Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa pangangailangansa hinaharap?


A. Sahod B. Insentibo C. Allowance D. Pag-iimpok
2. Mahalagang kapangyarihan ng pamahalaan na kinokolekta mula sa kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal?
A. Buwis B. Token C. Insentibo D. Cash Gift
3. Tawag s akita mula sa buwis
A. Private Revenue B. Public Revenue C. Market Revenue D. Financial Revenue
4. Mahalagang mapataas ang produksyon at pagkonsumo ng isang bansa upang ________.
A. hindi mangutang C. maging kasapi ng mayayamang bansa
B. lumago ang ekonomiya D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
5. Paano inilalarawan ang unang modelo?
A. Ang pambansang ekonomiya ay bukas C. Ang bahay -kalakal at sambahayan ay iisa
B. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan D. Ang pamilihang pinansyal ay nagbibigay ng mataas na interes
6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pamilihang pinansyal maliban sa
A. bangko B. Pawnshop C. Kooperatiba D. Korporasyon
7. Pagpasok ng mga produktong galing sa ibang bansa
A. Export B. Import C. commodity market D. Factor market
8. Pamilihan ng mga tapos na produkto
A. factor Market B. Commodity Market C. Black market D. Night market
9. Pamilihan ng mga salik ng produksyon
A. factor market B. Commodity market C. Black market D. Night market
10. Saan napupunta ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan?
A. Paglilibang B. Paggasta C. Pagtitipid D. Pampublikong paglilingkod
11. Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa isang bansa
A. Domestic Product B. Gross National Product C. Gross National Income D. Gross Domestic Product
12. Alin ang hindi kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
A. Income Approach B. Added Approach C. Expenditure Approach D. Economic Freedom Approach
13. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon ang_________.
A. Growth rate B. Real GNI C. Nominal GNI D. Gross National Product
14. Ang iba pang tawag sa sa Nominal GNI ay ___________.
A. Real GNI B. Price Index C. Current Price GNI D. Constant Prices GNI
15. Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bnasa?
A. Dito makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya
B. Magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan
C. Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa
D. Lahat ng nabanggit
16. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos ng lahat ng mga produkto at serbisyosa pamilihan?
A. Resesyon B. Implasyon C. Depresyon D. Deplasyon
17. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng Implasyon
A. Kakulangan sa enerhiya C. Pagtaas ng produksiyon
B. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon D. Pagtaas ng estado ng pamumuhay
18. Ang consumer price index ay isang economic indicator na gamit panukat. Ano ang sinusukat ng CPI?
A. Kawalan ng trabaho B. Dami ng populasyon C. Pagbabago sa halaga ng pera D. Kita
19. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang
isuplay o iprodyus ng pamilihan?
A. demand pull inflation B. cost-push inflation C. hyperinflation D. great depression
20. Piliin sa mga sumusunod ang naapektuhan sa tuwing may implasyon.
A. Mga nagpapautang B. nangungutang C. Speculators D. taong di-tiyak ang kita
21. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili lamang….
A. ng sapat sa pangangailangan C. sa mga kakiklala upang makatawad
B. ng mga produktong bagsak ang presyo D. sa pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo
22. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang mabago ang galaw ng ekonomiya.
A. Patakarang pisikal B. Pamahalaang pisikal C. Patakarang mental D. Pamahalaang ligal
23. Ipinapatupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
A. Demand pull B. Cost-push C. Expansionary Fiscal Policy D. Contractionary Fiscal Policy
24. Nakakalikom ng salapi ang pamhalaan sa pamamagitan ng__________.
A. taripa B. withholding tax C. value-added tax D. sales tax at income tax
25. Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal sa pamamagitan ng________.
A. excise tax B. witholding tax C. sales tax at income tax D. proporsiyonal na buwis
26. Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan tulad ng
Government-owned and Controlled Corporation (GOCC)
A. Net Lending B. Capital outlays C. Budget Allocation D. Current Operating Expenditures
27. Titipunin ng Department of Budget and Management ang mahahalagang dukomentong bubuo sa President’s budget at National
Expenditure Program at ipapasa sa ________upang sang-ayunan at maging ganap na batas
A. Senado B. Pangulo C. Kongreso D. Bangko Sentral ng Pilipinas
28. Upang maipatupad ang Patakarang Pananalapi bakit kailangan ng Fiat Money Authority ng Bangko Sentral sa Pilipinas?
A. Sapagkat sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
B. Sapagkat madami ditong perang maaring gamitin.
C. sapagkat sila ay may kapangyarihang mag imptrenta ng salapi sa bansa.
D. Sapagkat lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.
29. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi ng bansa upang __________
A. dumami ang pera ng bansa C. hindi magwelga ang mga manggagawa
B. maiwasan ang pagtaas ng implasyon D. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
30. Naitatag ang Al-Amanah Islamic Investment bank of the Philippines upang__________.
A. tulungan ang mga Muslim C. dumami ang mga Muslim sa bansa
B. makautang ang mga taga-Mindanao D. Makasabay sa kultura ng mga Muslim
31. Paano nakakatulong ang Open market Operation ng BSP sa pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng pagbenta o pagbili ng pagkakautang ng pamahalaan
B. paghingi ng pahintulot na gumastos ng pera ng pamahalaan
C. Pagpapautang sa mga maliliit na bangko sa bansa
D. Pagsasagawa ng mga seminar sa mga maliliit na negosyante
32. Karaniwang kliyente nito ay magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa sektor ng agrikultura
A. Card Bank B. Rural Bank C. Landbank D. Metrobank
33. Tumatanggap ito ng demand deposit at iba pang serbisyong pampinansyal
A. Rural Bank B. Agribank C. Metrobank D. Commercial Bank
34. Nagpapautang ng salapi ngunit may collateral na karaniwang alahas, kasangkapan o kagamitan upang matiyak ang pagbabayad ng
nangungutang
A. Bahay Sanglaan B. Money Exhanger C. Rural Bank D. Bangko ng pag-iimpok
35. Bilang mag-aaral mahalaga ang pag-iimpok sa araw-araw na pamumuhay upang
A. panggastos sa barkada C. Pambili ng gadget ng mga makabagong gadget
B. pangload at pang-internet D. Magamit sa oras ng sakuna o emergency
36. Lumalago ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko dahil sa
A. interes sa deposito B. insurance sa deposito C. investment sa deposito D. sektor ng pananalapi
37. Ang mga sumusunod ay pamamaraan kung paano ka makakapag-impok MALIBAN sa
A. matutong sumabay sa uso
B. magkaroon ka ng disiplina sa iyong sarili
C. magbukas ka ng bank account sa bangko
D. gumastos lamang ng naayon sa iyong mga pangangailangan
38. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
A. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
B. bibili ako ng bago at magarang kotse
C. Ibibili ko ng alahas, bag, damit at pagkain
D. magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhuanan at mag-iimbak ng pera sa bangko
39. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. pagreretiro B. proteksyon sa buhay C. mga hangarin sa buhay D. maging inspirasyon sa buhay
40. Sinabi ni Megan sa kanyang asawa na dapat niyang panindigan ang SUWELDO- _________=GASTOS upang makapagimbak ng pera
sa bangko
A. Banking B. Savings C. Deposit D. Interest

41-46 Mga dahilan ng Implasyon


47-48 Sektor ng Ekonomiya
49-50 Pamamaraan sa pagsukat ng Pambansang Kita

You might also like