Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Anchor 1:

Magandang magandang umaga sainyong lahat! Lalo na sa mga taga general licerio geronimo
memorial national high school!

Anchor 2:
Narito na ang inyong paboritong programa sa radyo! Ang Kabalikat ng Bayan Handog ng 97.5
Stage Echo Radio, ang inyong kasama sa bawat sandali, kilig, takot, lungkot, galit o saya man.

Anchor 1:
Lagi mo kaming kasama sa lahat nayan! Makisama sa amin sa isang kwento tungkol sa isang
taong nahihirapan sa kanyang mga academic responsibilities dahil sa kanyang nararanasan na
komplikasyon sa relasyon ng kanyang mga magulang. Ang kwentong ito ay pinamagatan nyang
“Di maipahiwatig na Damdamin”. Ang nagpahiwatig saatin ng kahanga-hangang kwentong ito
ay si Natsumi Reyes. Shout out sayo!

Anchor 2:
Nako DJ! Mahirap siguro yang naranasan niya. Kahit naman siguro ako di ko kakayanin
pagsabayin yung academic responsibilities ko sa magbigat na problema nayan.. nakakaawa
naman.

Anchor 1:
Syempre malalaman rin natin kung pano nya naovercome ang mga problema na ito na
malalaman nyo sa storya natin mamaya!

Anchor 2:
Sabagay, Wala nga namang impossible. Kaya mga ka licerians, wag kayong mawalan ng pag-
asa, kapag nagkaroon kayo ng problema na haharapin ka sa mga bagay na gusto mong gawin
dapat lumaban kalang! Fight it!

Anchor 1:
Tama ang sinabi mo DJ. Kaya't huwag palampasin, at makinig ng buong puso at isipan ang
ipinapahayag namin ang Drama Pelikula tuwing umaga!

Anchor 2:
"97.5 Stage Echo Radio, kung saan ang drama ay buhay!"

Anchor 1:
"At simula na ng ating palabas!"

Anchor 2:
"Stage Echo Radio, number one sa puso ng Pilipino!"

Anchor 1:
"Stage Echo Radio, the sound of your life!"

Storyteller:
Dear DJ Hana,
Ako si Natsumi Reyes, at ako ay 25 na taong gulang. Ito ay naganap noong senior high pako.
Pakiramdam ko ay parang isang bagyo na hindi matatapos. Ang mga magulang ko ay malapit
ng maghiwalay, at ito ay sumisira sa akin. Ang paulit-ulit na mga away at tensyon sa bahay ay
gumagawa ng pag-focus sa anumang bagay na imposible, lalo na sa aking pag-aaral.

Nanay:
Lagi lagi nalang ba nating pag aawayan to! Ano kaba! Nakakasawa kana. Di mo vinavalidate
mga nararamdaman ko!

Tatay:
Gumagawa ka nanaman ng eksena! Lagi ka nang ganto! Nababaliw kaba? Sabing ka trabaho
kolang si Alysha!

Nanay:
Hah?? Ka trabaho? Singualing ka! Paano mo nagagawang magsingualing saamin kung kitang
kita ko yung mga ginagawa nyo, at sa kumpanya pa talaga! Hah! Hindi mo ba naiiisip yung mga
bayarin natin nagcocompile at lumalaki dahil sa paglalakwatsya mo! Lagi mo nalang sinasayang
ang mga kinikita ng kumpanya natin sa walang kwenta mong kaligayahan!

Tatay:
At bakit naman ako magsisingualing sayo?! Ano ang tingin mo sakin? Cheater Ha?! At pwede
ba, wag mo ngakong pakielaman sa mga gusto kong gawin!

Natsumi:
Pwede bang tumigil na po kayo sa pag aaway? Please.

Tatay:
Umalis ka nga dito! Walang kwenta kang bata!

Nanay:
Wag mong pinagsasabihan ng ganyan ang anak mo! Wala syang ginagawa sayo!

Tatay:
Aba! Ano?! Magpapaawa effect ka nanaman sa mommy mo natsumi?! Ang tanda tanda mo na!
At ikaw!--

*Sinampal ng nanay ni natsumi ang tatay nya*

Nanay:
Ayokong ayokong makita muli yang pagmumukha mo. Lumayas ka nalang rito.
Magpapadivorce ako. Akin si natsumi at ang kumpanya

Tatay:
W-what?! Di mo pwedeng gawin to sakin!

Nanay:
Baka nakakalimutan mo, ako ang founder ng kumpanya na pinagtatrabahuhan mo. Wala ka ni
isang inambag sa kumpanyang pinaghirapan kong palaguhin.

Tatay:
Sakin si Natsumi! Anak kosya!

Nanay:
Walang sayo.

Natsumi:
Tumigil napo kayo!

Storyteller:
Dun nagsimulang gumuho ang aming pamilya. Nahihirapan akong magdesisyon kung sino nga
ba talaga ang dapat kong sundin. Sinusubukan kong huwag nalang pansinin ang lahat,
magpanggap na ang lahat ay maayos, pero hindi. Upang gawing masama pa, may mga tsismis
na kumakalat sa paaralan tungkol sa akin. Hindi ko alam kung sino ang nagsimula o bakit,
ngunit ito ay nagpalayo saakin. Parang ako ay hindi nakikita, pero kapag napapansin ako ng
mga tao, ito ay upang magsalita sa likod ko.

