Komunikasyon at Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

Lesson 1 : Wika

 Wika – mula sa salitang lengua na nangangahulugang dila at wika.


- ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka
naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan.
- Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika,
mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat.
- Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan.

 Wikang Pambansa – wikang pinatibay ng pambansang pamahalaan


- 1935 – batay sa Tagalog
- 1973 – nagsagawa ng hakbang upang ang pambansang wika ay tawaging
Filipino
- 1987 – Filipino

 Wikang Panturo – wikang ginagamit sa panturo na edukasyon.

 Wikang Opisyal – prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa


paaralan, sa pamahalaan , sa politika , sa komersyo at industriya Ingles at
Filipino

 Bilinggwalismo – magkahiwalay na paggamit ng filipino at ingles bilang


midyum ng pagtuturo.

 Mga dalubhasang nagbigay ng depinisyon


1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog .
- Ponema- tunog (pinaka-maliit na uri ng tunog)
- Morpena- salita ( pinaka-maliit na yunit ng salita)
- Sintaksis- tunog na maagham na pinatugma sa mga pangungusap
- Diskors- nagkaroon ng makabuluhang palitan ng dalawa o higit pang tao
2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng
simbolong pasalita.

3. Sturtevant (1968) – wika gamit ang salitang bigkas na kalaunan


naging sulat.

4. Hill (1976) – wika gamit ang tunog tao.

5. Brown (1980) – wika gamit ang preperensya ng tao

6. Bouman (1990) – wika gamit ang berbal at visual

7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang


ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
(Diksyonaryo)

 Sistemang balangkas – rules o tamang gamit ng salita


 Arbitraryo – paggamit ng ibang tao sa lenggwahe ng lugar.

Lesson 2: Mga konsepto pangwika

 Lingguwistikong Komunidad – ang wika ay ginagamit sa komunikasyon.


Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao. Umiiral lamang ito sa sektor,
groupo, o yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila ang wika.
Hal. Sektor – mga manggagawa na malaya sa kanilang karapatan at tungkulin sa
bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
 Multikultural na Komunidad – ang tunguhin ng multikultural na
komunidad ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”
Ang wika ay nahahati sa dalawa ang homogeneous na kalikasan nito at ang
heterogenous na kalikasan nito.

 Homogenous - Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego


na "homo" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang ibig
sabihin ay uri o yari.
- Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at
intonasyon.

 Heterogenous - Sa usaping wika, nagiging iba’t iba , samot sari o marami


ang mga wika dahil sa multikultural nating katangian, identidad , at
pinagmulan.
- Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-
iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila
ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.

Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay


ang permanente at pansamantala.

 Barayting Permanente
 a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at
katayuan sa buhay ng isang tao.
 b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat
indibiduwal na gumagamit ng wika.

 Barayting Pansamantala
 a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang
pinaggagamitan ng wika.
 b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at
relasyon ng nagsasalita sa kinakausap
 c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa
komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.
Mga halimbawa ng heterogeneous na katangian ng wika

 SOSYOLEK – Ito and uri ng wika na inililikha at ginagamit ng isang


pangkat o uring panlipunan.

Halimbawa - Karaniwang naiuugnay sa masa ang mga salitang balbal gaya


ng utol,ermats,dedma, epal.

 IDYOLEK - Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng


isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at
pisikal na katayuan.

Halimbawa – Paraan ng pananalita ni Kris Aquino

 DIYALEKTO – uri ng wika na nababago, nagbabago at nagiging natatangi


dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.

Halimbawa – Tagalog na nanganak ng uro o barayti tulad ng Tagalog-


Batangas, Tagalog- Manila at iba pa.

 REHISTRO – ito ay uring wika na nakabatay sa propesyunal o


panlalarangang basehan.

Halimbawa – Justice, Court, hearing (ABOGADO)

Lesson : Barayti ng Wika

 Unang Wika – mas kilala sa tawag na Katutubong wika (Kilala rin bilang
ina ng wika o arteryal na wika) ay ang wika na natutunan natin muna ng tayo
ay pinanganak.

