Lesson 7 Tula Hele NG Ina Sa Kaniyang Panganay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

Paaralan: MATAAS NA PAARALAN NG MATALAM Asignatura: FILIPINO 10


Oras: 10-SPA (7:30 AM – 9:30 AM)
Guro: JAME A. VALENIA 10-STEM (1:00 PM – 3:00 PM)
10-H (7:30 AM – 9:30 AM)
Petsa: Pebrero 28-29, 2024
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa
Pangnilalaman at Persia
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
Pagganap binasang akdang pampanitikan
C. Kasanayang
Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan (F10PN-IIIc-78)
Pampagkatuto
1. Nasusuri ang nilalaman ng tulang binasa gamit ang mga elemento ng tula (Cognitive).
I. LAYUNIN 2. Naitatanghal ang nabuong tula-dula na pumapaksa sa isang ina (Psychomotor).
3. Naibabahagi ang saloobin hinggil sa pag-aaruga ng isang ina (Affective).
II. NILALAMAN TULA – Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
III. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay
Curriculum Guide p. 181
ng guro
2. Mga pahina sa gabay
ng mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Panitikang Pandaigdig pp. 279-280
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=sBDCDVOUZYY&t=217s
portal ng kagamitang
panturo
B. Iba pang kagamitang
laptop, tv, kopya at bidyu ng tula, manila paper, pentel pen
panturo
IV. PAMAMARAAN
1. Panalangin
2. Pagbati sa mga mag-aaral
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
4. Pagbabalik-aral

A. Pagbabalik-aral sa ISA-ISAHIN MO!


nakaraang aralin at/ Maglalaban ang pangkat 1 at 2 at ang pangkat 3 at 4 sa pag-alala sa nakaraang paksang
tinalakay.
o pagsisimula ng Magpaparamihan ang bawat pangkat sa paglahad ng kaalamang kanilang maaalala.
bagong aralin Ang pangkat na makakapaglahad ayon sa dami ng kaniyang ibinigay ay bibigyan ng puntos.

Mga Paksa
1. Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
2. Maaaring pagkunan ng paksa

PAGPUPUKAW (Engage)
B. Paghahabi ng aralin TALASALITAAN
sa layunin Bawat pangkat ay gagawa ng bilang 1-4.
Aayusin ang mga salitang ipapakita sa tv screen batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng
bawat isa.

Mga Salitang May Damdamin SAGOT


1. nawasak
2. napulbos 4132
3. nagkadurog-durog
4. nasira

1. nagliliyab
2. nagbabaga 2134
3. nag-aapoy
4. natutupok

1. iyak
2. hikbi 1234
3. nguyngoy
4. hagulgol

1. poot
2. galit 3214
3. inis
4. suklam

1. paggiliw
2. paghanga 2143
3. pagmamahal
4. pagsinta

1. sinasamba kita
2. type kita 2431
3. mahal kita
4. crush kita

ILARAWAN MO!
Sa loob ng isang minute at tatlumpung segundo, magpaparamihan ang bawat pangkat ng mga
positibong salitang maaaring iugnay sa NANAY.
Isang puntos ang katumbas ng bawat tamang salitang iniugnay.

Susuriin at bibigyan ng puntos ang naging sagot ng bawat pangkat.

MGA LAYUNIN
Ilalahad ang mga layunin ng paksang tatalakayin.

PAGSISIYASAT (Explore)
IBAHAGI MO!
Ipapanood ang video clip ng pelikulang anak.

Mga Gabay na Tanong:

C. Pag-uugnay ng mga Pangkat #1 – Anong katangian ng ina ang ipinakita ni Vilma Santos?
halimbawa sa
Pangkat #2 – Makatarungan bang magdamdam ang anak sa kaniyang magulang? Patunayan
bagong aralin
Pangkat #3 – Paano ipinakita o ipinaramdam ng ina ang kaniyang pagmamahal sa mga anak?

Pangkat #4 – Sapat bang kamuhian o itakwil ng anak ang kaniyang magulang kapag
kinakitaan niya ito ng kapabayaan? Patunayan

TULA
Anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod.
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ay piling-pili, may mg tayutay
o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging
madamdamin at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.

Elemento ng Tula
1. Sukat
2. Tugma
3. Kariktan
4. Talinghaga
5. Simbolismo
6. Larawang Diwa

PAYABUNGIN NATIN – Layunin #1


D. Pagtalakay ng Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang
bagong konsepto at Panganay” na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora.
paglalahad ng Maliban sa ibinigay na kopya, ipapanood sa kanila ang video na magsasalaysay sa
bagong kasanayan nilalaman ng tula.
#1 Tatalakayin ang nilalaman ng tula gamit ang mga gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:

Pangkat #1
 Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?

Pangkat #2
 Paano naging masining ang pagsasalaysay ng tula?

Pangkat #3
 Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ginamit sa paglalarawan?

Pangkat #4
 Anong pangyayari ang masasalamin sa tula na maaaring bahagi ng kultura ng
Uganda?
E. Pagtalakay ng SUBOK-GALING! – Layunin #1
bagong konsepto at Hahatiin ang tula sa apat na bahagi na siyang susuriin ng bawat pangkat upang tukuyin ang
nakapaloob na talinghanga, simbolismo, at larawang diwa sa mga taludtod.

