Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na makagawa ng isang
imbensyon upang makatulong sa lipunan at sa buong mundo, ako ay
gagawa ng isang bagay o plataporma na makakatulong sa pagsolusyon sa lumalalang suliranin ng Climate Change. Ang pag angat ng ating ekonomiya ay nagsisimula sa maayos at ligtas na kapaligiran. Hindi masasabing ligtas, angat, at payapa ang ating bansa o pati na rin ang ating mundo kung ito'y punong puno ng mga kalamidad na sumisira sa ating kapaligiran. Mga kalamidad na dulot rin ng mga masasamang gawain ng mga tao. Ang mga halimbawa nalang nito ay ang pagputol sa mga puno at ang pagmimina. Ang mga halimbawang ito ang nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng daigdig o global warming. Gagamitin ko ang pagkakataon na binigay sa aking upang gumawa ng bagay o plataporma upang mahikayat, magising, at mamulat ang bawat tao sa mundo na ang nagiisang planetang ating tirahan ay unti-unti nang nasisira dahil sa mga masasamang gawain ng mga tao at dahil hindi na maaabutan at masisilayan ng mga susunod na henerasyon ang dating maganda, payapa, at ligtas nating mundo.