Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Dumaguete City

Edukasyon sa Pagpapakatao 6, Quarter 3

Name: ___________________________ Date: ________________


Grade & Section: __________________ Score: _______________
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino mula sa pang-aalipin sa mga kastila sa
pamamagitan ng papel at panulat.
A. Corazon C. Aquino
B. Efren “Bata” Reyes
C. Jose P. Rizal
D. Manny Pacquiao

2. Ano ang ginawa ng mga tanyag na tao gaya nina Manny Pacquiao sa larangan ng boxing
at Lea Salonga sa larangan ng musika kaya sila ay matagumpay na tao, maliban sa isa.
A. kawalan ng interes sa ginagawa
B. mapakumbaba na tao
C. may determinasyon sa ginagawa
D. nagsisikap sa pag-eensayo
3. Si Dr. Jose Rizal ay ating Pambansang bayani dahil sa kaniyang taglay na katangian.
Anong katangiang meron si Dr. Jose Rizal maliban sa isa.
A. makasarili
B. mapagmahal
C. masipag
D. matiyaga

4. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong higit
na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano
ang gagawin mo?
A. Ipakilala siya sa tagapagsanay upang mabigyan ng pagkakataon
B. Magkunwaring walang nalalaman
C. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay
D. Tatawanan lang siya

5. Napansin nang iyong guro ang husay mo sa pag-awit. Nais niyang isali ka sa paligsahan sa
pag-awit sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwari na hindi marunong umawit
B. Hindi na ako sasali dahil baka matalo lamang ako
C. Sasali ako kahit hindi na ako mag-ensayo
D. Sisikapin kong mapahusay ang aking talento kayat mag-ensayo akong Mabuti

6. Nais kang bilhan ng tatay mo ng rubber shoes, tinanong ka niya kung anong tatak ang gusto
mo. Ano ang iyong sasabihin?
A. Ipabibili ko ang pinakausong sapatos at pinakamahal para sikat ako sa paaralan
B. Sasabihin kong gawang pinoy ang gusto ko sapagkat matibay na ay mura pa.
C. Sasabihin kong imported na sapatos ang kaniyang bilhin
D. Sasabihin ko ang pinakamahal na sapatos ang dapat bilhin
7. Bilang isang Pilipino, may kanya-kanya tayong hangarin sa buhay na gusto nating
makamtan. Kung ikaw ay isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang makamit mo
ang iyong pangarap sa buhay?
A. gawin ang mga takdang-aralin
B. mag-aaral ng mabuti
C. makikinig sa mga leksiyon
D. lumiban palagi sa klase

8. May isang mayamang negosyante na nakabili ng malaking ektarya ng lupa sa inyong


barangay upang ito ay tatayuan ng paggawaan ng gulong. Kinausap at ipihayag ng mga
naninirahan sa barangay ang negosyante sa masamang epekto ng chemical wastes sa
paggawa ng gulong sa kalusugan at kalikasan. Ano ang maitutulong mo upang hindi
maipagpatuloy ang isang paggawa ng gulong?
A. Gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang paggawa
B. Hayaan na lang kung ano ang mangyari
C. Makinig lang sa isyu
D. Pagkawalang kibo lang

9. Hinikayat ka nang iyong mga kaklase na makilahok sa pagtulong sa pagkalap ng mga


donasyon para sa mga biktima ng nakaraang bagyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aalis at huwag pansinin
B. Ipagwalang bahala lang
C. Magkunwari na gusto mong makilahok
D. Sasali ako upang makatulong

10. Ang pamahalaan ay patuloy sa pangangampanya laban sa “dynamite fishing”. Napag-


alaman mo na ang iyong ama ay isa sa gumagamit nito. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan ang kanyang ginagawa
B. Ipaalam sa ama na ang kanyang ginagawa ay hindi mabuti at ito’y labag sa batas
C. Isusumbong sa mga kinauukulan
D. Paggalitan ang ama

