Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Aurora
District of Dingalan
CABOG INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN VI
S.Y. 2019-2020

Pangalan : _________________________________________________________ Iskor : ________________

I - Basahing mabuti ang bawat pangungusap o parirala at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang labanan sa Marawi o Ang Krisis sa Marawi sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng
Islamikong Estado ng Irak at ang Levant ay inabot ng ______ na buwan.
a. Lima b. Apat c. Tatlo d. Anim
_____2.Ang mga namuno sa mga kalabang pwersa ng pamahalaan sa Marawi ay sina_______.
a. Aemir Habilon at Omar Maute c. Amir Hapilon at Omar Maute
b. Isnilon Hapilon at Omar Maute d. Abdul Hapilon at Hadj Maute
_____3.Ang nagwagi sa ginanap na patimpalak ng kagandan at kagalingan sa Planet Hollywood
ng Las Vegas ay si ____________ ng South Africa.
a. Demi-Leigh Nel-Peters c.Iris Mittenaere
b. Rachelle Peters d. Sofia del Prado
_____4.Ang taunang pagdiriwang ng “Miss Universe Pageant” na ginanap sa Planet Hollywood, Nevada ay
dinaluhan ng naggagandahang kandidata buhat sa ibat-ibang panig ng mundo ay pang ilan na?
a. 86 b. 66 c. 56 d. 76
_____5.Siya ang naumuno sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army.
a. Benito Tiamzon c. Luis Jalandoni
b. Jose Maria Sison d. Jose Rogelio Rosal Sison
_____6.Ang namumuno sa Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat ay si _____________.
a. Dante Gierran c. Vitaliano Aguirre II
b. Virgilio Mendez d. Nonattus Rojas
st
_____7.Ang “31 Association of South East Asia Nation Summit” na ginanap dito sa ating bansa ay
pinamunuan ni ____________________.
a. Pres. Rodrigo Roa Duterte c. Pres. Tran Dai Quang
b. Prime Minister Najib Razak d. Sultan Hassanal Bolkiah
_____8.Ang tinanghal na Miss Earth 2017 noong November 4, 2017 na “back to back win” ng
Pilipinas para sa Hispana-Americana ay si ________________.
a. Karen Ibasco c. Maria Teresita de Leon
b. Mary Eve Adeline Escoto d. Teresita Ssen “Winwyn” Marquez
_____9.Ang Kalihim ng Edukasyon ay si _______________.
a. Bro. Armin Luistro c. Leonor Magtolis Briones
b. Lourdes Quisumbing d. Armand Fabella
_____10.Ang Kalihim ng pananalapi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay si_____
a. Butch Abad c. Carlos Dominguez III
b. Benjamin E. Diokno d. Mark Villar
_____11.Alin sa sumusunod ang hindi pangunahing suliranin ng Ikatlong Republika?
a. Pagbagsak ng ekonomiya c. paglaganap ng mga sakit
b. Paglobo ng populasyon d. pagtigil ng paggawa
_____12.Ano ang wikang ginamit sa pagtuturo sa mga paaralan noong panahon ng mga Amerikano?
a. Ingles b. Tagalog c. Pilipino d. Espanyol
_____13.Alin sa sumusunod ang bagong uri ng sasakyang dinala ng Estados Unidos sa Pilipinas?
a. Kotse b. Van c. Jeep d. bus
_____14.Ano ang pamahalaang unang itinatag ng Estados Unidos sa Pilipinas?
a. Militar b. sibil c. makasarili d. demodkratiko
_____15.Anong batas pangkalayaan ang unang ipinagkaloob ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
b. Hawes Cutting c. Jones
c. Tydings-Mcduffie d. wood-Forbes

_____16.Sino ang pangulo ng Estados Unidos na nagpahayag ng kalayaan ng Pilipinas?


a. Jonathan wainwright c. Harry s. Truman
b. Douglas McArthur d. Paul MacNutt

17- 21. Tukuyin kung anong karapatan ang binabanggit sa mga sumusunod na pahayag. Piliin
ang letra ng tamang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot
A. Karapatan sa kalayaan B. Pantay na Pribilehiyo D. Karapatang makipag-ugnayan
C. Karapatan sa pagmamay-ari E. Karapatan sa saklaw na kapangyarihan
______17. Sa batas pandaigdig, ang bawat estado ay may pantay na karapatan ,tungkulin at pribilehiyo anuman
ang kanilang laki, yaman at kulturang mayroon.
______18. Karapatan ng bawat estado ng pamahalaan ang sarili ng hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
______19. Karapatan ng estadong gumawa at ipatupad ang mga batas at kautusan sa kanyang nasasakupan
______20.Ang pagpapadala ng mga diplomat sa ibang bansa at pagtanggap din ng mga embahada nito sa ating
bansa ay karapatan ng bansang ______.
______ 21.Ang mga likas na yaman ng bansa at iba pang nasa teritoryo nito ay bahagi rin ng karapatan ng
bansa sa ________.
______22.Ano ang kahulugan ng soberanya?
a. pagkamatapat b. kayamanan c. kapangyarihan d. katungkulan
______23.Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa?
a. Disyembre 10, 1898 c. Hunyo 12, 1898
b. Hulyo 4, 1946 d. Setyembre 21, 1972
______24.Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas?
a. leon b. agila c. araw at tatlong bituin d. lahat ng nabanggit
______25.Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin?
a. Luzon b. Visayas c. Mindanao d. lahat ng nabanggit
______26.Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas?
a. palagian at walang taning na panahon c. pansarili at lubos
b. malawak na saklaw d. lahat ng nabanggi
______27.Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya
a. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
b. isang ganap na malaya
c. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan
d. lahat ng nabanggit
______28.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob?
a. pakikialam sa suliranin sa Tsina c. pag-alis sa bansa
b. pagpapatupad sa sariling batas d. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa
______29.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas?
a. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa
b. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o pamamahala
ng ibang bansa
c. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan
d. wala sa nabanggit
______30.Ano ang sumasagisag sa Leon?
a. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol
b. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos
c. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa.
d. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya
______31.Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan?
a. mga piling mamamayan c. mga pinuno sa pamahalaan
b. lahat ng Pilipino d. mga mamamayang may 21 taong gulang
______32.Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating
bansa?
a. ROTC c. Hukbong Katihan ng Pilipinas
b. Sandatahang Lakas ng Pilipinas d. Kagawarang Panlakas
______33.Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
a. mga estudyante c. mga kalalakihan
b. mga sundalo d. mga mamamayan
______34.Kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika na nagpahintulot sa pagtayo ng base –militar
ng Estados Unidos sa Pilipinas.
a. Military –Base agreement c. Military Assistance Agreement
b. Philippine Trade Act d. Payne Aldrich act

