Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 18: Pakikipagkapwa, Isinasagawa Ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Loujen M. Rosales
Editor: Celia B. Alan
Tagasuri: Marieta M. Limbo EdD, Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18

Pakikipagkapwa, Isinasagawa ko!


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Modyul


18 para sa Pakikipagkapwa, Isinasagawa ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul ukol sa
Pakikipagkapwa, Isinasagawa ko!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang


napananatili ang mabuting pakikipagkapwa sa pamamagitan ng paggalang sa
suhestiyon ng kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng ( ) ang bilang na nagsasaad ng mabuting pakikipagkapwa.

_______ 1. Nagpasalamat si Rose dahil pinaliwanag mo sa


kanya na nakakasira sa kidney ang madalas na
pagkain ng chichiria.
_______ 2. Iminungkahi mo sa iyong grupo na pareho ninyong
pagtutulungan ang paggawa ng palayok na agad
nilang sinang-ayunan.
_______ 3. Sinang-ayunan mo ang sinabi ng iyong nanay na
palaging magdala ng alcohol tuwing lumalabas ng
bahay.
_______ 4. Naiinis si Anna sa kanyang guro ngunit tahimik
itong nakikinig sa suhestiyon na ibinigay sa kanila.
_______ 5. Hindi mo sinunod ang mungkahi ng iyong kapatid
na tapusin muna ang iyong gawain bago manood ng
paborito mong palabas.
BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang sa ideya ng kapwa at MALI kung hindi.
_____ 1. Binigyan ka ng ideya ng iyong kaibigan tungkol sa iyong
iguguhit at agad mo itong ginawa.
_____ 2. Si Ben ay walang pakialam sa mga mungkahi ng kanyang mga
kaklase kahit alam niya ito ay tama.
_____ 3. Ginawa nila ang opinyon ng mga ka grupo ni Mark para mabuo
ang konsepto ng kanilang gawain.
_____ 4. Pinayuhan ka ng iyong guro na huwag ka muna maglagay ng
lipstick sa iyong labi ngunit hindi mo ito pinakinggan.
_____ 5. Natakot si Angela na magkasakit dahil sa balita ng epidemya
kaya sinunod niya ang mga patakaran.

ARALIN
_

Pagmasdan ang nasa larawan. Ano ang unang pumasok sa iyong


isipan? Ano sa tingin mo ang kaniyang kondisyon?

Ako ay inuubo at
nahihirapang huminga. Ako
ay natatakot pumasok sa
ospital dahil sa pandemya.

Ang pagsunod sa patakaran ng


pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng
face mask ay makatutulong upang
makakaiwas sa COVID-19. Mabuti
na ang nag-iingat at sumusunod
para nakakaiwas sa sakit.
Ang larawan ay sumasalamin sa mga nangyayari sa panahon ngayon
ng pandemya dulot ng sakit na COVID-19. Bawat isa ay pinapayuhan na
magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay. Ang pag-ubo at pagbahing
ay isa sa mga dahilan ng mabilis na pagkalat ng nasabing sakit. Nagdudulot
ito ng malalang pneumonia at maaring ikasawi ng pasyente. Kaya napilitan
ang ating gobyerno na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ,
upang mabigyan ng agarang solusyon at maiwasan pa ang malalang pagkalat
ng nasabing sakit. Hindi lamang ito nararanasan ng ating bansa kundi buong
mundo.
Ito ang naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng karamihan at
kakulangan ng mga rasyon ng pagkain sa pamilihan. Sa kabila ng
pangyayaring ito, naging kalmado pa rin ang mga tao at ang bawat isa ay
patuloy na sumusunod sa ipinatutupad na batas ng gobyerno. Ipinapakita ng
bawat isa ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat sambayanan.

Sagutin ang mga sumusunod sa kwaderno:

1. Ano ang pandemya na nararanasan ng buong mundo?


2. Ano ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit?
3. Ano ang ipinatupad ng gobyerno para mapigilan ang mabilis na
pagkalat nito?
4. Ano ang nangyari sa kabuhayan ng mga tao dulot ng pandemya?
5. Paano ipinakita ng mga tao ang pakikipagkapwa sa panahon ng
pandemya?

PAKIKIPAGKAPWA, ISINASAGAWA KO!

Marunong ka bang makipagkapwa tao? Paano mo isinasagawa ang


pakikipagkapwa tao?

Ang kahulugan ng pakikipagkapwa ay ang pagkakaroon ng maganda at


maayos na pakikipag-ugnayan sa ibang mga kapwa tao. Ang isang taong may
pakikipagkapwa ay marunong makilahok sa isang samahan, marunong
makiisa, hindi makasarili at ang kabutihan ng nakararami ang iniisip.

