pamatnubay na Tanong:


 Ano ang paksa at layunin ng binasang teksto?
 Ano ang iyong naramdaman matapos mong mabasa ang teksto? Bakit
 Ano naman ang tono o saloobin ng nagsulat ng teksto?
 Sang-ayon ka ba sa opinyon o pananaw ng may akda? Ipaliwanag.
3. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa tulong
ng mga larawan.

a. b.

Video Cyberspace

c. d.

Facebook Internet

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Mga Popular na Babasahin

Pahayagan- Ang pahayagan ay tinatawag ding dyaryo o peryodiko. Ito ay isang uri ng print
media na naglalaman ng mga napapanahong balita tungkol sa mga isyung panlipunan,
isports, panlibangan at iba pa sa loob at labas ng bansa na mabibili sa mababang halaga.

Dalawang uri ng pahagayan:

 Tabloid- pahayagang pangmasa dahil nakasulat ito sa wikang Filipino


 Broadsheet- nakasulat ito sa wikang Ingles; mas malaki kaysa sa tabloid

Magasin- Ito ay isang popular na babasahing kinahuhumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw
at impormasyon makukuha dito.

Mga halimbawa:

 Candy Magazine
 Cosmopolitan
 Entrepreneur
 For Him Magazine (FHM)
 Good Housekeeping
 Men’s Health
 Metro
 T3
 Yes!
Mga Impormal na Salita

 Ito ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na


pakikipag-usap sa mga kaibigan at kakilala.

Mga Uri ng Impormal na Salita

 Lalawiganin- Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito.
Halimbawa: kaluguran da ka (Kapampangan), palangga kita (Ilonggo)
 Kolokyal- Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap na
pinaiikli ang orihinal na salita
Halimbawa: aywan- ewan; piyesta- pista; nasaan- nasan
 Banyaga- Ito ay mga salita mula sa ibang wika. Karamihan sa mga ito ay pangalang
tiyak, teknikal, pang-agham, simbolong matematikal o mga banyagang salitang walang
salin sa Filipino
Halimbawa: carbon dioxide, Internet, Instagram
 Balbal- Ang mga salitang ito ay tinatawag ding salitang kanto o kalye.
Halimbawa: yosi- sigarilyo; erpat- tatay; sekyu- security guard

5. Ginabayang Pagsasanay - Sagutin Natin!


Panuto: Tukuyin kung anong uri ng impormal na wika kabilang ang mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa
teknolohiya ngayon.
2. Ewan ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
3. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.
4. Ang sarap ng sinaing n’yo, mabango at masarap kainin.
5. Sa bahay na tayo manood para hindi ako mapagalitan ni Erpat.

6. Pangkatang Gawain (relationship skills)


Pangkat 1: Hambing-Tangi
Panuto: Ihambing ang akdang Ang Panganib ng Artificial Intelligence sa
akdang Ekspresyong Milenyal batay sa: paksa, layon, tono,
pananaw at paraan ng pagkakasulat gamit ang tsart.

Pangkat 3: Read and React


Panuto: Basahin ang mga piling pahayag mula sa manunulat at magbigay
ng reaksyon dito.

Pangkat 4: Awiting Gen Z


Panuto: Bumuo ng isang maikling awitin tungkol sa Artificial Intelligence
gamit ang wika ng kabataan sa kasalukuyan o Gen Z Linggo.

Pangkat 2: Tawag ng Hurado


Panuto: Magbigay ng puntos sa presentasyon ng bawat kamag-aral. Gawin
ito sa malikhaing paraan.
Rubrik sa Pangkatang Gawain

C. Paglalahat
1. Pagninilay- Word of the Day (self-awareness)
Panuto: Pumili ng isang salita mula sa Gen Z Linggo na naglalarawan sa
iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin at ipaliwanag.

2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang uri ng popular na babasahing naglalaman ng mga
napapanahong balita.
A. magazine C. pahayagan
B. komiks D. polyeto
2. Ito ay uri ng babasahing kinagigiliwan dahil sa taglay nitong
impormasyon tungkol sa kalusugan, negosyo, fashion trends, mga
artista at iba pa.
A. magazine C. pahayagan
B. komiks D. polyeto
3. Isa itong uri ng impormal na salitang tumutukoy sa mga salitang
ginagamit na walang katumbas sa wikang Filipino.
A. balbal C. banyaga
B. kolokyal D. lalawiganin
4. Ito ay mga impormal na salitang hango sa wika ng isang probinsya.
A. balbal C. banyaga
B. kolokyal D. lalawiganin
5. Ang mga salitang ito ay tinatawag ding salitang kalye o kanto.
A. balbal C. banyaga
B. kolokyal D. lalawiganin

