Ap6 Periodical Test Q3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region VII
Division of Bohol
District of Bien Unido
MANDAWA ELEMENTARY SCHOOL
Third Periodical Test in Araling Panlipunan VI
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig?

a. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan

b. pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos.

c. wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.

d. mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at


sakahan.

2. Ito ang sanhi ng pagkamatay ni Manuel Roxas.

a. atake sa puso c. pagbagsak ng sinaskayang helikopter

b. pagkamatay sa digmaan d. pagkamatay sanhi ng katandaan

3. Ito ang kasunduan na nagsasaad na sa loob ng walong taon ay magkakaroon ng malayang kalakalan
ang Pilipinas at Amerika mula 1946 hanggang 1954.

a. Batas Militar b. Bell Trade Act c. Parity Rights d. Military Bases Agreement

4. Ang kasunduang ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at


Amerikano na magnegosyo sa Pilipinas at linangin ang mga likas na yaman nito.

a. Batas Militar b. Bell Trade Act c. Parity Rights d. Military Bases Agreement

5. Ang kasunduang ito ay nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base militar ng Amerika sa
iba’t ibang sulok ng bansa.

a. Batas Militar b. Bell Trade Act c. Parity Rights d. Military Bases Agreement

6. Sa araw na ito ipinahayag ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas.

a. Abril 9, 1945 b. Hulyo 4, 1946 c. Oktubre 20, 1946 d.. Hunyo 12, 1948

7. Ito ay ang pagkahilig o pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong gawa ng ibang bansa.

a. colonial mentality b. crab mentality c. ningas kugon d. bahala na

8. Ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika.

a. Sergio Osmeňa b. Manuel Quezon c. Manuel Roxas d. Carlos Garcia

9. Ano ang ibig sabihin ng HUKBALAHAP?

a. Hukay Ng Basura Laban Sa Hayop b. Hukbo Ng Bayan Laban Sa Hayop

c. Hukbo Ng Bayan Laban Sa Hapon d. Hukay Ng Bayan Laban Sa Hapon


Para sa bilang 10-20. Basahin ang mga patakaran at programa ng pamahalaan. Piliin sa loob ng kahon
ang pangalan ng Pangulo ng Pilipinas na nagpatupad nito at isulat ang tamang titik sa sagutang papel.
Maaaring maulit ang mga sagot.

A. Carlos P. Garcia B. Diosdado P. Macapagal C. Elpidio R. Quirino

D. FerdinandE. Marcos E. Manuel A. Roxas F. Ramon F. Magsaysay

_______10. Paglunsad ng “Luntiang Himagsikan”.

_______11. Pagpagawa ng mga lansangan, tulay at farm-to market roads.

_______12.Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration o ACCFA.

_______13. Pagsisiyasat sa likas na yaman ng bansa.

_______14. Pagpapatibay sa Kodigo sa Lupang Sakahan.

_______15. Pagpapatayo ng Bangko Sentral at Rural Bank.

_______16. Pagpapairal ng Filipino First Policy.

_______17. Paglulunsad ng Austerity Program.

_______18. Pagpapatupad ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law.

_______19. Pagpapatayo ng mga poso at patubig sa mga baryo.

20. Kilala si Pangulong ___________sa pagpapairal ng patakarang “Pilipino Muna” na humihikayat sa


mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang mga produktong gawa sa ating bansa o sariling atin.

a. Diosdado P. Macapagal b. Ramon F. Magsaysay c. Carlos P. Garcia d. Manuel A. Roxas

21. Anong programa ang pinatupad na ang pangunahing layunin ay magtipid at maging matalino sa
paggasta ang pamahalaan at mga Pilipino?

a. Pilipino Muna b. NAMARCO Act c. Austerity Program d. Filipino Retailer’s Fund Act

