Lindsey Vitor (Lakbay Sanaysay)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Our Lady of Lourdes Shrine

(Binuangan Lourdes Bay)


Isinulat ni : Lindsey L. Vitor

Napakasarap maglakbay kung saan-saan kapag kasama

ang pamilya. Ako ay namangha at natulala sa napakagandang

lugar na aming pinuntahan. Masasabi kung maganda ang lugar na

ito dahil matatanaw mo ang dagat sa di kalayuan at pwede mo

pang mapuntahan, may swimming pool din, at may catholic

church pang malaki at napakaganda. Sa may gilid, makikita mo

ding may nagbibinta ng pulseras, kuwintas na may krus at kung

ano-ano pa. Isa sa pinakamaganda sa lugar na ito ay ang mga tao,

kung pano ka pakikitunguhan nila. Hindi ko inaakala na itong

lugar na ito ay maglalaman na sa aking isip na hindi ko

makakalimutan.
Noong February 2023, pumunta kami sa Gingoog Misamis Oriental para dumalo ng libing ng aming lolo.

Habang kami ay nasa byahe pa uwi, napag desisyonan ng aming pamilya na pumunta muna sa “Our Lady of

Lourdes Shrine (Binuangan Lourdes Bay)”, bago umuwi at tignan kung anong meron dito. Pagdating namin

doon, ako ay namangha sa ganda at laki ng space doon, napakaganda at maaliwalas ang hangin sa lugar na iyon.

Masasabi kung iba ito sa mga lugar na aking napuntahan. Isa sa pumukaw sa aking pansin at damdamin ay ang

malaking simbahan at ang “Birhen sa Lourdes”, makikita mo din ang dagat sa di kalayuan, at swimming pool sa

tabi ng mga nag titinda. Sa palagay ko, napakaswerte namin at konti lang ang tao ng araw na’yun dahil siguro

week days, kaya mas lalo akong na enjoy doon.

Hindi ko pinalagpas ang hindi ko pagkuha ng mga litrato. Napagisipan ko din na bumili ng pulseras para

meron akong madala o memorya sa lugar na iyon. Bumili din kami ng mga pagkain doon at tumitingin sa mga

ibang tindang dinidisplay nila.


May kaonting kalayuan ang lugar na aming napuntahan, ngunit nagdulot parin ito ng kasiyahan at mga

memorableng pangyayari sa aming pamilya.

Sa paglipas ng aking paglalakbay, napagtanto ko na ang “Our Lady of Lourdes Shrine (Binuangan

Lourdes Bay)” at ang “El Salvador Divine Mercy” ay medjo kaparehas. Hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa

aming nagiging masaya at magandang karanasan. Isa na lamang itong memorya sa amin na magbibigay alaala sa

aming naranasan at walang sinuman ang makakakuha ng mga alaala naming nagawa.

You might also like