D. Kasunduan
1. Basahin ang komentaryong “Tiktok bakit nais nilang ipagbawal?” ni Jarius
Bondoc sa link na ito:
https://www.philstar.com/opinyon/2024/01/30/2329560/tiktok-bakit-nais-
nila-ipagbawal/amp
2. Magtala ng mahahagalang detalye kaugnay nito.
Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8

Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MARIA EVA S. NACION


Punongguro

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40(12:50–1:30RHGP)/ SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 7, 2024 (Miyerkules)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin
Wika at Gramatika - Mga Impormal na Salita
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Unang Linggo
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Tiktok bakit nais nila ipagbawal? Ni: Jarius Bondoc (Pagnilayan at
Unawain)
B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Kognitibo
● Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

2. Apektibo

● Nabibigyang-reaksiyon ang nabasang opinyon ng tungkol sa isang isyu

3. Saykomotor
● Nagagamit sa infographics ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

C. Sanggunian: CG, MELC’s, Philippine Star Ngayon -


Pinagyamang Pluma 8
D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang
biswal
E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon ng iba

● Pagpapamalas ng makabuluhang pagpapasya

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Isulat ang tsek kung ang mga pahayag ay matatagpuan sa


binasang akda at ekis kung hindi.
1. Ang Tiktok ay isang produkto ng ByteDance sa Beijing, China.
2. Itinatag ito ni Chinese citizen Zhang Yiming noong 2012.
3. Hindi sumikat ang Tiktok dahil may bayad ang paglalagay ng mga
bidyo dito.
4. May Tiktok servers sa China.
5. Agad binawal ng ilang bansa ang TikTok sa government devices nila
dahil sa posibilidad ng pag-eespiya ng China sa kanila.

A.2. Balik-aral

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod sa klase.


1. pahayagan
2. magasin
3. kolokyal
4. banyaga
5. balbal

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Ilahad ang iyong kaalaman tungkol sa salitang nasa loob ng kahon.

TIKTOK

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Anong katangian ng applikasyon na tinutukoy ng salita?
2. Bakit ito popular sa mga tao sa kasalukuyan?

2. Pagtalakay sa Aralin
Group Reading sa komentaryong “Tiktok bakit nais nilang ipagbawal?” ni
Jarius Bondoc

Mga Pamatnubay na Tanong:


 Tungkol saan ang binasang teksto?
 Bakit nais ipagbawal ng ilang bansa ang paggamit ng Tiktok?
 Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin nang wasto ang Tiktok?
(responsible decision-making)

3. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Gamit ang grapikong pantulong,
isa-isahin ang mabubuti at
masasamang dulot ng paggamit ng
Tiktok sa mga gumagamit nito

4. Pangkatang-Gawain
Pangkat 1-
Panuto: Iugnay ang tema ng napanood na balita sa tinalakay na teksto.
Gumamit ng grapikong pantulong at ipaliwanag ang sagot.

https://www.youtube.com/watch?v=_Ayxk3Xk09U

Pangkat 2-
Panuto: Sa pamamagitan ng talk show, ilahad ang inyong opinyon kaugnay
ng isyu sa paggamit ng social media.

Pangkat 3-
Panuto: Sa pamamagitan ng infographics, maglahad ng mga panawagan
para sa kabataan kung paano nila magagamit nang maayos ang
social media. Gumamit ng limang impormal na wika at tukuyin
ang uri nito.

Pangkat 4:
Panuto: Magbigay ng puntos sa presentasyon ng bawat kamag-aral. Gawin
ito sa malikhaing paraan.

Rubrik sa Pangkatang Gawain


C. Paglalahat

1. Pagninilay- Dugtungang Pahayag (self-awareness)


Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba.
 Mula sa naging talakayan, nalaman ko na…
 Dahil dito, ako ngayon ay…

2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang.
1. Ito ay isang sikat na application kung saan maaaring makapanood at
makapag-upload ng bidyo na pag-aari ng ByteDance Company.
2. Ginagamit ang mga salitang ito sa partikular na probinsya o lalawigan.
3. Ito ay mga salitang pinaiikli na kadalasang ginagamit sa impormal na
usapan.
4. Ang mga salitang ito naman ay madalas na tawaging mga salitang kalye.

5. Ito ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing


tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga
impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa
mundong digital.