Mga halimbawa ng pakikipagkapwa:

➢ Pagbabahagi ng iyong baon sa kaklase dahil nakalimutan niya ang


kanyang baon sa bahay.
➢ Paglaan ng iyong oras para turuan ang iyong kaklase na hindi
naintindihan ang isang asignatura o leksyon.
➢ Pag-iwas sa pakikipag-away sa iyong kaklase.
➢ Sa kabila ng kahirapan sa buhay, manatiling maging tapat at may
pusong tumulong sa kapwa.
Ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay magagawa lamang sa
pamamagitan ng paggalang sa suhestiyon o ideya ng iba.

Ang taong may pakikipagkapwa ay sumusunod sa "Golden Rule" o "Gintong


Aral" na "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang larawan ay nagpapakita
ng mabuting pakikipagkapwa at malungkot na mukha kung
ito naman ay hindi.

1. _______ 2. _______

3. _______ 4. ________

5. ________
Pagsasanay 2
Panuto: Salungguhitan ang salita na nagpapakita ng mabuting
pakikipagkapwa sa bawat sitwasyon.

1. Namasyal ka sa parke nang may batang nanghihingi ng


pagkain at binigyan mo siya agad.
2. Sinunod ni Ron na itigil muna ang paglabas ng bahay upang
makaiwas sa COVID-19 ayon sa payo ng kanyang mga
kaibigan.
3. Nabanggit mo sa iyong mga kaklase ang eco-drive na
gaganapin sa inyong barangay at nais nilang makilahok para
makatulong.
4. Pinagtatawanan ang kaklase mong may kapansanan kaya
tumayo ka at pinagtanggol mo ito.
5. Ipinaghanda ng ibang ulam ng nanay mo ang iyong pinsan mo
na Muslim dahil iba ang kanilang paniniwala.

Pagsasanay 3

Panuto: Sumulat ng sariling halimbawa kung paano mo maipakita ang


mabuting pakikipagkawa sa inyong:

1. Tahanan:
___________________________________________________
2. Kapitbahay:
___________________________________________________
3. Kaibigan:
____________________________________________________
4. Kaklase:
____________________________________________________
5. Matatanda:
____________________________________________________
PAGLALAHAT

➢ Bakit mahalagang matuto ang bawat isa na makipagkapwa tao lalo na


ang batang tulad mo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

➢ Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mabuting


pakikipagkapwa sa panahon ng pandemya?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Nais ninyong makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 kaya
naisipan ng kapatid mo na humingi ng donasyon. Bilang panganay,
paano ka magpapasya?
a. Hindi sila papakinggan dahil ikaw ang nakatatanda.
b. Pakinggan ang iyong mga kapatid at suportahan ang nais nila.
c. Sasabihin mo sa kanila na ang pasya mo dapat ang
masusunod.
d. Susundin mo ang iyong mga kapatid kahit mabigat sa iyong
kalooban.
2. Paano napananatili ang mabuting paggalang sa suhestiyon ng
kapwa?
a. suhestiyon b. ugnayan c. paggalang d. pakikipagkapwa

3. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang dahilan upang magkaroon


ng pagkakaunawaan ang isang grupo?
a. Hindi makikinig sa ideya ng iba.
b. Iniisip na sarili ang tama.
c. Nakikinig at iginagalang ang suhestiyon ng iba.
d. Ipinipilit ang sariling kagustuhan sa iba.
4. Paano mo maipakikita ang mabuting pakikipagkapwa sa panahon
ng pandemya?
a. Ipagdadasal ko ang mga frontliners at tutulong sa abot ng
aking makakaya.
b. Hindi ako mangingialam para hindi ako mahawa sa sakit.
c. Mananatili sa bahay at tutulong kung sino ang nais ko lamang
tulungan.
d. Sasali ako sa pila sa mga nagbibigay ng donasyon kahit hindi
kinakailangan.
5. Iminungkahi ng iyong magulang na ibigay mo ang iyong ipon sa
mga taong nasunugan upang makatulong ngunit may binabalak
kang bilhin, ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko pakikinggan ang mungkahi ng aking mga magulang.
b. Ibibigay ko ang aking ipon ng maluwag sa aking kalooban.
c. Magbibigay ako ng aking ipon pero magtitira ako sa aking
sarili.
d. Hindi ko kailangang tumulong sa aking kapwa.
Paunang Pagsubok Balik-aral Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. 1. Tama 1. 1. binigyan
2. 2. Mali 2. 2. sinunod
3. 3. Tama 3. 3.makatulong
4. 4. Mali 4. 4. ipinagtanggol
5. 5. Tama 5. 5.ipinaghanda
Panapos na Pagsusulit
1. B 2. D 3. C 4. A 5. B
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta EdD, Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon 6 (Vicarich Publication and trading, Inc 2016) 35-36
https://www.doh.gov.ph/COVID-19/FAQs-Filipino/2020/07/05

https://brainly.ph/question/833022?source=aid1306154

MGA LARAWAN
Department of Education Image Bank

MGA SIMBOLO
http://clipart-library.com/free/sad-face-clipart-
transparent.html/2020/07/05

https://cliparting.com/free-smiley-face-clip-art-1557/2020/07/05

You might also like