*May nakitang sulat ang kaibigan ni natsumi na sila Ashley at Zion*

Ashley:
Nakikita mo ba ang nakikita ko zion?

Zion:
Nagsulat nanaman sila sa blackboard about kay natsumi.. hayst..

*Binubura nila ang mga nakasulat sa blackboard*

Soomi:
Pinagtatanggol nyo parin yung pathetic nyong kaibigan?HAHAHAH ginayuma naba kayo?

Ashley:
Pwede ba? Wala namang ginagawa sayo si natsumi pero lagi mosyang ginagawan ng false
rumors sa campus natin.
Soomi:
So what? Deserve nya naman yun eh

Zion:
Hindi nya deserve yon, aminin mo nalang na papansin kalang.

Narinig ko yung pinagusapan ng mga kaibigan ko pati si soomi, di ko alam kung bakit ba lagi na
lamang silang nakakakita ng mali saakin. Dahil doon ako ay nag-isolate mula sa lahat,
nagtatayo ng mga pader sa paligid ko upang protektahan ang aking sarili mula sa sakit at
pagdurusa na nararamdaman ko. May biglang lumapit sa akin, isang lalaki mula sa aking klase
na halos hindi ko kilala. Mukha siyang tunay na nag-aalala, hindi lamang tungkol sa mga
tsismis, kundi tungkol sa akin. Hindi siya nagtatanong o humuhusga; siya'y simpleng nag-alok
ng mabuting salita at pakikinig.

Vincent Lorenzo:
Okay ka lang ba?

Natsumi:
Ah.. Okay lang ako.

Vin:
Sigurado kaba? Binilhan nga pala kita ng pagkain kasi napansin ko di ka kumakain tuwing
recess eh.

Natsumi:
Bakit mo pako binilhan nyan? Di ko kailangan ng pagkain.

Vin:
Concerned lang naman ako sayo..

Natsumi:
Sino kaba?

Vin:
Di mo paba ako kilala? Ako si Vincent Lorenzo, tawagin mo na lamang akong vin.

Natsumi:
Layuan mo nalang ako. Kinakaibigan mo lang siguro ako para makuha ang loob ko sayo.

Vin:
Ayoko. Hindi kita lalayuan. Gusto lamang kitang pakinggan at damayan. Alam kong kailangan
mo ng taong dadamayan ka at ako iyon. My intentions are pure. Kaya sana wag mokong
pagdudahan
Story teller:
Sa sandaling iyon, may pakiramdam ako ng pag-asa. Baka hindi ako mag-isa tulad ng iniisip ko.
Baka, maari, mayroong isang taong nakakakita sa likod ng mga tsismis at ng mga pader na
itinayo ko. Isang taong nagmamalasakit. At baka, sa tulong niya, matatagpuan ko ang lakas na
harapin ang aking mga problema at maniwala na magiging mas maganda ang mga bagay.
Naging matalik ko syang kaibigan, sakanya ko sinasabi ang aking mga di mapahayag na
damdamin. Mga damdamin na noon ay nililihim ko lamang sa iba. Lagi kaming magkasabay
magrecess at tinutulungan nya ako sa mga projects namin. At dahil dun ay mas napagtanto ko
na kaya ko palang i overcome ang mga problema ko. Kinumbinsi nya rin akong kausapin ang
aking mga magulang tungkol sa problema namin. Dahil sakanya.. kay vincent, binago nya ko.
Pinatunayan nya sakin na kaya ko pang magtiwala muli sa ibang tao. Sabay sabay rin kaming
nakagraduate nina zion at ashley.

Vin:
Atlast, naka graduate narin tayo!

Natsumi:
Oo nga e, salamat vin.

Vin:
Hah? Bat ka nagpapasalamat sakin?

Natsumi:
Natulungan moko ng sobra. Di ko alam kung pano ko mapapakita yung pasasalamat ko sayo..

Vin:
Di mo na kailangan mag pasalamat. Lahat ng to nagawa mo dahil nagsikap karin. And I'm so
proud of you.

Natsumi:
Thank you talaga..

Storyteller:
At dun nagwakas ang inakala kong walang tapos na bagyo saaking buhay. Si vin nga pala ay
mapapangasawa ko na rin, kami ay nagkatuluyan nung nag graduate kami sa college and now
we're still going strong.

Anchor 1:
Awwwhh ang sweet naman!

Anchor 2:
True ka dyan DJ! At dahil dyan sana marami sainyo ang nainspire sa kwento ng kanyang senior
high experience! Sana hindi nyo makalimutan na in complicated situations lagi kang may
kasama.
Anchor 1:
Tama. At dito rin nagtatapos ang ating talakayang dramang panradyo once again Ito ang (all)
97.5 Stage Echo Radio, sa taong 2023 hanggang 2024, ako si Mark Loui Miñon as DJ Akio, at
ako si Renalie Faith Manzan as DJ Hana, ako naman si Angel Dandan as your storyteller. Ako
si Rhianne Rein Tumalad, Ako naman si Fritz Wynne Sedigo, ako si Gerlyn Mae Bautista, at
ako naman si Vinse Yukie Ordaz, ako naman si Angelique Elaijah Encio, at ako si Eau Ace
Cruz, (all) ang
inyong drama broadcasting team.

All:
Hanggang sa muling edisyon ng Kabalikat ng Bayan dito sa 97.5 Stage Echo Radio. Paalam!!
*Form a straight line and bow*

You might also like