11. Si Ginoong Santos ay magpapatayo ng pabrika ng pintura sa katabi ng isang subdivision


at private school. Hindi lingid sa kaniya ang chemical waste at usok na dulot sa proseso ng
paggawa ng pintura. Dapat niya bang itutuloy ito? Bakit?
A. Pag-isipan muna, dahil nagdudulot ito ng masama sa kalusugan ng mga tao
B. Oo, upang magkaroon ng income ang lugar sa buwis na ibinayad ni Ginoong Santos
C. Okey lang para may mapasukang trabaho ang mga walang trabaho
D. Oo, upang umaasenso ang lugar

12. Ang iyong kapatid ay palaging hindi sinasara ang gripo pagkatapos gamitin. Sayang ang
tubig na lumabas na hindi naman magagamit. Ano ang dapat mong gawin sa iyong kapatid?
A. Hayaan na lang siya
B. Isumbong sa Nanay
C. Pagalitan siya
D. Pagsabihan ng maayos at turuan

13. Ang mga sumusunod ay ang pagpapahalaga at pananagutan sa mga likas na yaman
maliban sa isa.
A. Hindi balanseng paggamit
B. Pagbabalik ng mga napapalitang likas na yaman
C. Pag-iwas sa polusyon / basura
D. Paghanap ng alternatibong paraan upang mabawasan ang konsumo ng mga likas na
yaman
14. Ang tubig ay isa sa ating pinagkukunang-yaman. Paano natin ito pangangalagaan?
A. Buksan ang gripo kahit hindi ito ginagamit
B. Hayaan nakabukas ang gripo
C. Huwag ayusin ang sirang gripo
D. Isara ang gripo pagkatapos nang gamitin

15. Ang mga sumusunod ay mga gawain tungkol sa pangangalaga sa ating kapaligiran maliban
sa isa. Alin dito?
A. Gawin ang programang 4R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace) sa buhay upang maiwasan
ang kalat at pagkahalo ng mga basura
B. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di- nabubulok.
C. Putulin ang mga punong-kahoy at huwag itong palitan
D. Sundin ang mga panukala, panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa pangangalaga ng
kalikasan.

16. Sa inyong barangay may programa na inilunsad “Clean up drive”. Ano ang dapat mong
ibahagi sa programa?
A. kusang loob na tumutulong
B. huwag pansinin ang programa
C. magkunwari na tutulong sa programa
D. titingnan lang ang mga naglilinis

17. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa ilog at kanal. Nakita mo ang iyong
kapitbahay na patuloy na nagkakalat at nagtatapon ng basura sa ilog. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan lang sila sa kanilang ginagawa
B. Ipaalam sa kanila na may batas at parusahan ang lumabag nito
C. Irereport sa mga kinauukulan upang mapagalitan sila
D. Sigawan sila para tumigil sa pagtatapon

18. Ang mga tao sa inyong barangay ay sabay-sabay sa pagpatay ng ilaw bilang pakikiisa sa
Earth Hour. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lang sila sa kanilang ginigawa
B. Hindi ako magpapatay ng ilaw
C. Makikiisa ako sa sabay-sabay na pagpatay ng ilaw
D. Magkukunwari na hindi mo alam ang Earth hour

19. Ang magandang kapaligiran at maayos na kalikasan ay magdudulot ng kabutihan para sa


lahat at masilayan pa ng susunod na mga henerasyon ang biyayang bigay sa atin. Paano mo
mapanatili ang kagandahan ng ating kapaligiran at maayos na kalikasan?
A. Hayaan ang mga plastic na nagkalat sa daan
B. Huwag magtapon ng basura kahit saan at ilagay sa tamang lalagyan
C. Itapon sa ilog ang mga diapers ng bata
D. Putulin ang mga malalaking puno

