Professional Documents
Culture Documents
Rebyuwer Sa Ec2 (Semi Pinal Na Pagsusulit)
Rebyuwer Sa Ec2 (Semi Pinal Na Pagsusulit)
Rebyu ng Literatura
Ayon kay Mongan-Rallis (2014), ang rebyu ng literatura ay hindi anotasyon ng sanggunian na
kung saan ay ibinubuod ang bawat artikulo na binasa. Bagamat ang buod ng iyong mga binasa
ay nakapaloob sa rebyu ng literatura, dapat itong tingnan nang malalim higit sa simpleng
pagbubuod ng mga propesyunal na literatura. Ito ay nakatuon sa mga espisipikong paksa ng
interes kasama ang kritikal na pag-analisa sa ugnayan ng bawat iskolarling sulatin sa
kasalukuyang pag-aaral.
Ang pagbubuod ay ang paglalahad ng mga pangunahing ideya sa mga binasang literatura
gamit ang sariling salita. Ito ay ang pinaiksing bersyon ng orihinal na teksto. Nakatutulong ito
nang malaki sa mananaliksik sapagkat idinidikta nito kung ano ang mahalaga at higit na
mahalagang ideya buhat sa orihinal na teksto.
Ang pagpaparirala ng orihinal na teksto (paraphrasing) ay mabisang metodo upang
maiwasan ang pangungopya o plagiarism habang isinasagawa ang rebyu ng isang pag-aaral.
Äng sariling salita o lenggwahe ng nagsasagawa ng pag- aaral ay iniuugnay o inilalagay sa
orihinal na bersyon. Ang pagpaparirala ay ang kumpletong pagpapalit ng salita at hindi ang
simpleng pag-aayos ng mga salita batay sa orihinal. Magagawa ang pagpaparirala kung ganap
na haintindihan ng nagsasagawa ng rebyu ang orihinal na teksto.
Ang personal na komento ay mahalaga ring konbensyon sa pagsulat ng rebyu sapagkat dito
nabibigyan ng pagkakataon ang nagsasagawa ng rebyu na pagtatahiin ang kaugnayan ng
bawat literatura na kasama sa pag-aaral. Dapat nga lamang tandaan na maging lohikal sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga batayan sa bawat argumentong ibinibigay upang
mapanatili ang pagiging iskolarli ng isang rebyu.
Pilin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin. Masasabi na may sapat ka ng sanggunian
para sa rebyu matapos maisagawa ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon habang
nagbabasa. Ito ang tamang pagkakataon upang magdesisyon kung gagamit ng buong rebyu
(full review) o munting rebyu (mini review). Marami sa mga dyornal sa kasalukuyan ang higit na
pumapabor sa munting rebyu (mini review) na nakatuon ang pansin sa mga pag-aaral na bago
na may limitasyon sa bilang ng salita at sipi (citations).
Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit gawin ito na higit na malawak na
interes. Mahalaga ang pokus sa pag-aaral anuman ang uri ng rebyu na napagpasyahan mong
gamitin kaugnay ng iyong pananaliksik. Karaniwan na nagiging isyu o usapin ng mga
mananaliksik ang pagpapanatili ng pokus lalong higit kung kinasasangkutan ito ng rebyu ng
magkahalong disiplina (interdiscipline) na ang layunin ay lutasin ang usapin na hindi pa napag-
aaralan.
Maging mapanuri at konsistent. Ang isang mabuting rebyu ay hindi isang simpleng
pangangalap at pagbubuod ng datos, kundi ito ay pagkakataon para sa isang kritikal na
pagtalakay, pagtukoy sa mga usaping pangmetodo, pagtukoy sa mga isyu na hindi nabigyan ng
solusyon sa pag-aaral.
Maghanap ng lohikal na istruktura. Bukod sa matalinong rebyung literatura, mahalaga rin sa
pananaliksik ang maayos na istruktura ng paglalahad ng bawat ng rebyu: Maaaring gamitin ng
mga mag-aaral ang sumusunod na ideya sa pagbuo ng rebyu:
1. Paggamit ng iskema o balangkas. Makatutulong ito upang lohikal na maisa-ayos ang mga
detalye ng rebyu at maiugnay ito sa iba pang mga pag-aaral. Ang maingat na pagpili ng diagram
at mga pigura na may kaugnayan sa paksa na nirebyu ay makatutulong nang malaki sa pagbuo
ng istruktura ng teksto.
Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging obhektibo, sa gagawing ito. May
mga pagkakataon na ang isang mananaliksik ay magsasama ng sariling pag-aaral sa gagawing
rebyu ng mga literatura at pag-aaral. Wala namang prohibisyon sa bagay na ito subalit
iminumungkahi pa rin na maging obhektibosa buong proseso ng rebyu. Bilang isang
mananaliksik, inaasahan ang pag-iwas sa mga pagkiling upang mapanatili ang katatagan at
kredibilidad ng isang pag-aaral.
Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o mga nakaraang pag-aaral. Suriin ang
mga sanggunian batay sa sakop nito at kapanahunan. Ang rebyu ay kailangang sumakop sa
mga sanggunian nailathala sa loob ng nakalipas na limang taon subalit hindi kailangang isa-
isangtabi lamang ang mga luma o landmark cases na may mahalagang papel na ginagampanan
sa pananaliksik.
IKAWALONG LINGGO:
PAMAMARAAN SA PAGTITIPON NG DATOS
3. Document Analysis at Content Analysis. Ayon kay Bowen (2009), ang document
analysis o pagsusuri sa dokumento ay isang proseso sa pagsusuri sa anyo, estruktura
at nilalaman ng mga dokumento upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang
paksa. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga tema kung saan iikot
ang pagpapakahulugan sa isang dokumento. May tatlong uri ng dokumento ayon kay
O'Leary (2014): 1) pampublikong tala tulad ng policy manuals, annual reports,
handbooks, syllani, strategic plans, 2) personal na dokumento tulad ng e-mails,
scrapbooks, blogs, duty logs, incident report, reflections, journals, at 3) pisikal na
ebidensiya tulad ng flyers, posters, agenda, training materials.
Narito ang mga mungkahing hakbang sa pagsusuri ng dokumento ayon kay O'Leary
(2014):
a. Tukuyin ang mga dokumentong susuriin at tiyakin ang awtensidad ng mga ito.
b. Tukuyin kung may mataas na subjectivity ang nilalaman ng dokumento.
Mahalaga ito upang mas maging balance ang pagsusuri sa nilalaman nito.
c. Suriin ang latent content ng dokumento. Kasama sa latent content ang estilo ng
pagkakasulat, ang tono ng mga pahayag, ang intensyon ng pagsulat, at ang mga
opinyon at katotohanan ng nilalaman.
4. Policy Review at Impact Assessment. Ang policy review ay isang pamamaraan ng
pagsusuri ng isang nag-e-exist na patakaran upang matukoy kung ito ay mabisa at
kapaki-pakinabang. Sa pagsasagawa nito, maaaring gamitin ang SWOT analysis upang
malaman ang kahinaan at kalakasan nito kasama na ang mga nakaambang panganib
at posibleng oportunidad na dala nito. Gayon pa man, maaari rin namang suriin ang
bisa at kahusayan gamit ang isang estandardisadong panukat na karaniwan ay
inilalabas ng pamahalaan o mga standardization organization. Posible ring gumawa ng
pansariling panukat na nakabase sa mga tiyak na pamantayang nais makita sa polisiya.
Halimbawa, kung susuriin ang polisiyang ekonomiko ng Pilipinas, maaaring magtakda
ng pamantayan tulad ng impak nito sa mahihirap, long term na epekto, short-term na
epekto, at legalidad. Sa malalawak na kategoryang ito, bubuo ng mga espesipikong
pamantayan upang makita ang kahusayan o kahinaan ng polisiya.
Ginagamit ito para makita ang kakulangan o kahigitan ng isa sa iba upang magamit sa
paglinang at pagpapabuti nito. Isang halimbawa na maaaring gamitan ng metodong ito
ang pag-aaral sa kulturang Pilipino at Amerikano. Maaaring gawan ng pagtutulad ang
dalawang kulturang ito base sa kung ano ang kulturang umiiral sa Pilipinas dahil sa
impluwensya ng pananakop ng mga Amerikano, at ng pag-iba ng kultura ng dalawang
bansa base sa lokasyong topograpikal ng mga ito.