Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Annex 1C to DepEd Order 42, s.

2016
Paaralan ABANON NHS Dibisyon San Carlos City Markahan Ikaapat

Asignatura APan 10 Linggo 2


Guro KERVY D. (Pagkamamamayan:
GRADES 1 to DELA CRUZ Konsepto at Katuturan)
12 Pang-
Araw-Araw na
Tala sa Baitang/ G10 – MFC, MOM, MTA Abril 2,
Pagtuturo Antas at 4,
Prinsipal AGOSTO V. Petsa 2024
CAYABYAB

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at


Pangnilalaman pakikilahok sa mg agawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan
at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
Pagaganap pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
kanilang pamayanan.
C. Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.
Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs)
D. Mga Kasanayan sa  Nailalahad kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino sa
Pagkatuto (Isulat Saligang-batas ng Pilipinas.
ang code ng bawat  Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino ayon sa
kasanayan)
nakasulat sa Saligang Batas.
 Nakabubuo ng isang brochure ukol sa mga batayan ng pagiging
isang mamayang Pilipino.

E. Integrasyon ng alinman Makabayan, Kooperasyon, Pagkamalikhain


sa mga sumusunod;
Values, GAD at CSE
II. NILALAMAN Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan 10 pahina 58

1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-mag-aaral Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan:
Araling Panlipunan 10
Modyul para sa Mag-aaral
3. Teksbuk

4. Karagdagang kagamitan mula


sa Portal ng Learning Resource
(LRMDC)
B. Iba Pang Kagamitang
Panturo DepEd TV, Laptop, PowerPoint Presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Bago magbalik-aral ay gagawin muna ang mga sumusunod:
o Pagsisimula ng Bagong Aralin: 1. Panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Alituntunin sa silid-aralan

Balik-Aral: Sa parteng ito, ating sasariwain ang mga natalakay sa mga


naunang aralin nang sa gayon ay hindi ito tuluyang makalimutan, at bilang
paghahanda na rin sa susunod na aralin. Magbabato ng katanungan ang
guro na naglalayong iugnay ang bagong aralin sa nakaraang leksyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Patungkol saan ang ating huling tinalakay?
2. Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayan?
3. Ano ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan?

B. Paghahabi sa Layunin sa Layunin ng araling ito na mailahad kung sino ang itinuturing na
Aralin: mamamayang Pilipino sa Saligang-batas ng Pilipinas.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa
Bagong Aralin:

Gawain 1: LARAWAN-SURI
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Naniniwala ka bang ikaw ay isang Pilipino?
2. Kung ikaw ay Pilipino, masasabi mo bang mamamayan ka ng
Pilipinas?
3. Ano nga ba ang salitang “Pagkamamamayan?”

D. Pagtalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #1
E. Pagtalakay ng Bagong PAGSUSURI SA TEKSTO:
Konsepto at Paglalahad ng Bago tuluyang ipaliwanag ang konsepto ay bigyan muna ng
Bagong Kasanayan #2 pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang sariling
ideya ukol sa mga konseptong tatalakayin.

Sa Pilipinas, inilahad ng estado sa Saligang-batas kung sino ang


itinuturing na mga citizen at mga kaakibat na tungkulin at karapatan ng
mga mamamayan nito. Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Ito
ay ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas na
nagpapahayag tungkol sa pagkamamamayan.

ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN

Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
Konstitusyong ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang
gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring
na katutubong inianak na mamamayan.
Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o
muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na
nagtakwil nito.
Seksiyon 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sa kabilang banda, maaaring mawala ang pagkamamamayan ng


isang indibidwal dahil sa mga sumusunod:
1. Kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
2. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa.
3. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may
digmaan.
4. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain 2: CONCEPT MAP


(Tungo sa Formative Panuto: Gamit ang concept map, punan ang bawat kahon ng mga
Assessment) hinihinging konsepto na natutunan mula sa aralin.

Batay sa iyong pagkakaintindi, ipaliwanag ang


PAGKAMAMAMAYAN.

Mga batayan sa pagiging mamamayang Mga dahilan kung bakit puwedeng mawala
Pilipino ayon sa Saligang-batas. ang pagiging mamamayang Pilipino.

a. a.
b. b.
c c
d. d.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Gawain 3: PAGGAWA NG BROCHURE


Araw-araw na Buhay Paunlarin ang kasanayan sa paggawa ng isang brochure patungkol
sa ikaapat na artikulo ng Saligang-batas, ang “Pagkamamamayan.”
Panuto: Gumawa ng isang brochure na naglalaman ng mga batayan sa
pagiging isang mamamayang Pilipino, gayundin ang mga maaaring dahilan
ng pagkawala ng pagkamamamayan sa isang indibidwal.
RUBRIKS SA PAGGAWA NG BROCHURE
MGA Deskripsyon Nakuhang
PAMANTAYAN (5) Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay/ginamit ay tumutugma sa
paglalarawan at konsepto ng isyu.
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon.
May pagbabatayang pag-aaral, artikulo o
pagsasaliksik ang ginamit na datos.
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng
kwento/
Impormasyon. Maayos na naipahayag ang
konsepto ng isyu.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos o
papapakita ng ginawa. Gumamit ng angkop na
paglalarawan upang maging kaaya-aya ang
kaanyuan ng produkto.
KABUUANG PUNTOS
H. Paglalahat Pagsusuma
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga batayan sa pagiging isang mamamayang Pilipino?
2. Anu-ano ang mga dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibidwal?
3. Bakit mahalagang magkaroon ang isang indibidwal ng
pagkamamamayan?

I. Pagtataya ng Aralin Gawain 4: MARAMIHANG PAGPIPILIAN


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Isulat sa kwaderno ang iyong
sagot.

1. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang


mamamayan ng bansa?
A. Bible B. Saligang Batas C. Saligang Aklat D. Batas
2. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na
Pilipino sa bansa?
A. Arikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4
3. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na ang
dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas?
A. Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Sek. 4 D. Sek. 5
4. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkawala ng
pagkamamamayan ng isang indibidwal?
A. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may
digmaan.
B. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa.
C. Nakapangasawa ng taga ibang bansa
D. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
5. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa
Saligang Batas, maliban sa?
A. Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas.
B. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
C. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
saligang-batas na ito.
D. Yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon.

J. Karagdagang Gawain para sa Gawain 5: PAGSASALIKSIK!


Takdang-Aralin at Remediation Panuto: Bilang paghahanda sa susunod na aralin, magsaliksik patungkol sa
lumalawak na pananaw ng “Pagkamamamayan.”

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY/
REPLEKSYON
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral
nangangailangan ng iba pang Gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang
ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang pansin ni:


KERVY D. DELA CRUZ MARK F. CAGUIOA MISHEIL C. RABILAS, Ed.D.

You might also like