20. Nakatira kayo sa malapit na ilog. Tuwing may malakas na ulan, umaapaw ang tubig papunta
sa inyong bakuran dahil sa baha. Paano mo malulutas ang problemang ito?
A. Harangan ng mga malalaking troso
B. Hikayatin ang mga mamamayan na mag tree planting sa bukid
C. Ipagwalang bahala ito
D. Lagyan ng bakod ang ilog
21. Ang ating pamahalan ay may batas na inilunsad sa pangangalaga ng kapaligiran upang
manatiling maganda at kapakipakinabang ang mga ito. Paano ka makatulong sa ating
pamahalaan sa batas na inilunsad?
A. Dapat sundin ang batas at huwag lalabag sa mga ito
B. Gawin ang gusto mo kahit ito ay bawal
C. Gumawa ng illegal logging
D. Pagsuporta sa mga maling gawain ng iba

22. Ano ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras?
A. Gawin lamang ito kung gusto mo
B. Iskedyul ang gawain, galingan, at husayan ang paggawa.
C. Huwag gawin ang mga gawain.
D. Unahin ang pinakamadaling gawain para matapos agad

23. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng de-kalidad na pagganap?


A. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa takdang oras.
B. Pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
C. Sumunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
D. Tama ang lahat ng sagot.

24. Ang mga sumusunod ay mga kasanayan upang mapahusay ang paggawa maliban sa
________.
A. Humanap ng shortcut kapag hindi pa alam ang gagawin.
B. Humingi ng mungkahi upang mas mapahusay ang paggawa.
C. Kapag nagkamali ay agad gumawa ng paraan para maitama ito.
D. Magpokus at ituon ang pansin sa gawain.

25. Sino sa kanila ang sumusunod sa pamantayan sa paggawa at malamang na maging


matagumpay balang araw?
A. Si Ben na masipag maglaro sa araw at gabi.
B. Si Carlo na gumagawa kung nakatingin ang amo.
C. Si Jose na tinatapos ang trabaho sa tamang oras.
D. Si Pedro na gumagawa dahil sa sahod.

26. Inatasan ni Bb. Flores ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang na tapusin ang proyekto
bago sumapit ang takdang oras ng pagpapasa nito. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng
mga mag-aaral upang matiyak na de-kalidad at maipagmamalaki ang kanilang proyekto?
A. Gawin ang proyekto na kasalungat sa panuto at tagubilin ng guro.
B. Kopyahin ang disenyo ng proyekto ng iba.
C. Madaliin ang paggawa upang maipasa ang proyekto nang maaga.
D. Pag-aralan at planuhing mabuti ang mga paraan sa pagbuo ng proyekto.

27. Kahit nahihirapan si Ana, pinag – aaralan niya nang mabuti ang pananahi,gamit ang makina.
Pagdating ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang humanap ng trabaho. Ano ang
masasabi mo sa kaniyang ginawa?
A. Nawala ang dati niyang gana sa pananahi.
B. Pinalawak at pinabuti niya ang kaniyang kakayahan bilang paghahanda.
C. Si Ana ay hindi makapaghintay ng tamang panahon.
D. Siya’y nagkulang ng tiwala sa kaniyang sarili.
28. Kailan dapat tapusin ang isang gawain na iniatas sa iyo?
A. kahit kailan mo ito gustong tapusin
B. kapag paulit-ulit nang ipinapapasa ang gawain
C. sa itinakdang oras o sa susunod na araw
D. sa itinakdang oras o mas maaga pa
29. Ang _________________________ ay nangangahulugang may kakayahang makabuo ng
isang bagay na orihinal o pinaunlad na bersyon ng isang disenyo.
A. Pagkamakabansa
B. Pagkamalikhain
C. Pagkamatulungin
D. Pagkamayabang

30. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagkamalikhain maliban sa isa.


