PERIODICAL TEST Esp-4th-Quarter

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lagumang Pasusulit sa Ika-apat na Markahan

Edukasyon sa Pagpapakatao 9-BONIFACIO

Name: ____________________________ Score: ______________


I. Maramihang Pagpipilian: Piliin ang pinakaangkop na sagot , bilugan ang titik.
1.) Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasya at malayang pagsasakilos ng
kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
a. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
b. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
2.) Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo
(lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
a. makiangkop b. makialam c. makipagkasundo d. makisimpatya
3.) Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing
sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha,
paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
a. Hilig b. Kasanayan (skills) c. Pagpapahalaga d. Talento
4.) Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na
kakayahan, iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin
sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa
Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
5.) Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa
nalalapit na Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa
sa kanilang desisyon
6.) Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na
suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang
institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala daan upang maging gabay niya.
Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita?
a. katayuang pinansyal b. hilig c. mithiin d. pagpapahalaga
7.) Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar
simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng
pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang
propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila
ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?
a. hilig b. pagpapahalaga c. katayuang pinansyal d. kasanayan
8.) Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din nito pagguhit at
minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya
sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon,
ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang
tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
a. kasanayan b. hilig c. mithiin d. pagpapahalaga
9.) Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang kursong Engineering at
mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nanghihikayat ng
mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay
sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili,
naisip niyang ito ang magiging daan tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya.
Pumayag siya at naging desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni
Melchor sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
a. katayuang pinansyal b. mithiin c. pagpapahalaga d. kasanayan
10.) Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay
namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na
buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang
pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon
sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa
kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
a. mithiin b. kasanayan c. pagpapahalaga d. hilig
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na n
makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

12. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.


a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin
pa.
13. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.
14. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon b. Bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon
15. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang Direksiyon d. Propesyon
16. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?
a. Sarili, simbahan at lipunan b. Kapuwa, lipunan, at paaralan
c. Paaralan, kapuwa at lipunan d. Sarili, kapuwa at lipunan
17. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian b. Sukatin ang mga kakayahan
c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan d. Tipunin ang mga impormasyon
18. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
19. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.
a. Upang siya ay hindi maligaw c. Upang mayroon siyang gabay
b. Upang matanaw niya ang hinaharap d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
20. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay
nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. Kapayapaan b. Kaligtasan c. Kaligayahan d. Kabutihan

II. Pumili sa kahon ng salita na angkop sa bawat pangungusap (x2)


Suriin direksyon pagpili pagpaplanno
Salik pag-aaral alamin
Makakasama determinasyon interest at potensyal

1. Kinakailangang _________________ng mag-aaral ang kanilang sarili bago kumuha ng kurso.


2. Dapat isaalang-alang ang mahahalagang ____________ sa pagpili ng kurso o hanapbuhay.
3. ANg napiling kurso ay siyang__________________ at nakapagpapasaya sa mahabang panahon.
4. Mahalagang malaman ng mag-aaral ang kanilang _________at ______ sa pagpili ng kurso.
5. Kailangang________kung ano ang iyong kasanayan kung maghahanap ng trabaho
6. Ang pagkakaroon ng ____________ o layunin ay makatutulong nang malaki sa buhay.
7. Pinakamahalagang salik sa pagkakamit ng nais na kurso ang___________ mabuti.
8. Ang ____________at pagsisikap ay kailangan sa pagkakamit ng minimithing hanapbuhay o kurso.
9. Ang ______________ sa kursong kukunin ay kailangang paghandaan.
10. Kailangang maingat sa pagplano patungo sa tamang_______ ng hanapbuhay o kurso sa kolehiyo.

You might also like