Pang Uri o Pang Abay 1 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka

Pang-uri o Pang-abay
Kakayahan: Naisasabi kung ang salita sa pangungusap ay ginagamit bilang pang-uri o
pang-abay

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit


bilang pang-uri o pang-abay.

1. Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.


Matulin tumakbo ang kabayong itim.
2. Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
3. Ang guro namin ay mahusay magpaliwanag ng
mga kababalaghan.
Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa
mga kababalaghan.
4. Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si
Flor.
Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga
kuwentong pambata.
5. Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang
manggagawa sa Saudi Arabia.
Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni Doris
sa Saudi Arabia.
6. Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.
Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga
deboto.
7. Madaling nakumpuni ng magkapatid ang sirang
bubong.
Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali
para sa magkapatid.
8. Ang buhay ng mag-anak na Santos sa probinsiya
ay maginhawa.
Ang mag-anak na Santos ay maginhawang
namumuhay sa probinsiya.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka

Pang-uri o Pang-abay (Mga Sagot)


Kakayahan: Naisasabi kung ang salita sa pangungusap ay ginagamit bilang pang-uri o
pang-abay

Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit


bilang pang-uri o pang-abay.
1. p_a_n_g_-_uri Ang tumatakbong kabayong itim ay matulin.
pang-abay Matulin tumakbo ang kabayong itim.
2. p_a_n_g_-_uri Masigla ang mga tao tuwing
piyesta.
pang-abay Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.
3. p_a_n_g_-_aba_y Ang guro namin ay mahusay
magpaliwanag ng mga kababalaghan.
pang-uri Mahusay ang paliwanag ng aming guro tungkol sa
mga kababalaghan.
4. p_a_n_g_-_aba_y Magaling magsulat ng mga kuwentong
pambata si Flor.
pang-uri Si Flor ay isang magaling na manunulat ng mga
kuwentong pambata.
5. p_a_n_g_-_uri Ang tatay ni Doris ay isang matiyagang
manggagawa sa Saudi Arabia.
pang-abay Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni
Doris sa Saudi Arabia.
6. p_a_n_g_-_uri Maayos ang pila ng mga deboto sa prusisyon.
pang-abay Idinaos nang maayos ang prusisyon ng
mga deboto.
7. p_a_n_g_-_a_b_a_y Madaling nakumpuni ng magkapatid ang
sirang
bubong.
pang-uri Ang pagkumpuni ng sirang bubong ay madali
ay maginhawa.
pang-abay Ang mag-anak na Santos ay maginhawang
namumuhay sa probinsiya.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka


para sa magkapatid.
8. p_a_n_g_-_uri Ang buhay ng mag-anak na Santos sa
probinsiya

ay maginhawa.
pang-abay Ang mag-anak na Santos ay maginhawang
namumuhay sa probinsiya.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com

You might also like