Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN:________________________________________ ISKOR: ____________


SECTION:__________________

PANUTO: Isulat ang iyong sagot sa tabi ng bawat numero.


1. Nagkakaroon ng collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal kapag
a. pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili
b. pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa pamilihan
c. pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng kanilang mga produkto
d. pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng sangkap at sukatan ng
timbang
2. Kapag may nagaganap na sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng mga negosyante, ito ay may
___________________.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. kompetisyong monopolistiko d. monopsonyo
3. Ito ang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga prodyuser ang kanilang mga produkto.
a. agreement c. announcement
b. advertisement d. propaganda

4. Dito itinatakda ang kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami.
a. Sanglaan b. kusina c. pamilihan d. bangko
5. Kapag may oligopolyo ___________________.
a. Nagkakaroon ng sabwatan o kasunduan ang mga negosyante.
b. Nagpaparaya sa unang prodyuser ang isang negosyante na nagpahayag ng intensyong
makipagkasundo sa pamahalaan
c. Naghihintay sila sa patakarang mula sa pamahalaan
d. Nagsasagawa muna sila ng survey o panayam para malaman ang kailangan ng mga
konsyumer
6. Sa uring ito ng pamilihan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay ng
serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili?
a. monopolyo c. oligopolyo
b. monopsonyo d. monopolistic competition
7. Ang product differentiation ay nangangahulugang ___________________.
a. Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang
b. Eksaktong magkakahawig ang mga produkto
c. Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto
d. May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang katangian ng mga produktong
ipinagbibili
8. Isa sa mga sumusunod ay hindi sumusuporta sa kahulugan ng pamilihan. Tukuyin ito.
a. Nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng konsyumer ang kanilang pangangailangan
b. Sagot sa maraming kagustuhan ng tao
c. Dito itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami
d. Isa itong mekanismo kung saan nagaganap ang alokasyon ng pinagkukunang-yaman
9. Sa pamilihang ito iisa ang nagtitinda ng walang kauring produkto.
a. monopolyo c. oligopolyo
b. kompetisyong monopolistiko d. monopsonyo
10. Sa sistemang oligopolyo ___________________.
a. limitado ang suplay ng produktong itinitinda
b. Limitado ang daloy ng pinagkukunang yaman sa pamilihan
c. May kalayaang sumali o umalis ang mamumuhunan sa industriya
d. May iilang industriya lamang ang gumagawa at nagbebenta ng pareparehong produkto at
serbisyo.
11. Ang mga produktong galing sa ibang bansa na makikita sa mga duty free shops ay nabibilang sa
pamilihang ___________________.
a. lokal c. pambansa
b. panrehiyon d. pandaigdig
12. Ang mga sumusunod, maliban sa isa ay patunay na may masiglang interaksyon ang mga mamimili
ang nagtitinda.
a. Magkakatabi ang mga magkakauri na paninda
b. May takdang araw na maaari lamang makapagtinda
c. May takdang dami lamang ang maaaring bilhin ng mamimili
d. Magkakaiba ang presyo ng mga magkakauring produkto sa pamilihan
13. Kapag nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga mamimili sa isang ekonomiya, ito ay nasa
sistemang ___________________.
a. Monopoly c. ganap na kompetisyon
b. Oligopolyo d. monopolistikong kompetisyon

14. Kapag ang mamimili ay may sapat na kaalaman sa pamilihan,


___________________.
a. Makapagdedesisyon siya ng tama sa pagpili ng produkto
b. Makakukuha ng mas malaking diskwento ang mga mamimili
c. Makakaiwas siya sa mataas na bayarin sa buwis
d. Makatitipid siya ng oras sa pamimili
15. Ang oligopolyo at monopoly ay may pagkakatulad. Tukuyin ito.
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may limitadong kapangyarihan sa pamilihan
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

KARAGDAGANG GAWAIN: BAWAL ANG JUDGMENTAL!

Panuto: Gumawa ng isang listahan ng mga tanong (questionnaire) para sa dalawang may-ari ng
karinderya o sari-sari store sa inyong barangay. Tanungin kung ano ano ang gimik nila upang
makaakit ng mga kostumer o mamimili sa kabila ng pandemiko. Ipaabot ito sa inyong mga
magulang upang di na ninyo kailangan pang lumabas. Paghambingin ang dalawang tindahan batay
sa kanilang sagot.Tiyaking may face mask ang iyong magulang at face shield habang nagsasagawa
ng panayam. Isaalang alang rin ang social distancing na naaayon sa rekomendasyon ng Department
of Health at IATF (Inter-Agency Task Force) laban sa COVID-19.

.
IKA-APAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9
IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN:________________________________________ ISKOR: ____________


SECTION:__________________

PANUTO: Isulat ang iyong sagot sa tabi ng bawat numero.


