Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Florante at Laura Saknong 1-26
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Vera Cristina Rillo-Nasayao
Editor: Joanna Marie L. Martirez
Tagasuri: Danilo L. Ungos
Tagaguhit: Via D. Delos Reyes
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larangan)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Florante at Laura Saknong 1-26

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul para sa
araling Florante at Laura Saknong 1-10 “Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw” at
Saknong 11-26 “Bayang Nagdurusa”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul ukol sa Florante at Laura
Saknong 1-10 “Sa Isang Madilim, Gubat na Mapanglaw” at Saknong 11-26 “Bayang
Nagdurusa”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Matapos ang aralin na ito, inaasahang: matatamo mo ang kasanayan

At layuning pampagkatuto.

Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang:

• matatalinhagang ekspresyon
• tayutay
• simbolo
Mga Layunin Pampagkatuto:

1. Nasusuri ang mga kaisipan sa mga binasang saknong.


2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa mga
saknong na binasa.
3. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa
napakinggan/nabasang bahagi ng aralin.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin mo ang paunang pagsubok. Susukatin lamang nito ang


iyong kaalaman hinggil sa paksang pag-aaralan. Magiging batayan ito
sa kung paano pagyayamanin ang iyong kaalaman sa paksa. Huwag
kang mag-alala kung iniisip mong mali ang iyong sagot sa bahaging ito
sapagkat susukatin lamang natin ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa paksang tatalakayin.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang tamang
sagot.

1. Ang gubat ay madilim at _____________.


A. malaki B. maliwanag C. mapanglaw D. mapanganib
2. Ang sakdal kisig at umibig nang labis sa angking ganda ay si
A. Adonis B. Florante C. Pluto D. Narciso
3. Ang isinasagawa sa mga mabubuti at may kagandahang-loob sa
Albania.
A. pinararangalan C. pinalalaya
B. pinapatay D. pinaaalis
4. Tanging hangad niya sa Albania ay korona at kayamanan.
A. Aladin B. Adolfo C. Florante D. Menandro
5. Punong may malalapad na dahon at di namumunga
A. acacia B. sipres C. higera D. hyena

BALIK-ARAL

Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita na bubuo sa


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang iyong sagot.

1. Minamasdan ni Kiko ang larawan ni Selya sa ___________ ilog na


madalas nilang pasyalan.
2. Tinawagan ni Balagtas ang mga ___________ at sirenas upang
saliwan sa lira ng kanyang tula.
3. Ang inihandog niyang tula ay naglalaman ng ______________ na
pag-ibig niya para kay Selya.
4. Ang puso ni Francisco Balagtas ay laging dumadalaw sa ilog
___________ at Hilom na mababaw.
5. Ang larawan ni Selya ay di mananakaw kay Kiko dahil sa
nakaukit ito sa kanyang puso at ____________.
ninfas anghel dalisay malalim

Beata isipan pangarap makating

ARALIN

Sa panimula ng awit ating matutunghayan ang isang gubat na


mapanglaw na may isang binatang nakagapos sa isang puno. Sa gagawin
mong pagbasa ng tula, namnamin at isapuso ang bawat mahahalagang
pangyayari sa mga saknong upang masagot ang mga katanungan.

Sino ang binatang kaawa-awang sa puno’y nakagapos sa gitna ng


gubat? Bakit kaya siya naroroon?
Ikalawa, magtataka rin tayo kung bakit ang gubat ay madilim,
katatagpuan ng mga mababalasik na hayop, may mga naglalakihan at
nakatatakot puno at higit sa lahat dinidilig ng tubig na makamandag mula
sa Ilog Cocito.

Habang binabasa mo ang bawat saknong, pansinin mo ang mga


paglalarawang ginawa ni Balagtas sa tula. Ano nga ba ang nais ipahiwatig ni
Francisco Balagtas sa mga simbolismong ito? Tinutukoy kaya niya ang ating
bansa sa panahong iyan?