______35. Sinong pangulo ang lumagda at nagbigay higit kapangyarihan sa mga Amerikano sa paglagda
Ng Military-Base Agreement sa Amerika?
a. Rodrigo R. Duterte c. Manuel Roxas
b. Cory Aquino d. Elpidio R Quirino
______36. Saan matatagpuan ang pamhimpapawid na Base-Militar ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a. Baguio City c Clark Pampanga
b. Pasay City d. Sangley Point
______37. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng Base-Militar ng Amerika sa
Pilipinas?
I. Naging mayaman ang mga mamayang Pilipino dahil sa dolyar na dinadala dito.
II. Karamihan sa mga Pilipinong nakatira sa malapit sa base ay nagkaroon ng
hanapbuhay.
III. Napaunlad ang kakayahan sa pakikipaglaban ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
IV. Nakapag-asawa ang mga Pilipina ng mga sundalong
a. I ay tama c. II, III, at IV
b. II at III d. II at IV
______38.Alin sa mga sumusunod ang DI- magandang epekto ng pagkakaroon ng Military Agreement sa
Amerika?
a. Maraming Pilipinong sundalo ang naiangat ang kaalaman sa pakikipaglaban.
b. Nabigyan ng maraming sandata ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
c. Nasasali tayo sa mga usaping panseguridad sa loob at labas ng bansa na may kaugnayan sa Amerika
d.Naging mahusay an gang mga Pilipinong mandirigma
______39. Anong patakaran ang tinutukoy ang ipinasa sa Kongreso ng Estados Unidos upang maglaan ng
pondo bilang bayad-pinsala sa mga nawasak sa Pilipinas?
a. Rehabilitation act c. Bell Trade act
b. Parity Rights d. Military Bases agreement
______40. Anong soberanyang panlabas ang idinadaan sa halalan ang pagpili ng pinuno?
a. Pulitikal b. legal c. popular d. de facto
______41. Anong ang tawag sa karapatan ng bawat estado na pangasiwaan o pamahalaan ang sarili?
a. Kalayaan c. pantay na pribileheyo
b. Pagmamay-ari d, kapangyarihan
______42. Kaninong liderato ang nagnais solusyunan kung paano muling ibabangon ang mga nasira ng
digmaan?
b. Roxas b. Quirino c. Magsaysay d. Garcia
______43.Sa kaninong pamunuan itinatag ang Rehabilitation Finance Corporation?
a. Roxas b. Quirino c. Garcia d. Macapagal
______44. Si Pangulong Manuel Roxas ang unang pangulo ng Ikatlong Republika.
a. Tama b. Mali c. di seruradong A d. wala
______45. Sino ang nagpahayag ng Batas Militar noong Setyembre 23, 1972?
a.Pang. Ferdinand E. Marcos c. Pang. Diosdado Macapagal
b.Pang. Corazon C. Aquino d. Pang. Fidel V. Ramos
______46. Sino ang ipinalalagay na pinakatanyag na personalidad na kumalaban sa rehimeng Marcos?
a. Ninoy Aquino c. Juan Ponce Enrile
b. Jovito salonga d. Jose Diokno
______47.Dahil dito nagkaroon ng snap election noong Pebrero 7, 1986 kung saan si Pangulong Marcos ay
muling nahalal. Ngunit ayon sa mga Pilipino ay puno ito ng pandaraya.
a.Tama b. Mali c. di-tiyak d. May-agam-agam
______48. Sino ang pinaslang sa tarmak ng Manila International Airport na naging mitsa ng pagtindi ng galit
ng mga Pilipino sa rehimeng Marcos?
a.Heneral Fabian C. Ver c. Corazon C. Aquino
b.Juan Ponce Enrile d. Ninoy Aquino
______49.Sa kaninong panunungkulan nabuo ang isang probisyonal na Saligang Batas na niratipikahan ng
mamamayang Pilipino?
a.Gloria Macapagal Arroyo c. Joseph Ejercito Estrada
b.Fidel V. Ramos d. Corazon C. Aquino
______50. Aling Saligang Batas ang nagbigay-pahintulot kay Marcos upang ideklara ang Batas Militar?
a.Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng 1973
b.Saligang Batas ng 1986 d. Freedom Constitution

GOOD LUCK!!


You might also like