A. Batang nagbabasa ng aklat sa liwanag ng ilaw ng isang tindahan
B. Dalawang batang lalaki na nag-aaway
C. Guro na gumugupit ng mga larawan sa lumang magasin para magamit sa klase
D. Nanay na gumagawa ng panibagong putahe mula sa natirang ulam

31. Ikaw ay isang malikhain na bata, ang iyong kapatid ay humingi ng tulong. Ano ang iyong
gagawin?
A. Bahala siya sa kanyang problema
B. Hindi ko siya papansinin.
C. Tutulongan ko siya sa lahat ng kailangan.
D. Wala akong pakialam sa problema.

32. Ikaw ay napiling isa sa parangalan dahil sa iyong pagkamalikhain. Ano ang iyong
mararamdaman?
A. Magalit
B. Malungkot
C. Masaya
D. Naasar

33. Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa P.E. Ano ang iyong
gagawin?
A. Iiyak ako para maawa ang aking guro at bilhan niya ako ng sapatos
B. Liliban ako sa klase
C. Manghihiram ako sa mga pinsan ko
D. Pipilitin kong bumili si Mama ng bagong sapatos

34. May takdang-aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng kailangang manila
paper. Ano ang gagawin mo?
A. Babasahin ko na lang ang aking ulat
B. Di na lang ako gagawa ng ulat at babawi na lang ako sa susunod na gawaing-ulat
C. Gagamitin ko ang luma naming kalendaryo at doon ko isusulat ang aking mga ulat
D. Hindi ako papasok sa klase at magkukunwaring nilalagnat

35. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa
tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng 500 piso kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang
gagawin mo?
A. “Hindi” at iwasan ang taong di mo kakilala
B. Huwag pansinin ang lalaking hindi kilala
C. Isumbong agad sa guro o mga magulang
D. Sabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan

36. Ang iyong tiyuhin ay isang mangingisda. Alam mo na siya ay gumagamit ng dinamita upang
makahuli ng maraming isda. Ito ay isang pagbabawal na gawain. Paano mo siya makumbinsi na
ihinto ang kanyang ginagawa?
A. Kausapin ang tiyuhin at ipalam sa kanya ang masamang epekto sa ating pinagkukunan yaman
B. Hayaan siyang magpatuloy sa kanyang masamang ginagawa
C. Huwag kang makialam sa kanya
D. Magreport ka sa mga awtoridad

37. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa _______________ .


A. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
B. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal
sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin
C. Pagpapanatili ng ecological diversity
D. Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa

38. RA 90003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayon para sa
___________________________
A. Pagpapanatili ng malinis ng hangin
B. Pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang mga sanhi
ng maduming hangin
C. Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad
at konserbasyon ng enerhiya
D. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste

39. Nagbakasyon ka sa probinsiya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa
niyang tauhan na magkaingin sa kaniyang bukid o magtabas at magsunog ng mataas na damo.
Ipinagbabawal ito dahil may masamang epekto sa tao at sa kapaligiran. Anong gagawin mo?
A. Ipaliwanag sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin din ang masamang epekto nito sa tao
at sa kapaligiran
B. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad
C. Magagalit ka sa lolo mo
D. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito

40. Sa inyong barangay may mga batas at tuntunin na kailangan ipatupad at sundin ng mga
mamamayan. Bakit kailangan sundin ang mga batas na iyon?
A. Upang magkaunawaan at walang kibuan ang mga mamayan sa barangay
B. Upang magkagulo ang lahat ng mamayan sa barangay
C. Upang magkaroon ng mapayapa at maunlad na pamayanan
D. Upang mag-away-away ang mga mamayan sa nasabing barangay

Answer Key:
1. C 11. A 21. A 31. C
2. A 12. D 22. B 32. C
3. A 13. A 23. D 33. C
4. A 14. D 24. A 34. C
5. D 15. C 25. C 35. C
6. B 16. A 26. D 36. A
7. B 17. B 27. B 37. B
8. A 18. C 28. D 38. D
9. D 19. B 29. B 39. A
10. B 20. B 30. B 40. C

You might also like