Halina, tunghayan mo na ang kasagutan sa iyong mga agam-agam sa


pamamagitan ng pagbasa sa saknong ng awit.
Isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinhagang
pahayag o pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan
nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na
nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Ang Talinghaga ang nag-
uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay bagay na alam ng
taumbayan. Ang talinghaga ang mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat.
Hal. “Waring naghihirap ang kay Pebong Silang,
Dumalaw sa loob ng lubhang masukal”
Kahulugan: Hindi kasisikatan ng araw waring mahirap masilip ang
pag-asa o bagong umaga.
Ang Tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga
salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito.
Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa
isang tula.
Hal. “”Makinis ang balat at anaki burok,
Pilikmata’t kilay--- mistulang balantok”
Uri ng Tayutay : Pagtutulad o Simile
Ang Simbolismo naman ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan
sa tao,bagay at pangyayarihan.
Hal. “Sa isang madilim na gubat na mapanglaw,
Dawag na matinik ay walang pagitan..”
Paliwanag: Gubat bilang paglalarawan sa bansang Pilipinas noong
panahon ng Kastila.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay blg. 1

A. Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Basahin ang pangungusap at suriin ang salitang may


salungguhit. Bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa pangungusap.

1. Lubhang mapanglaw ang gubat na kinaroroonan ni Florante.


A. madawag B. malungkot C. mahalaman D. maliwanag
2. May bulo ang bunga ng kahoy kaya takot silang hawakan ito.
A. balahibo B. tangkay C. dahon D. lason
3. Punong-puno ng linggatong ang mga tao kaya sila tumawag sa
Diyos.
A. dusa B. dalita C. parusa D. lungkot
4. Mababata raw lahat ni Florante ang hirap basta maalala lamang
siya ni Laura.
A. makakaya B. matitiis C. malilimot D. malulugmok
5. Napakagandang pagmasdan ang balantok na pilikmata ni Florante.
A. tuwid B.makapal C. mahaba D. nakaarko
Pagsasanay blg. 2

4 pics 1 word

Panuto: Punan ng angkop na letra ang patlang upang mabuo ang salitang
may kaugnayan sa mga larawan at ilahad ang pangyayari sa aralin kaugnay
sa salitang nabuo. Isulat ito sa patlang na nakalaan.

1. __in__ta__g n__k__ga__o_

Pangyayari:

2. pag__ap__ng__a__

Pangyayari:

__________________________________________
3. __a__-i__ig

Pangyayari:

4. g__b__t

Pangyayari:

5. __iy__s

Pangyayari:
Pagsasanay blg. 3

Panuto. Basahin at suriin ang kaisipang nakapaloob sa aralin. Piliin ang


wastong sagot sa mga tanong.

A. Kaisipan:

“Ang isang taong walang hangarin kundi kayamanan at karangalan


ay hindi magiging mabuting pinuno.”

1. Anong damdamin ang nakapaloob sa kaisipan?


A. pagkatakot B. paghanga C. pagkalungkot D. pagkatuwa
2. Sinong tauhan ang nagpapatunay sa kaisipan?
A. Haring Linceo B. Florante C. Duke Briseo D. Adolfo

B. Kaisipan:

“Walang sinuman sa atin ang makaalam ng lihim ng Poong


Maykapal.”

3. Ano ang nais ipakahulugan ng kaisipan?


A. Ang Poong Maykapal lamang ang nag-iisip.
B. Ang Poong Maykapal ay malihim sa mga bagay na mangyayari sa
atin.
C. Ang Poong Maykapal ay mapagkalinga sa mga sumasampalataya sa
kanya.
D. Ang Poong Maykapal ay dakila at walang sinuman ang
makapagsasabi ng plano niya para sa atin.

Para sa bilang 4 at 5. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga


matatalinhagang pahayag/simbolismo mula sa saknong na binasa.

4. “Ay! Di saan ngayon ako mangangapit!

Saan ipupukol ang tinangis-tangis,

Kung ayaw na ngayong dinigin ng langit

Ang sigaw ng aking malumbay na boses!”


A. Siya’y galit sapagkat wala ng pag-asa ang kanyang bayan.
B. Hindi siya kayang tulungan ng langit kaya siya ay naghihinanakit.
C. Pagtangis ni Florante dahil pati ang langit ay bingi sa kanyang
hinaing.
D. Hindi na siya aasa pa sa tulong ng langit dahil sa lupit ng kanyang
sinapit.
5. “Sa isang madilim , gubat na mapanglaw

dawag na matinik ay walang pagitan,

halos naghihirap ang kay Febong silang

dumalaw sa loob na lubhang masukal.”

