Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 1
Ang Aking Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Aking Paaralan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/ Tagaguhit/ Tagalapat/Editor:


John Alvin M. Nahil
Lea Fe J. Bechayda
Virgilio L. Laggui
Tagasuri ng Nilalaman: Mary Abigail R. Bautista
Tagasuri ng Wika: John Alvin M. Nahil
Tagasuri ng Paglapat: Mary Abigail R. Bautista
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division Learning
Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Ang Aking Paaralan
AP1PAA-IIIa-1
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Ito ay upang
matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 1.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw


ay:
1. Nakikilala at nasasabi ang mga batayang
impormasyon tungkol sa sariling paaralan;
at
2. Natutukoy ang mga bahagi ng paaralan.

1
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
_______1. Ito ang lugar kung saan tinuturuan ka ng iyong
guro na bumasa, bumilang, at magsulat.
A. paaralan C. palengke
B. palayan D. pasyalan
_______2. Paano binigyan ng pangalan ang inyong
paaralan?
A. Ito ay ipinangalan sa bayani ng bayan.
B. Ito ay ipinangalan sa lugar kung saan ito
matatagpuan.
C. Ito ay ipinangalan sa patron ng aming lugar.
D. Ito ay ipinangalan sa taong naghandog ng
lupa.
_______3. Paano mo mailalarawan ang iyong paaralan
batay sa sukat nito?
A. Ang aming paaralan ay malaki.
B. Ang aming paaralan ay maliit.
C. Ang aming paaralan ay maluwag.
D. Ang aming paaralan ay masikip.
_______4. Sa aling bahagi ng iyong paaralan makabibili
ng masasarap at masusustansiyang pagkain?
A. kantina C. silid-aklatan
B. klinika D. silid-aralan
_______5. Ano ang makikita sa loob ng silid-aklatan?
A. computer C. mga aklat
B. masusustansiyang pagkain D. pisara
2
Balikan
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang Tama kung
ang pahayag ay nagsasabi ng mabubuting pakikipag-
ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya at Mali
kung hindi.

1. Pagbibigay ng handog na pagkain ng pamilya ni Lito


sa bagong lipat na kapitbahay na si Mila.

2. Hindi pagpansin ng buong pamilya sa kanilang mga


kapitbahay.

3. Pagpapaabot ng tulong ng Pamilya ni Nita sa mga


kabarangay na nasalanta ng bagyong Ulysses.

4.Pakikipag-away sa mga kapitbahay na


nagkakasiyahan.

5. Pakikiisa at pagkakaroon ng bayanihan ng Pamilya


Cruz at Santos sa paglilinis ng kanilang barangay.

3
Tuklasin
Halina at tayo ay tumula.

“Ang Aming Paaralan”

Kami ay mga mag-aaral na kapuwa nasa Baitang 1


Sa Paaralang Elementarya ng Patubig kami nagpatala,
Itinatag noong 1921 para sa mga guro at maraming bata
Sa Patubig, Marilao, Bulacan nakatindig at makikita.

Isang maliit na paaralan kung lawak at sukat ang pag-uusapan


Mga gusali ay konkreto at may maayos na tanggapan,
“Dakilang Paaralan” ang tawag ng karamihan
Magandang ugali at kaisipan ay nahubog sa paaralan.

Ang aming paaralan ay malinis at maganda


Binubuo ito ng mga silid-aralan at klinika na laging handa,
Masustansiyang pagkain sa kantina ay itinitinda
Silid-aklatan at hardin ay tunay na kahali-halina.

Unawain at sagutin:
1. Saan nag-aaral ang mga bata sa tula?
2. Kailan itinatag ang paaralan nila?
3. Saan matatagpuan ang paaralan ng mga bata?
4. Paano mailalarawan ang kanilang paaralan ayon sa
lawak at sukat?
5. Ano ang mga bahaging bumubuo sa kanilang paaralan?
4
Suriin
Ang Aking Paaralan

Batayang Impormasyon Tungkol sa Sariling Paaralan


Ang paaralan ay matatagpuan sa halos lahat ng
bayan sa ating bansa. Ang mga paaralan ay may
iba’t ibang pangalan.
Ang isang paaralan ay maaaring ipangalan sa:
1. taong nagkaloob ng lupa kung saan ito itinayo;
2. bayani ng bayan;
3. patron ng kanilang lugar; at
4. lugar kung saan ito matatagpuan.
Ang tagal ng pagkakatatag ng isang paaralan ay
nangangahulugan lamang ng pagiging matatag nito
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang lawak at sukat ng paaralan ay magkakaiba.
Mayroong malalaki, maliliit, at mayroon ding
katamtaman lamang.