D. Kasunduan
1. Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
sa pagsulat ng balita, komentaryo at iba pa. Isulat ang sagot sa kwaderno.
2. Magdala ng short bond paper bukas.
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40(12:50–1:30RHGP)/ SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 8, 2024 (Huwebes)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Popular na Babasahin: Pahayagan at Magasin
Wika at Gramatika - Mga Impormal na Salita
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Unang Linggo
ILIPAT
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Iba’t ibang Estratehiya sa Pangangalap ng Datos (Ilipat)


B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Kognitibo
● Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa
pananaliksik

2. Apektibo

● Nabibigyang-reaksiyon ang nabasang opinyon ng tungkol sa isang isyu

3. Saykomotor
● Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

C. Sanggunian: CG, MELC’s, Philippine Star Ngayon -


Pinagyamang Pluma 8
D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang
biswal

E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon ng iba

● Pagpapamalas ng kahusayan sa pagsulat ng kometaryo

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay tama at BLUFF naman
kung hindi.
1. Hindi mahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagsulat
ng mga popular na babasahin.
2. Mabisang gamitin ang pananaliksik upang makakuha ng
makatotohanang impormasyong ilalagay sa mga pahayagan.
3. Maaaring magsagawa ng sarbey upang makakalap ng mga
impormasyon para sa popular na babasahin.
4. Bawal magsagawa ng interbyu sa pangangalap ng datos dahil hindi
wala itong kredibilidad.
5. Mabisang gamitin ang brainstorming sa pangangalap ng opinyon at
katwiran ng ibang tao.
A.2. Tukoy-alam

Panuto: Ibigay ang inyong paunang kaalaman tungkol sa datos.

DATOS
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Panuto: Ilahad ang iyong kaalaman tungkol sa larawan.

Tanong:
 Ano ang mensaheng nais iparating ng larawan?

2. Pagbibigay ng Input ng Guro

Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng Datos o Impormasyon sa Pagsulat

Sa pagsulat ng popular na babasahin, napakahalaga ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman


higgil sa paksa o isyung isusulat.

 Pagbabasa at Pananaliksik
 Obserbasyon
 Pakikipanayam o Interbyu
 Pagtatanong o Questioning
 Pagsulat ng Journal
 Brainstorming
 Pagsasarbey
 Sounding-out Friends
 Imersiyon
 Pag-eeksperimento

Mga hakbang sa pagsulat ng editoryal o komentaryo:

3. Ginabayang Pagsasanay https://www.youtube.com/watch?v=fgoudW4B9UE


Panuto: Mag-isip ng isang isyung panlipunang kinahaharap ng bansa at
lumikom ng mga impormasyon kaugnay nito at sumulat ng iyong
opinyon sa isang buong papel.

1.
2.
3.
4. Pagbibigay ng GRASPS
Goal- Makasulat ng isang editoryal o komentaryo gamit ang iba’t
ibang estratehiya sa pangangalap ng datos/ideya
Role- manunulat
Audience- mga guro at kapwa mag-aaral
Situation- Ikaw ang napiling kinatawan ng inyong paaralan sa
patimpalak sa pagsulat ng editoryal o komentaryo. Ang
isusulat ay tungkol sa mga napapanahong isyu ng ating
bansa.
Product- editoryal o komentaryo
Standard- rubrik

Rubrik sa Pagmamarka
Kailangan pang Paghusayan
Pamantayan Napakahusay Mahusay (3)
(5) (4)
Lubos na nauunawaan, Nauunawaan at Nauunawaan ang
wasto at makabuluhan ang makabuluhan ang ang nilalaman ng editoryal o
Nilalaman nilalaman ng editoryal o nilalaman ng editoryal o komentaryo
komentaryo komentaryo

Nagamit nang wasto, tiyak at Nagamit nang wasto ang ang


Nagamit lamang ang mga
Wika at
maayos ang mga salitang mga salitang ginamit sa ulat- salitang ginamit sa ulat-
Gramatika
ginamit sa ulat-balita, mga balita, mga bantas, letra at balita, mga bantas, letra at
bantas, letra at baybay ng baybay ng mga salita baybay ng mga salita
mga salita

Nakasunod sa pamantayang Nakasunod sa pamantayang Nakasunod lamang sa


ibinigay sa pagsulat ng ibinigay sa pagsulat ng pamantayang ibinigay
editoryal o komentaryo; editoryal o komentaryo;
Presentasyon pagsulat ng editoryal o
Malinis, maayos at may Maayos ang isinulat na balita
komentaryo
orihinalidad ang isinulat na
balita

5. Pagtitiyak sa Gawain ng Mag-aaral


 Ilalahad sa klase ang isinulat na editoryal o komentaryo.

C. Paglalahat

1. Pagninilay- 3,2,1… Exit! (self-awareness)


Panuto: Batay sa naging talakayan, ilahad ang sumusunod.

2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
kahon.
1. Ito ay paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid.
2. Ito ay paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagsasagot sa
questionnaire.
3. Ito ay pagtitipon ng kaalaman sa pamamagitan ng interbyu.
4. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan.
5. Madalas itong ginagamit sa mga sulating pang-agham.

Obserbasyon Eksperimento
Pakikipanayam Brainstorming
Pagsasarbey
D. Kasunduan
1. Maghanda para sa Maunawang Pagbasa bukas.
2. Magdala ng short bond paper at mga kagamitang pangkulay.

You might also like