Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 15: Pagpapamalas ng Paggalang sa Ideya ng Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Anna Grace R. Ang
Editor: Celia B. Alan
Tagasuri: Marieta M. Limbo EdD, Perlita M. Ignacio RGC, PhD
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Anna Grace R. Ang
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
Pagpapamalas ng Paggalang
sa Ideya ng Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Modyul 15 para sa araling Pagpapamalas ng Paggalang sa Ideya ng Kapwa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul 15 ukol sa Pagpapamalas


ng Paggalang sa Ideya ng Kapwa!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makympleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral ay naipamamalas


ang paggalang sa ideya ng kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang S kung ikaw ay sang-ayon na ang sumusunod


ay nagpapakita ng paggalang sa ideya ng kapwa at HS kung hindi.

_____1. Nauunawaan na magkakaiba ang ideya at pananaw ay bawat tao.

_____ 2. Tinatanggap ang kapwa kahit magkaiba ng ideya.

_____ 3. Binabalewala ang ideya ng mga bata dahil wala naman itong
kabuluhan.

_____ 4. Pinapakinggang mabuti ang mga nilalahad na ideya ng kapwa.

_____ 5. Hinihikayat ang kapwa na magbigay ng kanilang ideya.

BALIK-ARAL

Panuto: Gumuhit ng hugis bituin ( ) kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pagpapanatili ng mabuting pakikipagkapwa sa pamamagitan
ng paggalang sa ideya at hugis parisukat ( ) kung hindi.

_____ 1. Bilang pangulo ng kanilang klase ay laging handa si Rhian upang


makinig sa mga ideya at pananaw ng mga kamag-aral niya.

_____ 2. Agad na isinigaw ni Karen ang maanghang niyang komento patungkol


sa inihayag na saloobin ni Ferdie sapagkat hindi siya sang-ayon dito.

_____ 3. Hindi na kailanman kinibo at kinausap ni Tess ang matalik na


kaibigan dahil sa pagpahayag nito ng kanyang ideya na taliwas sa kanyang
pananaw.
_____ 4. Sinikap na unawain ng aking ina ang mga ideya ng kanyang kumare
kung paano aayusin upang magmukhang malawak ang maliit naming
tahanan.

_____ 5. Nagalit si Loida sa kanyang katabing kamag-aral matapos itong


bumoto sa kalaban niya sa pagka-pangulo ng kanilang klase.

ARALIN

Modyul 15: Pagpapamalas ng Paggalang sa Ideya ng Kapwa

Pagbasa ng orihinal na likhang-tula ng guro.


Batay sa tulang iyong napakinggan, ano-ano ang mga paraan upang
maipakita o maipamalas mo ang paggalang sa ideya ng iyong kapwa?

Ano ang dapat mong gawin kapag mayroong ideya na hindi ka sumasang-
ayon?

Bakit dapat kang sumang-ayon sa desisyon na hindi mo gusto ngunit alam


mo na makabubuti sa nakararami?

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin at iiwasan upang


maipakita mo ang paggalang sa ideya ng kapwa. Lagyan ng tsek (√) ang
angkop na hanay.

Mga Gawain Gagawin Iiwasan


1. Paggiit ng sariling ideya o interes sa iyong
mga ka-grupo.
2. Pagsasaalang-alang ng saloobin ng kasapi
ng pangkat.
3. Pagbibigay ng mungkahi na makabubuti
para sa iyong sarili lamang.
4. Pakikilahok sa grupo sa pagbuo ng mga
solusyon.
5. Pagtiwalag kung hindi nasunod ang iyong
kagustuhan.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang masayang mukha kung
ang sitwasyon ay nagpapamalas ng paggalang sa ideya ng kapwa at bilugan
ang malungkot na mukha kung hindi.

1. Bilang isang pangulo ng klase, si Hector ay pumapanig sa pinakamainam


na desisyon para sa kanilang pangkat.
2. Bilang Punong Barangay, hinihimok ni Francis na magbahagi ng ideya ang
kanyang mga kagawad.

3. Kahit hindi nais ni Charlie ang naging resulta ng pagkapanalo ng kanyang


kaaway bilang pangulo ng kanilang klase, tinanggap niya ito nang maluwag
sa puso dahil ito ay pasya ng nakararami.

4. Nang malaman ni Rina na ang kanyang matalik na kaibigan ay may


ideyang kabaligtaran ng sa kanyang pananaw, iniwasan na niya ito.

5. Binalewala ng isang kinatawan ang ideyang ibinahagi ng matandang


kongresman dahil para sa kanya, ang ideya nito ay luma na at walang saysay.
Pagsasanay 3

Panuto: Piliin at isulat ang bilang ng usapan na nagpapamalas ng paggalang


sa ideya ng kapwa.
PAGLALAHAT

Sa paanong mga paraan mo maipapamalas ang paggalang sa ideya ng iyong


kapwa? ___________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Punan mo ang 5 kahon ng mga paraan ng iyong pagpapamalas ng


paggalang sa ideya ng iyong kapwa.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang sumusunod na sitwasyon ay


nagpapamalas ng paggalang sa ideya ng kapwa at MALI kung hindi.

_____ 1. Sinunod ng Tatay ang pasya ng Nanay na sa palengke na lang bumili


ng ulam kaysa sa grocery store dahil ito ay malapit lang sa kanilang bahay at
mas mura dito ang bilihin.

_____ 2. Binalewala ng alkalde ang ideya ng kanyang mga konsehal hinggil sa


hinihiling nilang pagbabago.

_____ 3. Ibinatay ng guro sa resulta ng botohan ng kanyang mga mag-aaral


kung paano nila ipagdiriwang ang kanilang Christmas Party.

_____ 4. Ipinilit ni Zyra na magdiwang ng kaarawan nang engrande kahit


sinabi na ng magulang nila na wala pa silang siguradong badyet para dito at
marami pang bayarin.

_____ 5. May sakit ang bunso nilang kapatid kaya’t sa pakiusap ng ate ay
hindi na lang dumalo sa party si Kuya dahil kailangan niyang umuwi.

T 5. T 3. 6 11
M 4. M 2. 5 9
T 1. 4 8
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay C

5. 5. Iiwasan 5.

4. 4 Gagawin 4.
3. 3. Gagawin 3.
2. 2. Gagawin 2.
1. 1. Iiwasan 1.
Pagsasanay B Pagsasanay A Balik-Aral

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
A. Aklat

Bautista, M. A. & Tecson, R. R. (2017). Gawi 6 Edukasyon sa Pagpapakatao.


Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.

De Guia, M.N. & Dango, J.C. (2016). Pagpapakatao 6 Paghubog ng Pagkatao


para sa Pagtibay ng Bansa. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Marte, N.C. & Punsalan, T. G. (2018). Paano Magpakatao 6 Batayan at


Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila: Rex Bookstore, Inc.

Mga Larawan

https://www.google.com/search?q=happy+and+sad+boy&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjaxbiXmbbqAhXByosBHaHHD3oQ2cCegQIABAA&oq=happy+and+sa
d+boy&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzICCAAyAggAMgYIABAIEB4yBggAEAg
QHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjoECAAQHlDN5QVY2YYGYKaO
BmgAcAB4AIABYIgB8wSSAQE4mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=
img&ei=ztIBX9qmOcGVr7wPoY_0Ac&bih=657&biw=1349&rlz=1C1GCEB_en
PH805PH805&tbs=isz%3Al&hl=en-GB

You might also like