Ang paaralan ang nagsisilbing


pangalawang tahanan para sa
mga mag-aaral. Dito
natututunan natin ang magbasa,
magsulat, magbilang at dito rin
natin malilinang ang ating
kakayahan, kaalaman at mga
angking talento na ating
tinataglay.
5
Mga Bahagi ng Paaralan
Ang paaralan ay binubuo ng iba’t ibang bahagi
gaya ng sumusunod:
Silid-aralan – Dito nagaganap
ang araw-araw na pagtuturo ng
inyong guro kasama ang iyong
mga kamag-aral.

Kantina – Dito matatagpuan ang


mga masusustansiyang pagkain
na nais mong bilhin.

Silid-aklatan – Dito makikita ang


iba’t ibang uri ng mga aklat at
babasahin na makatutulong sa
iyong pag-aaral.

Klinika – Dito dinadala ang mga


mag-aaral na may sakit o
nasugatan upang malapatan ng
pangunang lunas.

Hardin – Dito makikita ang iba’t


ibang uri ng kahali-halinang
halaman at makukulay na mga
bulaklak.

May iba pang bahagi ang paaralan gaya ng


tanggapan ng punong guro, palaruan, at computer
room.
6
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Buoin ang Graphic Organizer tungkol sa mga
batayang impormasyon ng iyong paaralan. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

1. ___________________________
Pangalan ng iyong paaralan

2. _______________ 3. ________________
Lugar ng iyong Taon ng pagkakatatag
paaralan ng iyong paaralan

4. ________________ 5. ________________
Lawak at sukat ng iyong Kasalukuyang bilang ng taon ng
paaralan
pagkakatatag ng iyong paaralan
7
Gawain B

Panuto: Tukuyin ang mga bahaging bumubuo sa iyong


paaralan. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

_____1. Dito makabibili ng mga a.


masusustansiyang pagkain
sa loob ng iyong paaralan.

_____2. Dito kayo tinuturuan ng b.


inyong guro araw-araw.

_____3. Dito matatagpuan ang mga c.


aklat at iba pang babasahin.

_____4. Ito ay nagbibigay ng serbisyo d.


na naghahatid ng pangunang
sa mga mag-aaral na may
sakit at nasugatan.

_____5. Dito ay may matatagpuan na e.


mga halaman at makukulay
na bulaklak.

8
f.

Isaisip
Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na
impormasyon tungkol sa iyong paaralan. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Aking Paaralan

Ako ay si _________________________________________
nasa Baitang 1 Pangkat _____________________________.
Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa ___________________
_____________________________________________________.
Itinatag ito noong ____________. Ito ay matatagpuan sa
_____________________________________________________.
Batay sa sukat, ito ay ____________________.

Ang aming paaralan ay binubuo ng mga sumusunod na


bahagi: _____________________, ____________________,
__________________________, __________________________,
at _____________________.

9
Isagawa
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangyayari at
piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel.

_______1. Si Mildred ay mag-aaral ng Baitang 1. Siya ay


tinanong ng kaniyang Ninong Alfred kung saan siya
nag-aaral. Ano ang sasabihin niya?
A. Ako po ay nag-aaral sa Paaralang
Elementarya ng Patubig.
B. Ito po ay itinatag noong 1921.
C. Maliit lamang po ang aming paaralan.
D. Matatagpuan po ito sa Patubig, Marilao,
Bulacan.

_______2. Nagkita ang magpinsang Marianila at Ashley


na parehong nasa Baitang 1. Tinanong siya ni Ashley
kung saan matatagpuan ang kaniyang paaralan. Alin
ang dapat na isagot ni Marianila?
A. Ito ay itinatag noong 1920.
B. Malawak ang aming paaralan.
C. Sa Paaralang Elementarya ng Sta. Rosa I ako
nag-aaral.
D. Sa Sta. Rosa I, Marilao, Bulacan matatagpuan
ang aming paaralan.
10
_______3. Nais bumili ng tinapay ni Gina sa loob ng
kantina. Ano ang dapat niyang gawin?
A. makipagharutan sa pila
B. makipagtulakan sa pila
C. pumila nang maayos
D. sumingit sa pila

_______4. Paano ang dapat na ikilos ni Kristine kung


isinama siya ng kaniyang mga kaibigan sa loob ng
silid-aklatan upang magbasa ng mga aklat tungkol sa
kanilang aralin?
A. magbasa nang malakas
B. makipagdaldalan
C. makipagharutan
D. tahimik na magbasa

_______5. Si Lea ay nakakita ng mga makukulay na


bulaklak sa hardin ng kanilang paaralan. Alin ang hindi
nararapat na gawin ni Lea?
A. Diligan ang mga halaman at bulaklak sa
hardin ng paaralan.
B. Iwasang tapakan ang mga halaman sa
hardin ng paaralan.
C. Pitasin ang mga makukulay na bulaklak sa
hardin ng paaralan.
D. Pulutin ang mga tuyong dahon at mga kalat
sa hardin ng paaralan.