PAMANTAYAN
10 7 5
paglalahad ng
Wasto ang pagsusuri sa Hindi lubos ang pagsusuri at Hindi kakikitaan ng
bagong kasanayan taludtod ng tula na pagpapaliwanag sa taludtod talinghaga / simbolismo /
#2 kakikitaan ng talinghaga / na sinuri. larawang diwa ang saknong
simbolismo / larawang diwa. na sinuri.

PAGPAPALAWAK (Elaborate)
TULA-DULA – Layunin #2
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng larawan. Gagawaan nila ito ng tula na binubuo ng dalawang
saknong, na ang bawat saknong ay binubuo ng apat na taludtod.
Ang tula ay kapapalooban ng talinghaga, simbolismo, o larawang diwa.
Sa pagtatanghal, kalahati ng pangkat ang magbabasa ng tula habang ang kalahati ay
isasadula ang bawat mensahe ng tula.

F. Paglinang sa PAMANTAYAN
Kabihasaan 10 7 5
ELEMENTO Ang tula ay may Hindi malinaw ang Walang talinghaga,
talinghaga, inilagay na talinghaga, simbolismo, o
simbolismo, o simbolismo, o larawang diwa ang
larawang diwa. larawang diwa. binuong tula.
PAGBABASA Mababakas ang May mga bahagi na Walang damdamin
damdamin sa bawat nawawalan ng ang pagbabasa sa tula.
taludtod ng tula. damdamin.
PAGSASADULA Maayos ang daloy ng May ilang eksena sa Hindi maayos ang
pagsasadula ayon sa tula na hindi daloy ng pagsasadula.
konsepto ng binasang nabigyang-buhay o
tula. hindi maayos ang
pagkakasadula.

ISABUHAY MO! – Layunin #3


G. Paglalapat ng aralin
Masasabi mo ba na iba ang paglaki ng isang bata kapag may ina na gumagabay sa kaniya?
sa pang-araw-araw Patunayan
na buhay
BALIKAN NATIN!
Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan bilang pagpupuno sa pangungusap.
H. Paglalahat ng Aralin
a. Natutuhan ko sa paksang ito na _____________________.
b. Nais kong ibahagi ang kaalamang ito dahil ______________.

PAGTATAYA (Evaluation)
I. Pagtataya ng Aralin MAGALING KA!
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami at ito ay anyo ng panitikan na
binubuo ng saknong at taludtod.
A. maikling kuwento C. nobela
B. anekdota D. tula

Para sa bilang 2-3, suriin ang elemento ng tula

2. Tu/ngo/sa/la/ra/ngan, a/ko’y/nag/su/mag/sa
Ang/na/ta/ta/naw/ko’y, i/mor/tal/na/si/nag
A. larawang diwa C. saknong
B. talinghaga D. sukat

3. Ako si sipilyo
Kaibigan Ninyo
Pinatitibay ko
Mga ngipin ninyo
A. tugma C. talinghaga
B. kariktan D. simbolismo

4. Bakit kaya bahagi ng kultura ng Uganda na pinag-iisipang mabuti ang ipapangalan sa


kanilang anak?
A. Upang hindi maging katawa-tawa ang kaniyang pangalan.
B. Dahil sinasalamin ng kaniyang pangalan ang magiging katangian nito.
C. Ayaw ng ina na may katulad siyang pangalan sa kanilang pamilya.
D. Dahil ipinagbabawal ang pagsunod sa pangalan ng kaniyang ama.

5. Sinasalamin ba ng tula ang kultura ng bansang kaniyang pinagmulan?


A. Oo, dahil mababakas ang kanilang paraan ng pamumuhay.
B. Oo, dahil mula sa bansang Uganda ang tulang binasa.
C. Oo, natatangi sa kanilang lugar ang kulturang nakapaloob sa tula.
D. Oo, dahil makikita sa kilos at pag-iisip ng ina ang kaugalian ng kanilang tribu.

J. Karagdagang gawain
para sa takdang- Bibigyan ng panibagong gawain ang mga hindi pumasa sa pagsusulit.
aralin at remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
10-SPA _____ 10-STEM _____ 10-H _____
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
10-SPA _____ 10-STEM _____ 10-H _____
ng iba pang gawain o remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng Oo __
mag-aaral na nakaunawa sa aralin Hindi __ 10-SPA _____ 10-STEM _____ 10-H _____
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa
remediation 10-SPA _____ 10-STEM _____ 10-H _____

Teaching Strategies that work well


___ Games ___ Peer Teaching
___ Group Activities/Group Collaboration ___ 4A’s Approach
___ Convergent & Divergent Thinking ___ Think-Pair-Share
___ Problem-based Learning ___ Experiential Learning
___ Reciprocal Teaching ___ Differentiated Instruction
___ Inquiry-based Learning ___ Discussion
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang
___ Chalk & Talk Method (Lecture Method) ___ Case Method
nakatulong nang lubos? Paano ito
___ Power Point Presentation ___ Role Playing/Drama
nakatulong?
Why?
___ Complete IMs
___ Availability of Materials
___ Learners’ eagerness to learn
___ Group members’ cooperation in doing their tasks

___ Bullying ___ Learners’ behavior/attitude


F. Anong suliranin ang aking naranasan na
___ Colorful IMs ___ Unavailable Technology
nabigyang solusyon sa tulong ng aking
___ Equipment (AVR/ LCD) ___ Reading Readiness
punongguro at superbisor?
___ Additional Clerical Work ___ Science Computer/Internet Lab
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda ni: Pinagtibay ni:

JAME A. VALENIA TITA P. RAYA, EdD


Master Teacher I Principal IV

You might also like