 Pangalawang Wika – ito ay ang wikang banyaga tulad na lamang ng ingles.

 Dayalekto – barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.


Tinatawag itong wikain sa ibang aklat.
 Ekolek – wika sa bahay

 Etnolek - wika ng mga etnolonggwistikong groupo

 Register – wikang ginagamit sa isang partikular na lugar na domeyn na may


tiyak na pagpapakahulugan.

3 Dimensyong ng wika
 Field o larangan – layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga
 Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, kung
pasulat o pasalita.
 Tenor- relasion ng mga kalahok, nangangahulugan kung para kanino ito.

Lesson : Gamit ng wika sa lipunan


 Interaksyonal - ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at
pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
 Instrumental - ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan.
 Regulatori - ang tungkulin ng wikang gingamit sa pagkontrol o paggabay sa
kilos o asal ng ibang tao.
 Personal- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinion.
 Imahinatibo - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
 Heuristik - ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi
ng impormasyon.

Paraan ng Pagbabahagi ng Wika


(Jackobson 2003)

 Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - Pagpapahayag ng damdamin,


saloobin at emosyon.
 Panghihikayat (Conative) - Panghihimok at pag-iimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at
pakiusap

 Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Pakikipag-ugnayan sa kapwa


at makapagimula ng usapan.

 Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - Gamit ng wikang nagmula sa


aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon

 Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)- Lumilinaw sa mga suliranin sa


pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.

 Patalinghaga (Poetic)- Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan,


prosa, sanaysay at iba
pa.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

 SPEAKING- Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika


ayon kay
Hymes.

 SETTING- Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon

 PARTICIPANTS- Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o


kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan n gating
pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di
kay’y sinusulatan.

 ENDS- Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin


sa pakikipag-usap.
 ACT SEQUENCE- Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.

 KEYS- paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap.

 INSTRUMENTALITIES- Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon.


Lenggwaheng ginagamit o ang instrumenting ginamit upang
makipagkomunikasyon

 NORMS- Mahalagang maisaalang-alang ng isang tao ang paksa ng pinag-


uusapan.

 GENRE- Batid dapat ng tao kung ano ang genreng ginagamit ng kanyang
kausap, nang sa gayo’y aalam din ng kausap nang genre na kanyang
gagamitin.

Lesson : Kasaysayan ng Wika sa Iba’t ibang Panahon

Panahon ng Kastila
 Miguel Lopez De Legaspi - siya ang kauna-unahang kastilang gobernador-
heneral sa Pilipinas.
 Villalobos - nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe
II.
 Nasa kalagayang barbariko, di sibilisado o pagano ang mga katutubo noon.
 Itunuro ng mga kastila ang Kristyanismo

Panahon ng Amerikano
 Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
 Komisyong Schurman – inirekomenda nito noong Marso 4, 1899 na gawing
wikang panturo ang wikang Ingles.
 Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga
Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan.
 Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak- na- Bato noong 1897, itinadhanang
ang Tagalog ang opisyal na wika.
 Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosebelt ang Batas Tyding
McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

Panahon ng mga Hapon


 Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942,
nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista”.
 Purista - Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang gawing
wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
 Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito
namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles
ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento, nobela at iba
pa.

Ilang batas Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa pagpapaunlad ng Wikang


Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

 Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 (1937)- ipinahayag na ang tagalog


ang siyang magiging batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas

 Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang


pagpapalimbag ng “A tagalog English Vocabulary” at``Ang Balarila ng
Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa
(Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.

 Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong


Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik
nitong Filipino.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong
Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edisyon, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa Filipino

 Kautusang Tagapagpaganap Blg 87 (1969) – nilagdaan ng Pangulong


Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari
sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal
na komunikasyon at transaksyon.

 Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng


noo`y kalihim ng kagawaran ng Edukasyon na Si Jose E. Romero na nag-
aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – nilagdaan ni Kalihim Alejandro


Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-64 ang mga sertipiko at
diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Filipino

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – nilagdaan ni Kalihim Juan


Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin na
Ortograpiyang Pilipino

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – paggamit ng katagang Filipino


sa pagtukoy sa wikang pambansang Pilipino. Nilagdaan ni Lourdes
Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 (1987)- Panuntunan ng implementasyon


ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.

 Batas ng Komonwelt Blg. 570- ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang


wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946

 Proklamasyon Blg, 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon
Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)
 Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L Quezon.)

 Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang


pambansa ng Pilipinas. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at
ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto, ang buwan ng wikang Filipino.

Pagtalakay ng Iba’t ibang Indibidwal Ukol sa Wikang Pambansa


 ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Ang Katawan at
Kaluluwa....(Bahagi ng pagtalakay ni Efren R. Abueg)

 Komisyoner Wilfredo Villacorta - Ito ang isang umiiral na wikang


pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino...sapagkat ito ay isa nang
malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P.

 Ponciano Bennagen- Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng


komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na
binigyang-kahulugan ng isang pangkat ng mga pantas sa wika at mga
organisasyong pangwika bilang isang lumalawak na bersyon ng Pilipino.

 Komisyoner Francisco Rodrigo- Itong Filipino ay hindi isang bagong


kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino.

Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng kultura

 April Perez- Ang social media ay pangunahing ginagamit natin sa


paghahatid ng mensahe. Isa ito sa mga pangunahing proseso ng
komunikasyon at hindi kailan man maihihiwalay sa kultura ng lipunang
ginagalawan natin
 Ma. Althea Enriquez - pagtuturo ng wika, kailangang ituon ang atensiyon
ng mga guro sa anyo ng mga salitang ginagamit kaysa sa tungkulin nito sa
pangungusap
 Imelda De Castro – ang wika ay kailangang sumulong sa tinatawag na
transpormasyon para maka-adapt ito sa pagbabago ng panahon

Wikang Pambansa: Ang magpapalaya sa bansa sa trahedya ng pagkawala

 Ang wika bilang instrumento sa kapangyarihan -De Quiros, 1996


 Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan - Arao, 2010
 Ang wika bilang instrumento sa pagpayayaman ng edukasyon at kaalaman -
Constantino, 1996
 Ang wika bilang instrumento sa pamamahayag - Arao, 2007
 Ang wika bilang isang tagapag-unlad at tagapalaya - Geronimo, 2012

Lesson : Sanaysay

Sanaysay- Ito ay nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa


isang bagay. Naghahatid din ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon,
kaisipang makaagham, at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

Bahagi ng Sanaysay
 Simula – Karaniwang naglalagay ng pang-akit, atensyon ang nagsusulat ng
sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa
at sa bahaging ito makakapag-isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa
pagpabasa.

 Katawan o Gitna - Dito naman nakalagay ang malaking bahagi ng nilalaman


ng sanaysay. Nakasaad din ang mga mahahalagang impormasyon o ideya ng
may akda tungkol sa paksa.
 Wakas – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaaring magsulat ng
konklusyon, buod ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa
mambabasa. Maaari ring maglagay ng pahayag na hahamon sa pag-iisip ng
babasa ng akda.

Elemento ng Sanaysay
 Tema/Paksa – Sa bahaging ito ipinapahayag ng may-akda ang layunin ng
kanyang pagsulat ng sanaysay.

 Anyo at Istruktura- Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto


ito sa pagkaunawa ng mambabasa, ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pag-unawa sa
sanaysay.

 Wika at Istilo- Elemento ng sanaysay na higit na nagpapayaman sa kaisipan


ng mga mambabasa kung kaya`t higit na mas mabuting gumamit ng simple,
natural at matapat na mga pahayag.

 Kaisipan – Mga ideyang nagpapalinaw sa tema. Nailalarawan ang buhay sa


isang makatotohanang salaysay. May masining na paglalahad ng
ginagamitan ng sariling himig ng may-akda.

 Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kanyang


damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan
at kaganapan.

You might also like