11
Tayahin

Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin ang


letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_______1. Saan ipinangalan ang iyong kasalukuyang


paaralan?
A. ipinangalan sa bayani
B. ipinangalan sa patron ng aming lugar
C. sa lugar kung saan matatagpuan ang aming
paaralan
D. sa taong nagkaloob ng lupa

_______2. Paano mo mailalarawan ang iyong paaralan


batay sa sukat nito?
A. malaki
B. maliit
C. maluwag
D. masikip

_______3. Aling bahagi ng iyong paaralan ang nagtitinda


ng masusustansiyang pagkain?
A. hardin
B. kantina
C. klinika
D. silid-aklatan
12
_______4. Saan nagaganap ang araw-araw na pagtuturo
ng inyong guro kasama ang iyong mga kamag-aral?
A. hardin
B. klinika
C. silid-aklatan
D. silid-aralan

_______5. Nasugatan ang iyong kamag-aral, saan mo siya


dapat dalhin upang malapatan ng pangunang lunas?
A. klinika
B. silid-aklatan
C. silid-aralan
D. tanggapan

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit at kulayan ang iyong paaralan. Punan ang


patlang upang mabuo ang pangungusap. Gawin ito sa
iyong sagutang papel. Gagamitin ng iyong guro ang
Rubriks sa pagpapahalaga bilang gabay sa
pagmamarka.
Ang Aking Paaralan

Ako ay nag-aaral sa ___________________________________.

14
RUBRIKS 5 4 3 2 1
Makulay na Makula Gumamit Limitad Hindi
makulay y ang ng o ang gumamit
PAGKULAY ang output kaunting ginamit ng kulay
output kulay na
kulay
Malinis na Malinis Malinis Malinis Hindi
malinis ang ang ngunit may ngunit malinis ang
KALINISAN output output kaunting maram output
dumi ing
dumi
Lubhang Malikha Ipinamalas Sumub Hindi
naipamala ing ang ok na naipamala
PAGKAMALI s ang natapo pagkamali magin s ang
KHAIN pagkamali s ang khain g pagkamali
khain output malikh khain
ain
Ginawa ng Ginaw Ginawa ng Ginaw Hindi
mag-aaral a ng mag-aaral a ang tinapos o
nang mag- na may output ginawa
walang aaral gabay ng subalit ang output
gabay ng na may magulang hindi
PAGKA-
magulang kauntin gawa
ORIHINAL g ng
gabay mag-
ng aaral
magula
ng

15
16
KARAGDAGANG GAWAIN
(Wastong gabay ng magulang ang kailangan sa pagguhit, pagkukulay at pagsasagot.
Gagamitin ng guro ang Rubriks ng pagpapahalaga para sa pagbibigay ng marka sa output.)
TAYAHIN ISAGAWA
1. (ang sagot ay nakabatay kung saan ipinangalan ang 1. A
inyong paaralan) 2. D
2. (ang sagot ay nakabatay sa sukat ng inyong 3. C
paaralan) 4. D
3. B 5. C
4. D
5. A
ISAISIP
(Wastong gabay ng magulang ang kailangan sa pagsasagot ng mga impormasyon. Maaaring
magtanong sa inyong guro para sa ilang mga detalye tungkol sa inyong paaralan.)
PAGYAMANIN
Gawain B
1. b 3. d 5. a
2. e 4. c
PAGYAMANIN
Gawain A
(Wastong gabay ng magulang ang kailangan sa pagsasagot ng mga impormasyon. Maaaring
magtanong sa inyong guro para sa ilang mga detalye tungkol sa inyong paaralan.)
TUKLASIN
1. Paaralang Elementarya ng Patubig
2. 1921
3. Patubig, Marilao, Bulacan
4. Maliit
5. Silid-aralan,
Klinika,
Kantina,
Silid-aklatan, at
Hardin
BALIKAN SUBUKIN
1. Tama 1. A
2. Mali 2. (ang sagot ay nakabatay kung saan
3. Tama ipinangalan ang inyong paaralang)
4. Mali 3. (ang sagot ay nakabatay sa
5. Tama sukat/lawak ng inyong paaralan)
4. A
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 1: K to 12 Gabay Pangkurikulum.


Kagawaran ng Edukasyon. 2016.

Araling Panlipunan 1: Most Essential Learning


Competencies (MELCs) Matrix. Kagawaran ng
Edukasyon. 2020.

Miranda, Noel P. et.al. Araling Panlipunan 1: Patnubay ng


Gabay ng Guro at Kagamitan ng Mag-aaral.
Kagawaran ng Edukasyon. Philippines. 2017.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph
18

You might also like