A. paglalarawan sa Pilipinas dahil sa limitadong sikat ng araw.


B. paglalarawan sa bansang Pilipinas bilang malungkot na lugar.
C. paglalarawan sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng mga kagubatan.
D. paglalarawan sa Pilpinas noong panahon ng Kastila dahil sa
kawalan ng hustisya.

PAGLALAHAT

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang O sa patlang kung ang pahayag
ay hango sa binasang mga saknong at H kung hindi.

__________1. Lahat nang nagaganap sa mundo ay kaloob ng Diyos.

__________2. Namamayani ang kabuktutan sa kaharian ng Albania.

__________3. Lubos na ikinalalakas ni Florante ang nangyari sa kanyang ama


at kay Haring Linceo.

__________4. Itinatanong ni Florante sa Diyos kung bakit hinahayaan Niya


ang Albania sa kasamaan.

__________5. Sa sinumang may taglay na kabutihan sa Albania ay


pinararangalan ni Adolfo.
PAGPAPAHALAGA

Ang mga pagsubok o problemang dumarating sa ating buhay ay


pinahihintulutang mangyari ng Diyos na makapangyarihan para sa isang
tiyak na layunin. Kaugnay nito magtala ka ng tatlong mabibigat na pagsubok
na naranasan mo at kung paano mo ito nalutas. Isulat din ang gintong aral
na iyong natutuhan mula sa pagsubok na iyong naranasan. Gamitin ang tsart
sa baba para sa iyong sagot.

Mga Pagsubok na Naranasan

Paano Ito Nalutas o Nalampasan

Gintong Aral na Natutuhan


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Batay sa katatapos


na aralin, isulat sa patlang na nakalaan ang letrang (T) kung tama ang
pahayag at (M) kung mali.

__________1. Naniniwala ang binata na walang nagaganap sa lupa na hindi


kagustuhan ng Diyos kung hindi para sa kapakanan ng
sangkatauhan.

__________2. Nawawala ang bait at katwiran dahil sa pagahahangad ng


kayamanan at kapangyarihan.

__________3. Ang tikas ng binata ay itinulad kina Adonis at Jupiter.

__________4. Dahil sa korona ni Duke Briseo at yaman ni Haring Linceo kaya


nakuhang magtaksil ni Konde Adolfo sa kaharian ng Albania.

__________5. Ang Basilisko ay isang halimaw na ayon sa alamat ay may


mukhang butiki na ang hininga at kislap ng mga mata ay
nakapagpapaantok.

__________6. Si Pluto ay isa sa mga Diyos ng mga Hentil at kinikilalang hari


ng reyno o kaharian ng impyerno.

__________7. Huwag daw maghangad ng labis na yaman sapagkat nagiging


dahilan ng maraming kataksilan.

__________8. Iniluklok ni Konde Adolfo sa kaharian ang mga nagsabi ng


katotohanan.

__________9. Ang gubat ay puno ng kalungkutan at mga hayop na ganid na


nagsisila ng buhay ng tao.

__________10. Matitiis ng binata ang magdusa sa kanyang kalagayan basta’t


isagi lamang siya ng Diyos sa isip ni Laura.

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Fil8 Q4 M4 Edited
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Document20 pages
    Fil8 Q4 M4 Edited
    Caloy Montejo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Camille Caacbay
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gines, Hanna Alexa L.
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Document16 pages
    Fil10 Q1 Alegorya NG Isang Yungib
    Dondie Archeta
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    50% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Document13 pages
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    RONALYN MODESTO
    No ratings yet
  • Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Document14 pages
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Joan Makiling
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Document18 pages
    FIL11 Q3 M16-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    Document16 pages
    M3 Kakayahang Lingguwistiko at Wika
    Mhaye Maranan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    100% (1)
  • Filipino: Modyul 8
    Filipino: Modyul 8
    Document20 pages
    Filipino: Modyul 8
    Wes
    No ratings yet
  • Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet
  • Matuto ng Indonesian - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Indonesian - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Indonesian - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet