Professional Documents
Culture Documents
Apan Exam 3RD Quarter
Apan Exam 3RD Quarter
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Minalin, Pampanga
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 8
SY 2023-2024
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang TITIK ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel. (Gumamit ng MALAKING TITIK)
1. Lahat ng mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga Burgis ay totoo maliban sa,
A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
B. Tinagurian silang middle class sa panggitnang uri.
C. Nagsimula sila sa mga barker at mangangalakal sa bayan at lungsod.
D. Nakatulong sila sa pagbubunsod ng rebolusyong pampolitika at pang ekonomiya
4. Ang nagpaliwanag at inilahad niya ang”Ang pag - ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng
ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw”. ( Heliocentric Theory)
A. Capernicus B. Galilei C. Machiavelli D. Newton
6. Ayon sa Romans 1:17 ng Bibliya “Ang pagpapawalang sala ng Diyos sa mga tao ay
nagsisimula sa pananampalataya at naging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya “ Ayon
kay Martin Luther”, alin ang tumaliwas sa bersikulong ito ng Bibliya?
A. Pagpapakumpisal sa katoliko C. Pagbili ng indulhensiya
B. Paghingi ng ikapo mula sa katoliko D. Pagpapabinyag
9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga nilalaman ng Ninety Five Thesis ni Martin
Luther?
A. Ang paglabas sa mga relikya at buto ng mga santo ay kinakailangan upang maligtas
B. Ang paghingi ng kapatawaran ay dapat munang dumaan sa pare upang dinggin ng
Panginoong Diyos
C. Ang tao ay maliligtas sa pamamagitan ng kanyang mabuting gawa
D. Ang mga kristyano ay dapat magbabahagi ng Salita ng Diyos hindi nagbibili ng Indulhensiya
10. Lahat ay mga pagbabagong sinulong ni Papa Gregory VII sa simbahang katoliko maliban sa
isa:
A. Pagbabawal ng pagbilbili ng proteksyon sa simbahan
B. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa
C. Pagbebenta ng Indulhensiya
D. Pag-aalis ng Simony
13. Ang kadakilaan sa pagpipinta ni Leonardo Da Vinci ay pinatunayan niya sa kanyang obra na
Last Supper at Monalissa, samantalang si Michealangelo ay sa kanyang?
14. Sino sa mga sumusunod na makata at manunulat ang itinuturing na “Ama ng Humanismo”?
15. Sino sa mga sumusunod na makata at manunulat ang itinuturing na “ Makata ng mga
makata”
16. Si Nicolas Copernicus ay sumikat sa larangan ng agham dahil ipinahayag niya sa kanyang
teorya na “ ang daigdig ay umiikot sa kanyang sariling aksis kasabay ng iba pang planeta at
umiikot din sa paligid ng araw” Ano ang tawag sa teoryang ito?
A. Copernican B. Grabitasyon C. Heliocentric d. Wala sa Nabanggit
18. Ang bansang ito sa Europe ang siyang nagpasimula sa paggalugad sa karagatan ng Atlantic
upang makahanap ng pampalasa o Spices o ginto
A. Italy B. Germany C. Portugal D. Spain
19. Sino ang manlalakbay na nakaimpluwensiya sa mga Europeo na maglayag sa Asya
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Marco Polo
24. Ang Pilipinas ay naging bahagi ng kolonisasyong Knluranin sa Silangan,ang mga sumusunod
ay layunin ng kolonisasyon MALIBAN sa isa,
A. Paggalugad ng likas na yaman C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Pamamahagi ng karunungan D. Paghahangad ng katanyagan/karangalan
25. Ang mga sumusunod ay epekto ng pananakop, alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Kalakalang alipin C. Pag-unlad ng kaalaman sa heograpiya
B. Pagtaas ng populasyon D. Simula ng maayos na ugnayan ng mga bansa
26. Ang geocentric view ay paliwanag ni Ptolemi na ang mundo ang sentro ng kalawakan, binago
itong paliwanag ng heliocentric view, ayon dito ang araw ang sentro ng kalawakan. Kanino nagmula
ang paliwanag na ito?
A. Aristotle B. Copernicus C. Mercator D. Plato
27. Sino ang siyentista ang nakaimbento ng teleskopyo na nagging dahilan ng kaniyang
pagdiskubre sa kalawakan.
A. Aristotle B. Copernicus C. Galileo D. Newton
28. Ang malawakang pagbabago sa paniniwala at pag-iisip ng tao ay naganap mula 1600-1700.
Ano ang itinawag sa kaganapang ito?
A. Rebolusyong Industriyal C. Rebolusyong Pampulitika
B. Rebolusyong Intelektwal D. Rebolusyong Siyentipiko
29. Ang Rebolusyong Industrial ay lumaganap sa iba’t-ibang dako ng Europa. Saan ito
nagsimula?
A. England B. France C. Italy D. Spain
32. Ang Industriya ng tela ay kabilang sa umunlad dulot ng Rebolusyong Industriyal. Ito ay ang
imbensyon sa industriya sa paggawa ng mas manipis at matibay na sinulid?
33. Maraming makabagong ideya o imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko.Binago
ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alinsa mga sumusunod ang pinaka
mahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga kanluranin?
A. Nabago ang tingin ng mga kanluranin sa daigdig
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang agham sa Europa
C. Pangunahing dahilan ito sa kamalayan ng mga kanluranin
D. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito
34. Paniniwala ni Hobbes na ang mga tao ay likas ang kasamaan o kaguluhan. Kaya, lohikal
para sa kanya ang magkaroon ng isang pamahalaang?
A. Tutulong at gagabay sa mga mamamayan
B. Nakikinig sa mga hinaing ng mga mamamayan
C. May absolutong kapangyarihan ng namumuno
D. May malakas ng military na susupll sa kaguluhan ng tao
35. Paano maiiwasan ang mga pangyayaring naganap sa Ikalawang Yugto ng Kolonisasyon at
Imperyalismo?
A. Kung magkakaroon ng magandang usapan o pagkakaroon ng kontrata sa maayos na
negosasyon o kalakalan sa bawat bansa, ito ay maiiwasan.
B. Kung iisipin ng mga bansang Europeo ang mga bansang mapapasailalim sa kanilang
pamumuno bago magsagawa ng mga pagsalakay.
C. Dahil may pangangailangan na kailangang tugunan anuman ang magiging kahantungan
D. A at B
36. Gaya ng mga Europeo, ginamit naman na dahilan ng mga Amerikano ang ideya ng Manifest
Destiny upang bigyan din ng katwiran ang kanilang pananakop. Ano naman ang Manifest Destiny?
A. Paniniwalang ang mga Amerikano ang superior na lahi sa mundo
B. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga Amerikano ng karapatan na angkinin ang buong
kontinente ng hilagang America
C. Paniniwalang tungkulin ng mga Amerikano na panaigin ang kanilang sarili sa kanilang sinakop
D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat na sumunod sa mga kagustuhan ng
United States
37. Naisakatuparan ang Rebolusyong Politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at
radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?
A. Ang Rebolusyong Politikal ay naging sanhi ng pag usbong ng Rebolusyong Pangkaisipan
B. Ang Rebolusyong ang naging sanhi ng pag usbong ng Rebolusyong Politikal
C. Ang Rebolusyong Pangkalsipan at Rebolusyong Politikal ay bunga lamang ng Renaissance
Europa
D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Politikal
38. Sino ang pliosopong Ingles na nag panukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmula sa
karanasan? Binigyan diin niya ang kaisipan ng tao na naitutulad sa “tabula at rasa”
A. John Adams C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Rene Descartes
39. Ang mga sumusunod ay epekto ng pananakop, alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Kalakalang Alipin C. Pagunlad ng kaalaman sa heograpiya
B. Pagtaas ng populasyon D. Simula ng maayos na ugnayan ng mga bansa
42. Matagal ng may alitan ang bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong
Amerikano, nagpadala ng tulong military ang France sa United States na malakl ang tulong sa
pananagumpay ng huli. Batay dito, alin ang pinaka angkop na hinuha ang mabubuo?
A. Magkakampi ang France at United States
B. Magkasabay na nilabanan ng Inglatera ang United States at France
C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa Unlted States
D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang
England
43. Alin sa mga sumusunod ang ginamit na paraan ng mga Kanluranin sa pagpapalawak ng
kanilang pananakop?
I. Concession
II. Manifest Destiny
III. Protectorate
IV. Sphere of Infiuence
V. White Man's Burden
44. Ang prinsipyo sa pamamahala ni Niccolo Machiavelli "The End Justifies the means"makikita
sa aling sitwasyon_________.
47.Ayon kay Jean Jacques Rousseau, ang pag-aaral ng bata gamit ang aklat ay dapat lamang
simulan kapag nagpakita na ito ng interest na matuto, ito ay nakapaloob sa kanyang aklat na?
A. A Child B. Basic Education C. Emile D. Joseph
48.Ano ang nag papakita ng masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang
kanyang kalayaan, karangalan at karapatan?
A. Kalayaan B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Patriotismo
Ismael M. Nuqui
PRINCIPAL III