22. Alin sa sumusunod ang layunin ng patakarang “Pilipino Muna”?

a. Pagtitipid sa paggasta b. Pangangalaga sa likas na yaman

c. Ipagmalaki ang lahing Pilipino d. Pagtangkilik sa sariling produkto

23. Anong samahang panrehiyon ang nabuo sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Garcia?

a. United Nations b. Association of Southeast Asia

c. Southeast Asia Treaty Organization d. Association of Southeast Asian Nations

24. Paano naisulong ang pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa panahon ni Pangulong Garcia?

a. Pinadala ang mga batang Pilipino upang mag-aral sa ibang bansa.

b. Pinag-ibayo ni Pangulong Garcia ang pag-aangkat ng sariling produkto

c. Hinimok ang iba’t-ibang pangkulturang pangkat sa Pilipinas na magtanghal sa ibang bansa.


d. Naging masigasig si Garcia sa kanyang mga programa at patakaran sa pagbabago sa
pamamalakad ng base-militar sa bansa.

25. Sino ang Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?

a. Elpidio Quirino b. Ferdinand Marcos Sr. c. Diosdado Macapagal d. Fidel V. Ramos

26. Anong bansa ang hindi kabilang sa MAPHILINDO?

a. Malaysia b. Pilipinas c. Indonesia d. South Korea

27. Siya ang Pangulong naniniwala na ang “Pilipinas ay magiging dakilang muli”.

a. Rodrigo Duterte b. Corazon Aquino c. Joseph Estrada d. Ferdinand Marcos Sr.

28. Alin sa sumusunod ang itinatag ni Pangulong Marcos upang matugunan ang kakulangan sa pagkain?

a. Green Revolution b. Blue Revolution

c. Comprehensive Agrarian Reform Program d. Pantawid Pamilyang Pilipino Program

29. Ito ay isang samahang panrehiyon na kung saan nakiisa si Pangulong Marcos. Ano ang tawag sa
samahang ito?

a. United Nation (UN)

b. Association of Southeast Asia (ASA)

c. Malaysia, Philippines, Indonesia (MAPHILINDO)

d. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

30. Ang bilang ng pangulong namuno sa panahon ng Ikatlong Republika.

a. 6 b. 8 c. 7 d. 9

31. Alin sa mga sumusunod na patakaran ang ipinatupad ni Marcos upang iligtas ang bansa sa anumang
pagsalakay o kaguluhan?

a. Pagpapatupad ng Batas Militar. b. Pagbigay amnestiya sa mga rebelde

c. Pagbabawal ng baril sa mga sibilyan d. Pagpapatupad ng “Oplan Tokhang”

32. Ano ang kahalagahan ng Cultural Center of the Philippines sa kulturang Pilipino?

a. Tumaas ang buwis na malilikom b. Napagyaman ang kulturang Pilipino

c. Nakilala tayo sa larangan pampulitika d. Natugunan ang suliraning panlipunan

33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may pag-unlad sa ekonomiya sa panahon ni Pangulong
Marcos?
a. Pagbaba ng kriminalidad sa bansa b. Pagpapatatag ng sining at kultura ng bansa

c. Paglaki ng produksyon ng bigas at mais dahil sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasaka

d. Pagpapaunlad ng kasanayan sa larangan ng edukasyon, militar, at kalusugan na naging daan


upang makilala ang bansa sa buong mundo.

34. Samahan o korporasyong tumulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan


upang sila’y makapagsimula muli pagkatapos ng digmaan.

a. NARIC b. RFC c. NTC d. PACSA

35. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng
ikalawang digmaang pandaigdig?

a. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan

b. pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos.

c. wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.

36. Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling
atin?

a. Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.

b. Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.

c. Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino

d. Lahat ng mga nabanggit.

Para sa bilang 37-40.Lagyan ng (√) tsek ang mga pangungusap o parirala na naglalarawan sa mga
suliraning ito. Gawin mo ito sa sagutang papel.

________37. Naging mahirap ang transportasyon at komunikasyon sa bansa.

________38. Maraming nawasak na mga gusali.

________39. Kawalan ng mga makinarya at mga gamit na pang agrikultura.

________40. Naging masaya at maunlad ang pamumuhay sa Pilipinas

You might also like