Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Usa

Kabilang ang usa sa may pinakamagandang kilos sa mga hayop na may kuko. Kilala sa
kabilisang tumakbo at kakayahan sa pagtalon ang mga ito. Barako ang tawag sa mga lalaking usa na
may sanga- sanga at matitigas na sungay. Kadalasan, naghuhunos ang kanilang mga sungay taon-taon.
Ginagamit ng mga usa ang kanilang sungay at mga paa kapag sumasalakay sila bilang pananggalang
laban sa kanilang mga kaaway. Ngunit madalas na tumatakbo ang mga ito paalis kaysa makipaglaban.
Kabilang din ang mga usa sa hayop na may dadalawang daliri sa paa. Ang mga usa ay
nabibilang sa mga hayop na may apat na bahagi ang tiyan. Sa unang bahagi ng tiyan nito tinutunaw
nang bahagya ang kanyang pagkain at saka muling ibinabalik sa bibig. Nginunguya nitong muli ang
pagkaing ibinalik bago ituloy sa ibang bahagi ng kanyang tiyan.

Mga Tanong
1. Anong hayop ang tinutukoy na nabibilang sa pangkat ng mga hayop na may
pinakamagandang kilos?
A. kabayo B. usa C. unggoy
2. Kilala ang mga ito sa _____________.
A. Kabilisan sa pagtakbo. B. Kabilisang kumain C. Kabilisang makipag-away
3. Tinatawag na barako ang mga __________.
A. batang usa B. lalaking usa C. babaing usa
4. Naghuhunos taon taon ang ________.
A. Kanilang mga sungay B.Kanilang mga kaliskis C.Kanilang mga balat
5. Ang barakong usa ay may_________.
A. Matitigas na katawan.
B. Matitigas na kaliskis
C. Matitigas na sungay
6. Ginagamit ng mga usa ang kanilang mga sungay at dalawang unahang paa kapag________
sila.
A. Kumakain B.Sumasalakay C. Tumatakbo
7. Kapag may kalaban, ang mga usa ay madalas na______.
A. Nakikipaglaban
B. Tumatakbong paalis
C. Nananatili sa kinatatayuan
8. Saang pangkat ng hayop nabibilang ang mga usa?
A. Pangkat ng may pares na sungay
B. Pangkat ng may maraming daliri ang paa
C. Pangkat ng may maraming bahagi ang tiyan
9. Ilan ang daliri ng paa ng usa?
A. Dalawa B. tatlo C. lima
10. Aling pagkain ang muling bumabalik sa bibig ng mga usa?
A. Yaong pagkaing galling sa ikaapat na bahagi ng tiyan
B. Yaong pagkaing galling sa labas
C. Yaong pagkaing galling sa unang bahagi ng tiyan

You might also like