1. Anong organisasyon ang may kakayahang gumawa ng batas at magkontrol ng presyo?
a. Pamilihan b. Pamahalaan c. Mamimili d. Negosyante
2. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan upang mapanatiling matatag
ang presyo sa pamilihan, alin dito ang HINDI kasali?
a. Pagtataguyod sa karapatan ng mga konsyumer at prodyuser
b. Pagtatakda ng price floor at price ceiling kung kinakailangan
c. Pagkakaloob ng subsidiya sa sa mga negosyante o mangangalakal
d. Panghuhuli sa mga lumalabag sa batas
3. Anong tawag sa pinakamataas na presyong pwedeng ipataw sa isang produkto o
serbisyo?
a. Price ceiling c. Price freeze
b. Price floor d. Suggested retail price

4. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng price freeze sa lahat ng pangunahing produkto


kasama na ang mga kagamitang medikal bunsod ng Covid -19 pandemic. Paano
nakakatulong ang ganitong pamamagitan ng pamahalaan?
a. Upang dumami ang mga negosyanteng tumigil na sa pagnenegosyo
b. Upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga negosyante sa demand nito
c. Upang mabili ng gobyerno ng mas mura ang mga produkto
d. Upang magamit ng gobyerno ang kanyang kapangyarihan sa pagkontrol sa
pamilihan
5. Bakit nagtatakda ng price control/price support ang gobyerno?
a. Upang ipakita ang kakayahan ng pamahalaan sa pagkontrol sa pamilihan
b. Upang tulungan ang mga mamimili na makapagbadget
c. Upang maabot ang layuning maging self-sufficient ang bansa
d. Upang maiayos ang pamilihan ayon sa kapakinabangan ng mga konsyumer at
prodyuser
6. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng
pamahalaan sa pamilihan?
a. Pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka
b. Pagpapatupad ng price freeze sa panahon ng pandemya
c. Paglalaan ng pondo sa mga proyektong farm-to-market-road
d. Lahat ng nabanggit

7. Alin sa mga ito ang HINDI kasali sa mga serbisyong panlipunang ipinagkakaloob ng
pamahalaan?
a. Pabuwag sa monopolyo sa kalakalan
b. Pagpapatayo ng mga irigasyon, kalsada, tulay at iba pang istruktura
c. Pagdaragdag sa puwersa ng kapulisan upang masugpo ang kriminalidad sa
bansa
d. Paglalaan ng malaking pondo para tugunan ang kinakaharap na pandemya
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo?
a. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay ginagawa upang patatagin ang
ekonomiya ng bansa
b. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay kasama sa kanyang mandato
bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng kanyang mamamayan
c. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay nagdudulot ng disekwilibriyo sa
pamilihan at pagkakaroon ng implasyon
d. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa pamilihan ay para sa parehong kapakanan ng
mga konsyumer at prodyuser
9. Kung ang presyo ng palay ay labis na mababa na maaaring magdulot ng lubhang
pagkalugi sa hanay ng mga magsasaka. Alin sa mga pagprepresyong ito ng pamahalaan
ang makakatulong para sa kanila?
a. Price ceiling c. Price freeze
b. Price floor d. Clearing price

10.Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magtatakda ng price
ceiling?
a. Magkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan
b. Magdudulot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kakulangan
c. Magdududlot ito ng dis-ekwilibriyo at lilikha ng kalabisan
d. Walang epekto ito sa pamilihan
11.Sa papaanong paraan naipagkakaloob ng pamahalaan ang serbisyong panlipunan?
a. Sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob at labas ng bansa
b. Sa pagtataguyod ng mataas na antas ng kamuwangan para sa lahat
c. Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga ospital upang matiyak ang kalusugan
ng mga mamamayan
d. Lahat ng nabanggit
12.Alin ang HINDI TOTO sa mga pahayag?
a. Tungkulin ng pamahalaan na magkaloob ng serbisyong panlipunan
b. Ang interbensyon ng pamahalaan sa pamilihan ay pagtitiyak sa balanseng
pamilihan
c. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ay para lamang sa kapakanan ng mga
mamimili
d. Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking hindi lamang sa iilan tatakbo ang
ekonomiya ng bansa

Para sa tanong sa 13 - 15. Uriin ang mga pahayag ayon sa tungkuling ginagampanan ng
pamahalaan sa pamilihan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. Pagtataguyod ng kompetisyon
b. Pagtiyak sa katatagan ng ekonomiya
c. Pagakaloob ng serbisyong panlipunan
13.Pagsusulong sa dekalidad at mataas na antas ng kamuwangan para sa mga
mamamayan.

14.Pagtataguyod sa mga produktong lokal ng bansa.

15.Pagbuwag sa monopolyo sa pamilhan.

Makalipas ang 29 na taon, ang Pilipinas ay muling nakaranas ngayon ng resesyon


dulot ng pakikipaglaban nito sa COVID – 19. Magbigay ng mga mungkahing solusyon upang
matugunan ng pamahalaan ang krisis na kinakaharap nito sa mga sumusunod na sektor ng
lipunan.

MGA MUNGKAHING SOLUSYON

KALUSUGAN

EDUKASYON

KABUHAYAN

You might also like